You are on page 1of 33

7

Filipino
Unang Markahan – Modyul 1:
Kuwentong-bayan ng Mindanao
(Mga Pahayag sa Pagbibigay ng Patunay)
Filipino – Ikapitong Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 1: Kuwentong-bayan ng Mindanao
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng
akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

gsusulat ng Modyul

errisa I. Dizon / Jennelyn L. Ocampo


th C. Evangelista Tagasuri:Marites M. Ravago Tagaguhit:Jenrose D. Adraneda Tagalapat:Maybel B. Cerezo
: Emmanuel S. Gimena Jr.

Mga Tagapamahala:
Romeo
Schools M. Alip,Superintendent
Division PhD, CESO V William Roderick
: R. Fallorin Milagros M. Peñaflor, PhD Edgar E. Garcia
Mila
: Education Program D. Calma Arlene
Supervisor, LRMDS S.:Carlos
Education Program Supervisor, AP/ADM : Education Program Superviso
MDS Coordinator: Emmanuel S. Gimena Jr. Hilda V. Sayson
Maybel B. Cerezo
Loreta Michelle W. Bamba Aldrine Y. Teleron
Mae Laine Villaruel Carolyn R. Reyes

Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – Schools Division of Bataan


Office Address: Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan
Telefax: (047) 237-2102
E-mail Address: bataan@deped.gov.ph
7

Filipino
Unang Markahan – Modyul 1:
Kuwentong-bayan ng Mindanao
(Mga Pahayag sa Pagbibigay ng Patunay)
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino at Ikapitong Baitang ng


Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Kuwentong-Bayan ng
Mindanao at Mga Pahayag sa Pagbibigay ng Patunay!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka,
ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa


mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,
bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang
mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang


kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

mga mag-aaral ng Baitang 7 bilang tugon sa hamon ng makabagong panahon “New Normal” upang patuloy na mahubog ang kanila

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino at Ikapitong Baitang ng Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Kuwentong-Bayan ng Mindanao at Mga
Pahayag sa Pagbibigay ng Patunay!

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin.


Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


Alamin dapat mong matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


Subukin ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


Balikan upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


Tuklasin ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


Suriin pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Binubuo ito ng mga gawaing para sa


Pagyamanin malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.
Naglalaman ito ng mga katanungan o
Isaisip pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.
Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong
Isagawa sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.
Ito ay gawain na naglalayong matasa o
Tayahin masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagan Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
g Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.
Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa
Susi sa Pagwawasto lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na
ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari
ka rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o
sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging
itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!
Alamin

Ang modyul na ito ay idinisenyo at isinulat upang tulungan kang pahalagahan ang
iyong pagka Pilipino sa pamamagitan ng pag-unawa sa mga akdang pampanitikan
ng Mindanao.
Ang modyul na ito ay nahahati sa dalawang aralin:
Aralin 1 - Panitikan: Kuwentong-Bayan “Si Usman, ang Alipin”
Aralin 2 - Wika at Gramatika: Mga Pahayag sa Pagbibigay ng mga Patunay

Matapos ang modyul na ito, inaasahang matutuhan mo ang:


1. nahihinuha ang kaugaliang panlipunan ng lugar na pinagmulan ng
kuwentong-bayan batay sa mga pangyayari at usapan ng mga tauhan
(F7PN-Ia-b-1); at
2. nagagamit nang wasto ang mga pahayag sa pagbibigay ng mga patunay
(F7WG-Ia-b-1)

Subukin

Simulan natin ang aralin sa pagsukat ng lawak ng iyong kaalaman tungkol sa


bayan ng Mindanao.

Handa ka na ba? Kung ganon, tara at magsimula ka na.

I. Panitikan:

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong. Isulat sa sagutang papel
ang titik ng tamang sagot.

1. Bakit kailangang pag-aralan ng mga Pilipino ang panitikan mula


Mindanao kaugnay ng pag-unawa sa mga Mindanaon?
a. Nang mabatid nilang tama ang kanilang persepsiyon sa mga taga
Mindanao
b. Dahil hindi ito masyasdong pinag-aaralan
c. Sapagkat maraming panitikan ang Mindanao na hindi nailalathala
d. Upang mabatid nila ang ugat ng mga pag-uugali ng mga taga Mindanao

1
2. Bakit mahalagang malaman ng mga Pilipino ang kultura ng Mindanao?
a. Malalaman nila ang epekto ng digmaan sa Mindanao
b. Makikita nila ang magagandang tanawin dito
c. Mauunawaan nila ang mga kababayan sa Mindanao
d. Masusuri nila ang pamahalaan ng Mindanao
3. Bakit kailangang mulat tayo sa usaping pangkapayapaan ng Mindanao?
a. Mapapayaman ang kanilang kaalaman ukol sa Mindanao
b. Nakikilala nila ang kanilang sarili bilang salik ng pag-unlad ng Mindanao
c. Matututuhan nila ang iba’t ibang kultura ng Mindanao
d. Nakakaapekto ang Mindanao sa turismo at ekonomiya ng bansa
4. Ano ang nilalaman ng mga akdang Pilipino partikular ng akda ng
Mindanao?
a. Turismo c. Mga kilalang tao
b. Kultura d. Relihiyon
5. Paano mapapalaganap sa kasalukuyang henerasyon ang mga panitikang
sumasalamin sa kultura ng bansa?
a. Magsaliksik sa mga kultura ng bansa
b. Bumisita sa mga museo at cultural heritage sites
c. Ipagpagpatuloy ang pagsulat at pagbasa ng mga panitikan ng bansa
d. I-promote ang sariling kultura
6. Alin sa mga pahayag ang nagpapakita ng kultura ng mga Muslim
May isang datu na tumandang binata. Nakalimutan na niyang mag-asawa
dahil sa lagi siyang abala sa paglilingkod. Pinayuhan siya ng matatandang
tagapayo na kinakailangan niyang mag-asawa upang magkaroon siya ng anak
na magiging tagapagmana niya.
a. May isang datu na tumandang binata.
b. Nakalimutan niyang mag-asawa.
c. Abala siya sa paglilingkod sa pinamumunuan niya.
d. Kailangan niyang mag-asawa upang magkaroon ng anak na magiging
tagapagmana.
7. Naging pihikan ang datu dahil sa dami ng magagandang dilag, Sa tulong ng
mga tagapayo natuto ring umibig ang datu. Ngunit hindi lamang iisang
dilag ang napili ng datu kundi dalawang dalaga na maganda na at mababait
pa.
a. Naging pihikan ang datu dahil sa dami ng magagandang dilag.
b. Natuto ring umibig ang datu.
c. Hindi lamang iisang dilag ang napili ng datu kundi dalawang dalaga.
d. Dalagang maganda at mababait pa ang napili ng datu.
8. “Huwag kayong mag-alala, hindi tayo pababayaan ni Allah. Hindi ko kayo
hahayaang magutom.”
a. Huwag kayong mag-alala
b. Hindi tayo pababayaan ni Allah.
c. Hindi ko kayo hahayaang magutom
d. Lahat ng nabanggit
II. Wika at Gramatika

Panuto: Lagyan ng tsek ( ) ang mga pahayag kung ito ay nagpapakita ng


patunay at ekis (x) kung hindi.
9. Ang ginawang pagtulong ng ating pamahalaan sa mga nagkaroon ng
sakit na COVID 19 ay nagpapahiwatig ng pagiging mapagkalinga sa
mga tao.
10.Ayon sa usap usapan ng karamihan ang pumaslang sa mga alagang
hayop sa isang bakuran ay kagagawan ng isang aswang.
11.Ipinakita sa pamamagitan ng isang video ang tunay na nangyari
sa isang aksidenteng nganap sa isang pampublikong lugar sa Maynila.
12.Ang tulong mula sa ibat ibang pribadong organisasyon na umabot na
sa napakalaking halaga ay nagpapakita ng kabutihang-loob ng mga tao
sa lipunan.
13.Ang mga tao sa isang pamayanan ay nagtutulungan at nagkakaisa sa
kabila ng hirap na kanilang pinagdadaanan dulot ng krisis o trahedya.
14.Ang kuha mula CCTV ang ginawang ebidensya upang madakip ang
lalaking tumangay ng nakaparadang sasakyan mula sa isang pribadong
paradahan.
15.Pinatutunayan lamang na ang mga Pilipino ay lubhang matatag sa
kabila ng hirap na pinagdadaanan na dulot ng epidemya.
Aralin

1 Kuwentong-bayan

g mga Espanyol. Ito’y lumaganap at nagpasalin-salin sa iba’t ibang henerasyon sa paraang pasalindila o pasalita. Nasa anyong tuluy

Balikan

Sa pamamagitan ng memory bubbles, magbigay ng ilan sa mga datos o mga


impormasyon na alam mo na tungkol sa Mindanao. Sagutan mo ito sa hiwalay na
papel. Gayahin mo ang pormat palitan mo lang ng iyong sagot ang mga nakasulat
sa mga bubbles.

lugar sa
pagdiriwang na Mindanao kilala o bantog
isinasagawa sa Mindanao na taong nakatira dito

produkto sa
kultura at Mindanao
tradisyon nila
Mga Tala para sa Guro
Hindi mo man makita ang kagandahan ng Mindanao, ngunit sa pamamagitan ng modyul na ito ay masasa

Tuklasin

Halina’t tuklasin ang kultura ng Mindanao sa pamamagitan ng pagbasa sa


kuwentong-bayan ng Maguindanao.

“Si Usman , Ang Alipin”


(Muling pagsasalaysay ni Arthur P. Casanova batay sa pagkukuwento ni Datu
Abdul Sampulna, isang Maguindanaon mula sa Lungsod ng Cotabato (1983).)
Nang mga nagdaang panahon, may isang lalaking nagngangalang Usman.
Pinaniniwalaang nananahan siya sa malayong sultanato at isa siyang alipin.
Matapang, malakas, mataas, at kayumanggi si Usman. Higit sa lahat siya ay
matapat.
Isang umaga, nagpasiya si Usman na bumisita sa palengkeng malapit sa palasyo
ng namumunong sultang nagngangalang Zacaria. Masama ang ugali ni Sultan
Zacaria. Siya’y malupit at pangit ang itsura. Dahil hindi niya matanggap ang
kanyang anyo, nagsagawa siya ng kautusang ang lahat ng mga lalaking
nakahihigit sa kanyang anyong pisikal ay dapat kitlin at maglaho.
Sa palengke, nakita si Usman ng mga tauhan ni Sultan Zacaria. Mabilis na nag-
ulat ang mga tauhan sa sultan tungkol sa pagkakita nila kay Usman na sa tingin
nila’y mas makisig kaysa sa sultan. Kagya’t na nag-utos ang sultan na ibilanggo si
Usman at pagkatapos ay patayin ito. Agad na sinunod ng mga tauhan ang
kautusan ng sultan.
Nang makita ni Potre Maasita, ang dalagang anak ng sultan si Usman ay
nakadama siya agad ng pag-ibig sa unang pagkikita nila ng binata. Nagmamadali
siyang pumunta sa kanyang amang sultan at nagmakaawang patawarin at
pakawalan si Usman.
“Para mo nang awa, Ama, pakawalan mo si Usman. Wala po siyang kasalanan,”
ang pagmamakaawa ng dalaga sa ama. Ngunit sadyang malupit ang sultan. Hindi
siya nakinig sa pagsusumamo ng kanyang anak. “Walang sinumang makapipigil sa
akin,” ang wika niya sa sarili.
“Hu, hu, hu, maawa ka sana kay Usman, Ama,” ang panangis ni Potre Maasita
ngunit hindi siya pinansin ng sultan. Nagmatigas ito sa kanyang kagustuhan.
Sinubukan ni Potre Maasita na mag-isip ng paraan upang mapigilan ang
kamatayan ng lalaking labis niyang iniibig. Lihim siyang nagpadala ng mga
mensahe sa mga guwardiya ngunit ang lahat ng mga ito’y ipinararating nila sa
sultan. Bunga niyon, nagpupuyos sa galit ang sultan. Dahil nga sa siya’y tunay na
malupit, kanyang inutos na pati si Potre Maasita ay ikulong din.
Sa bilangguan, nagkaroon ng pagkakataong maging mas malapit sa isa’t isa sina
Usman at Potre Maasita. Higit na tumindi ang pagmamahalan nila sa isa’t isa.
Sa panahong iyon lumabas ang pinal na kautusan. Kamatayan ang inihatol ng
sultan para sa kanila. Habang nasa daan ang sultan patungo sa silid na
pagbibitayan sa dalawa., biglang lumindol nang malakas. Yumanig sa palasyo at
nagiba ang pook. Napulbos ang buong palasyo. Isang malaking bato ang bumagsak
sa ulo ng sultan na naging sanhi ng kanyang biglaang pagkamatay. Isa itong
malupit na kamatayan para sa isang malupit na tao.
Samantala, sinubukan nina Usman at Potre Maasita na makalaya mula sa
bilanguan. Nang makalabas sila’y hindi nagdalawang-isip si Usman. Mabilis pa sa
kidlat niyang tinulungan ang mga sugatan at mga nasawi. Sa kabilang dako,
tumulong din si Potre Maasita sa mga naulila at mga nagangailangan ng tulong at
pagkalinga.
Nang bumalik sa normal ang sitwasyon ay ipinagbunyi sila ng mga taumbayan. “
Mabuhay si Usman ! Mabuhay si Potre Maasita ! “ ang pagbubunyi at labis na
pagpapasalamat ng mga ito kina Usman at Potre Maasita. Labis ang kanilang
kasiyahan nang matanto nilang mabait na tao si Usman at si Potre Maasita nama’y
may mabuting kalooban.
Nang sumunod na araw, isang kasalan ang naganap. Si Usman, na isang alipin, ay
naging sultan at si Potre Maasita naman ang itinalagang sultana.
Mula noon, biniyayaan ang sultano ng pagmamahalan kasabay ng kaunlaran sa
buong kaharian. Natagpuan ng taumbayan ang kagandahan at kaunlarang
kabaliktaran ng nagdaaang panahon kung saan namayani ang kapangitan at
kalupitan.

Sanggunian : PINAGYAMANG PLUMA Ikalawang Edisyon


Naunawaan mo ba ang iyong binasa ? Kung mayroon kang hindi naunawaan
maaari mo namang balikan at basahin muli ang akda upang mas maging malinaw
sa iyo ang nilalaman nito, at nang maging handa ka rin sa pagsagot sa mga
katanungan ukol dito.
Ngayon ay kuhanin mo ang iyong sagutang papel at sagutan ang mga inihanda
kong gawain para sa iyo.

Gawain 1 : Paglinang ng Talasalitaan:

Panuto : Punan ng wastong titik ang bawat bilog upang mabuo ang mga salitang
kasingkahulugan ng salitang nakasalungguhit.

1. Isang umaga, nagpasya si Usman na bumisita sa palengkeng malapit sa


palasyo ni Sultan Zacaria.

p u n a

2. Hindi nakinig sa pagsusumamo ng kanyang anak ang sultan.

a m a a k a w

3. Isang malaking bato ang bumagsak sa ulo ng sultan na naging sanhi ng


kanyang pagkasawi.

g a m t y

4. Napagtanto ng lahat na mabuti palang tao ang kanilang bagong sultan.

n l a n

5. Nagbunyi ang mga tao sa pagkakaroon ng bagong pinuno.

a s a y
Gawain 2: Pag-unawa sa Binasa:

Panuto : Isulat ang katangian ni Sultan Zacaria sa loob ng mga kahon

bilang pinuno bilang ama

Gamitin ang estratehiyang Read and React sa pagbuo ng sariling


saloobin/opinyon/reaksyon batay sa binasang akda.
Read : Si Sultan Zacaria ay nagsagawa ng isang kautusang lahat ng mga
lalaking nakahihigit sa kanyang anyong pisikal ay dapat kitlin at maglaho.

React :

Read : Para mo nang awa, Ama, pakawalan mo na si Usman. Wala po siyang


kasalanan,” ang pagmamakaawa ng dalaga sa ama.

React :

Read : Habang nasa daan ang sultan patungo sa silid na pagbibitayan sa


dalawa, biglang lumindol nang malakas. Isang malaking bato ang bumagsak
sa ulo ng sultan na naging sanhi ng kanyang biglaang pagkamatay. Isa itong
malupit na kamatayan para sa malupit na tao.

React :

Read : Lihim na nagpapadala ng mensahe si Potre Maasita sa mga guwardiya


ngunit ang lahat ng mga ito ay ipinarating nila sa sultan. Bunga niyon,
nagpupuyos sa galit ang sultan.Dahil sa siya’y tunay na malupit, kanyang
inutos na pati si Potre Maasita ay ikulong din.

React :
Read : Sinubukan nina Usman at Potre Maasita na makalaya mula sa bilangguan. Nang makalabas sila’y hind

React :

Read : Nang bumalik sa normal ang sitwasyon ay ipinagbunyi sila ng mga taumbayan. “Mabuhay si Usman! Mabu

React :

Suriin

Nasagutan mo ba ang mga gawain ? Mahusay ! Binabati kita .


Ngayon ay magsimula ka namang magsuri sa ugnayan ng tradisyon at akdang
panitikan, kung saan malinaw mong makikita na ang panitikan ay sumasalamin
sa tradisyon ng isang lahi.
Panuto : Piliin at isulat sa iyong sagutang papel ang bahagi ng akda na
nagpapakita ng mga nasabing tradisyon sa kuwentong-bayang “Si Usman, ang
Alipin”

Tradisyon Bahagi ng Akda


Respeto sa pinuno at mga
nakatatanda
Bawal ang pang-aabusong
emosyonal, pisikal at sikolohikal sa
mga kababaihan
Karapatang tumanggap o tumanggi
sa kasal
Pagyamanin

Panuto : Piliin sa Hanay B ang kaugnay na tradisyon ng mga nasa larawan sa Hanay
A. Isulat ang letra ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.

Hanay A Hanay B

A. Pangalawang seremonya sa
pagbibinyag ng mga Muslim
na tinatawag na
penggunting
1.
B. Isang kaganapang pang
relihiyon ng mga Muslim ,
na nagaganap tuwing ika-
siyam na buwan sa
kalendaryo ng Islam
2.

C. Ang mga Muslim ay


nagpapakasal dahil ito ay
alinsunod sa kanilang
paniniwala at sa turo ng
propetang Muhammad at ni
3.
Allah

D. Sinisimbolo ito ng
kagandahan, kalakasan at
karangyaan ng isang babae.
4.

E. sumamba sila sa Diyos ng 5


ulit sa isang araw na
nakaharap sa kinaroroonan
ng Mecca
5.
Isaisip

Panuto : Gamit ang # ( hashtag ) bumuo ng mga hugot lines tungkol sa mga
tumatak sa isipan mo at natutuhan sa ating aralin. Gawin ito sa isang oslo paper.

# #

Isagawa

Ngayong napatunayan mo na ang kuwentong-bayan ay mahalagang bahagi ng


ating kultura dahil sumasalamin ito sa tradisyon o kaugalian ng lugar na
pinagmulan nito.
Maglahad ka ng limang paraan upang makatulong na mapalaganap at
mapanatiling buhay ang mga kuwentong-bayan lalo na sa mga kabataang katulad
mo. Isulat ang iyong sagot sa iyong sagutang papel.

1.

2.
3.
4.
5.
Tayahin

Ngayon ay nais kong tayahin ang iyong mga natutuhan sa Aralin 1 ng modyul na
ito. Handa ka na ba sa pagtataya ? Kuhanin ang iyong papel at balpen at simulan
na ang iyong pagsagot.

Panuto: Maghinuha sa kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na


pinagmulan ng kuwentong-bayan batay sa mga pangyayari o usapan ng mga
tauhan.

1.Si Usman ay nagtungo sa palengkeng malapit sa palasyo ni Sultan Zacaria.


Mahihinuhang ang nasasakupan ng sultan ay....
a. may maunlad na pamayanan c. maraming mabibili
b. gustong dinarayo ng ibang tao d. may magandang palengke
2. Kaagad na sinunod at hindi tinutulan ng mga tauhan ng sultan ang kanyang
utos na hulihin at kitlan ng buhay ang mga lalaking nakahihigit sa kanya sa
itsura. Mahihinuha sa pahayag na ito na...

a. mabait ang sultan c. mayaman ang sultan


b. kinatatakutan ang sultan d. mahal ng mga tao ang sultan
3. Nagmakaawa si Potre Maasita sa kanyang amang sultan na pakawalan ang
lalaking kanyang mahal subalit hindi siya pinakinggan nito. Mahihinuhang ang
sultan ay...
a. matalino c. matigas ang kalooban
b. mabait d. makapangyarihan
4. Sinubukan ni Potre Maasita na mag-isip ng paraan upang mapigilan ang
kamatayan ng lalaking labis niyang iniibig. Mahihinuha sa ginawa ng dalaga na
siya ay...
a. matapang at hindi basta sumusuko c. mahinang babae
b. matalino at maparaan d. suwail na anak
5.Lihim siyang nagpapadala ng mga mensahe ngunit ang lahat ng mga ito’y
ipinarating ng mga guwardiya sa sultan. Mahihinuha sa pahayag na ang mga
tauhan ng sultan ay...
a. tapat sa kanilang pinuno c. taksil ang mga guwardiya
b. may lihim na gusto sa dalaga d. matatakutin
6. Sa panahong iyon lumabas ang pinal na kautusan. Kamatayan ang inihatol ng
sultan para sa kanila. Mahihinuha sa pahayag na ito na...

a. wala silang sinusunod na batas c. may kanya-kanya silang batas

b. pinal ang kautusan ng kanilang pinuno d. marami silang batas


7. Habang nasa daan ang sultan patungo sa silid na pagbibitayan sa dalawa,
biglang lumindol nang malakas. Yumanig ang palasyo at nagiba ang pook.
Mahihinuha sa pangyayari na ito na...
a. nakapaghiganti na ang mga taumbayan sa sultan
b.ang kalikasan na ang gumawa ng paraan upang maputol na ang
kasamaan ng sultan
c. ipinagdarasal ng magkasintahan na mamatay ang sultan
d. sinadya ng mga tao na mangyari ito sa sultan
8. Tinulungan ni Usman ang mga sugatan at mga nasawi. Tumulong din si Potre
Maasita sa mga naulila at mga nangailangan ng tulong at pagkalinga. Mahihinuha
na ...
a. walang pakialam ang mga tao sa kapwa nila
b. kanya-kanya ang mga nanirahan dito
c. buhay pa rin ang diwa ng pagtutulungan
d. upang magustuhan siya ng mga tao
9. Nang bumalik sa normal ang sitwasyon, ipinagbunyi ng taumbayan ang
pagkakaroon nila ng bagong pinuno. Mahihinuhang...
a. ikinatutuwa nila ang pagkakaroon ng mabubuting pinuno kapalit ng dati
nilang malupit na pinuno
b. nababahala sila na baka katulad din ng dati nilang pinuno ang mga bago
nilang pinuno
c. nagdarasal sila na mabago na ang sitwasyon nila
d. nagbabakasakali na mas maaayos ang kanilang pamumuhay
10. Noong unang panahon, may mag-asawang naninirahan sa malayong lugar ng
Agamaniyog. Si Lokes a Babay at Lokes a Mama. Bago magtakipsilim inilalagay na
ng mag-asawa ang kani-kanilang bitag sa gubat at binabalikan ito sa madaling-
araw. Mahihinuha mula sa kuwentong-bayan ng Maranao na ang kalagayang
panlipunan ay...
a. maunlad c. payapa
b. mahirap d. maluho
11. Nang magdalaga si Tuan Putli ay maraming dugong bughaw ang lumigaw sa
kanya. Mahihinuha sa kwentong-bayan ng Zamboaga na ang kalagayang
panlipunan ay...
a. mayaman c. payapa
b. mahirap d. maluho
12. Naganap ang kasalan ni Tuan Putli at Manik Buangsi at sa piging na iyon ay
bumaba ang mga bathala mula sa kalangitan upang saksihan ang kanilang pag-
iisang dibdib. Mahihinuha sa pahayag na...
a. ang kasal ay isang seremonyas lamang
b. mahalaga ang mga panauhin sa kasal
c. hindi dapat ipagpaliban ang kasal
d. ang kasal ay mahalaga sa kanila
13. Ang datu ay matiyagang pinapayuhan ng mga matandang tagapayo.
Mahihinuha na...
a. matatandang tagapayo ang dapat na nagpapasya
b. mas makapangyarihan ang mga matatandang tagapayo kaysa sa mga datu
c. malaki ang paggalang ng mga muslim sa mga matatandang tagapayo
d. hindi nakakapagpasya ang datu
14. Dahil sa ipinakitang pagmamahal ng dalawang asawa ng datu masayang-
masaya ito. Mahihinuha na...
a. ang isang lalaking Muslim ay maaaring makapag-asawa ng dalawa o higit pa
b. bawal sa mga Muslim ang mag-asawa
c. mas masaya ang buhay may asawa
d. hindi dapat mag-asawa ng dalawa o higit pa ang mga Muslim
15. Mula noon nagbago na ang pananaw ni Budong dahil sa sarimanok na
nagsasalita, nais na niyang mamasyal kasama ang kaniyang pamilya kaysa
maglaro ng computer. Mahihinuha dito na si Budong ay ...
a. may pagpapahalaga sa pamilya
b. ayaw lumabas kasama ang pamilya
c. mahilig sa mga laro sa computer
d. mas gustong nasa loob ng bahay

Binabati kita sa iyong husay sa pagsagot sa mga gawaing inilaan sa iyo ng Modyul
1 Aralin 1.
Karagdagang Gawain

Para sa iyong huling gawain hingin ang patnubay ng iyong magulang at


ibang miyembro ng pamilya, pumili ng isa sa mga kuwentong-bayang nabasa mo
na o nabasa na ng kahit sino sa miyembro ng pamilya mo. Isulat ang buod nito .
Lagyan ng guhit ang kaugalian at kalagayang panlipunan ng kuwentong bayan na
ibinuod mo.

-
Pamagat

Narito ang pamantayan sa pagmamarka ng iyong ibinuod na kuwentong-bayan.

Kahanga- Mahusay Magaling Pagbutihin


Pamantayan hanga ( 4 na (3 pa Marka
(5 puntos) puntos) puntos) (2 puntos
)
Kaisahan at
pagkakaugnay-
ugnay
Kumpletong
mga elemento
ng kuwento
Sumasalamin
sa kultura ng
lugar na
pinagmulan ng
kuwentong-
bayan
Aralin
Mga Pahayag sa Pagbibigay
2 ng mga Patunay
Magandang araw sa iyo! Binabati kita sa pagtatapos mo ng unang aralin, ngayon
tayo naman ay magpapatuloy para sa ikalawang aralin ng modyul na ito.

Madalas ay naririnig mo ang maraming tao na nag-uusap tungkol sa isang isyu.


Halimbawa, may balitang kumakalat sa isang pamayanan, paano mo mababatid na
ang balita na kumakalat ay may katotohanan o likhang isip lamang. Katanggap
tanggap ba na ang isang impormasyon na iyong malalaman ay walang
pinagbabasehan.

Ngayon sisikapin ng modyul na ito na higit mong maunawaan ang tamang


paggamit ng mga pahayag sa pagbibigay ng mga patunay.

Marahil ay nakahanda ka na. Huwag kang mag-aalala, tutulungan ka ng modyul


na ito.

Balikan

Matapos mong talakayin ang unang aralin ng modyul na ito gamit ang tekstong “Si
Usman, Ang Alipin” batid kong ikaw ay may natutunan sa paghihinuha ng
kaugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na pinagmulan ng kuwentong bayan
batay sa mga pangyayari at usapan ng mga tauhan.

Atin muling subukin!

Gamit itong graphic organizer iyong punan ang mga linya ng hinihinging
kasagutan sa sumusunod:

Sa tradisyong Muslim, ang Ano ang ginawa ni Sultan Zacaria sa


anumang uri ng pang-aabuso kanyang anak na si Potre Maasita
sa kababaihan tulad ng na nagpakitang hindi siya sumunod
pang- aabusong emosyonal, sa tradisyong ito?
pisikal at sikolohikal ay
ipinagbabawal
Sa tradisyong Muslim, ang
babae ay may karapatang
tumanggap o tumanggi sa
alok na kasal. Hindi siya
maaaring piliting
magpakasal ng hindi ayon sa
kanyang kagustuhan.
Paano naiugnay ang tradisyong ito sa
ginawang pagpili ni Potre Maasita
kay Usman para maging asawa niya?

Mga Tala para sa Guro


Ang modyul na ito ay naghahanda sa mga mag-aaral upang magamit nang wasto ang mga pahayag sa pagbibigay ng mga patunay.

Tuklasin

Mahusay! Batid kong alam mo na ang unang Aralin, ngayon naman ay dumako na
tayo sa Ikalawang Aralin ng Modyul na ito. Nais ko na habang iyong binabasa ang
susunod ng teksto ay pansinin mo ang mga pahayag na may salungguhit.

Handa ka na ba? Halina at simulan mo na!

Basahin ang Teksto:

DAVAO
Ang Lungsod ng Dabao (Kastila: Davao) ay isa sa mga pinakamahalagang lungsod
sa Pilipinas at ang sentro ng pakikipagkalakalan at pananalapi sa Mindanao. Ito
rin ang pinakamalaking lungsod sa Pilipinas ayon sa sakop ng lupain, na may higit
sa 2444 kilometro kwadrado. Ang lungsod rin ang nagsisilbing sentro ng
Kalakhang Dabaw, ang pinakamataong sentrong urbano sa Mindanao. Ito ay isa sa
mga lungsod ng Pilipinas na nagmamahalang nagsasarili, bagaman pinapangkat
ito sa lalawigan ng Davao del Sur para sa ibang layuning estadistiko. Ang lungsod
ay sentrong pangrehiyon din ng Rehiyon ng Davao (Rehiyon XI).
May mga lokal na mga mananalaysay na sinasabing ang salitang "Dabaw" ay
nanggaling sa palabigkasang paghahalo ng salita ng mga tatlong grupo ng mga
katutubong Bagobo na tumutukoy sa ilog na tinatawag ring Ilog Dabaw sa
kasalukuyan. Para sa mga katutubong Obo, "Davoh" ang tawag sa ilog na ngayon
ay
tinatawag na Golpo ng Dabaw, habang "Dahwaw" o "Davau" naman ang tawag ng
mga Clatta o mga katutubong Guianga sa ilog. "Dabu" naman ang tawag sa ilog
para sa mga katutubong Tagabawa; gayunpaman, "dabu" rin ang tawag sa mga
pook na matatagpuan sa mga matataas na bahagi ng baybaying-ilog. Kung
sinuman ang nagtatanong sa mga katutubo na saan sila patungo, ang kadalasang
sagot ay "davoh" habang tinutukoy ang direksiyon patungo sa bayan. Ang salitang
"Dahwaw" ay tumutukoy rin sa isang pook kung saan nakipagkalakalan ang mga
katutubo sa kanilang produkto galing sa mga kagubatan kapalit ng asin o iba pang
mga produkto.
https://tl.wikipedia.org/wiki/Lungsod_ng_Dabaw

Suriin

MGA PAHAYAG SA PAGBIBIGAY NG MGA PATUNAY


May mga pahayag na ginagamit sa pagpapatunay ng katotohanan ng isang bagay,
lugar o pangyayari, halimbawa sa tekstong iyong binasa na “Ang Davao” na kung
saan ay maraming impormasyon at kaalaman tungkol sa naturang lugar, ngunit sa
iyong binasa ikaw ba ay napaniwala sa mga pahayag na ginamit para ilarawan at
ipakilala ang naturang lugar?
Sa araling ito ay iyong mauunawaan ang wastong gamit ng mga pahayag sa
pagbibigay ng mga patunay. Ang mga pahayag na ito ay iyong magagamit upang
ikaw ay makapagpatunay at ang iyong paliwanag ay maging katanggap-tanggap o
kapani-paniwala sa iyong mga tagapakinig. Karaniwang ang mga pahayag na ito ay
dinurugtungan na rin ng datos o ebidensya na lalo pang makapagpapatunay sa
katotohanan ng iyong inilalahad.
Narito ang mga pahayag sa pagbibigay ng mga patunay.
1. Nagpapahiwatig ang tawag sa pahayag na hindî direktang makikita, maririnig
o mahihipo ang ebidensiya subalit sa pamamagitan nitó ay masasalamin ang
katotohanan.
Halimbawa: Kung sinuman ang nagtatanong sa mga katutubo na saan sila
patungo, ang kadalasang sagot ay "davoh" habang tinutukoy ang direksiyon
patungo sa bayan.
2. Nagpapakita nagsasaad na ang isang bagay na pinatutunayan ay tunay o totoo.
Halimbawa: Ang tulong mula sa iba't ibang bansa na umabot sa mahigit 14
bilyong piso ang nagpapakita sa likas na kabutihang-loob ng mga tao anuman
ang kulay ng balat at lahing pinanggalingan.
3. May Dokumentaryong Ebidensiya ito ay mga patunay na maaaring nakasulat,
larawan o video.
4. Nagpapatunay/Katunayan ang salitang nagsasabi o nagsasaad ng pananalig
o paniniwala sa ipinahahayag.
Halimbawa:
Sa katunayan may mga lokal na mga mananalaysay na sinasabing ang
salitang "Dabaw" ay nanggaling sa palabigkasang paghahalo ng salita ng
mga tatlong grupo ng mga katutubong Bagobo.
5. Taglay ang Matibay na Kongklusyon ang tawag sa katunayang pinalalakas ng
ebidensiya, pruweba o impormasyon.
Halimbawa:
Ang lungsod ay sentrong pangrehiyon din ng Rehiyon ng Davao (Rehiyon XI).
6. Kapanipaniwala nagpapakita na ang ebidensiya ay makatotohanan at
maaaring makapagpatunay.
Halimbawa:
Ang Lungsod ng Dabao (Kastila: Davao) ay isa sa mga
pinakamahalagang lungsod sa Pilipinas at ang sentro ng pakikipagkalakalan
at pananalapi sa Mindanao.
7. Pinatutunayan ng mga Detalye Makikita mulâ sa mga detalye ang patunay ng
isang pahayag. Mahalagang masuri ang mga detalye para makita ang
katotohanan sa pahayag.

Halimbawa:
Pinatutunayan lamang ng nabanggit na detalye na ang Davao ang
pinakamalaking lungsod sa Pilipinas ayon sa sakop ng lupain, na may higit
sa 2444 kilometro kwadrado.

Narito ang mga elemento ng isang pahayag ng patunay para maging iyong gabay.

1. Ang isang pahayag ay maayos na naisusulat kapag buo ang diwa nito at
naiintindihan ng nagbabasa o tagapakinig,
2. Upang mas maging mabigat ang importansya nito, nakakatulong ang
pagdaragdag ng mga pahayag na may kalakip na ebidensya sa iyong sinabi.
3. Mas kapani-paniwala ang isang pahayag kapag may isang matibay na
ebidensyang sumusuporta dito.

Pagyamanin

Ngayon naman ay dumako tayo sa isa pang lugar sa Mindanao, basahin mo ang
maikling tekstong Ang Lanao Del Sur. Pagkatapos, sagutin mo ang mga tanong
gamit ang mga pahayag na nagpapatunay.
ANG LANAO DEL SUR

Ang Lanao Del Sur ay isang lalawigan ng Pilipinas na matatgpuan sa Autonomous


Region in Muslim Mindanao (ARMM). Ang Lungsod Marawi ang kabisera nito.
Napapalibutan ang Lanao Del Sur ng mga lalawigan ng Lanao Del Norte sa hilaga,
Bukidnon sa silangan, at Maguindanao at Cotabato sa sa timog. Sa timog-kanluran
makikita ang Look ng Illana, isang sangay ng Golpo ng Mora. Matatatagpuan sa
loob ng Lanao Del Sur ang Lawa ng Lanao, ang pinakamalawak na lawa sa
Mindanao, kung saan makikita ang Talon ng Maria Cristina, ang pinakamalaking
talon sa bansa.
Ang pangalang Lanao ay nagmula sa salitang ranao na nangangahulugang “lawa”.
Ang lawa ay malaking bahagi ng buhay ng mga tao sa lugar na ito kaya naman ang
mag Meranao na siyang tawag sa mga taong naninirahan dito ay tinatawag ding
“mga tao sa lawa”
Meranao din ang tawag sa wikang sinasalita ng mga tao sa lalawigan ito. Ang
nakararaming mamamayan ng Lanao ay Muslim. Kilala ang mga Meranao sa
pagiging malikhain. Makikita sa kanilang mga kagamitan ang ukit na tinatawag na
okir kung saan pinakikilala ang sarimanok.
Mapalad ang mga Meranao sa pagkakaroon ng magandang klima, hindi masyadong
mainit at lihis din sila sa daanan ng bagyo kaya hindi sila gaanong nasasalanta ng
mga bagyong dumaraan sa bansa.

Gamit ang graphic organizer magbigay ng Ebidensiya o Patunay tungkol sa mga


pahayag na nakasulat sa tekstong “Ang Lanao Del Sur”.

Malikhain at may Maganda ang uri ng


katutubong sining ang mga klimang umiiral sa Lanao
Maranao. Del Sur.

Ebidensiya o Patunay Ebidensiya o Patunay


_
Isaisip

Matapos mong aralin ang paggamit nang wastong pahayag sa pagbibigay ng


patunay.

A. Punan ang sumusunod na talahanayan.

ANO ANG IYONG MGA NATUTUHAN? GAANO ITO KAHALAGA?

B. Kompletuhin ang sumusunod na pahayag.

Mahalagang matutuhan ang paggamit ng mga pahayag sa pagbibigay ng


patunay dahil
Isagawa

Isang malaking pangyayari para sa mga Pilipino ang pinagdadaanan natin sa


kasalukuyang panahon ang Covid-19. Kaugnay nito, inaasahan natin na
napakalaking epekto ang dulot nito sa bawat isa sa atin. Gumawa ng talata na
nagsasaad tungkol sa kasalukuyang kalagayan o pagbabagong nangyayari sa ating
bayan. Gumamit ng mga salita o pahayag na nagbibigay ng patunay .Gumawa ng
2 hanggang 3 talata at ang bawat talata ay may 5 pangungusap na kung saan
gagamitan ng tamang bantas, sa huling talata ay magbigay nang opinyon na kung
saan bilang isang mag-aaral ano ang maitutulong mo sa ating bansa upang
mapagtagumpayan natin ang naturang pandemya.

RUBRIKS SA PAGWAWASTO

Hindi Naisakatuparan Naisakatuparan Naging


Kraytirya Naisakatuparan ngunit mas ngunit may mahusay at
( 1 puntos ) lamang ang mga minimal konsistent
mga na ( 4 puntos )
pagkakamali pagkakamali
( 2 puntos ) ( 3 puntos )
Nasunod ang mga
panuntunang inilahad ng
guro.
Natalakay nang may
kaisahan ang ibinigay na
paksa o tema.
Nagamit ang kasanayan sa
gramatikang pinagaralan.
Naging kawili-wili at
nakaeengganyong basahin
ang buong sulatin.
Sumunod sa tamang gamit
ng mga bantas, espasyo,
ispeling, at pagbuo ng
talata.
KABUUAN = (20 aytems)
Tayahin

Gumawa ka ng limang pangungusap na ginagamitan ng mga pahayag na may


patunay. Maaring kang gumamit ng kahit anong paksang iyong naisin. Ang bawat
isang pangungusap ay may katumbas na tatlong puntos.

1.

2.

3.

4.

5.

Karagdagang Gawain

Maghanap ka ng mga babasahin katulad ng magasin, dyaryo at iba pang uri ng


babasahin, magbasa ng balita, teksto o iba pang uri ng lathalain. Pagkatapos ay
sumipi ka ng 5 mga pahayag at suriin kung alin sa pitong pagpapahayag ang
ginamit.

MGA PAHAYAG NA NAKALAP PAGPAPAHAYAG NA GINAMIT

1.

2.

3.

5.
Susi sa Pagwawasto

ARALIN 1

Aralin 2
Sanggunian
Julian, A., Lontoc, N., Reyes, C. and Dayag, A., 2017. Pinagyamang Pluma 7. 2nd ed.
Quezon, City: Phoenix Publishing House, Inc.

Baisa, A., Lontoc, N. and Esguera-Jose, C., n.d. “Ang Lanao Del Sur”. Pinagyamang
Pluma. 2nd ed. Phoenix Publishing House.

K to 12 Filipino Most Essential Learning Competencies (MELC)


https://www.scribd.com. n.d. Filipinogr7qtr1-Reg-Pdf. [online]

https://news.abs-cbn.com. 2017. Tradisyunal-Na-Pambabatok-Sa-Kalinga-


Nais- Ipreserba. [online]

https://www.wikiwand.com. n.d. Ramadan. [online]

http://filipinoforfilipinos.blogspot.com. 2017. Ang-Munting-Ibon-Maikling-Kwento.


[online]

https://www8.gmanews.tv/webpics/v3/2012/11/640_ZZZ_111512_regions_b.jpg

https://muslimatkasal.weebly.com/uploads/3/7/3/9/37392009/4799401.jpg

https://www.scribd.com/doc/231777322/Ang-Pagbibinyag-Ng-Mga-Muslim.
2020. Ang Pagbibinyag Ng Mga Muslim.

https://tl.wikipedia.org. Lungsod Ng Dabaw. [online]

https://tl.wikipedia.org. n.d. Lanao_Del_Sur. [online]


Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Region III,


Schools Division of Bataan - Curriculum Implementation Division Learning Resources Managem
Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan Telefax: (047) 237-2102
Email Address:

You might also like