You are on page 1of 11

GRADE 10 FILIPINO

SY 2019-2020

PAGPIPILI: Intindinhin at unawaing mabuti ang bawat katanungan. Bilugan


lamang ang letra na kumakatawan sa tamang kasagutan.

1. Tumalima si Psyche sa lahat ng gusto ni Venus.


a. sumunod b. nagalit
c. nanibugho d. natakot

2. Sinubok niyang isuot ang hiyas sa harap ng salamin, nagbabantulotsiya at


hindi mapagpasyahan kung ang mga iyon ay isasauli o hindi.
a. nagandahan b. nagdadalawang-isip
c. namangha d. natuwa

3. Alin sa mga sumusunod ang pinakamatandang epiko sa mundo at kinikilala


bilang kauna-unahang dakilang likha ng panitikan?
a. Ibalon b. Iliad at Odyssey
c. Gilgamesh d. Beowulf

4. Alin sa mgasumusunod ang tulang pasalaysay na nagsasaad ng kabayanihan


ng pangunahing tauhan na nagtataglay ng katangiang nakahihigit sa
karaniwang tao na kadalasan ay buhat sa lipi ng mga diyos o diyosa?
a. Mitolohiya b. Epiko
c. Alamat d. Kurido

5. Ginawa ni Psyche ang lahat upang maipaglaban ang kaniyang pagmamahal


kay Cupid. Anong gamit ng pandiwa ang salitang may salungguhit?
a. karanasan b. aksiyon
c. kilos d. pangyayari

6. Ang lahat ay gamit ng pandiwa, MALIBAN sa isa.


a. karanasan b. aksiyon
c. kilos d. pangyayari

7. “Nakakadena ang mga binti at leeg kaya’t di sila makagalaw”. Ang pahayag
ay nagsasaad na _____________.
a. hindi sila malaya b. sila ay nakatali
c. sila ay pinarusahan d. sila ay mga pulubi

8. “Magtiis kaysa aliwin ang mga huwad na akala”. Alin sa mga sumusunod na
pahayag ay may malapit na kahulugan?
a. dapat maging kuntento kung ano ang mayroon ka
b. dapat handang magsakripisyo sa hamon ng buhay
c. dapat tanggapin ang katotohan kaysa mamuhay sa kasinungalingan
d. dapat mag-isip ng paraan para mabigyan ng solusiyon ang lahat ng
problema
9. “Nakakadena ang mga binti at leeg kaya’t di sila makagalaw”. Anong bahagi
ng pananalita ang salitang sinalungguhitan?
a. pangngalan b. panghalip
c. pandiwa d. pang-abay

10.“Mahal, akala ko’y ikatutuwa __________ ang pagkakakuha ko sa


paanyaya”. Ano ang angkop na panghalip na dapat gamitin upang mabuo
ang pangungusap?
a. nila b. ko
c. mo d. natin

11.“Ano ba itong narinig ko tungkol sa iyo? Ihanda mo ang ulat ng iyang


pangangasiwa sapagkat tatanggalin na kita sa iyong tungkulin”. Ano ang
damdamin na ipinapahiwatig sa teksto?
a. nayayamot b. naguguluhan
c. nagagalit d. nasusuklam

12.“Kaibigan, pinarurusahan ako ng dakilang diyos at mamatay akong kahiya-


hiya. Hindi ako mamatay tulad ng mga ibang namatay sa labanan; natatakot
akong mamatay, ngunit maligaya ang taong namatay sa pakikipaglaban,
kaysa katulad kong nakakahiya ang pagkamatay.” Ang taong nagsasalita sa
pahayag ay may damdaming __________?
a. nanghihinayang b. nangangamba
c. natatakot d. nababahala

13.Ano ang inaasahang mangyayari matapos ang talumpati ng Pangulo sa


bansang Brazil?
a.Matakwil ang lahat ng masasama na tao sa Brazil
b.Maisakatuparan ang hinaing ng mamamayan ng Brazil
c.Maibigay ang hinihiling ng mamamayan ng Brazil
d.Mailahad ang magagandang tunguhin para sa bansang Brazil.

14.Batay sa inilahad na talumpati ng pangulo ng Brazil, ano ang paksang


nangingibabaw dito?
a.Ang talumpati ay tungkol sa mga nais makamit ng Pangulo para sa
bansang Brazil.
b. Ang talumpati ay tungkol sa mga opisyales ng bansa na masama ang
hangarin.
c.Ang talumpati ay tungkol sa mga hidwaan ng Brazil at ibang bansa.
d.Ang talumpati ay tungkol sa kahirapan ng bansang Brazil.

15.Ito ay isang sanaysay batay sa tunay na pangyayari na nagtataglay ng mga


pagpapaliwanag, sanligan at impresisyon ng sumulat
a. sanaysay b.lathalain
c. talaarawan d. dyornal
16.“Pero hindi nilikha ang tao para magapi,” sabi niya. “Maaaring wasakin ang
tao pero hindi siya magagapi.”Ano ang ibig ipakahulugan ni Santiago sa
kanyang sinabi?

a. Malakas ang tao kaya hindi siya susuko sa anumang pagsubok.


b. Kahit ubusin ng pating ang nahuli niyang isda, magiging matatag pa
rin siya.
c. Ang tao minsan ay nagiging mahina kapag may pagsubok ngunit hindi
siya patatalo sa anumang unos na darating sa kanya.
d. Si Santiago ay malakas kahit matanda na.

17.Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng wastong gamit ng pokus ng


pandiwa sa tagaganap at layon sa pagsulat ng paghahambing?
a.Kumakain ng prutas si Thor samantalang ininom ni Loki ang tubig.
b.Naglalakbay sina Thor habang natutulog ang higante.
c.Naglalaro ang mga higante samantalang nakipagbuno si Thor.
d.Binuhat ni Thor ang pusa habang nakatingala si Loki sa kawalan.
18.Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng wastong gamit ng pokus ng
pandiwa sa tagaganap at layon sa pagsulat ng paghahambing?
a.Nagpaligsahan sa pabilisan ng takbo si Thjalfti at Utgaro-Loki.
b.Uminom ng alak si Thor habang kinain ni Loki ang karne.
c.Naglalakwatsa si Logi habang tumatakbo si Rosvka.
d.Nanggagalaiti si Thor nang malaman ang panlilinlang sa kanila.

19.Batay sa mitolohiyang Thor at Loki, ano ang nais ipahayag nang sila ay
malinlang ng mga higante?
a.Daig nang masipag ang maagap.
b.Daig nang matalino ang malakas.
c.Daig nang malakas ang wais.
d.Daig ng higante ang mga diyos.

20.Iniibig kita nang buong taimtim,


Sa tayog at saklaw ay walang kahambing.
Ito ay nagmula sa, “Ang Aking Pag-ibig”, ano ang nais ipahiwatig ng
katagang ito?
a. Minamahal niya ang kanyang asawa nang walang kapantay.
b. Mahal niya ang kanyang asawa nang may kahambing.
c. Iniibig niya ang kanyang asawa nang walang takot.
d. Iniibig niya ang kanyang asawa nang may pananalig sa Diyos.

21. Lalong nakahandang pag-utus-utusan,


Maging sa liwanag, maging sa karimlan.
Ano ang ibig sabihin ng salitang sinalungguhitan?
a. takot b. dilim
c. pagsubok d. kawalan
22. Ibig mong mabatid, ibig mong malaman
Kung paano kita pinakamamahal?
Tuturan kong lahat ang mga paraan
Iisa-isahin, ikaw ang bumilang.
Anong elemento ng tula ang ipinapakita dito?
a. talinghaga b. kariktan
c. sukat d. tugma

23. Yaring pag-ibig ko ay siyang lahat na,


Ngiti, luha, buhay at aking hininga!
At kung sa Diyos naman na ipagtalaga
Malibing ma’y lalong iibigin kita.

Anong elemento ng tula ang ipinapakita dito?


a. talinghaga b. kariktan
c. sukat d. tugma

24. Ano ang pinatunayan ng mag-asawang Jim at Della Young?


a.Isinakripisyo nila ang pinakamahalagang ari-ariang pinakaiingatan nila
b.Hindi nila ipinakita ang pagdaramdam sa isa’t-isa sa kabila ng kanilang
pagkamamali.
c.Pinatunayan nila na pag-ibig ang pinakamagandang aginaldo sa pasko
d.Binigyan nila ng aginaldong pamasko ang bawat isa sa kabila ng
kanilang kahirapan.

25.Ito ay paglilipat sa pinagsalinang wika ng pinakamalapit na katumbas na


diwa at estilong nasa wikang isasalin.

a. Panlapi b. Gramatika
c. Pagpapakahulugan d. Pagsasaling-wika

26.Batay sa pagsasalin sa kahon, alin ang unang-unang pamantayan dapat


isaalang-alang sa pagsasalin?

“Love excuses everything, believe “Mapagpatawad ang pag-ibig,


all things, hopes all things, endures pinaniniwalaan ang lahat ng bagay,
all things”. puno ng pag-asa sa mga bagay,
nakakaya ang lahat ng bagay”.

a. Basahin nang paulit-ulit


b. Ikumpara ang ginawang salin
c. Tignan ang bawat salita sa isinasalin
d. May sapat na kaalaman sa dalawang wikang kasangkot
27. Piliin ang pinakamalapit na salin sa kasabihan:

“A negative mind will never give you a positive life”.

a. Ang isip na negatibo ay di magbibigay ng buhay na positibo.


b. Ang kaisipang negatibo ay hindi ka mabibigyan ng positibong buhay
c. Ang negatibong pag-iisip ay di magdadala sa’yo sa magandang buhay
d. Ang negatibong pag-iisip ay hindi magbibigay sa’yo ng positibong
buhay.

Ayaw ni Okonkwo sa mahihina. Sa ganoong paraan niya pilit na


iwinawaksi ang tumatak na pagkatao ng kaniyang amang si Unoka sa
kanilang pamayanan. Tamad, baon sa utang, mahina, walang kuwenta
sapagkat ni isang laban ay walang naipanalo ang kanyang ama. Mag-
isang hinubog ni Okonkwo ang kanyang kapalaran. Nagsumikap
maiangat ang buhay, nagkaroon ng maraming ari-ariang sapat upang
magkaroon ng tatlong asawa, titulo sa mga laban at higit sa lahat,
pagkilala mula sa mga

28. Ano ang mahihinuha sa pagkatao ni Okonkwo batay sa kaniyang mga


desisyon sa buhay?

a. Mapaghiganti b. May iisang salita


c. may sama ng loob d. malakas ang loob at may
determinasyon sa buhay

29. Sa iyong palagay, bakit gusto ni Okonkwo na makilala siya ng mga katribo?

a. mahina ang kanyang ama


b. gusto niyang maghiganti sa kanyang ama
c. dahil walang kuwenta ang kanyang ama
d. Gusto niya ng karangalan, pangalan at katanyagan

Unang Tula Ikalawang Tula

Samakatuwid, ako’y minahal At kung ako’y iyong nahambing sa


Samakutuwid, ako’y lumigaya iba
Samakatuwid, ako’y nagtamasa ng Na di nagkaisip na layuan siya,
dangal. Disin ako ngayo’y katulad nila
Nawalan ng buhay at isang patay na.
“Hele ng Ina sa Kanyang Panganay”
Salin sa Filipino ni Mary Grace A. “Ang Matanda at ang Batang
Tabora Paruparo”
Ni Rafael Palma
30.Batay sa dalawang tula, paano naiiba ang tulang may malayang taludturan sa
tulang may tradisyunal na taludturan?

a. Ang tulang malaya ay walang sukat samantalang ang tradisyonal ay may


sukat.
b. Ang tulang malaya ay walang sukat at tugma samantalang ang tulang
tradisyonal ay may sukat at tugma.
c. Ang malaya ay walang sukat at tugma samantalang ang tulang tradisyonal
ay may sukat at tugma at parehong nagtataglay ng matatalinghagang
pananalita upang lumitaw ang kariktan nito.
d. Ang tulang Malaya ay walang sukat at tugma samantalang ang tulang
tradisyonal ay may sukat at tugma at parehong nagtataglay ng
matatalinghangang pananalita at simbolismo upang lumitaw ang karitan
at talinghaga nito.

31. Anong simbolismo ang akmang ilapat sa dalawang tulang binasa batay sa
talinghagang ng mga ito?

a. Araw at Gabi b. Diyamante


c. Halaklak at Luha d. Puti at Itim

Sa tingin ko nga, mas mahal pa niya kami kaysa sa kanyang sarili. Nang
mawala ang aming ama, ganoon na lamang ang pag-aalala naming sa
kaniya, inaakala ko na manghihina ang kanyang katawang pisikal at
espiritwal subalit nanatili siyang matatag at nakakapit sa Diyos.

32.Ano ang damdaming namamayani sa nagsasalaysay sa tula?

a. Kalungkutan b. Pagmamalaki
c. Paghihinanakit d. Panghihinayang

33.Ano ang ipinapahiwatig ng pangungusap na Sa tingin ko nga, mas mahal pa


niya kami kaysa sa kanyang sarili.

a. Gagawin lahat ng magulang para sa kanyang anak.


b. Alam ng magulang kung ani ang makabubuti para sa mga anak.
c. Binibili ng magulang ang mga luho ng anak para sa sarili nitong
kapakanan.
d. Ibibigay ng magulang ang pangangailangang pisikal at espiritwal para sa
pangangailangan ng mga anak.
34.Anong uri ng ina ang masasalim sa talata?

a. Malulungkutin subalit matatag.


b. Nangungusinti sa kakulangan ng mga anak.
c. Mapagbigay para sa pangangailang pisikal ng mga anak.
d. Inang mapagmahal sa mga anak at nagpapahalaga sa Diyos.

Hindi naglaon, may mga dumating na misyonero sa Mbanta. Sa tulong ng


isang interpreter na si G. Kiaga, kinausap ni G. Brown, lider ng mga
misyonero ng mga taga-Mbanta. Ipinaliwanag niya sa mga ito na ang
kanilang pagsamba sa diyosdiyosan ay isang malaking kasalanan. Hindi
naman maunawaan noon ng mga
taga-Mbanta kung paanong ang Tatlong Persona ay naging iisang Diyos
katulad ng ipinaliliwanag ng mga misyonero tungkol sa dapat na pagsamba
sa iisa lamang na panginoon. Layunin naman ng mga misyonero na dalhin
ang Kristiyanismo sa Mbanta at hindi ang tuligsain sila. Nagkasakit si G.
Brown at pinalitan ni Rev. James Smith, isang malupit at bugnuting
misyonero. Nagkaroon ng relihiyon ang mga taga-Mbanta. Habang
isinasagawa ang taunang seremonya para sa pagsamba sa Bathala ng Lupa,
hinablot ni Enoch ang takip sa mukha ng isang Egwugwu, katumbas ng
pagkitil sa espiritu ng mga ninuno. Kinabukasan, sinunog ng Egwugwu ang
tahanan ni Enoch at ang simbahang itinayo nina Rev. Smith.

Hango sa Paglisan (Buod) Isinalin ni Juliet U. Rivera

35.Ano ang paniniwala ng mga misyonero tungkol sa pananampalataya?

a. Palaganapin ang Kristiyanismo.


b. May tatlong persona sa iisang Diyos.
c. Mabuti ang pagsamba sa mga diyos-diyosan.
d. Dapat magkaroon ng seremonya tungkol sa pagsamba sa Bathala.

36.Ano ang nangyari habang isinasagawa ang taunang seremonya ng pagsamba


sa Bathala ng Lupa?

a. Nagkasakit si G. Brown.
b. Sinunog ang tahanan ni Enoch.
c. Sumanib ang isang masamang espiritu.
d. Hinablot ni Enoch ang takip sa mukha ng isang Egwugwu.

37.Alin sa pahayag ang naglalahad ng damdaming nagmumungkahi o


nagpapayo?

a. Tignan muna ng iyong sarili


b. Huminahon ka ina, kalimutan mo na iyon.
c. Walang makapaparam ng pang-iinsultong aking natamo.
d. Tandaan, walang silid para sa dalawang hari sa isang reyno.
38.Ayusin ang wastong pagkakasunod-sunod ng mga pahayag
A. Panay ang siko ni Basilio kay Isagani.
B. Sasalungatin ng Vice Rector ang panukala.
C. Nagkasundo ang mga estudyanteng mag-aambagan.
D. Ayaw magtungo ni Padre Florentino sa itaas sa kubyerta.
E. Maraming sumasakit ang ulo, nahihilo, namumutla, at naliligo sa sariling
pawis

a. A B C D E b. C A B E D
c. D E C A B d. A C B D E

39. Base sa kuwento, nadiskubre ni Basilio na sina Simon at Crisostomo ay iisa.


Alin sa mga pahayag ang naglalahad ng katotohanan?
a. Naging maligaya si Basilio at hindi niya pinalagpas ang pagkakataon na
magpakilala.
b. Nagulat si Basilio sa kanyang nakita at naalala niya ang nangyari sa
kagubatan ng mga Ibarra labintatlong taon na ang nakalipas.
c. Nandiri si Basilio sa kanyang nalaman tungkol kay Simon kaya isinaiwalat
niya ang katotohanang nalaman niya.
d. Nagkaroon ng pagkakaon si Basilio na magkaroon ng alas kay Simon
at gagamiti niya itong pantakot.
40. Ayon sa mga indiyo, ang demonyong ayaw hiwalayan ni Simoun ay:
a. ang mga taong bayan
b. ang mayayamang mangangalakal
c. ang Kapitan-Heneral
d. si Basilio

41. “Malapit na ang araw, at sa pagbubukang liwayway ay ako na rin ang


magbabalita sa inyo.” Sa pahayag na ito, nakikinita ni Simoun na
_____________.
a. magiging malaya ang bansa
b. mamatay na siya
c. tutulungan niya si Basilio
d. magbabago siya ng pasya
42. “Mag-aral kang mabuti sapagkat iyan lamang ang tangi naming
maipapamana sa iyo”. Ano ang nais nitong ipahayag?
a. Ang pag-aaral ang isa sa mga paraan upang makaahon sa hirap.
b. Ang pag-aaral ay para sa mga mahihirap lamang.
c. Ang pag-aaral ay dapat ingatan at ito ay mananakaw.
d. Ang pag-aaral ay may dalang kaalaman na hindi mananakaw ninuman.

43. Ang pangungumpisal ni Simon kay Padre Florentino ay nangangahulugang:


a. Pagsabi niya sa lahat ng kanyang hinanakit sa mga banyaga.
b. Pagpapakita ng pagiging mabuti sa lahat.
c. Pagpapahiwatig sa pagiging maka-Diyos ni Simon at paghingi ng tawad sa
mga nagawa.
d. Sinusunod lamang niya ang batas ng simbahan.

44. “nawa’y bantayan ka ng kalikasan sa napakalalim na pinagkublihan mo,


kasama ng mga korales at ng mga perlas ng walang hanggang karagatan” ano
ang nais ipahiwatig sa nasambit ni Padre Florentino bago niya hinagis ang
kayamanan ni Simon sa huling bahagi ng El Filibusterismo?
a. Sana sa makakita ng kayamanang ito dapat gamitin ito ng tama.
b. Ang kayamanan ay hindi madaling makuha, dapat mo itong paghirapan.
c. Kailangan nating maging matiyaga para aahon sa buhay.
d. Huwag nating hayaan na maagaw ang kalayaang tinatamasa natin
bagkus ito ay ating panatilihin at patuloy na ipaglaban.

45. Naniniwala ang marami na ang nangyari kay Basiliio ay:


a. paglaban nila sa mga paring Kastila
b. paghihiganti ng mga prayle
c. makatarungan para sa mga estudyante
d. dahil na rin kay Kapitan Tiyago

46. Ang unang pag-aalsa ay hindi nagtagumpay dahil sa:


a. nakita nila na wala silang laban
b. kakaunti ang nakuha niyang tauhan
c. nakita nila sa Simoun na nag-aatubili
d. Hindi pa handa sa pakikipaglaban si Simoun

47. Ang nobelang El Filibusterismo ay mauuri na akdang Pompeiian batay sa


teoryang:
a. Humanismo
b. Eksistensiyalismo
c. Sosyolohikal
d. Romantisimo
48.Nagdalamhati si Huli nang malaman niya ang nangyari kay Basilio dahil:
a. Maaaring siya ay nakulong nang matagal
b. Hindi na nito matutupad ang kaniyang pangarap
c. Hindi na sila magkikita pa
d. Patay na si Kabesang Tales

49.Ang masalimuot na senaryo sa ilalim ng kubyerta ay maiuugnay sa aling


sitwasyon sa kasalukuyan?
a. Maraming mga mamamayan ang nagsisilbing gahaman sa kapwa
Pilipino.
b. May mga tao pa rin na inaapi at pinagkaitan ng katarungan dahil sa
mga mayayamang may hawak sa lipunan.
c. Nananatili pa rin ang maraming tao na walang paki sa lipunan.
d. Nagiging maginhawa ang pamumuhay ng mga tao kung hindi sila
makialam sa nangyayari sa lipunan.

50. Sa Noche Buena ng isang Kutsero,hinarang ng mga guwardiya sibil ang


kutsero at ginulpi ng mga ito. Bilang isang kabataang Pilipino, ano ang
damdaming namayani sa kaganapan?
a. Mananabik sa pangyayari dahil umiinit na ang daloy ng kuwento .
b. Mahahabag sa mga mapang-abuso na nasa katayuan na nagpapakita ng
karahasan sa mga pamamahala.
c. Matatakot sa mga pagsuway na gagawin sa pamahalaan.
d. Mamamangha sa sitwasyon dahil ito ang magiging dahilan sa
pagkakaroon ng away.

SUSI SA PAGWAWASTO
1. A 26. D
2. B 27. D
3. C 28. D
4. B 29. D
5. B 30. D
6. C 31. A
7. A 32.C
8. C 33.A
9. B 34.D
10.C 35.B
11.C 36.D
12.A 37.B
38.D
13.D
39.B
14.A
40.C
15.B
41.A
16.C
42.D
17.A
43.C
18.B
44.D
19.B
45.B
20.A
46.C
21.B
47.C
22.C
48.C
23.D
49.B
24.C
50.B
25. D

You might also like