You are on page 1of 3

Agusan Colleges Inc.

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION


FILI 506-PANUNURING PAMPANITIKAN

NAME: Rizabeth M. Cubillas DATE: Sept. 14, 2021

PAGSUSURI NG AKDANG: Ang Magandang Parol

URI NG PANITIKAN: Sanaysay


URING TULA: TULANG PASALAYSAY

A.PAGKILALA SA MAY AKDA/TALAMBUHAY NG MAY AKDA:

Jose Corazon De Jesus o mas kilala bilang Huseng Batute ,siya ay isinilang sa Sta. Cruz Manila
noong Nobyembre 22, 1896 ang kanyang pangalan ay Jose Cecilio De Jesus ngunit pinalitan nya ang
Cecilio ng Corazon na ang ibig sabihin ay “PUSO” sapagkat ito ay sumasagisag ng kanyang Pagkatao.
Siya ay isang manunulat mga ilan sa kanyang isunulat na tula ay “ANG MANOK KUNG BULIK” noong
1919 , ANG PAGBABALIK noong 1924, “ANG PAMANA noong 1925 atbp., at may akda sa kantang
“Bayan ko”.

B.LAYUNIN NG MAY AKDA:

Layunin ng may akda na ipaabot sa kaniyang mambabasa na ang parol ay sumisimbolo sa


bawat pagmamahal sa bawat isa sabi nga sa tula “kung wala man ako’y tanglawan ang bata” na ang ibig-
sabihin ay magsisilbi parin itong palatandaan na kahit siyay wala na sa lupang ating kinatatayuan ay
mananatiling syang nakagabay at nakaalalay. Layunin nitong ipahiwatig ang kahalagahan ng mga iba’t –
ibang bagay na siyang daan sa pagbibigay kasiyahan sa bawat isa at dapat pahalagahan at bigyan ng
pansin.

C. SINUSURING PAMPANITIKAN:

Nilalathala ni Jose Corazon De Jesus na Pinamagatang “ ANG MAGANDANG PAROL” ito ay


tungkol sa isang Lolo na pumanaw at may iniwang alaalang yari sa makukulay na papel na animo’y
gabay at ilaw sa daan.

D.PAGSUSURI:(TEMA/MGA KAISIPAN/IDEYANG TAGLAY)

Ang kayarian ng TULA ay nasa malayang taludtud dahil walang sinusunod na sukat at hindi
sinalangalang ang tugma ng bawat taludtud, meron itong anim na saknong at apat na taludtud.

E.PAGLALAPAT NG TEORYA:

TEORYANG REALISMO
Isang papel itong ginawa ng lolo
may pula, may asul, may buntot sa dulo;
sa tuwing darating ang masayang Pasko
ang parol na ito’y makikita ninyo.
Sa saknong 1, Taludtud 2 ay nilathala nito ang mga kagamitan sa pagbuo ng isang Parol , Taludtud 3
na sa Totoong buhay ay ginagawa eto tuwing darating ang kapaskuhan.

TEORYANG FORMALISMO/FORMALISTIKO

Sa aming bintana doon nakasabit


kung hipan ng hangi’y tatagi-tagilid,
at parang tao ring bago na ang bihis
at sinasalubong ang Paskong malamig.

Sa saknong 2, Taludtud 4 pinaparating nito na para umanong Tao na may bagong bihis na
siya namang taon – taon ay may ibang estilo ng paggawa.

TEORYANG IMAHISMO
Kung kami’y tutungo doon sa simbahan
ang parol ang aming siyang tagatanglaw,
at kung gabi namang malabo ang buwan
sa tapat ng parol doon ang laruan.

Sa saknong 3, Taludtud 2 at 3 at animo’y kanilang tagatanglaw at gabay.

TEORYANG ARKETIPAL

Kung aking hudyatin tanang kalaguyo,


mga kapwa bata ng pahat kong kuro,
ang aming hudyatan ay mapaghuhulo:
“Sa tapat ng lolo tayo maglalaro.”

Sa saknong 4, Taludtod 4 Gumagamit ng simbolo na siyang palatandaan sa kanilang tagpuan


o gabay sa patutunguhan.

TEORYANG ROMANTISISMO

Kaya nang mamatay ang lolo kong yaon,


sa bawat paghihip ng amihang simoy,
iyang nakasabit na naiwang parol
nariyan ang diwa noong aming ingkong.

Sa saknong 5 , Taludtud 1, 3 Na naglalarawan ng kanilang pag – ibig at pag – alala sa


namayapang mahal , inaalala ang kanilang minamahal na lumisan ngunit mananati sa
kanilang puso at isipan.

TEORYANG HUMANISMO

Nasa kanyang kulay ang magandang nasa,


nasa kanyang ilaw ang dakilang diwa,
parang sinasabi ng isang matanda:
“Kung wala man ako’y tanglawan ang bata.”

Saknong 6, Taludtud 4 iminungkahi nito ang kanyang layunin hanggang sa ibang dako
ng daigdig sya’y mananati buhay.
F. MGA SIMBOLONG GINAMIT:

1. Makukulay na Papel – Kagamitang nakabuo ng masaya at magandang alaala


2. Parol – Kagamitang nagsisilbing alaala at pawing larawan ng kanilang namayapang lolo at nasa
kanyang ilaw at ang dakilang diwa.
3.KURO – ito ay nag sisilbing gabay at ala-ala ng persona sa kaniyang yumaong lolo.
4.TANGLAWAN – o magiging ilaw o liwanag sa mga nais tahakin ng persona.

G. PAGPAPALIWANAG:

Napakagandang kwento at talagang dapat nating tularan hindi man sa ganitong paraan kundi sa
paraang alam nating makakapagbigay ng kasiyahan sa bawat isa, bigyan ng pagmamahal ang
bawat isa sa atin dahil hindi permanente ang ating buhay, bigyan ng oras ang ating mahal sa
buhay na makapagbigay ng saya at ngiti sa kanilang mga labi at pisngi, katulad nalang ng
kwentong ito lubos na ginagawa ng kanyang Lolo ang parol para sa pasko dahil para sa mga
bata ang pasko ay isa sa napaka gandang bahagi ng kanilang buhay, kaya tuwing pasko ang
kanyang lolo ay gumagawa ng makukulay na parol at ito ang nagsilbing alaala naiwan sa
kanyang mga mahal sa buhay, at ito ay maalaala hanggang sa huling sandal ng kanilang buhay.

H. KONKLUSYON:

Lubos natin naunawaan ang kwentong nilathala ni Jose Corazon De Jesus, na pinamagatang “
ANG MAGANDANG PAROL”, ito man ay isang kwento lamang ngunit ating napagtanto na mula ng tayo
ay bata at hanggang pagtanda ay napakaimportante ng parol dahil ating nababatid at nadadama ang
simo’y ng pasko, sa kwentong ito ay ating natunghayan ang na ang parol ay nagsisilbing kaniyang daan
sa o pagkakilanlan nito sa kanyang lugar at tinawag nya pa itong “lolo” na syang may gawa ng kanyang
parol nung itoy nabubuhay pa.

You might also like