You are on page 1of 5

ANG DISKURSO

Mga Batayang Kaalama sa Diskurso at Pagdidiskurso


Ang wika ay isang behikulo at instrumentong ginagamit ng tao at institusyon sa lipunan. Alinman o
maging anumang uri o anyo ng lipunan ay nanganagailangan ng wika upang higit na magkaunawaan, maging
episyente ang pagpapagalaw ng mga gawain at maging epektibo ang inihahaing simulain.
May kapangyarihang kumontro ang wika. May kakayahan itong maglimita, magpalawak, magpalinaw o
magpalabo ng mga ideya.

Kahulugan ng Dikurso:
Discourse – Ingles Medya
Discursus – Latin nangangahulugan ng diskusyon o argumento
 Kumbersasyon – isang verbal na pagpapalitan ng mga ideya na pwedeng maganap sa mga sosyalang
pampamilyaridad o kaya’y sa isang pormal at maayos na karaniwang humahabang pagpapahayagan ng
mga kaisipan hinggil sa kung anong paksa na maaaring pasalita o pasulat.
 Isa rin itong yunit panlinggwistik na mas malaki kaysa sa isang pangungusap gaya ng isang kumbersasyon
o isang kwento. (Merriam Webster, 1996)
 Tumutukoy ang diskurso sa paggamit ng wika, sa paraan ng pagpapahayag at sa pag-unawa kung paano
ginagamit ang wika. (McCarthy,1991)
 Ang diskurso ay ang pagpapabatid ng iniisip at nadarama sa hangaring maunawaan at unawain ang
kausap na maaaring isagawa nang pasalita at pasulat. Ito ay ang kakayahang maunawaan at makabuo ng
sasabihin o isusulat sa iba’t ibang genre gaya ng narativ (pagsasalaysay), deskriptiv (paglalarawan),
expositori (paglalahad), argumentative (pangangatwiran) o persweysiv (panghihikayat) atbp.

Mga Teknikal na Pagpapkahulugan sa Diskurso:


 Ang diskurso ay paraan ng pagpapahayag, pasulat o pasalita man.
 Ang diskurso ay nangangahulugan ding pakikipagtalastasan.
 Ang diskurso ay ang pormal at patuluyang pagsasagawa ng isang mahusay na usapan.
 Ang diskurso ay isang interaktibong gawain tungo sa mabisang paglalahad ng mga
impormasyon.
 Ang diskursso ay tumutukoy sa kinagisnang paraan ng pakikipagtalstasan gayon din naman ang malalim
na pagtingin sa mga ideyang inilahad. (Millrood, 2002) Samakatuwid, ang pagdidiskurso ay hindi lamang
nakapokus sa mismong salita; sa halip, bahagi rin nito ang mga tagong mensahe (implied messages).
Sa pagdidiskurso, mahalaga na:
1. Maging mapanuri hindi lamang sa salita kundi sa kulturang nakapaloob ditto;
2. Mahusay maghinuha ng mga impormasyon gaya ng integrasyon ng kilos sa salita;
3. Magkaroon ng kritikal at malalim na kakayahan sa pag-unawa ng mga mensahe;
4. Maisaalang-alang ang ga sumusunod na dimensyon:
a. Konteksto – gaya ng inilahad ni Hymes sa kanyang SPEAKING theory, tungo sa
ikatatagumpay ng isang pakikipagtalastasan, mainam na makita ang kabuuang konteksto
(setting, participants, ends, acts, keys, instrumentalities, norms at genre). Sa pamamagita
nito maaaring mapaangat ang sensitibiti ng dalawang nag-uusap.
b. Kognisyon – tumutukoy sa wasto at angkop na pag-unawa sa mensahe ng mga nag-uusap.
Bhagi ng kognisyon ang oryentasyon at kulturang kanilang kinabibilangan.
c. Komunikasyon – ang dimensyong ito ay tumutukoy sa berbal at di-berbal na paghihinuha ng
mga impormasyon.
d. Kakayahan – Likas sa mga tao ang pagkakaroon ng kakayahan sa pakikikinig, pagsaasalita,
pagbasa at pagsulat. Ang mga ito ang siyang pangunahing kailanganin sa mahusay na
pagdidiskurso.

Ang Pasalita at Pasulat na Diskurso


Isinasaalang-alang sa dalawang diskursong ito ang kakayahang linggwistika (linguistic competence). Ito
ang kakayahang makabuo ng pagugusap o pahayag na may wastong kayariang panggramatika. Ang kakayahang
komunikatibo (communicative competence)- kakayahang umunawa at mgamit ang mga pangungusap na may
wastong kayariang panggramatika na angkop sa panlipunang kapaligiran o sa pisikal na seting ayon sa hinihingi
ng sitwasyon.
Sa pasulat na diskurso, pangunahing isinasaalang-alang ang istrukturang gramatikal ng wika:
parirala,sugnay, pangungusap atbp.
Awtomatiko ang pasalitang komuikasyon kaysa pasulat na komunikasyon. Sa pasulat na komuniksyon ay
maaaring maganap ang pag-rerebisa at matamang paghahanda ng isusulat na mensahe na di nagaganap sa
pasalitang komunikasyon. Mas pormal ang pasulat kaysa sa pasalitang komunikasyon

PAGKAKAIBA NG PASALITA PASULAT NA DISKURSO:


1. Kasaysayan – unang naging paraan ng komunikasyong pantao ang pagsasalita. Walang ebidensya kung
kalian nagsimulang magsalita ang tao. Sinasabi na ang Homo erectus ang unang nakagamit ng mga
unang tunog ng wika. Sa kasaysayan, naitalanng ang mga unang paraan ng pagsulat ay nagsimula 5,000
taon na ang nakalilipas. Ang lahing Subarian (mula sa Sueria) ang sinasabing unang umimbento ng
pagsulat.
2. Sa paraan ng paghahatid ng mensahe – Sa pasalita, ito ay sa pamamagitan ng mga simbolong naririnig o
mga ponema. Ito ang mga tunog ng wika. Ang mga simbolong ito ay agad ding nawawala sa hangin. Sa
pasulat, ang mga simbolong ginagamit ay mga grafema, sinusulat ang mga ito at nananatili ang anumang
bagay na pinagsulatan ditto.
3. Sa panahong ginugugol sa pag-aaral – natural na paraan ang ginagamit sa pag-aaral ng pagsasalita. Sa
pagsulat, higit na mahabang panahon, maingat na pagtuturo at pagsasanay ang kinakailangan.
4. Sa sitwasyon – lantarang palitan ng kuro at salita ang ginagamit.Gumagamit din ng pinagsamang berbal
at di-berbal na paraan g komunikasyon. Ang fidbak ay maaari ring tuwiran o agaran samantalang sa
pagsasalita, ginagamitan lamang ito ng berbal na komunikasyon at maaring maantala ang fidbak ng
resiber.

WIKANG PASALITA AT WIKANG PASULAT BILANG INSTRUMENTO NG RETORIKA


Wikang Pasalita Wikang Pasulat
Unang ginamit ng lahing Home erectus Unang ginamit ng lahing Subaria
Gumagamit ng mga tunog/ponema – mga Gumagamit ng mga grafema – titik, bantas,
makahulugang tunog ng wika mga bilang at iba pang simbolo ng wika
Gumagamit g komunikasyong berbal at di- Gumagamit ng komunikasyong berbal kaya
berbal nangangailangan ng kaalaman sa ispeling at
palabantasan
Kaharap man o sa tulong ng teknolohiya, Maaaring makatalastas ang mga di kapanahon
ngkakaroon ng ugnayan ang sender at o kapook
resiber
Likas sa normal na tao ang matutong Mahabang panahon ang kailangan upang
magsalita matutuhan ito
Nagkakaroon ng patuloy na bigayan at Midyum ng kasaysayan ang literaratura.
pagtanggap ng mensahe sa 2 panig – ang
nagsasalita at nakikinig

Ang teksto at Konteksto


Teksto – binubuo ng ma pangungusap na isinaayos upang maghatid ng mensahe. Ang mga kahulugang
nakapaloob sa texto ay isinaayos upang magbigay ng mensahe sa iba’t ibang paraan.
Konteksto – pagbibigay kahulgan sa mensahe na nais ipahiwatig ng teksto.

Mga Teorya ng Diskurso:


1. Speech Act Theory – (Searles’ 1969)
- Sa simpleng paliwanag ito ay tumutukoy sa paniniwalang Ingles na “in saying something,
we do something” . Anuman ang ating sabihin, lagi na itong may kaakibat na kilos, maging
ito man ay paghingi ng paumanhin, pagbibigay-babala, paghihimok atbp.
- Kaugnay ng gampaning lokusyon at ilokusyon, na ang hangarin ay makilala ang tungkulin o
gampanin ng lokusyon – ito man ay tagatanggap o gumaganap.
Tatlong Akto ng Pagsasalita ng Tagapagsalita:
a. Gampanin/Tungkuling lokyusyonari – pagsasabi ng isang bagay na makabuluhan o may katuturan.
 Ito ang pagsasaad ng isang pangungusap o bahagi ng pangungusap na literal na
nauunawaan sa paggamit ng wika.
 Ang kaalamang panglingwistika na ang puhunan sa pagsasagawa ng akto/ kilos .
Hal. Pangako kong tuturuan kitang magsayaw.
b. Gampanin/Tungkuling ilokyusyonari – ay isang tungkulin ng pagsasagawa ng isag bagay o isang
mensahe ayon sa intensyon ng nagsasalita.
- May tiyak na puwersa tulad ng pagpapabatid, pag-uutos, pagbabala atbp.
Hal. A. Pangako: Magkita tayo mamaya at tuturuan kita ng sayaw.
B. Pakiusap: Edwin, maaari bang turuan mo akong magsayaw?
C. Pag-utos: Turuan mo akong magsayaw, kung ayw mong sisantihin kita sa trabaho.
c. Gampanin/Tungkulin Pelokyusyonari - tungkuling dulot ng pwersang ilokyusyonari.
- nagpapalabas o nagtatamo ng isang bagay tulad ng panghikayat, pagkumbinse at pagbabawal.

Limang Puntos ng Ilokyusyonari at Perlokyusyonari (Ayon kay Searle)


 1. Assertives– (Aktong representatibo) ang mga pahayag ay maaaring husgahan
kung tama o mali dahil naglalayon itong magpamalas ng kalagayan at
kaangkupan ng proposisyon. (pagtanggap, paghihinuha, pag-uulat atbp.)
 2. Directives (direktibo) – mga pahayag na naghihimok upang kumilos o
tumugon sa hinihingi ng proposisyon.
 3. Commisives (Komisibo) – mga pahayag na tumiyak o tumupad sa aksyong
inilalarawan ng nilalaman ng proposisyon
 4. Expressive (ibalwatibo)– mga pahayag na naglalarwan ng sinseridad ng
kondisyon ng akto sa pagsasalita tulad ng pasasalamat, pagbati, paghingi ng
paumanhin, pamumuna, pagtanggi at pagsang-ayon o kaya ay pagpaparusa
atbp.
 5. Declaratives (establisado)- mga pahayag na naglalayong mabago ang mundo
sa pamamagitan ngpagrerepresinta ng isang pagbabago. Tulad ng pagbabala,
paghirang, pagpapahintulot, pagpapatawag at pagbibigay-permiso.
2. Ethnography of Communication – si Dell Hymes ang nagpasimuno sa teoryang ito. Tinawag niya itong
“ethnography of speaking” na kalauna’y naging ethnography of communication. Binigyan niya ng
kahulugan ang ethngrapgy of communication na nag-uugnay sa sitwasyon at gamit, pattern at tungkulin,
ng gawi ng pagsasalita.
- Tumutukoy rin ito sa pag-aaral ng komunikasyon kaugnay sa sosyala at kultural na pag-
uugali at paniniwala.
- Nakapokus ito sa kakayahang pangkomunikatibo: ang kaaalamang sosyal, sikolohikal,
kultural at linggwistikang may kaugnayan sa angkop na gamit ng wika.
3. Pragmatic theory - ang salitang prama ay galing sa salitang Griyego na ang ibig tukuyin ay aksyon,
galaw, paggalaw, gawa, gawain.
- Ang pragmatik ay ang relsyon sa pagitan ng wika at ng tao na guagamit ng wika.
- Ito ang pag-aaral ng mga aktwal na pagsasalita sa iba’t ibang konteksto.
4. Variationist Theory – nakapokus ito sa baryasyon ng wikang ginagamit ng taong sangkot sa isang
diskurso. Kinapapalooban ito ng pagkakaiba ng tono, intonasyon, gamit ng salita gayundin ang
estrukturang panggramatika ng isang ispiker.
- Lumaganap ang teoryang ito dahil na rin sa unti-unting pag-usbong ng iba’t ibang speech
community na nagtataglay ng maraming baryasyon sa wika.
Mga Modelo ng Komunikasyon
Madelo ni Berlo:
 Ito ang tinatawag na S-M-C-R na modelo ng komunikasyon
 Binigyang-diin din sa modelong ito ang pag-uunawaan ng mga kasangkot sa proseso ng komunikasyon
 Ang pag-eenkowd at pagdedekowd ng mensahe ay nagbibigay diin sa mga suliranin sa paghahatid n
gating kaisipan sa wika o iba pang simbolismo.
 Nakapokus sa mensaheng ipinadadala at tatanggapin naman ito ng iba.
Ipinakikita ni Berlo ang mga mahahalagang elemento ng komunikasyon. Ang mga elemento ay:
a.       Pinagmumulan ng mensahe o Source
b.      Mensahe o Message – pinakasentrong elementong nagbibigay diin sa paghahatid ng ideya.
c.       Pinagdaraanan ng senyas o Channel
d.      Tumatanggap ng mensahe o Receiver – sila ang target ng destinasyon ng mensahe
Mapupuna natin na ang modelo ni Berlo ay maaring iangkop sa maraming sitwasyong
pangkomunikasyon, at hindi lamang sa komunikasyon pasalita.

Modelo nina Shanon at Weaver


 Ayon nina Shannon at Weaver, ang ingay ayn anumang nakakagambala sa mabisang daloy ng
komunikasyon. Sa modelong ito ipinakikita ang kaugnayan ng ingay sa komunikasyon.
 Tianatawag na Mathematical Model
 Ibinibigay nito ang pangkalahatang modelo na maaaring matrato bilang komon na pangangailangan ng
iba’t ibang disiplina tulad ng dyornalismo, retorika,, linggwistik at agham ng pagsasalita at pakikinig.
Mahahalagang Komponent:
1. Pinagmumulan ng mensahe
2. Ang mensahe
3. Transmiter – ang pinakasimpleng sistema ngtransmisyon ay yaong harapang
pakikipagkomunikasyon na may dalawang antas; una, ang bibig(tunog) at ang katawan (kilos o
galaw) na siyang lumilikha at kumokontrol sa signal; pangalawa, ang tsanel na binubuo ng hangin
(tunog) at ilaw(kilos o galaw)na tumutulong sa transmisyon ng signal mula sa ibang tao patungo sa
iba.
4. Signal – na dumaraan sa tsanel
5. Tagahatid
6. Ingay/Sagabal –
7. Tagatanggap
8. Destinayon

Modelo ng Komunikasyon ni Schramm


 
            Si Wilbur Schramm ay isa sa mga unang gumawa ng modelong nagpakita sa komunikasyon bilang
dalawang patunguhan. Ang mga kalahok ay sabayang nagpapadala at tumatanggap ng mensahe.
Pinahahalagahan ng modelo ni Schramm ang reaksiyon ay ipinahihiwatig kung ano ang interpretasyong
ibinibigay sa mensahe ng tumatanggap nito.
 
            Ayon kay Schramm, upang magkaroon ng pagkakaunawaan ang mga kalahok sa komunikasyon,
kailangang nagdadaop o mayroong pagkakatulad ang mga nasasaklawan ng karanasan ng mga kalahok kahit
man lang sa maliit na punto ng kakayahan sa paggamit ng isang senyas na kumon.
 Nagbibigay pokus sa mga nakaraang pangyayari sa buhay ng isang tao.
Modelo ng Komunikasyon ni Dance
          Ang kalikasang dinamiko ng komunikasyon ay higit na binibigyang-diin ni Dance sa kanyang paikid anyong
susong modelo ng komunikasyon. Ipinahihiwatig ng modelo na ang komunikasyon ay isang proseso.
Nagpapakita ito ng pagiging dinamiko ng komunikasyon, dahil ito ay tuluy-tuloy at mabilis ang
pagbabago.
Ang “helix” – ayon kay Mortensen ay nagrerepresinta ng paraan ng komunikassyong nagsimula sa isang
indibidwalmula sa pagkasilang hanggang sa kasalukuyan.

Modelo ng Komunikasyon ni Ruesch at Bateson (Modelong Functional)


             Binibigyang pansin nina Ruesch at Bateson ang kalikasan ng komunikasyon batay sa konteksto ng
pinangyayarihan nito. Ayon sa kanila, may apat ba antas ang komunikasyon: intrapersonal, interpersonal, grupo
at pangkultura. Sa bawat antas ay may nagaganap na pagbibigay-halaga, pagpapadala at pagtanggap. Mayroong
pag-aangkop ayon sa antas ng nagaganap na komunikasyon.
 

You might also like