You are on page 1of 9

BATAYANG KAALAMAN SA DISKURSO

Konsepto ng Diskurso
Mula sa wikang Ingles, ating bigyang pansin ang
kahulugan ng diskurso bilang DISCOURSE, sa wikang
Latin ay DISCURUS at sa wikang Filipino ay
DISKURSO o DISKURS.
May mga teknikal na pagpapakahulugan ang
salitang diskurso:
- Ito ay isang paraan ng pagpapahayag, maging pasulat
o pasalita.
- Ito rin ay nangangahulugang pakikipagtalastasan.
- Ito ay isang paraan ng usapang mabisa at mahusay na
pagpapalitang kurso.
- Ito rin ay isang interaktibong proseso ng
pagpapahayag ng impormasyong naglalayon na
bumuo ng isang talakayan.

PAG-AANALISA:
Dis – mula sa Ingles na panlaping nangangahulugang
pag-aalis o pagtatanggal (Badayos et. Al. 2007)

KURSO – mula sa konteksto na ang ibig sabihin ay


isang organisadong gawain.
Ang diskurso ay nagpapahayag sa konseptong:
- Binibigyang pansin ang kahulugan ng salita at ang
kulturang nagpapahiwatig dito.
- Binibigyang turing ang maayos na hinuha ng mga
impormasyon na may kasamang kilos sa bawat salita.
- Nagkakaroon ng isang kritikal na pag-unawa at
maayos na pag-aanalisa.
- At mayroong dimensyong diskurso:

a) Konteksto - sa paliwanag ni Dell Hymes sa kanayang


S-P-E-A-K-I-N-G Theory, ang kaayusan ng pahayag ay
makikita sa kabuuang tema ng teksto at istilo ng
pagsasalita.
b) Kognisyon – tumutugon sa wasto at angkop
na pag-unawa hinggil sa mensaheng pinag-
uusapan.

c) Komunikasyon – nagbibigay turing sa berbal


at di-berbal na paghinuha sa mga impormasyon.

d) Kakayahan – Ang bawat tao ay may


kakayahang makro, ito ay pangunahing kailangan
ng tao sa pandiskursong talakayan.
MGA TEORYA SA DISKRSONG TALAKAYAN
1. Teoryang Pragmatik – ipinapakita dito ang
isang tiyak na gamit at kaangupan ng wika
(wastong gamit ng wika).

May pangunahing kakayahan at layunin ang pragmatik


sa proseso ng komunikasyon:

a) Ang wika ay ginagamit batay sa layunin gaya ng pagbati,


pagpuna, paghahalintulad at pagbibigay ng pangako.
b) Panghihiram at pagbabago ng wika batay sa pangangailangan
ng nakikinig at sitwasyon ng kausap.
- Pakikipag-usap sa Guro ng isang mag-aaral.
- Pakikipag-usap sa isang pinuno at tagasunod.
- Pakikipag-usap ng bata sa nakatatanda.

c. Mga gabay at tuntunin sa isang konbersasyon at mga


dayalugong panlipunan, pagbabalita, pagkukuwento at
pagbibigay ng ulat panlipunan.
2. Teoryang Speech Act – ito ay terminong teknikal na
ginagamit ng sa daigfid ng linggwistika at sa
pampilosopikal na wika.

3. Teoryang Baryasyunis (Variationalist) – Binibigyan


pansin ang paggamit ng baryasyon ng wikang kasangkot
sa diskurso. Mapapansin sa wikang kasangkot ang
pagkakaibang suprasegmental at segmental, gayon din
ang istraktura ng wikang ginagamit ng ispiker. Ang
bawat wika ay nagtataglay ng maraming barasyon.
4. Istilo ng komunikasyon batay sa Pormalidad
Ayon kay Joos (1976) may limang antas ng
pormalidad sa pakikipagkomunikasyon:

1. Istilong Oratorikal (Oratorical)


2. Istilong Deliberatibo ( Deliberative)
3. Istilong Konsulatib (Consulative)
4. Istilong Kaswal (Casual)
5. Istilong Intimeyt (Intimate)

You might also like