You are on page 1of 13

DAHON NG PASASALAMAT

Walang hanggan ang aming pasasalamat sa mga taong tumulong sa amin


upang mapagtagumpayan at maging epektibo ang aming ginawang pananaliksik. Una,
nagpapasalamat kami sa Panginoon dahil hindi namin ito magagawa at matatapos kung
wala ang kanyang patnubay, binigyan niya din kami ng lakas ng loob at sa lahat ng
aming ginagawa, nandoon ang kanyang presensya. Pangalawa, sa aming mga
magulang na walang sawang sumusuporta sa aming pangangailangan lalong-lalo na sa
problemang pangpinansyal at oras na binigay sa amin upang magawa ang aming
pananaliksik. Pangatlo, sa aming guro na si Ma’am Simon na aming professor sa
Filipino 2 at si Ma’am Gianne na aming practice teacher na ginabayan kami sa aming
pananaliksik at binigyan kami ng mga ideya upang mas mapalawak namin ang aming
pamanahong papel. Pang-apat, sa mga mananaliksik sa mga pag-aaral na ito dahil
nadagdagan ang aming mga nakalap na impormasyon at nagkaroon kami ng mga
basihan sa aming pag-aaral. Pang-lima, sa aking mga kamag-aral na tumulong
magbigay ng impormasyon tungkol sa aming paksa. Lubos ang aming pasasalamat
dahil kung wala ang mga taong ito, Di magiging epektibo, kasiya-siya, makabuluhan,
maging maayos, organisado, at kapani-paniwala ang aming pamanahong papel.

BGD at JTR

ii
TALAAN NG NILALAMAN

Pahina

DAHON NG PAMAGAT i

DAHON NG PASASALAMAT ii

TALAAN NG NILALAMAN iii

KABANATA I. Ang Suliranin at Sandigan Nito

Panimula 1

Paglalahad ng Suliranin 2

Saklaw at Limitasyon 2

Kahalagahan ng Pag-aaral 2

Katuturan ng Termino 3

KABANATA II. Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral 4-6

KABANATA III. Pamamaraan

Disenyo ng Pag-aaral 7

Lokal na Pag-aaral 7

Impormante / Respondente 7

Pangkalahatang Pamamaraan 8

TALATANUNGAN iv

iii
KABANATA I

Ang Suliranin at Ang Sandigan Nito

Panimula

Ang pag-aaral sa kolehiyo ay mahalaga para sa iyong kinabukasan na hinaharap


at isa itong pakikipaglaban para maabot mo ang iyong pangarap. Kailangan mong
maghirap at patunayan sa iba na kaya mo ang lahat ng mga pagsubok upang ikaw ay
maging matatag. Kailangan din natin mag- aral sa kolehiyo upang di tayo maging
pasanin sa ating bayan. Napakahirap lalong-lalo na sa mga taong walang pera at
naghihirap sa buhay ang magkolehiyo. Marami naman mga scholarship ang nakalaan
sa mga taong gusto mag-aral at walang pantustos. Sa kolehiyo marami ang nalilihis sa
landas tulad na lamang ng maagang mga kababaihan ang nabubuntis, nasasali sa mga
gang o fraternity, nagkakaroon ng bisyo o nahihinto sa pag-aaral dahil na rin sa
katamaran at nawawalan ng pag-asa na makapagtapos.

Kaakibat din ng pag-aaral sa kolehiyo ang stress dahil sa mga exams, reporting,
research, variety shows at iba pa. Marami na ang di nagkokolehiyo dahil mas pinili nila
ang magtrabaho upang magkaroon ng pera para sa kanilang pangangailangan ngunit,
sa kabilang banda maraming mga mag-aaral sa kolehiyo ang nasusuicide lalo na sa
Mindanao State University (MSU-GSC). Maraming mga rason kung bakit maraming
nagpapakamatay sa kolehiyo. Ang kahirapan, problema sa pamilya, pangkabuhayan,
kakulangan sa pinansyal, pagkakaroon ng mababang marka, bagsak sa kanilang
kursong kinuha ang isa sa mga kadahilanan nito. Mahalagang pag-aralan ang paksang
ito at gusto namin itong pag-aralan dahil gusto ko pang mas maunawaan ang usaping
ito at maintindihan ang mga dahilan at epekto nito sa iba. Mahalaga din malaman ng iba
ang mga usapin na katulad nito upang magkaroon sila ng ideya. Ang nag-udyok sa
amin sa pag-aaral na ito ay ang mga iba’t-ibang mga balita at isyung patungkol dito na
aming naririnig at mas mapalawak pa namin ang aming kaalaman bilang mag-aaral.

1
Paglalahad ng Suliranin

Ang mga tiyak na layunin ng pananaliksik na ito ay:

1. Makakalap ng mga iba’t-ibang impormasyon tungkol sa usaping ito.


2. Matukoy ang mga dahilan kung bakit maraming nagpapakamatay na mga
estudyanteng nasa kolehiyo sa Mindanao State University (MSU-GSC).
3. Nalalaman ang mga epekto tungkol sa isyung ito sa ibang tao.

Saklaw at Limitasyon

Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw sa mga dahilan kung bakit may


nangyayari ganito sa Mindanao State University (MSU-GSC) at epekto ng
maraming nagpapakamatay na mga estudyanteng nasa kolehiyo sa kanilang
kapwa mag-aaral. Saklaw at ang limitasyon din nito ang lawak ng sakop ng
ginawang pag-aaral, ang lugar at mga datos na kakailanganin.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay mahalaga sa mga mambabasa lalo na sa mga


mag-aaral at mga mananaliksik dahil nabibigyan sila ng karagdagan na
kaalaman o impormasyon at mas nalalaman nila kung ano ang nararapat na
gawin sa mga ganitong sitwasyon. Ito ay nakakatulong din upang mas
maunawaan at mabigyan pansin ang mga iba’t-ibang kadahilanan kung bakit ito
nangyayari.

Mahalaga ito sa mga guro dahil nalalaman ng mga guro kung paano nila
bibigyan ng magandang pakikitungo ang kanilang mga estudyante at maiwasan
ang mga ganitong pangyayari tulad na lamang ng pagpapakamatay. Mahalaga
din ito dahil nagkakaroon sila ng kaalaman sa paksang ito.

2
Katuturan ng Termino

Binibigyan ng kahulugan at paliwanag ang mga mahalagang salita na


napapaloob sa paksang pag-aaralan upang lubos na maunawaan ang pag-aaral
na ito. Ang bawat termino na mababanggit ay mapapaloob sa aming sulating
pananaliksik. Ang mga terminong ito ay makakatulong sa mambabasa upang
maunawaan nila ang tungkol dito, mas lumawak pa ang kanilang talasalitaan at
upang maging mas pamilyar pa sila dito. Nanggaling ang mga salita sa mga
diksyunaryo, internet, atbp.

Suicide – Ang pagpapakamatay o pagpapatiwakal ay ang akto ng pagkitil ng


sariling buhay. 

Suicidal Behavior - Anumang aksyon na maaaring makapatay sa sarili tulad ng


pag-inom ng labis na dosis ng gamot o sadyang pagbunggo ng sariling
sasakyan.

Scholarship – isang opportunidad na binigigay sa mga taong walang pera at


walang kaya sa buhay. Dito pinag-aaral ang mga kabataang may mga pangarap
at may gustong marating sa buhay.

Stress – Ito ay nararanasan ng karaniwang tao sa bawat araw at isang normal


na pisikal na tugon sa mga pangyayari na maaaring magbigay ng pakiramdam
ng pagbabanta o pagkabahala. Kapag ang stress ay naging mabigat at
nagsimulang maapektuhan ang pisikal o mental na tungkulin ng tao, ito ay
nagiging isa nang problema.

Kurso - ay isang yunit ng pagtuturo sa isang paksa at pangmatagalan ang pag-


aaral upang maging expert ka sa iyong gustong trabaho.

Pamantasan o Unibersidad - ay isang institusyon ng mas mataas na


edukasyon at pananaliksik na nagbibigay ng mga sertipikong akademiko sa iba't-
ibang larangan. 

3
KABANATA II

Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng mga kaugnay na literatura at mga


pag-aaral na isinaalang-alang ng mananaliksik sa ikabubuti ng kanyang pag-
aaral.

Kaugnay na Literatura

Hindi maikakailang na ang pag-aaral sa kolehiyo ay di madali dahil na rin


sa iba’t ibang kinakaharap na problema at suliranin sa paaralan, pamilya,
pangkabuhayan, perang pang-pinansyal at mga bagsak na report card. Sa mga
kadahilanang ito, maraming mga estudyante sa Mindanao State University
(MSU-GSC) ang nagpapakamatay. Dahil dito, marami ang nagsagawa ng kani-
kanilang pananaliksik upang palalimin at gawing partikular ang depinisyon at
tunay na hangarin ng pag-aaral ng paksang ito.

Ayon sa pananaliksik nina Schulenberg, Maggs, &Hurrelmann (1997),


para sa mas nakararaming kabataang mga lalaki at babae, ang pagkokolehiyo
ay ang magandang panahon para sa hamon at oportunidad ng pag-unlad. Ayon
naman kay Balk (1995), Hurrelmann at Losel (1990), para sa karamihan, ang
pagkokolehiyo ay ang unang pagkakataon ng paglayo sa tirahan, mga
magulang, at sa mga nakasanayang lugar. Tulad ng ibang malalaking
pagbabago sa buhay, ang pagkokolehiyo ay maaaring pagkakataon ng personal
napagbabago na maaari ring pagmulan ng stress o pagkahapo. Alinsunod sa
pag-aaral ni Jaff-Gill et. al.(2007) maraming sanhi ang stress at ito ay magka-iba
sa ibat-ibang indibidwal. Ang iyong itinuturing nanakahahapo ay depende rin sa
maraming mga dahilan kabilang na ang iyong personalidad, abilidad sapaglutas
ng problema at ang mga taong nariyan para sumoporta. Ang isang bagay na
nakahahapo sayo ay maaaring nakatutuwa pala para sa iba. Kahanay nito,
kaugnay ng pagkokolehiyo ang karagdagang pagkabalisa at depresyon.

4
Ayon kina Kuribayashi, Whitney, at McClushkey-Fawcett (1997). Batay kay
Marols (1989), ang mga nasa unang taon ng kolehiyo na nakararanas ng hirap
sa pagbabago ay nagkukulang ng epektibong pagkayang kapasidad at nilulutas
sapaghiwalay sa kaibigan, paninisi sa iba, pag-inom ng alak at pagdodroga, at
nagiging aktibo sa sex. Halimbawa, ang pag-inom ng alak sa pagkokolehiyo ay
normal lamang na gawaing pagkaya. Ang labis napag-inom ng alak ay
makakasama sa kalusugan ayon kina Maggs, 1997; Schulenberg et al.; (1997).
Ayon kay William Werther,et.al (1971), ay pagbibigay ng halaga sa indibidwal sa
kanilang mga katangian at kakayahan upang mas magkaroon sila ng
determinasyon sa kanilang sarili na mas mag-aral ng mabuti at di lumihis sa
landas. Pinatunayan rin ni Jaff-Gill et. al. (2007) stress sa kolehiyo ay hindi
lamang nagdudulot ng pisikal na karamdaman, ito rin ay may masamang epekto
sa mental na kalusugan. Habang nagtatagal, ito ay nagdudulot ng mental na
problema, tulad ng: pagkabalisa, kalungkutan problema sa pagkain, at pag-
aabuso ng substansiya na nakakaapekto sa utak, particular na dito ay ang
memorya, ngunit ang epekto nito at nag-iiba depende kung ito ay acute o
chronic. Isa sa mga mental na problema ay ang pagpapakamatay sa sarili dahil
sa stress o depresyon at mga problema sa kanilang paaralan at minsan sa
kanilang mga pamilya. Di na nila kaya pang maresulba ang kanilang sariling mga
problema at solusyonan na lamang ng pagtitiwakal. Ayon kay Robert (1988) ,
ang depression ay isa sa mga dahilan din kung bakit marami ang
nagpapakamatay at kabilang din sa mga rason ay ang pagkakaroon ng
mababang marka o kaya naman napapahiya sa harap ng kanilang mga kaklase.
Ayon kay G. Philip Chua, maraming nangyayaring pagtatangkang
pagpapakamatay kung saan dapat na maging malay sila sa kasidhian ng
suliranin ng mga kabataan na nasa kolehiyo.

5
Kaugnay na Pag-aaral

Ang pagpapakamatay ay isang suliranin na matagal nang kinakaharap ng


marami sa buong mundo. Ayon sa pag-aaral ng World Health Organization,
tinatayang aabot sa 800,000 na indibidwal ang nagpapakamatay sa buong
mundo taon-taon.

Kahit na sino ay maaaring makaisip na tapusin ang kanyang buhay. Ngunit ang
panganib na ituloy ang pagpapakamatay ay higit na mas mataas sa mga taong
may karamdaman sa pag-iisip gaya ng depresyon, bipolar disorder, post-
traumatic stress disorder, at anxiety disorder. Mataas din ang posibilidad sa mga
taong gumagamit ng ipinagbabawal na gamot at mga estudyanteng nasa
kolehiyo na nalilihis sa landas at may depression. Ayon sa DepEd: Marami sa
mga mag-aaral sa kolehiyo ang nakakaranas ng paghihirap sa kanilang pang
pinansyal na pangangailangan at 38% o halos kalahati sa porsyento ang di
makapag-aral.

6
KABANATA III

Pamamaraan

Nakatala sa kabanatang ito ang disenyo ng pag-aaral, lokal na pag-aaral


at mga hakbang ng mananaliksik sa pangangalap ng datos at pamamaraang
ginamit sa ginawang pagsusuri.

Disenyo ng Pag-aaral

Ginamit ng mananaliksik ang Pamamaraang Palarawan sa pagtukoy ng


paksa, mensahe at sinubukang ilarawan, ipaliwanag at suriin sa pag-aaral na ito
ang mga dahilan at epekto ng suliranin.

Lokal na Pag-aaral

Ang mga impormasyon ay kinalap sa Mindanao State University (MSU-


GSC) sa pamamagitan ng pagtatanong o madaliang pag-interbyu sa
impormante.

Impormante / Respondente

Kinapanayam ng mananaliksik ang kanyang mga kaklase o kakilala


tungkol sa isyu upang maging malinaw sa mananaliksik pati na rin sa mga
mambabasa ng pag-aaral na ito.

7
Pangkalahatang Pamamaraan

Sa ginawang hakbang ng aming pananaliksik sa aming pag-aaral. Una, kami ay


naghanap ng mga impormasyon na makatutulong sa aming paksa sa pamamagitan ng
internet. Pangalawa, nagsagawa kami ng madaliang interbyu sa aming mga kakilala
upang makalikom kami ng mga mahahalagang impormasyon at malaman kung ano ang
naging epekto nito sa kanila. Pagkatapos namin itong magawa lahat ay aming pinag-
isa at sinuri ng maayos upang maging epektibo ang aming ginawang pananaliksik.

8
Pangalan:

Asignatura at Taon:

Bilogan ang iyong napiling sagot.

1.) Ano ang kadalasan mong nararamdaman pagtambak na ang iyong mga gawaing
paaralan?
a. Stress c. Matulog
b. Katamaran d. Kumain
2.) Madali kang matuto sa iyong mga aralin pag ang professor mo ay ___________.
a. Tamad c. Binibigay ang lahat ng gawain sa inyo
b. Masayahin d. Groupings and Reporting
3.) Ilang oras ang iyong ginugugol sa paggawa ng mga takdang aralin o reportings.
a. 20-30 minutes c. 10 minutes
b. 1 hour d. 2 hours
4.) Sa pagtatala ng mga impormasyon sa iyong mga aralin. Saan sa mga gamit na
ito ang mas madaling gamitin?
a. Cellphone c. Notebook
b. Tablet d. Laptop
5.) . Anu-ano ang mga positibong epekto ng mga makabagong teknolohiyang ito sa
iyong pang araw araw na pamumuhay?
a. Nagpapadali ng komunikasyon c. Nagpapatupad ng antas ng libangan

b. Napapabilis ang gawain d. Nakatutulong sa pagpapalawak ng kaalaman

6.) Magkano ba ang libro ninyo ngayon?

a. 500 pesos c. 150 pesos

b. 300 pesos d. 250 pesos


7.) Nahihirapan ka bang magcommute papunta sa iyong paaralan?
a. Oo c. Medyo
b. Hindi d. Di ko alam
8.) Nadadagdagan ba ang inyong kaalaman pag binibigyan kayo ng maraming aralin
sa inyong bahay?
a. Oo c. Marahil
b. Hindi d. Medyo
9.) Ano ba ang epekto sa iyo pag ikaw ay nakakarinig ng mga isyung
nagpapakamatay sa kolehiyo?
a. Hinahayaan c. Naging Inspirasyon
b. Nagtatanong ng mga impormasyon d. Wala sa lahat ng ito
10.) Sino ang mas may pakinabang para sa pag

You might also like