You are on page 1of 5

WMSU-ISMP-GU-001.

00
Effective Date: 7-DEC-2016

KORESPONDENSIYA OPISYAL

__________________________________________________________________
Aralin 2

Panimula

Naranasan mo na ba ang sumulat ng isang liham? O kaya’y korespondensiya na


gamit ang Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon? Saan ito madalas na
ginagamit? Noon pa man, Ingles ang midyum na ginagamit sa mga liham
korespondensiya at memorandum. Bagamat, batid nating lahat na Filipino ang wikang
pambansa ng Pilipinas,

subalit nararapat pa ring magsagawa ng mga hakbangin ang ating pamahalaan upang
puspusang maitaguyod ang paagamit ng Filipino sa pagsulat ng korespondensiya .

Sa araling ito ay mapag-aaralan ang tungkol sa mga batas kaugnay sa Wikang


Filipino at korespondensiya Opisyal. Ayon sa isinasaad ng Konstitusyon ng 1987 ng
Republika ng Pilipinas Artikulo XIV seksiyon 7, ukol sa mga layunin ng komunikasyon
at pagtuturo, Filipino ang wikang opisyal ng Pilipinas, at hangga’t walang ibang batas na
itinadhana, Ingles ang gagamiting midyum ng komunikasyon.

Napapaloob din sa araling ito ang mga hakbang at tuntunin sa pagbuo ng iba’t
ibang uri at bahagi ng liham, katangian ng liham,

pangkalahatang uri ng liham/ korespodensiya at mga halimbawa nito na tumutugon sa


pormat ng pagsulat.

7
WMSU-ISMP-GU-001.00
Effective Date: 7-DEC-2016

8
WMSU-ISMP-GU-001.00
Effective Date: 7-DEC-2016

9
WMSU-ISMP-GU-001.00
Effective Date: 7-DEC-2016

SUBUKIN NATIN !
A. Bahagi ng Liham Pangkaibigan

Panuto : Tukuyin ang bahagi ng Liham Pangkaibigan at ilapat ito sa bawat patlang na nasa ibaba.

Southcom Village, Lot 10


1. Pamuhatan 1st Street, Upper Calarian
Zamboanga City
Enero 14, 2019
Mahal kong Jaime, 2.Bating Panimula_

Una sa lahat, ibig kong ipabatid sa iyo ang aking mataos na pasasalamat sa
mabuting pakikitungo ng iyong pamilya sa akin lalo na noong mga panahon na ako’y
naghahanap ng pansamantalang matitirahan sa inyong bayan. Wala akong kakilala at hindi ko
alam kung sino ang aking malalapitan. Mabuti na lang at ika’y aking nakilala. Hindi man
tayo lubos na magkakakilala subalit nabuo ang aking pagtitiwala dahil sa kabutihang
naipamalas mo sa akin at maging ng iyong pamilya. Walang sandali na ako’y nakaramdam
ng lumbay sapagkat sa bawat araw ng aking pagpapanatili sa inyong tahanan, naipadama mo
sa akin ang tunay na diwa ng kaligayahan, na hindi ko naramdaman sa tanang buhay ko.
Kayo ang maituturing kong pangalawang pamilya ko. Hindi ko lubos maisip na may mga
taong mababait na katulad mo at ng iyong pamilya. Balang araw ay makakabawi rin ako sa
inyo. Bagamat malayo man tayo sa isa’t isa, mananatili ka pa rin sa aking puso’t isipan.

Hanggang sa muli , at nawa’y lagi kayong pagpalain ng Poong Maykapal.

4. __Bating Pangwakas_ Nagmamahal,

3, _Katawan ng Liham__ 5. _Lagda_ Cheryl

10
WMSU-ISMP-GU-001.00
Effective Date: 7-DEC-2016

B. PANUTO : Sumulat ng isang Liham Pangkaibigan gamit ang iyong katutubong wika.
(CMO02 s. 2019)

Villa Teresa, Lot 4


Zone 3 Soccoro street, Mercedes
Zamboanga City
Setyembre 30, 2020

Mahal kong Jose,

Natangap ko ang iyong liham at pagsalubong mo kaibigan, nais kong


magpasalamat sayo na kahit malayo man tayo sa isat-isa hindi mo parin ako
nakakalimutan. Kamusta kana? sana nasa maayos kang kalagayan ngayon,
balitaan mo ako kung uuwi ka ngayong pasko may salo-salo kami sa bahay sana
makapunta ka. Naalala mo dati nung bata pa tayo tuwing sasapit ang pasko
namamasko tayo, saan-saan tayo pumupunta kapag may aso tumatakbo tayo at
minsan naman kapag umuulan naliligo na lang tayo. Gusto kona lang bumalik sa
pagiging bata nakaka-miss ang mga araw na iyon. Pwede naman natin yun ulit
gawin mga gusto natin gawin nung bata pa tayo kaya umuwi kana andito lang ako
at kung may problem ka dyan huwag kang mahihiyang magliham sakin kaibigan
tayo. Balang araw bibisitahin kita dyan maghanda ka ng pagkain ah joke lang, ako
naman ang mag-lilibre sayo. Mag-iingat ka dyan parati jose hanggang sa muli at
pagpalain ka ng Diyos palagi.

Iyong Kaibigan,
Archie

11

You might also like