You are on page 1of 2

Kalikasan ng Wika:

Ang wika ay pinagsama - samang tunog.

Ang wika ay may istrukturang gramatikal.

Ang wika ay may sistemang oral - awral.

Ang wika ay maaaring umabot sa ekstinksyon o pagkawala.

Ang wika ay nagkakaiba - iba.

Ang wika bilang pinagsama samang tunog, ang wika ay nakagagawa ng mga salita sa pamamagitan ng
tunog ng mga pinagsama - samang letra.

Ang istrukturang gramatikal  ay tumutukoy sa kayarian ng wika ayon sa tunog, pagkakasunod, at
kaugnayan sa iba pang mga salita.

Mga Saklaw ng Istrukturang Gramatikal:

ponolohiya

morpolohiya

sintaksis

semantiks

Ponolohiya ang tawag sa pag - aaral ng tunog (ponema) ng mga salita.

Morpolohiya ang tawag sa pag - aaral ng kayarian (morpema) ng mga salita.

Sintaksis ang tawag sa pag - aaral ng pagbuo ng pangungusap.

Semantiks ang tawag sa pag - aaral ng kaugnayan ng mga salita sa loob ng pangungusap.

Ang sistemang oral ng wika ay tumutukoy sa sensory system na pasalita samantalang ang sistemang
awral naman ay tumutukoy sa sensory system na pakikinig. Patunay lamang na mahalaga ang senses
upang higit na maunawaan ang kalikasan ng wika.

Ang wika ay maaaring umabot sa ekstinksyon o pagkawala sa oras na hindi na ito ginagamit o wala ng
tumatangkilik. Tulad na lamang ng nangyari sa estado ng California na noon ay gumagamit ng wikang
Yahi Indian. Ang wikang ito ay nawala sa pagitan ng 1853 hanggang 1870. Maging ang wikang
tasmanian ng mga British Colonizers na nawala noong 1803 hanggang 1835.

Ang pagkakaiba - iba ng wika ay bunga ng pagkakaroon ng iba't ibang lahing pinagmulan ng tao sa
mundo. Ang bansang Pilipinas ay halimbawa ng isang bansang maraming wika sapagkat ito ay binubuo
ng iba't ibang pangkat etniko na may kanya kanyang wika.
Wika at pamumuhay sa wika at paggawa

You might also like