You are on page 1of 10

PANALANGIN

NG MGA GURO

PAGKATAPOS NG KOMUNYON
Misa sa Kapistahan ni Kabanal-banalang Victoria Diez

Diyos ng lahat ng nilikha,


tagapagkaloob ng lahat ng kaalaman
at Guro ng mga guro,
kami ay nagpapasalamat
sa pagtawag upang maging daan ng
karunungan.
Misa sa Kapistahan ni Kabanal-banalang Victoria Diez

Nagpapasalamat din kami


sa pagbibigay Ninyo sa amin kay kabanal-
banalang Victoria Diez, na huwaran ng
kung paano maging guro
na hindi lamang nagturo, kundi humubog
din ng pagkatao ng bawat kabataang
kanyang nakatagpo, at nag-alay ng buhay
para sa pananampalatayang naging
gabay niya kung paano mamuhay nang
banal.
Misa sa Kapistahan ni Kabanal-banalang Victoria Diez

Aming Ama, bigyan po Ninyo ng


pagkalinga kaming mga guro,
lakas ng katawan at isipan
lalo na sa mga pagkakataong kami’y
nauubusan, upang makapagbahagi ng
sarili.
Misa sa Kapistahan ni Kabanal-banalang Victoria Diez

Patuloy kaming biyayaan ng kahandaang


linangin ang isipan ng mga kabataan,
at huwag magsawa kapag ‘di makahabol
ang aming tinuturuan.

Ihanda mo ang aming mga puso


na maging daan para ituro ang
katotohanan.
Misa sa Kapistahan ni Kabanal-banalang Victoria Diez

Pag-ibayuhin nawa namin na magturo ng


may pagmamahal, upang hindi lamang isip
ng mga mag-aaral ang aming mahipo
ngunit pati ang mga pusong sugatan.

Pagkalooban nawa kami ng mahinahong


pagtitiyaga sapagkat ang landas ng
kaalaman ay hindi madali.
Misa sa Kapistahan ni Kabanal-banalang Victoria Diez

Pagningasin nawa sa amin ang maapoy na


diwang nagpapaliyab sa kagustuhan
makapagbahagi ng katuruan.

Tulungan nawa kaming makita ang galing


sa bawat mag-aaral.
Misa sa Kapistahan ni Kabanal-banalang Victoria Diez

Ikintal Ninyo sa amin ang walang


pagkauhaw sa karunugan at bagong mga
kaalaman na ‘di dapat katakutan.

Pagpalain po Ninyo ang mga gurong


nauna sa amin na naging daan upang
maging maayos ang kalalagayan naming
mga guro ngayon.
Misa sa Kapistahan ni Kabanal-banalang Victoria Diez

Tanglawan po ng Inyong mabuting


halimbawa ang Kaguruan upang
makapaghubog kami sa pamamagitan ng
aming buhay, upang makapagmahal sa
kabila ng maraming kakulangan, at upang
makapagbahagi ng sarili ng hindi
naghihintay ng kapalit.
Misa sa Kapistahan ni Kabanal-banalang Victoria Diez

Ang lahat ng ito’y hinihiling namin sa


ngalan ni Kristong aming Panginoon.
Amen.

You might also like