You are on page 1of 7

FILIPINO SA PILING LARANG

[AKADEMIK]
Unang Markahan Linggo 1

Danica Rafols
12- Rutherford
SUBUKIN NATIN: Naipapahayag ang dating kaalaman hinggil sa pagsulat.
Sagutin ng tama o mali ang sumusunod na mga pahayag tungkol sa pagsulat. Sa nakalaang linya
ay magbigay ng maikling paliwanag kaugnay ng iyong sagot.

Tama 1. Ang pagsulat ng balita, pananaliksik at iba pang korespondensiya ay bahagi ng pagsulat
ng pakikipag-ugnayan sa tao at lipunan.
Paliwang: 
Ang pagsusulat ay paraan rin ng komunikasyon sapagkat gamit ang paggamit sa mga salita sa
pgalilimbag ng balita o pagagawa ng pananaliksik nabibigyan natin ng ifeaya t impormasyon ang
ating lipunan tungkol sa mga isyung nangyayari sa arong paligid. 

Tama 2. Mahalagang isaalang-alang ang wika, paksa at layunin sa anumang uri ng pagsulat.
Paliwang: 
Ang pagsusulat ay hindi lamang isang gawain na ginagawa upang palipasan ang oras sapagkat
kalimitang ang mga manunulat ay lumilikha o gumagawa ng mga akda dahil may mensahe
silang batid na ipaabot aa mundo kaya naman nararapat na tama ang ginamit na wika, ano ang
paksa at may tamang layunin. 

Mali 3. Ang paggamit ng salitang kolokyal o balbal ay mahalagang bigyang- pansin sa pormal na
pagsulat ng pananaliksik.
Paliwanag: 
Ang salitang kolokyal o balbal ay ginagamit lamang sa mg impormal na uri ng papel kaya naman
hindi ito maaring gamitin sa pagsulat ng pananaliksik dahil ito ay isang pormal na uri ng papel. 

Mali 4. Ang malikhaing pagsulat at teknikal na pagsulat ay kapwa maituturing na akademikong


pagsulat.
Paliwang: 
Ang malikhaing pagsulat, teknikal na pagsusulat at akademikong pagsusulat ay parehong uri ng
pagsusulat at ang tatlong uri ng pagsusulat na ito ay naiiba sa isa’t-isa.

Mali 5. Ang mga guro, manunulat at mag-aaral lamang an dapat na matuto ng propesyonal na
pagsulat.
Paliwanag: 
Ang lahat ng rao ay may karapatang matutong sumulat ng propesyonal na papel.

Tama 6. Layunin ng reperensiyal na pagsulat na bigyang-pagkilala at rekomendasyon ang mga


sangguniang maaaring mapagkunanng kaalaman.
Paliwanag: 
Ang layunin ng reperensyal na papel ay magbigay ng kredito at pagkilala sa mga may-akdang
ginamit sa pananaliksik. 

Tama 7. Ang wikang Filipino ay isang wika ng intelektuwalisasyon.


Paliwanag: 
Ang wikang Filipino ay wikang intelektuwalisasyon sapagkat ang wikang ito ay ginagamit sa
karunungan at iskolarling talakayan, ito rin ang ginagamit sa pagtuturo mula sa elementary
hanggang sa ating pagtatapos sa pag-aaral. 

Tama 8. Ayon sa Konstitusyon ng Pilipinas, ang Filipino ay isa sa mga opisyal na wikang panturo
sa mga paaralan.
Paliwanag:
Nakasaad sa batas ng Pilipinas na ang wikang Filipino kasama ang English ay ang wikang
panturo sa bansa.

Mali 9. Ang lahat ng pagsasanay sa pagsulat na natutuhan mula sa elementarya hanggang high
school ay maituturing na bahagi ng akademikong pagsulat.
Paliwanag: 
Hindi lahat ng mga gawaing ginawa mula sa elementarya ay akademikong pagsusulat, may ilang
lamang ngunit hindi lahat at hindi nangangahulugang dahil sa paaralan ginawa ang pagsusulat
ay akademikong pagsusulat na agad ito. 

Tama 10. Ang sanaysay, maikling kuwento, awit at dula ay hindi kabilang o maituturing na isang
akademikong pagsulat.
Paliwanag: 
Ang mga naibanggit ay nabibilang sa malikhaing pagsusulat at hindi ng akademikong pagsusulat.

BALIKAN NATIN 

Lagyan ng tsek (√) ang sa iyong palagay ay angkop batay sa iyong  karanasan, obserbasyon o
pag-aaral. Sagutin ang mga tanong at  sumusunod na gawain.

Binabasa  Minsanan Binabalik Dahilan


(√) an (√)

1. Komersiyal sa  telebisyon  √ Sa tuwing may mga komersyal akong nakikita


kalimitang hindi ko na ito binabalikan.
Ang mga poster ng komersyal ay kaisa ko lang
2. Komersiyal sa tarpaulin  sa √
babasahin pagkatapos ay dadaanan ko
tabi ng lansangan 
nalang.
Babalika balikan ang menu sa restwrant lalo
3. Menu sa restawran  √ na kapag dito ka palaging kumakain.
4. Manwal ng biniling  Paminsansan lamang babasahin ang manwal

telebisyon, DVD player,   at ito ay kapag bago mo pa gamitin ang
gadget o kaya naman ay kapag itoy nasira.
refrigerator, washing  
machine o kommpyuter 
Ang mga nobelanng romansa ay babalik-
5. Nobelang romansa 
balikang basahan ng mga nakasubaybay nito

6. Sarbey ng Philippine  lalo na kung ang kwento ay nakakaantig.
Statictics Office √
Ang mga statistics ay paminsan-minsan
  lamang na binabasa dahil ginagamit lang ito
sa mga balita at pananaliksik.
7. Polyeto o leaflet ng  protesta
ng isang grupo  

o organisasyon  Ang mga leaflet ay paminsan-minsan lamang
na binabasa dahil ang nakapaloob rito ay
maliit lamang na impormasyon na maaring
masaulo na agad ng tao sa unang tingin pa
8. Librong pambata  lang.

√ Ang mga librong pambata ay palaging


binabalik-balikan dahil ito ay
9. Poster ng pagtatanghal  ng √ nakakahumaling.
isang dula 
Ang mga poster ay paminsan-minsan lamang
na binabasa dahil ang nakapaloob lang rito ay
ang mga imprtanteng detalye tulad ng petsa
at kung saan gaganapin ang pagtatanghal na
maaring maging pamilyar agad ang tao
10.Teksbuk pagkatapos agad ng isang tingin.
√ Ang mga teksbuk ay binabalik-balikan dahil
mayroon itong mga impormasyon na maaring
gamitin ng mag-aaral sakanyang klase.

SURIIN 
( Ano ang dapat malaman? )

Ngayon, naiintindihan natin na hindi pala lahat ng bagay na ginagawa natin ay  tumutukoy sa
akademikong gawain. Magtala ng tig-apat na halimbawa ng gawaing  akademiko at di-akademiko. Isulat
ito sa roleta. 

Akademiko Di-Akademiko

Pananaliksik Alamat

Bionote
Maikling Kwento

Posisyong Papel Teleserye

Sintesis Dula
GAWIN NATIN 1 

Kung ang pagsusulat ay isang makabuluhang gawain ng isang mag-aaral at  mamamayan, ito ay
nagpapahiwatig ng isang pagpapahalaga ng isang tao na  kanyang ipinanagmamalaki sa kanyang sarili.
Bilang isang ,mag-aaral, bumuo ng  isang simbolo na pwede mong maipakita o maihalintulad sa isang
bagay, hayop o  tao ang kahulugan ng isang pagsusulat. Pagkatapos ay bumuo ng isang maikling 
paliwanag kung bakit ito ang napili mong simbolo. 

Ang napili kog simbolo ay ang pluma at agila dahil para sa akin kapag ang tayo ay nagsisimula
nang sumulat nararamdaman natin na tila tayo ay lumilipad. Sa bawat letrang ating sinusulat at
bawat ideyang ating binubuhos sa ating mga akda nakikita natin ang mga bagay mula sa itaas,
tumitingin tayo sa lahat ng perspektibo at kinonsidera ang bawat opinion ng tao. Ang mga agila
rin ay tinuturing na pinuno sa lahat ng mga ibon, may malakas na personalidad at walang
kinatatakutan, ang mga katangiang ito ay mismong katangian ng mga magigiting na manunulat.
GAWIN NATIN 2 

Isulat sa malinis na papel ang iyong personal na sanaysay na may  pamagat na “Bakit ako nagsusulat”.
Pagkatapos, ihambing ito sa artikulo na  nasa ibaba.

“Bakit ako nagsusulat”

Kung tatanongin man ako ng mga katagang “Bakit ka nagsusulat?” marahil iba’t- iba ang
aking tugon base sa aking edad. Kung ang musmos na ako ang tinanong nito ang isasagot ko ay dahil
gusto ko matuto ngunit kung ang tatanungin ay ang kasalukuyang ako isang na mag-aaral na malapit na
magkoloheyo marahil malaki ang kaibahan ng motibo ko sa pagsulat. Sumusulat ako dahil gusto kong
ipalabas ang aking saloobin, sumusulat ako dahil gusto kong mapakinggan ang aking mga daing,
sumusulat ako dahil sa pagsulat lamang ako nakakawala sa realidad at huli sa lahat sumusulat ako dahil
gusto kong mapukaw ang mata ng mga tao.

Maramig dahilan kung bakit sumusulat ang mga tao ngunit magkaiba man ang dahilan
nakakonekta parin ito sa iisang layunin ang makipagkomunikasyon sa ating lipunan sapagkat walang tao
ang sumusulat upang sarilihin lang nila ang kanilang akda, sumusulat tayo para basahin ito ng mga tao.
Halimbawa na lamang ang mga kolumista na sumusulat ng mga editoryal na artikulo, sumusulat sila
upang mabasa ng mga tao kung ano ang mga isyu sa ating mundo, hindi sila sumusulat para sa
pansariling kapakanan ngunit upang magbigay alam sa lipunan.

May pagkakataon din na ang pagsulat ang ating nagiging sandigan kapag nalulungkot
tayo na tila ba walang kayang making sa ating mga daing, sumusulat tayo sa ating mga diary or journals
upang ipalabas ang ating damdamin. Paminsan-minsan rin ay ang pagsulat ang ating takbohan upang
makawala sa kaguluhan ng mundo, sumusulat tayo ng mga kwento kung saan nahahasa natin ang ating
imahinasyon na tila ba ay dinadala tayo sa ibang parte ng mundo.

Kung para sa ibay ang pagsulat ay mababaw, ngunit iba ito sa ating mga manunulat sapagkat
nakikita natin kung gaano kaganda, kalungkot o kay saya ang mga bagay-bagay gamit lamang ang
kombinasyon ng mga salita.

You might also like