You are on page 1of 3

Fil 102: Pagbasa at Pagsulat sa Ibat-ibang Disiplina

PAGBUO NG TENTATIBONG BALANGKAS

Layunin:

• Malaman ang kahulugan ng balangkas


• Malaman ang kahalagahan ng pagbabalangkas
• Malaman ang proseso ng pagbabalangkas
Ano ang Balangkas?
Ang Balangkas o outline ay isang napakahalagang gabay sa isang maayos na
anyo ng isang mabuting sulating pananaliksik.
Ang Balangkas ay isang maayos na planong nakasulat na nagpapakita ng
dibisyon ng mga ideya at ng kanilang pagkakaayos ayon sa kanilang kaugnayan sa iba
pang mga ideya (Roth, 1999).
Mahalaga ang paggawa ng balangkas dahil sa sumusunod:
1. Pinananatili nito ang mga ideya sa isip ng mananaliksik kahit na ang pagsulat ng
papel ay matagal pang gawin;
2. Pinahihintulutan nitong ayusin at muling ayusin ang mga ideya nang walang
kahirapan;
3. Biswal na ipinakikita nito kung paano ayusin ang mga bahagi;
4. Ipinakikita nito ang lakas at kahinaan ng papel pananaliksik sa tamang panahon
upang makagawa ng pag-aayos bago o kahit sa panahon ng pagsulat.
ORGANISASYON NG MGA IDEYA
1. Panahon – maraming paksang kailangang iharap ayon sa ayos kronolohikal.
2. Alam papuntang di-alam o simple kompleks – ang paraang ito ay gumagabay
sa mambabasa mula sa isang bagay na alam o pamilyar na papunta sa isang
bagay na hindi pa pamilyar o hindi pa nauunawaan.
3. Pagkakatulad at pagkakaiba - ito ay parehong nagpapakita ng kaugnayan ng
mga bagay, ideya o mga tao.
4. Panlahat papuntang partikular o partikular papuntang panlahat – ganito ang
gagawin kung magsisismula ka sa malawak na mga ideya at ayusin ang mga
nahuhuling impormasyon sa serye ng mga tiyak na punto at tatalakayin mo ito
hanggang sa umabot ka sa malawak na ideya.
5. Suliranin at solusyon o katanungan o kasagutan – iyo ay tumatakalay sa
kung paano nalutas ang isang partikular na suliranin o kaya ay ang paghahanap
sa solusyon ng isang suliranin.
6. Sanhi at bunga o bunga at sanhi – ang papel ay maaaring magsisimula sa
isang pangyayari (sanhi) at ipapakita ang resulta nito (bunga).
Pagbabalangkas
Balangkas na paksa – ang ideya ay nakasulat sa salita, parirala o phrase, o kaya
ay isang sugnay pagkatapos ng mga tradisyonal na simbolo.
Halimbawa:
I. Mga prinsipyo ng poligrap
II. Gamit sa negosyo
A. Makaiwas sa pagnanakaw
B. Magsala ng magiging empleyado
Balangkas na pangungusap – ito ay naglalaman ng mga kompletong
pangungusap at may bantas na tuldok sa hulihan.
Halimbawa:
I. Sinusukat ng poligrap ang mga pagbabagong pisyolohikal sa pagsagot sa mga
tanong
II. Ginagamit ng mga pribadong negodyo ang pagsubok na poligrap sa dalwang
dahilan.
A. Sinusubok ang mga empleyado upang maiwasan ang pagnanakaw.
B. Ang hihiranging mga empleyado ay sinusubok sa kanilang mga katangiang
maaaring maging dahilan upang hindi sila magiging mabuting empleyado.
Balangkas na talata – ay gumagamit ng parehong mga simbolo na ginagamit sa
mga balangkas na paksa at pangungusap.
Ang balangkas na desimal - ito ay gumagamit ng ibang simbolo na kaiba kaysa
mga naibigay na halimbawa.
Halimbawa:
1.
1.1
1.1
1.2
1.3
Halimbawa ng tentatibong balangkas
Ang Tradisyon ng mga Maranao sa pag-aasawa
I. Introduksyon
a. pagpapakilala sa mga maranao
b. pagtalakay sa kulturang maranao
II. ang tradisyon ng mga maranao sa pag-aasawa
a. ang mga gawi at paniniwala ng mga maranao
b. ang mga dahilan ng mga maranao sa pagsunod sa kanilang tradisyon sa pag-
aasawa
c. ang epekto sa buhay may-asawa ng mga Maranao sa pagsunod sa tradisyong
ito
III. Konklusyon
a. Pagbubuod
b. Konklusyon
c. Rekomendasyon

You might also like