You are on page 1of 20

8

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 2:
Ang Misyon ng Pamilya sa Pagbibigay
Edukasyon, Paggabay sa Pagpapasiya at
Paghubog ng Pananampalataya
(Linggo: Ikaapat)

2
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikawalong Baitang

Alternative Delivery Mode

Unang Markahan – Modyul 2: Ang Misyon ng Pamilya sa Pagbibigay ngEdukasyon,


Paggabay sa Pagpapasiya at Paghubog ng Pananampalataya

Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Ysmaela Chat A. Asdillo
Editor: Ysmaela Chat A. Asdillo
Tagasuri: Macrina K. Villaluz Florence A. Casquejo Lorna R. Renacia
Tagaguhit: Elmar L. Cabrera
Tagalapat: Ysmaela Chat A. Asdillo
Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin, CESO V Donre B. Mira, Ed.D.
Fay C. Luarez, Ph.D., Ed.D., TM Rosela R. Abiera
Nilita L.Ragay, Ed.D. Maricel S. Rasid
Adolf P. Aguilar, Ph.D., Ed.D., TM Elmar L. Cabrera

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental

Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental


Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
E-mail Address: negros.oriental@deped.gov.ph

i
8

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 2:
Ang Misyon ng Pamilya sa
Pagbibigay ng Edukasyon,
Paggabay sa Pagpapasiya at
Paghubog ng Pananampalataya
(Linggo: Ikaapat)

ii
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 8 ng Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Ang Misyon ng Pamilya sa Pagbibigay
Edukasyon, Paggabay sa Pagpapasiya at Paghubog ng Pananampalataya!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa
pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy
upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K
to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong
hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon
din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo
habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa
pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung


paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito,
inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang
isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 8 ng Alternative Delivery


Mode (ADM) Modyul ukol sa Ang Misyon ng Pamilya sa Pagbibigay Edukasyon, Paggabay
sa Pagpapasiya at Paghubog ng Pananampalataya!

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at magsakatuparan
ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na ikaw, bilang isang mag-aaral,
ay may angking kakayahang matutuhan ang mga kaugnay na kompetensi at kasanayan.
Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga
kamay.

iii
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din
nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

iv
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o
sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin
lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-
aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong
sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa
bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang


pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi.
Kaya mo ito!

v
MODYUL 2 : ANG MISYON NG PAMILYA SA PAGBIBIGAY
NG EDUKASYON, PAGGABAY SA PAGPAPASIYA AT
PAGHUBOG NG PANANAMPALATAYA

Naipapaliwanag na:
A. Bukod sa paglalang, may pananagutan ang mga magulang na
bigyan ng maayos na edukasyon ang kanilang mga anak, gabayan
sa pagpapasya at hubugin ang pananampalataya.

B. Ang karapatan at tungkulin ng mga magulang na magbigay ng


edukasyon ang bukod-tangi at pinakamahalagang gampanin ng
mga magulang (EsP8PBId-2.3)

Naisasagawa ang mga angkop na kilos tungo sa pagpapaunlad ng mga


gawi sap ag-aaral at pagsasabuhay ng pananampalataya sa pamilya
(EsP8PBId-2.4)

1
Panimula

Mission: Impossible… Pamilyar ba sa iyo ang mga katagang ito?


Marahil napanood mo na rin minsan ang pelikulang ito. Nais kong
gamiting gabay ito sa pagpapakilala sa iyo ng susunod na aralin. Ang mga
magulang ay binigyan ng napakahalagang misyon na arugain, igalang, at
mahalin ang kanilang mga anak. Ito ay isang misyon na hindi madali;
bagkus ay puno ng maraming hamon. Sa kasalukuyan nahaharap sa
maraming banta ang pamilyang Pilipino, mas magiging mahirap para sa
isang pamilya, lalonglalo na para sa isang magulang, ang isakatuparan
ang napakahalagang misyon upang maihanda ang kanilang mga anak sa
pakikipagkapwa; mga misyon na itinuturing ng iba na imposible kasabay
ng maraming pagbabago sa lipunan. Ano nga ba ang pananagutan ng
mga magulang sa mga anak at ano ang bukod-tangi at pinakamahalaga
sa mga ito? Paano nga kaya matitiyak na posible ang misyon na ito?

Sa modyul na ito, titingnan natin kung paano magiging Mission:


Possible....ang pagganap ng pamilya sa napakahalagang misyon
na ito at sasagutin natin ang mahalagang tanong na: Ano ang
pinakamahalagang gampanin ng magulang sa kanilang mga anak?

2
Mga Layunin

Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod


na kaalaman, kakayahan at pag-unawa:

Kaalaman : Nakapagsisiyasat sa mga mabuting gawi sa sariling


pamilya sa pagtupad ng mga pananagutan nito lalo
na sa paggabay sa pagpapasya

Saykomotor : Nakalilikha ng sanaysay tungkol sa sariling


karanasan ng paghubog ng magulang sa
pananampalataya ng mga anak bilang misyon sa
pamilya

Apektiv : Naisasabuhay ang mga mabubuting pagpapasya na


itinuturo ng magulang sa pamamagitan ng pagsunod
nito

3
Panimulang Pagtataya

Panuto: Basahin at unawain ang mga aytem sa bawat bilang. Piliin ang
pinakaangkop na sagot at isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Ang karapatan para sa _____________ ng mga bata ay orihinal at pangunahing


karapatan.
A. edukasyon B. kalusugan C. buhay D. pagkain at tahanan
2. Bahagi ng buhay ng isang lalaki at babae na nagpasiyang magpakasal at
magkaroon ng mga anak. Ito ay___________________.
A. bunga ng kanilang pagtugon sa tawag ng Diyos na magmahal.
B. makapagpapatatag sa ugnayan ng mag-asawa.
C. susubok sa kanilang kakayahan na ipakita ang kanilang pananagutan
bilang magulang.
D. pagtugon sa kagustuhan ng Diyos na maparami ang tao sa mundo.
3. Ang sumusunod ay nagpapakita ng tunay na pagiging mapanagutan ng
magulang maliban sa:
A. pagharap sa anumang hamon sa lahat ng pagkakataon na
ginagabayan ng prinsipyong moral
B. pag-agapay sa mga anak sa lahat ng pagkakataon lalo na sa
panahon ng mga hamon upang ang mga ito ay matagumpay na
malampasan
C. pagkakaroon ng pananagutan sa Diyos, sa kanilang konsensiya at sa
lahat ng mga taong ibinigay sa kanila ng Diyos upang paglingkuran at
alagaan
D. malayang pagganap sa kanilang mga tungkulin kakambal ang
pagtanggap sa anumang kahihinatnan ng kanilang mga pagganap at hindi
pagganap sa mga ito
4. Sino sa sumusunod na magulang ang hindi tunay na gumaganap ng kanilang
tungkulin sa kanilang mga anak?
A. Si Leonardo at Rose na nagpaplano at nagpapasiya para sa katiyakan ng
magandang buhay para sa kanilang mga anak.
B. Sina Edith at Jojo na pinag-aaral ang kanilang mga anak sa elementarya
dahil sa kanila ito lamang ang tiyak na magbigay ng magandang buhay sa
hinaharap.
C. Si Mario at Andrea na namumuhay nang simple kasama ang mga anak,
katuwang ng mga ito sa kanilang mga gawain pangangailangan, at
gumagabay sa kanila sa mundong kanilang ginagalawan lalo na sa
hinaharap.

4
D. Sina Anita at Melduard na parehong nagsasakripisyo na magtrabaho sa
ibang bansa upang matugunan ang mga pangangailangan
ng kanilang mga anak, tinitiis ang hirap ng kalooban dahil malayo sila sa
kanilang pamilya.
5. Bakit itinuturing na una at pangunahing guro ng mga anak ang mga
magulang?
A. Dahil kasabay ng pagkakaroon ng karapatan ng mga bata sa
edukasyon ang pagkakaroon ng karapatan ng magulang na sila ay turuan.
B. Dahil sa kanila nakasalalay ang pundasyon ng mga bata sa
kaalamang kanilang makukuha sa paaralan.
C. Dahil sila ang magsasanay sa mga bata sa pagmamahal sa pag-aaral at
kaalaman.
D. Dahil ang kanilang mga ipinakikitang kilos at gawi ang tutularan ng mga
bata.
6. Bakit mahalagang maturuan ang mga anak na mamuhay nang simple?
A. Upang maisabuhay nila ang pagiging mapagkumbaba
B. Upang masanay sila na maging masaya at kuntento sa mga munting
biyaya
C. Upang hindi sila lumaking hindi marunong magpahalaga sa perang
kanilang pinaghirapan
E. Upang maisapuso ng mga anak na mas mahalaga ang tao sa kung ano
Siya at hindi sa kung ano ang mayroon siya
7. Ang pagtuturo ng simpleng pamumuhay sa mga anak ay maaaring magbunga
ng sumusunod na pagpapahalaga maliban sa:
A. pagtanggap C. katarungan
B. pagtitimpil D. Pagmamahal
8. Ang sumusunod ay makatutulong sa isang bata upang matuto ng
mabuting pagpapasiya maliban sa:
A. pagtitiwala
B. pagtataglay ng karunungan
C. pagtuturo ng magulang ng mga pagpapahalaga
D. pagkakaroon ng ganap na kalayaan
9. Ang sumusunod ay mga paraan upang mahubog sa mga anak ang
pagpapahalaga sa mga gawaing ispiritwal maliban sa:
A. ilagay ang Diyos sa sentro ng pamilya
B. iparanas ang tunay na mensahe ng mga aral ng pananampalataya
C. maglaan ng tiyak na panahon upang makinig at matuto sa mga aral
ng pananampalataya
D. ituon ang pansin sa ganap na pag-unawa sa nilalaman ng mga aklat
tungkol sa pananampalataya
10. Sa paanong paraan magagawang posible ang pagsasakatuparan ng
mga misyon ng pamilya?
A. Pagsasagawa nito nang may pagmamahal at malalim na
pananampalataya

5
B. Pagtiyak ng pagsasagawa ng mga ito nang kolektibo at may bahagi
ang lahat ng kasapi ng pamilya
C. Paghingi ng tulong sa ibang mga magulang na may mas malalim na
karanasan
D. Pagtiyak na malinaw sa mga anak ang hirap sa pagharap sa hamon at pagtulong
ng mga ito upang ito ay maisakatuparan

Nagtutulungan ba
ang bawat
miyembro ng
iyong pamilya?

1. Para sa inyo mabigat ba ang responsibilidad na nakaatang sa balikat ng


inyong ama at ina kung pagpapasya ang pinag-uusapan?
2. Paano nila kayo ginagabayan upang makagawa kayo ng mabuting
pagpapasya?

Gawain 1

Pagpapakita ng larawan ng ina at ama na inaalagaan ang kanilang mga anak.

https://tinyurl.com/ya89bs8

6
1. Ano ang iyong masasabi sa larawan?
2. Naranasan mo bang inaalagaan ka ng iyong ina/ama?
3. Magtala ng limang naranasang pag-aalaga/paggabay sa pagpapasya
mula sa ama at ina bilang pagtupad nila sa tungkulin sa mga anak.

a. ____________________________________________________

b. ____________________________________________________

c. ____________________________________________________

d. ____________________________________________________

Pagsusuri

1. Ano ang inyong nararamdaman ngayong nasusuri ninyo ang pag-aalagang


ginawa ng inyong mga magulang?
2. Ano din kaya ang inyong mararamdaman kung sakaling hindi ninyo naranasan
ang mga pag-aalagang ito? Ipaliwanag.

Pagpapalalim

Paggabay sa Paggawa ng Mabuting Pagpapasiya

Isa sa mga pangunahing makatutulong upang ang isang tao ay maging


matagumpay, masaya, at magkaroon ng kakayahan na makapag-ambag para sa
kaunlaran ng lipunan ay ang turuan siya na makagawa ng mabuting pagpapasiya at
pagkatapos ay bigyan siya ng laya na magpasiya para sa kaniyang sarili. Ang mga
pagpapasiyang isasagawa ng mga bata hanggang sa kanilang pagtanda ang siyang
magdidikta kung anong uri ng tao sila magiging sa hinaharap at kung anong landas
ang kanilang pipiliing tahakin. Mahalaga sa murang edad pa lamang ay binibigyan
na ng laya ang bata na magpasiya para sa kaniyang sarili, mga simpleng
pagpapasiya tulad ng damit na isusuot, ano ang kaniyang gustong kainin at inumin,

7
ang musikang kaniyang pakikinggan, at iba pa. Ang mga pagpapasiyang ito ay
makatutulong upang mataya ang kaniyang kakayahan sa pagpapasiya upang
maibahagi sa kaniya ang tulong o paggabay na kaniyang kailangan.

Sa paglipas ng panahon, mahaharap na ang isang kabataan sa mas


mabibigat na suliranin. May mga pagkakataong nakagagawa ng hindi maingat at
makasariling pagpapasiya - hindi isinasaalang-alang ang mas malawak na pagtingin
sa magiging epekto nito. Mahalagang magabayan ang isang kabataan sa paggawa
ng tamang pagpapasiya upang hindi siya masanay na gumawa ng mga maling
pasiya at hindi matuto sa mga ito. Ang mga pagpapasiyang isasagawa ng bata
hanggang sa kaniyang pagtanda ang siyang magdidikta kung anong uri ng tao siya
magiging sa hinaharap at sa kung anong landas ang kaniyang pipiliing tatahakin. Ito
ay dahil hindi pa sapat ang kaniyang mga karanasan at kakayahang bumuo ng
sariling pananaw.

May mga kabataang nagiging kasapi ng gang, may mga dalagang maagang
nagbubuntis, may mga lalaking nalululong sa droga, may mga kabataang
nakagagawa na ng krimen, ang lahat ng ito ay bunga ng kawalang kakayahan ng
ilang mga kabataan na gumawa ng mabuting pagpapasiya. Kaya, mahalaga ang
isang kabataan na magabayan sa paggawa ng tamang pagpapasiya upang hindi
siya masanay na gumawa ng mga maling pasiya at hindi matuto sa mga maling
gawain.

Ang pagsisisi ay bunga ng maling pagpili. Ang pagkakaroon ng kakayahan sa


mabuting pagpapasiya ay bunga ng karunungan at pagpapahalagang naitanim ng
mga magulang sa kanilang mga anak mula noong sila ay bata pa lamang. Ito ay
bunga ng pagtitiwala at pagbibigay sa mga bata ng kalayaan na gumawa ng
pagpapasiya na ginagabayan ng maingat na paghusga.

Gamitin mong gabay ang mga kasabihang ito.

Piliin mo ang magmahal … kaysa ang masuklam.


Piliin mo ang tumawa … kaysa ang lumuha.
Piliin mo ang lumikha … kaysa ang sumira.
Piliin mo ang magtiyaga … kaysa ang manghinawa.
Piliin mo ang pumuri … kaysa ang manira.
Piliin mo ang magpagaling … kaysa ang manakit.
Piliin mo ang magbigay … kaysa ang magnakaw.
Piliin mo ang umunlad … kaysa ang mabulok.
Piliin mo ang manalangin … kaysa ang manisi.
Piliin mo ang mabuhay … kaysa ang mamatay at
Piliin mo ang tamang pagpapasiya … upang ikaw ay lumaya at tunay na lumigaya.

8
Paglalapat

Ipaliwanag ang sumusunod na mga pagpapasya at isulat ang iyong mga sagot sa
kuwaderno.

1. Piliin mo ang magmahal… kaysa ang masuklam.


2. Piliin mo ang lumikha… kaysa ang sumira.
3. Piliin mo ang tumawa… kaysa ang lumuha.

Krayteria sa gagawing pagmamarka.


Kaangkupan sa tema: 10 puntos
Paraan sa paglalahad: 10 puntos
Kabuuan: 20 puntos

Gawain 2

Pagpapakita ng larawan ng magulang na nangangaral sa anak.

https://tinyurl.com/yath452

1. Ano kaya sa palagay mo ang ginagawa ng magulang?


2. Bakit kailangang gabayan ng magulang ang pagpapasyang gawin ng mga
anak?
3. Ano kaya ang mararamdaman ng magulang kung sinusunod ng mga anak
ang mga pangaral nila? Kung hindi naman sinusunod?

9
Gawain 3

Ang Pamamaraan ng aking mga Magulang sa Paghubog ng aking


Pananampalataya

_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_________________________________________________________

Rubric sa pagbibigay ng puntos


15 10 5
Pagkakabuo Angkop at wasto May iilang Walang
ang mga salitang salitang ginamit kaugnayan at
ginamit sa pagbuo na hindi angkop hindi wasto ang
ng sanaysay at wasto mga salitang
ginamit
Nilalaman Mabisang Hindi gaanong Hindi
naipahayag ang naipahayag ng naipahayag
mga karanasan mabuti ang nang mabisa
mula sa mga karanasan ang nilalaman
magulang hinggil sa ng sanaysay
paghubog ng
pananampalataya

10
Pagpapayaman/
Pagninilay

Natutunan ko ____________________________________________
Nauunawaan ko _________________________________________
Maisasabuhay ko ________________________________________

PANGWAKAS NA PAGTATAYA

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pangungusap at piliin ang titik ng
pinakaangkop na sagot.

1. Alin sa mga sumusunod ang una at pinakapangunahing pamantayan sa


paghubog ng isang maayos na pamilya?
A. pinagsama ng kasal ang magulang
B. pagkakaroon ng mga anak
C. pagtatanggol ng pamilya sa kanilang karapatan
D. mga patakaran sa pamilya
2. Ang mga pangaral at paalaala ng magulang ay tanda ng kanilang pagmamahal
ng
A. kamag-anak C. anak
B. kaibigan D. kapitbahay
3. Ang mga magulang ay may karapatang gumawa ng batas sa tahanan.
Ito ay dapat ______________________
A. tandaan at tuparin ng mga anak C. igalang at tandaan ng mga anak
B. igalang at sundin ng mga anak D. lahat ng nabanggit
4. Nabasag ni Nena ang pinggan dahil sa pagmamadali sa paghuhugas
para hindi mahuli sa kanyang klase. Humingi siya ng kapatawaran sa
kanyang kasalanan. Siya ay __________________.
A. Mapagmalasakit C. Mapagkumbaba.
B. Maalalahanin D. Maka-Diyos.

11
5. Dumaranas ng paghihirap ang pamilyang Baylon. Pinagsasabihan ang
mga anak na maging _______________dahil ang Diyos ay gumagabay sa
kanila.
A. mapagmalasakit C. matatag.
B. masigasig D. maawain.
6. Malayang ibinigay niya ang pag-aasikaso sa kaniyang asawa at mga anak.
A. Lolo at Lola C. Ina
B. Magkakapatid D. Mga anak
7. Maipapakita ng pamilya ang pagiging bukas-palad sa pamamagitan ng mga
A. gawaing kawanggawa C. gawaing pampaaralan
b. gawaing bahay D. gawaing pampamilya
8. Tungkulin ng pamilya bilang likas na tagapamahala ng lahat ng nilikha ng
Diyos
A. Pangangalaga sa kalikasan
B. Pagtataguyod ng proyekto
C. Paglilinis sa bakuran
D. Pangangalagaan ang pamahalaan
9. Ang pagtuturo ng simpleng pamumuhay sa mga anak ay maaaring
magbunga ng sumusunod ng pagpapahalaga, maliban sa
A. pagtanggap C. katarungan
B. pagmamahal D. Pagtitimpi
10. Bakit itinuturing na una at pangunahing guro ng mga anak ang mga
magulang?
A. Dahil kasabay ng pagkakaroon ng karapatan ng mga bata sa
edukasyon ang pagkakaroon ng karapatan ng magulang na sila ay turuan.
B. Dahil sa kanila nakasalalay ang pundasyon ng mga bata sa
kaalamang kanilang makukuha sa paaralan.
C. Dahil sila ang magsasanay sa mga bata sa pagmamahal sa pag-aaral at
kaalaman.
D. Dahil ang kanilang mga ipinakikitang kilos at gawi ang tutularan ng mga
bata.

Talasalitaan
Edukasyon- kinabibilangan ng pagtuturo at pag-aaral ng isang kasanayan, at ang
pagbahagi ng kaalaman, mabuting paghusga at karunungan cf.
Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Misyon - pagiging mapanagutan ng malayang pagganap sa mga tungkulin
kakambal ang pagtanggap sa anumang kahihinatnan ng kanilang mga
pagganap at hindi pagganap sa mga ito

Pamilya - ang pangunahing institusyon sa lipunan na nabuo sa pamamagitan ng


pagpapakasal ng isang lalaki at babae dahil sa kanilang walang pag-
iimbot, puro, at romantikong pagmamahal - kapwa nangakong

12
magsasama hanggang sa wakas ng kanilang buhay, magtutulungan sa
pag-aaruga at pagtataguyod ng edukasyon ng kanilang mga magiging
anak.

Pananampalataya - isang paniniwala sa isang Diyos o mga Diyos o sa mga doktrina


o mga katuruan ng isang relihiyon.

Pagpapasya – malayang pagpili kung ano ang gusto ng isang tao upang mataya
ang kanyang kakayahan upang maibahagi ang tulong o paggabay na
kanyang kailangan

SUSI SA PAGWAWASTO

MGA SANGGUNIAN

Aklat

Edukasyon sa Pagpapakatao 8, Modyul sa Mag-aaral Wikipediang Tagalog

Google search
https://tinyurl.com/ya89bs8m
https://tinyurl.com/yath452t

13
Inihanda ni:

Ysmaela Chat A. Asdillo


Teacher III
Schools Division of Negros Oriental
Region VII

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division of Negros Oriental


Kagawasan, Avenue, Daro, Dumaguete City, Negros Oriental

Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117


Email Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Website: lrmds.depednodis.net

14

You might also like