You are on page 1of 1

John Marvin M.

Santoyo ME – 301

Reneil T. Llegue FLIN02G

PRELIM OUTPUT

Gawain: Ang gawaing ito ay binubuo ng dalawang bahagi.

1. Ano ang pinakagampanin (gamit/function) ng mother tongue bilang wikang panturo sa mga unang
taon ng pagkatuto ng mga mag-aaral sa elementarya? (Talakayin ang inyong sagot)

Napakalaki ng gampanin ng mother tounge ng alin mang bansa mapa us, china, pilipinas at iba
pa bilang wikang panturo sa mga panimulang magaaral sa elementarya. Dahil dito mas nalilinang o
napapalawig ang kaalaman ng mga bata sa nakasanayang wika ng kani-kanilang bansa. Sa unang taon
din sa elementarya nagsisimulang makipagkomunika ang mga bata kaya’t malaking tulong na malinang
ang pagaaral ng mother tounge dahil sa mas madami o mas malawak ang kanilang makakausap mapa
bata man o matanda. Maraming problemang kinakaharap ang mga batang hindi nagsimula sa pagamit
ng mother tounge, isa na rito ang pagkalito ng mga bata sa akmang lenggwahe. Minsan hindi maiwasang
pagsamahin ng ilang nakatatanda ang lenggwahe ng English at Filipino kung kaya’t nasasanay ang mga
batang gamitin ang dalawang lenggwahe na hindi alam kung ano ang pinagkaiba nito.

2. Bilang kolehiyo, paano nakakatulong sa inyong pagkatuto at pagpapahayag (pasulat o pasalita man)
ang paggamit ng sariling wika o ng wikang Filipino?

Bilang isang purong Pilipino na lumaki sa sariling bansa at nagaaral sa kolehiyo napakalaking
tulong ng pagamit ng sariling wika sa pagkatuto at pagpapahayag. Aminado kaming mga kolehiyo na ilan
saamin ay hirap sa pagamit ng ingles dahil sa nasanay at nakalakihan ang wikang Filipino. Kung kaya’t isa
sa mga problemang kinakaharap naming mga kolehiyo ang pagamit o pagpapahayag ng aming mga guro
sa wikang ingles. Halimbawa nito ang mga matematikang asignatura, dito ay madalas ang pagamit ng
ingles sa pagpapahayag ng aming guro kaya’t madalas upang maintindihan ay isinasalin pa naming ito sa
wikang Filipino upang masagutan ang mga problemang nakaatas sa aming mga asignaturang
matematika.

3. Bakit mahalagang makabuo o makasulat ng mga maka-Pilipinong pananaliksik?

Karamihan sa mga Pilipino ay hindi nakapag tapos at walang pinagaralan kung kayat nahihirapan
sa pagintindi ng wikang ingles. Kaya makakabuti ang pagsalin at paghubog o pagbuo ng mga pananaliksik
sa wikang Filipino. Sa ganitong paraan maipapakilala ang kakayahan at talino ng mga Filipino hindi
lamang sa Pilipinas kundi pati narin sa buong mundo. Sa pagsulat din ng Filipino na pananaliksik
maipapakita ang pagmamahal sa bayan. Dahil dito maaring mamulat o maraming mapulot na
impormasyon ang mga Pilipino na magagamit sa pang araw araw na buhay. Nagkaroon na ng iba’t ibang
uri ng pananaliksik noon pa man na nagmulat sa mga Pilipino. Isa na rito ang mga likha ni Dr. Jose Rizal
at iba pa, dahil dito namulat at nagising ang diwa ng mga Pilipino sa mapangabusong dayuhan.

You might also like