You are on page 1of 17

MA. JESSA B.

TIANGSON BSEd-3
WEEK 11
Individual Activity
Panuto: Punan ng wastong salita ang bawat pangungusap upang makompleto ang diwa nito.
1. Ang mapapansing mga paksain sa mga kwento, dula, tula at iba pa ay ang buhay lalawigan.
2. Ang dulang “Sino Ba Kayo?” ni Julian Cruz Balmaceda ay itinanghal ng Dramatic Philippines sa
Metropolitan Theatre sa ilalim ng pamamahala ni Narciso Pimentel Jr.
3. Marahil ang naging dahilan ay ang kakauntian ng mga nobelang nalathala ng panahong yaon ay ang
kakapusan ng papel.
4. Isang mahalagang tula ang namalasak noong panahon ng mga Hapones, ang Haikku isang tulang
binubuo ng labimpitong (17) pantig na nahahati sa tatlong taludtod.
5. Malaki ang nagawa ng mga Hapon sa pagpapalaganap ng Filipino sapagkat ito'y sapilitang ipinaturo
mula sa unang baytang sa elementarya hanggang sa kolehiyo ng Edukasyon sa dalubhasaan ngunit
ang Ingles ay hindi nila napawi.

Individual Exam
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga katanungan at sagutan ito pagkatapos.

1. Anu-ano ang naging paksain ng mga tula, kuwento at dula noong panahon ng mga Hapon?
Noong panahon ng mga Hapon, ang naging paksain ng tula ay tungkol sa bayan o sa
pangmakabayan, pag-ibig, kalikasan, buhay lalawigan o nayon, relihiyon at sining. Sa pangkalahatan,
ang mga naging paksain ng mga tula, kuwento at dula noong panahon ng mga Hapon ay ang buhay
lalawigan.

2. Anu-ano ang katangian ng tula sa panahon ng Hapones? Ipaliwanag ang bawat isa.
Ang mga katangian ng tula sa panahon ng Hapones ay ang mga sumusunod:
1. Maikli, lalung-lalo na ang mga nalathala sa Liwayway noong 1943. Ibig sabihin, ang tula sa
panahon ng mga Hapones ay hindi kasing haba ng katulad sa atin ngayon. Ang tula ay
mayroon lamang kaunting content at hindi na pinahabaan pa.
2. Namayani ang tulang may malayang taludturan; walang sukat na sinusunod at kadalasa'y
walang tugma. Ibig sabihin, ang tula sa panahon ng mga Hapones ay walang sinusunod na
batayan upang mabuo. Nakasulat ito nang hindi nakaayon sa katulad ngayon na mga
batayan patungkol sa sukat, tugma at iba pa. Ang tula ay nakasulat lamang nang naayon sa
nais at talento hindi batay sa anumang pamantayan.
3. Marami ang gumagad ng Haikku. Ibig sabihin, sa paggawa ng tula noong panahon ng
Hapones ay mas marami ang sumunod sa pamantayang Haikku. Marami ang gumawa ng
tula na binubuo ng labimpitong pantig na nahahati sa tatlong talutod.
4. Nagtataglay ng talinghaga. Ibig sabihin, ang content ng tula sa panahon ng Hapones ay
may mga matatalinhagang salita katulad ng ginagamit din sa ngayon. Ang tula noon ay
may mga matatalinhagang salita upang mas mapaganda ito.

3. Anong mga katangian mayroon ang mga napabilang na katha sa Pinakamahusay na Kathang
Filipino?
Ang mga katangiang mayroon ang mga napabilang na katha sa Pinakamahusay na Kathang
Filipino ay ang mga sumusunod:
1. Ang mga paksa ay matimpi.
2. Ang mga pangyayari ay madula ngunit di-maligoy.
3. Ang mga kwento ay walang balangkas.
4. Ang mga paksa ay iba-iba, yaong nauukol sa karaniwang karanasan at buhay ng mga taon
5. Ang mga paraang ginagamit ay iba-iba.
6. Ang pagkakaroon ng mga malawak na paningin ng mga manunulat ay bakas na bakas sa
kanilang mga sinulat.
7. Ang mga pangungusap na ginagamit ay payak, isang bagay na nakapagpapaganda sa mga
ito.

4. Sinu-sino ang mga manunulat ng Dula at ano ang kanilang naisulat?


Ang mga manunulat ng dula ay si Julian Cruz Balmaceda ng dulang “Sino Ba Kayo?”, si
Balmaceda ng mga dulang “Dahil sa Anak”, “Ang Palabas ni Suwan”, “Ang Higanti ng Patay”, at ang
“Libingan ng Bayani”, sina Clodualdo del Mundo at Mateo Cruz Cornelio ng dulang sa Liwayway,
ang “Bulaga” , “Sankuwaltang Abaka” ni Alfredo Pacifico Lopez at ang dulang “Sa Pula, Sa Puti” ni
Francisco Soc Rodrigo.
5. Paano nakatulong ang Hapones sa pagpapalaganap ng Filipino? Ipaliwanag.
Nakatulong ang Hapones sa pagpapalaganap ng Filipilno sa pamamagitan ng sapilitang
pagpapaturo nito mula sa unang baytang sa elementarya hanggang sa kolehiyo ng Edukasyon sa
dalubhasaan. At sa tingin ko dahil dito maraming manunulat na Pilipino ang nagsulat ng panitikan
gamit ang wikang tagalog.

Intervention
Panuto: Hanapin at Basahin pagkatapos ang sinulat na katha ni Liwayway Arceo na “Uhaw ang Tigang na
Lupa”.
Uhaw ang Tigang na Lupa ni Liwayway Arceo

Ilang gabi nang ako ang kapiling niya sa higaan. Tila musmos akong dumarama sa init ng kanyang dibdib at
nikikinig sa pintig ng kanyang puso. Ngunit, patuloy akong nagtataka sa malalim na paghinga niya, sa kanyang
malungkot na pagtitig sa lahat ng bagay, paghikbi...

Ilang araw ko nang hindi nadadalaw ang aklatan: ilang araw ko nang hindi nasasalamin ang isang larawang mahal
sa akin: bilugang mukha, malapad na noo, hati-sa-kaliawang buhok, singkit na mga mata, hindi katangusang ilong,
mga labing duyan ng isang ngiting puspos-kasiyahan...Sa kanya ang aking noo at mga mata. Ang aking hawas na
mukha, ilong na kawangki ng tuka ng isang loro, at maninipis na labi, ay kay Ina...

Sa Ina ay hindi palakibo: siya ay babaing abilang at sukat ang pangungusap. Hindi niya ako inuutusan. Bihira
siyang magalit sa akin at kung nagkakagayon ay maikli ang kanyang pananalita: Lumigkit ka!...At kailangang ‘di
ako makita. Kailangang ‘do ko masaksihan ang kikislap na poot sa kanyang mga mata. Kailangang ‘di ko
namamalas ang pagkagat niya sa kanyang labi. Kailangang ‘do ko na makita ang panginginig ng kanyang mga
daliri. Ito rin ang katumbas ng kanyang mariing huwang kung mayroon siyang ipinagbabawal.

Ang ngiti ni Ina ay patak ng ulan kung tag-araw: ang bata kong puso ay tigang na lupang uhaw na uhaw...
Minsan man ay hindi ko narinig na may pinagkagalitan sila ni Ama bagama’t hindi ko mapaniwalaang may
magkabiyak ng pusong hindi nagkakahinampuhan. Marahil ay sapagkat kapwa sila may hawak na kainawaan: ang
pagbibigayan sa isa’t isa ay hindi nalilimot kailanman.

Kung gabi ay hinahanap ko ang kaaliwang idinudulat ng isang amang nagsasalaysay tungkol sa mga kapre at nuno
at tungkol sa magagandang ada at prinsesa; ng isang nagmamasid at nakangiting ina; ng isang pulutong ng
nakikinig na magaganda at masasayang bata.

Ngunit, sa halip niyon ay minalas ko si Ama sa kanyang pagsusulat; sa kanyang pagmamakinilya; sa kanyang
pagbabasa. Minamasdan ko kung paano niya pinapangunot ang kanyang noo; kung paano niya ibinubuga ang
asong nagbubuhat sa kanyang tabako; kung paano siya titingin sa akin na tila may hinahanap; kung paano niya
ipipikit ang kanyang mga mata; kung paano siya magpapatuloy sa pagsulat...

Si Ina ay isang magandang tanawin kung nanunulsi ng mga punit na damit; kung nag-aayos ng mga uhales at
nagkakabit ng mga butones sa mga damit ni Ama. Sa kanyang pagbuburda ng aking mga kamison at panyolito – sa
galaw ng kanyang mga daliri – ay natutunghan ko ang isang kapana-panabik na kuwento. Ngunti, ang pananabik na
ito’y napapawi.
Kabagu-tbagot ang aking pag-iisa at ako ay naghahanap ng kasama sa bahay: isang batang marahil ay nasa
kanyang kasinungalingang gulang o isang saggol na kalugud-lugod, may ngiti ng kawalang-malay, mabango ang
hininga, may maliit na paa at kamay na nakatutuwang pisilin, may mga pisngi at labing walang bahid-kasalanan at
kasiya-siyang hagkan, o isang kapatid ba kahulihan ng gulang, isang maaaring maging katapatan...

Sakali mang hindi nagkagalit si Ina at Ama, o kung nagkakagalit man ay sadyang hindi ipinamamalay sa akin, ay
hinahanap ko rin ang magiliw na palitan ng mga titig, ng mga ngiti, ng mga biruan.

Sapat na ang isang tuyot na aalis na ako sa pagpapaalam ni Ama. Sapat na ang naningil na ang maniningil sa ilaw o
sa tubig o sa telepono upang sakupin ang panahong itatagal ng isang hapunan. Sapat na panakaw sa sulyap ni Ama
upang ipadamang may naririnig siya.

Mabibilang sa mga daliri ng aking dalawang kamay kung makailan kaming nagpasyal: Si Ama, si Ina at ako.
Malimit na ako ang kasama ni Ina; hindi ko nakitang sinarili nila ang pag-aaliw.

Inuumaga man si Ama sa pag-uwi kung minsan ay hindi ko kinapapansinan ng kakaibang kilos si Ina. Nahihiga rin
siya pagdating ng mga sandali ng pamamahinga at kung nakatutulog siya o hindi ay hindi ko matiyak.

Marahil ay ito ang tunay na madarama ng kataling-puso ng isang taong inaangkin ng madla...

Ngunit, walang pagsisisi sa kanyang tinig.

Ilang taon na ngayon ang nakaraan nang minsang may ibinalik na aklat ang aming tagapaglaba: yaon daw ay
nakuha niya sa isang lukbutan ng amerikana ni Ama. Ibinigay ko yaon kay Ina: yaon daw ay talaarawan ni Ama.

Kinabukasan ay may bakas ng luha ang mga mata ni Ina. Kapansin-pansin ang lalo niyang hindi pagkabo buhat
noon. Lalo siyang naging malungkot sa aking paningin.

Ano ang nasa isang talaarawan?

Lasing na lasing si Ama. Karaniwan nang umuuwing lasing si Ama ngunit, kakaiba ang kalasingan niya nagyong
gabi. Hinihilamusan siya ni Ina ng malahiningang tsaa, ngunit wala itong naibigay na ginhawa.

Hindi rin kumikino si Ina: nasa mga mata niya ang hindi maipahayag na pagtutol.

Sapagkat may isusulat ako...sapagkat ikamamatay ko ang pighating ito...sapagkat...sapagkat...sapagkat...Idinaraing


ngayon ni Ama ang kanyang dibdib at ulo: hindi raw siya makahingang mabuti.

Marahil ay may sipon ka, ani ina. Sinisinat ka nga.

Isang panyolitong basa ng malamig na tubig ang itinali ko sa ulo ni Ama. Wala siyang tutol sa aking ginagawa.
Sinusundan niya ng tingin ang bawat kilos ko.

Ang kanyang mga bisig, buhat sa siko hanggang sa palad, at ang kanyang binti, buhat sa tuhod hanggang sa mga
talampakan, ay makailan kong binuhusan ng tubig na mainit na inakala kong matatagalan niya – tubig na
pinaglagaan ng mga dahong ng alagaw. Kinulob ko siya ng makakapal na kumot matapos na inumin niya ang
ibinigay kong mainit na tubig na pinigaan ng kalamansi.

Nakangiti si Ama: Manggagamot pala ang aking dalaga!

Sinuklian ko ng isang mahinang halakhak ang ngiti niyang yaon: hindi ako dating binibiro ni Ama.

Sana’y ako si na sa mga sandaling yaon: sana’y lalo kong ituturing na mahalaga ang nadarama kong kasiyahan...

Nabigo ako sa aking pag-asa: nakaratay nang may ilang araw si Ama. Halos hindi siya hinihiwalayan ni Ina: si
ilalim ng kanyang mga mata ay may mababakas na namang maiitim na guhit.
Anang manggagamot ay gagawin niya ang lahat ng kanyang makakaya. Ngunit, ayaw niyang ipagtapat sa akin ang
karamdaman ni Ama.

Ipinaayos ngayon ni Ama ang kanyang hapag. Nililinis ko ang kanyang makinilya. Idinikit ko ang kagugupit na
kuwentong kalalathala pa lamang. Pinagsama-sama ko ang mga papel sa kanyang mga kahon.

Ang pang-ilalim na kahon ng kanyang hapag ay nagbigay sa akin ng hindi gagaanong pagtataka: may isang
kahitang pelus na rosas at isang salansan ng mga liham. Maliliit at mga bilugang titik bughaw na tinta sa pangalan
ni Ama sa kanyang tanggapan ang mga nasa sobre.

Ang larawan sa kahitang pelus ay hindi yaong hawas na mukha, may ilong na kawangki ng tuka ng isang loro,
maninipis na labi. Sa likod niyon ay nasusulat sa maliliit at bilugang mga titik sa bughaw na tinta: Sapagkat ako’y
hindi makalimot... Ang larawan ay walang lagda ngunit nadama ko ang biglang pagkapoot sa kanyang at sa mga
sandaling yaon ay natutuhan ko ang maghinanakit kay Ama.

Bakit sa panahong ito lamang tayo pinaglapit ng pangyayari? Higit marahil ang aking katiwasayan kung hindi ka
dumating sa aking buhay, bagamat hindi ko rin marahil matitiis na hindi maipagpalit ang aking kasiyahan sa isang
pusong nagmamahal. Totoong ang kalagayan ng tao sa buhay ang malimit maging sagwil sa kanyang kaligayahan...

Naiwan na natin ang gulang ng kapusukan; hindi na tayo maaaring dayain ng ating nadarama. Ngunit, nakapagitan
sa atin ngayon ang isang malawak na katotohanang pumupigil sa kaligayahan ang hindi natin maisakatuparan ay
buhayin na lamang natin sa alaala. Panatilihin na lamang natin sa diwa ang katamisan ng isang pangarap; sana’y
huwag tayong magising sa katotohanan...

Nakita ko siya kagabi sa panaginip; sinusumbatan niya ako. Ngunit, hindi ko balak ang magwasak ng isang
tahanan. Hindi ko maatim na mangnakaw ng kanyang kaligayahan; hindi ko mapababayaang lumuha siya dahil sa
akin. Ang sino mang bahagi ng iyong buhay ay mahal sa akin; ang mahal sa akin ay hindi ko maaaring paluhain...

Ang pag-ibig na ito’y isang dulang ako ang gumaganap ng pangunahing tauhan; sapagkat ako ang nagsimula ay ako
ang magbibigay-wakas. Ipalagay mo nang ako’y nasimulang tugtuging nararapat tapusin. Gawin mo akong isang
pangarap na naglalaho pagkagising. Tulungan mo akong pumawi sa kalungkutang itong halos pumatay sa akin...

Ngunit, bakit napakahirap ang lumimot?

Nadama ko ang kamay ni Ina sa aking kanang balikat: noon ko lamang namalayan na may pumasok sa aklatan.
Nakita niya ang larawang nasa kahitang pelus na rosas. Natunghan niya ang mga liham na nagkalat sa hapag ni
Ama.

Si Ina ay dumating at lumisang walang binitiwang kataga. Ngunit, sa kanyang paglisan ay muling binati ng kanyang
palad ang aking balikat at nadarama ko pa ang salat ng kanyang mag daliri; ang init ng mga iyo, ang bigat ng
kanilang pagkakadantay...

Ang katahimikang namagitan sa amin ni Ina ay hindi pa napapawi. Iniiwasan ko ngayon ang pagsasalubong ng
aming mga titig; hindi ko matagalan ang kalungkutang nababasa ko sa mga paninging yaon.

Hiningi ni Ama ang kanyang panulat at aklat-talaan. Nguni, nang mapaniwala ko siyang masama sa kanyang ang
bumangon ay kanyang sinasabi: Ngayon ay ang aking anak ang susulat nang ukol sa atin...At sa anya’y isang
dalubhasang kamay ang uukit niyon sa itim na marmol. Ngunit, hindi ko maisatitik ang pagtutol na halos ay
pumugto sa aking paghinga.

Nasa kalamigan ng lupa ang kaluwalhatian ko!

Kailanman ay hindi ko aangkining likha ng aking mga daliri ang ilang salitang ito.

Huwag kang palilinlang sa simbuyo ng iyong kalooban; ang uang tibok ng puso ay hindi pag-ibig sa tuwina...Halos
kasinggulang mo ako nang pagtaliin ang mga puso namin ng iyong Ina...Mura pang lubha ang labingwalang
taon...Huwag ikaw ang magbigay sa iyong sarili ng mga kalungkutang magpapahirap sa iyo habang-buhay...

Muli kong nadama ang tibay ng buhol na nag-uugnay ng damdamin ni Ama sa akin.

Kinatatakutan ko na ang malimit na pagkawala ng diwa ni Ama.

Si Ina ay patuloy sa kanyang hindi pagkibo sa akin, patuloy sa kanyang hindi pag-idlip, patuloy sa kanyang pahluha
kung walang makakita sa kanya...

Ang kanang kamay ni Ina ay idinantay sa noo ni Ama at ang pagtatanan ng isang nais tumakas na damdamin sa
kanyang dibdib ay tinimpi ng pagdadaop ng kanyang ngipin sa labi.

Naupo siya sa gilid ng higaan ni Ama at ang kaliwang kamay nito ay kinulong niya sa kanyang mga palad.

Magaling na ako, mahal ko...magaling na ako...sa muli mong pagparito ay sabihin mo sa akin kung saan tayo
maaaring tumungo...ang moog na itong kinabibilangguan ko’y aking wawasakin...sa ano mang paraan...sa ano mang
paraan...

Ang malabubog na tubig na bumabakod sa mga pangingin ni Ina ay nabasag at ilang butil niyo ang pumatak sa
bisig ni Ama. Mabibigat na talukap ang pinilt na iminulat ni Ama at sa pagtatagpo ng mga titig nila ay gumuhit sa
nanunuyo niyang labi ang isang ngiting punung-puno ng pagbasa. Muling nalapat ang mga durungawang yaon ng
isang kaluluwa at hindi niya namasid ang mga matang binabalungan ng luha: ang mga salamin ng pagdaramdam na
hindi mabigkas.

Nasa mga palad pa rin ni Ina ang kaliwang kamay ni Ama: Sabihin mo, mahal ko, na maaangkin ko na ang
kaligayahan ko...

Kinagat ni Ina nang mariin ang kanyang labi at nang siya’y mangusap ay hindi ko naaming kay Ina ang tinig na
yaon: Maaangkin mo na, mahal ko!
Ang init ng mga labi ni Ina ang kasabay ng kapayapaang nanahanan sa mga labi ni Ama at nasa mga mata man
niya ang ilaw ng pagkabigo sa pagdurugtong sa isang buhay na wala nang luhang dumadaloy sa mga iyon: natitiyak
niya ang kasiyahang nadama ng kalilisang kaluluwa...
WEEK 12
Students Activity
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga katanungan. Sagutan ito ayon sa pagkakaunawa sa akdang
binasa.
1. Sinu-sino ang mga tauhan sa kwento? Ilarawan ang bawat isa.
Ang mga tauhan sa kuwentong Uhaw ang Tigang na Lupa ay ang mga sumusunod:

*Ina- bilugang mukha, malapad na noo, hati-sa-kaliawang buhok, singkit na mga mata, hindi
katangusang ilong, mga labing duyan ng isang ngiting puspos-kasiyahan. Siyaay hindi palakibo;
siya ay babaing abilang at sukat ang pangungusap. Hindi palautos; Bihirang magalit at maikli ang
pananalita. Ang ngiti nito ay patak ng ulan kung tag-araw. Siya ay nagbuburda ng kamison at
panyolito. Siya ay isang magandang tanawin kung nanunulsi ng mga punit na damit; kung
nag-aayos ng mga uhales at nagkakabit ng mga butones sa mga damit ng kanyang asawa.

*Ama- nagsasalaysay tungkol sa mga kapre at nuno at tungkol sa magagandang ada at


prinsesa; siya ay nagsusulat, nagmamakinilya at nagbabasa. Karaniwang umuuwi ng lasing.
Siya ang iniisip ng anak sa mga panahong sila ay masaya pa at siya ay pinapansin pa.

*Tagapaglaba- nagbalik ng aklat na nakuha niya sa isang lukbutan ng amerikana n g Ama ng


bata.

*Anak- nagsasalaysay ng kaniyang mga karanasan sa piling ng kaniyang ama’t ina.


Nagsasalaysay sa mga nangyayari sa kapaligiran niya.

2. Bakit pinamagatang Uhaw ang Tigang na Lupa ang kwento? Pangatwiranan.

Sa tingin ko, ang kuwento ay pinamagatang Uhaw ang Tigang na Lupa sapagkat sa
istoryang ito, ang bata ay nakakaramdam na ng pagkamiss sa kanyang ina o yung tinatawag
na “longing” sa Ingles. Uhaw ang tigang na lupa sapagkat sa kuwentong ito, ang tinuturing ng
bata na patak ng ulan kung tag-araw ay naging uhaw ang tigang na lupa nang maramdaman
ng bata na wala na sa kanyang piling ang kanyang ina. Nang maramdaman niya na siya ay
nag-iisa na lamang. Naging uhaw ang tigang na lupa sapagkat ang batang nakasanayan na
nandiyang sa kaniyang piling ang kaniyang ina habang bata pa lamang siya ay nag-iba na.
Ituturing ng bata na patak ng ulan sa tag-araw ang ngiti ng kanyang ina subalit naging
uhaw ang tigang na lupa ng maramdaman niya na ito’y nag-iba na. Naging ganyan ang
pamagat ng kuwento sapagkat ito ay nakatuon sa isang batang nakaramdam na ng kakaiba
kung ikumpara sa kaniyang mga magandang karanasan sa piling ng kaniyang ina noon.

3. Tungkol saan ang kwento? Ipaliwanag ng maayos.


Sa aking pagkakaintindi, ang kuwentong ito ay tungkol sa isang dalagita na nagsasalaysay
ng kaniyang mga magagandang karanasan sa piling ng kanyang ama’t ina. Ang dalagitang
may mga magagandang karanasan subalit nang naglaon ay biglang nag-iba. Ito ay tungkol sa
dalagitang nag-iisa na lamang at naghahanap ng kasama sa bahay sapgkat siya’y nababagot
na. Isang dalagitang nakakaramdam ng pagkamiss sa mga dating masasayang alaala kasama
ang kaniyang mga magulang.
Ang kwentong ito ay tungkol din sa dalagita na may magulang na hindi na kasigalahan
sapagkat ang kanilang pagmamahalan ay naglaho na dahil sa pagtataksil ng kanyang ama sa
kanyang ina. Ito ay kalaunan niya nang nalaman o natuklasan. Tungkol sa inang nag-aalaga
pa rin sa kanyang asawa kahit siya ay nagtaksil pa.

4. Anong damdamin ang nangingibabaw sa kwento at bakit?


Para sa akin, ang damdaming nangibabaw sa kuwento ay kalungkutan at pagmamahal.
Kalungkutan sapagkat sa kuwento ay mararamdaman mo ang parang pagkabiyak ng
kasiyahan dahil sa isang pagkakamali. Kalungkutan na namutawi dahil sa isang bagay na
nangyari sa pagitan pamilya. Kalungkutan dahil sa dalagitang nag iisang anak na lamang na
hindi na nararamdaman ang pagmamahal ng kanyang mga magulang sa isa’t isa.
Kalungkutan sapagkat ang dating masayang pamilya ay naging isang malungkot na.
Sa kabilang banda, masasabi ko pa rin na sa kwento ay nagingibabaw pa rin ang
pagmamahal ng ina sa kanyang asawa. Ito ay kahit nagtaksil pa ito ay mas pinili pa rin niyang
alagaan ito nang ito’y nagkasakit na. Nangibabaw ang pagmamahal dahil imbis na magalit
saiya sa kaniyang asawa ay mas pinili niyang kumalma at tumahimik na lamang malamang
siguro para na rin sa kapakanan ng dalagita.

5. Anong magandang aral ang napulot mo sa kwento?


Para sa akin, ang magandang aral na napulot ko sa kuwento ay ang papaparaya o pagtitimpi.
Ito ay dahil sa inang mas pinling magparaya o magtimpi o magpigil ng galit para na rin sa
ikabubuting panlahat. Natutunan ko na mas mabuti palang magpatawad nalang at tumahimik kapag
alam mong hindi na maganda ang sitwasyon ng isang tao lalo na kapag mahal mo para na rin sa
kapakanan ng iba. Natutunan ko na kahit masakit man sa puso, ay kailangan pa rin nating tanggapin
ang mga panyayari kahit di man ito natin ninanais. Natuntunan ko na mas kailangan nating i’proseso
ng magkasabay ang ating ating utak at puso upang tayo ay makapag desisyon ng maayos sa ating mga
buhay. Hindi dapat natin pairalin ang galit lalo na kung kinakailangan na sa isang sitwasyon dahil
naniniwala ako na ang mas matiwasay na kilos ay makakdulot ng mas matiwasay at maasyos na
epekto sa pangklahatan.

Intervention
Ang kwento na Uhaw ang Tigang na Lupa ay nangyayari pa ba sa totoong buhay? Magbigay ng halimbawa.
Sa tingin ko, oo ang kwentong Uhaw ang Tigang na lupa ay nangyayari pa rin sa totoong buhay
sapagkat may mga asawa pa rin na matatawag nating martyr. Martyr sapagkat nanatili pa rin nilang
manatili sa piling ng kanilang kabiyak sa buhay kahit aalam nilang ito’y nagtaksil na. Katulad ng
aking tiyahin, tinitiis niya lang ang sakit at patuloy pa rin na inaalagaan ang kaniyang kabiyak kahit
alam niyang ito’y may iba na ring kalahuyo at minsan ay harap harapan pang pinapakita ito sa
kaniya. Nagiging bulag-bulagan na lamang siya at nagpapakamanhid para lang sa kapakanan ng
kaniyang anak. Pinipili niyang magpakatanga hindi dahil sa pansariling kapakanan kundi para sa
kaniyang nag-iisang anak upang masustentuhan pa rin ito kahit papano. Ang aking tiyahin ay
masiyahin mang tao ngunit sa kabila nito ay alam kong siya ay humihikbi din.
Sa ibang halimbawa ay mas malala pa. Ang ibang ina diyang kahit sinasaktan na siya ng kaniyang
kabiyak ay nanatili pa rin siya dahil din siguro sa kanilang mga anak. Sa kabila ng pagtataksil ng
kanilang kabiyak ay naapektuhan din ang kanilang anak. Ang kanilang anak ay napapaisip din
nakakatuklas ng mga bagay-bagay na kadalasang dahilan ng pamumuo ng kanilang pagkamuhi sa
magulang.
Dahil sa mga pangyayaring ito, nagiging uhaw ang tigang na lupa sa parte ng bata sapagkt ang
nakasanayn niyang masayang uhay ay biglang namutawi nang dahil sa isang kasalanang nabuo ng isa
sa mga magulang mismo.
WEEK 13
Individual Activity
A.Panuto: Punan ng wastong salita ang bawat pangungusap upang makompleto ang diwa nito.
1. Ang mga mambabasa ay nahati sa dalawang uri, ang intelektwal na mambabasa na karaniwang
Ingles ang binabasa at nagbabasa sila upang madagdagan ang kanilang kaalaman at pangalawa ang
karaniwang mambabasa o ang masa na ang mga babasahin ay Filipino at nagbabasa lamang upang
malibang.
2. Klasikong nobelang “Banaag at Sikat” ni Lope K. Santos at “Nena at Neneng” ni Valeriano Hernandez
Peña.

3. Wala nang pagsulat noong panahon ng Hapones at ngayon ay malaya nang sumulat sa iba’t-ibang
paksa.
4. Ang tulang “Isang Dipang Langit” ay sinulat ni Amado Hernandez sa piitan sa Muntinlupa. Napiit
dahil napagbintangang isang kumunista dahil sa pagtatanggol sa mga dukha at manggagawa.
5. Isa sa mga nakatulong sa paglago ng panitikan ay ang pagkatatag ng mga samahang pampanitikan. Isa
sa mga samahan ay ang Samahang Balagtas o KAMPI (Kapisanan ng mga Mandudulang Pilipino).
Isulat sa patlang ang katumbas na salita ng mga sumusunod na salitang balbal at salitang hiram.
kulungan 1. oblo
Sigarilyo 2. yosi
tirahan/bahay 3. haybol
asawa 4. waswas
langaw 5. etat
pag-inom ng alak 6. pagtoma
pulis 7. lespu
Pumirme/nakatayo 8. umiskuwat
mapera 9. maatik
lasing 10. senglot
bobo/kulang sa talino 11. bopol
nasira 12. nabuwang
preward 13. priward
mangagawa 14. peon
lobby 15. lobi
bahay-aliwan/beer house 16. birhaws
kalma 17. isi
Gusali/building 18. belding
promissory note/tala ng pangako 19. promisori not
tanga 20. engot
B. Anu-anong mga suliraning panlipunan at pambansa ang inilarawan sa kuwento?
Suliraning Panlipunan/Pambansa Pansariling Opinyon/Reaksyon
Kahirapan, Hindi Makatao at Hindi Pantay na Sa palagay ko, ang mga suliranin sa kaliwang parte
pakikitungo sa mga Mahihirap ang ang ipinapakita sa kuwento sapagkat namutawi
doon unang-una ang kahirapan. Kahirapan na nging
rason kung bakit ang mag-asawa ay matayan ng
sana’y pinakauna nilang anak. Kahirapan na naging
dahilan upang hindi sila ituring sa makataong
paraan.Kahirapan na naging dahilan nang hindi
pagtanggap at pantay na pakikitungo sa kanila ng
karamihan sa kanilang paligid na halos mga
mayayaman. Kahirapn na naging dahilan upang
hindi nila makamit ang hustisya na ninanais ng
kanilang mga puso.
Para sa akin, sa kwentong yaon ipinapakita ang
kasalasang nangyayari din sa kasalukuyang panahon
natin kung saan hindi tintrato ng maayos ang mga
taong kapos sa pera. Pinapapabayaan na mamatay
dahil sa kawalan ng pambayad. Maruming mga
tingin ng mayayaman sa pisikal na anyo ng mga
mahihirap at iba’t iba pang mga negatibo at hindi
pantay na pananaw ng mga tao sa kapwa nila.
Sa pangkalahatan, masasabi ko na ang kahirapan ay
ang ugat kung bakit maraming dignidad ang
naaapakan at hindi napoprotektahan. Masasabi ko na
dahil sa kahirapan marami sa atin ang nakakaranas
ng iba’t ibang suliranin na hindi kanais-nais at hindi
katanggap-tanggap.

C. Unawain
1. Ano ang kaso ng pangunahing tauhan?
Ang kaso ng naunang tauhan ay Arson.
2. Bakit niya nagawa iyon?
Nagawa niya ito sapagkat wala na siya sa kaniyang isip. Nagagalit na siya sa mga nars at doktor
dahil pinabayaang mamatay ang sana’y pinakaunang anak nila ng kaniyang asawa. Sinunog niya ang
ospital sapagkat siya’y galit na galit na at hindi matanggap ang nangyari. Naalala niya kung anong
lungkot ang naita niya sa mata ng kaniyang asawa at ang katawan ng anak niyang nakaburol dahil
pinabayaan at namatay.
3. Kung ikaw ang nasa lugar ng pangunahing tauhan, gagawin mo rin ba ang kanyang ginawa? Bakit?
Kung ako ang sa lugar niya, siguro maiisip ko ring gawin yun subalit sa totoo lang hindi ko talaga
gagawin yun. Hindi ko hahayaan mapangunahan ako ng galit datapwa’t ay mag iisip ako ng malalim.
Mag-iisip muna ako ng mabuti kesa gawin ang katulad ng ginawa niya sapagkat alam kong hindi yun
ang solusyon sa problema ko. Hindi ko hahayaan ang isip ko na at katawan na gawin iyon sapagkat
alam kong may mas magandang solusyon para doon. Mas gugustuhin kong ipagpasa-Diyos na lamang
ang nangyari at pipilitin kong paunlarin ang aking sarili upang sa huli kung papalarin man ay idadan
ko sa mas maayos na solusyon ang pagkamit ko ng hustisya.
4. Ano ang damdaming nais ipahiwatig ng mga huling pahayag ng pangunahing tauhan?
Sa huling mga pahayag ng pangunahing tauhan, ipinapahiwatig lamang na siya ay hindi na
naniniwala sa Panginoong Diyos sa kabila ng mga nangyari sa kaniyang buhay. Ipianapahiwatig
lamang ng kaniyang mga huling pahayag na siya ay nawalan na ng pag-asa at iniisip niya na wala ng
langit, na wala nang Diyos. Ipinapahiwatig ang pagkawala ng kaniyang pananalig sa Panginoong
Diyos sa kabila ng mga negatibong pangyayari sa kaniyang buhay. Ipinapahiwatig na ang
pangunahing tauhan ay nawalan na ng pag-asa. Hindi na siya naniniwala na may Diyos pa sa labas ng
tinuturing niyang haybol.
5. Ano ang damdaming naiwan sa iyo pagkatapos mabasa ang kabuuang kuwento?
Pagkatapos kong mabasa ang kabuuang kwento, parang ako’y naiiyak sa masakit na sinapit ng
pangunahing tauhan at ng kaniyang pamilya. Nakaramdam ako ng labis na pagkalungkot sa kanilang
sinapit at may galit para sa mga taong gumawa ng masama sa kanila. Sobra akong naawa pamilya ng
pangunahing tauhan sapagkat iyon ay hindi tama. Iyon ay hindi makatao dahil may namatay na
sanggol dahil sa hindi pantay na pakikitungo ng mga tao sa mga mahihirap at mayayaman. Sobra
akong naawa sa mag-asawa sapagkat yun ang pinaka pinapanabik ng kanilang mga puso, ang
magkaroon ng anak. Niiyak ako sapagkat hindi makatarungan ang mga pangyayaring naganap sa
isang pamilya. Naiyak ako sapagkat hindi ko lubos maisip na may mga tao talagang walang kasing
sama ang kaluluwa at walang inaalalang kabutihan kundi puro kasamaan lamang. Sobrang naiinis
ako lalo sa mga mayayaman na wala nang ginawang tama sa mga mahihirap. Naiinis ako dahil wala
man lang kapangyarihang lumaban ang mga mhihirap at nangingibabaw pa rin ang kayamanan sa
mata ng karamihan.
Sa pangkabuuan, masasabi ko na nakaramdam ako ng magkahalong awa at pagtangis para sa
pinakaunang tauhan at sa kaniyang pamilya. Nakaramdam ako ng panghihina subalit napalitan din
agad ng laks ng loob na lumabat para sa katulad kong mahihirap na inaapak-apakan lamang.
6. Ano ang komentaryo ng kwento tungkol sa serbisyong medikal para sa mahihirap?
Sa aking palagay, sa kwento ipinapahiwatig sa kwento ang hindi maayos na pamamalakad ng
serbisyong medikal sa mhihirap lalo na dito sa Pilipinas. Ipinapahiwatig ang hindi pantay na pagtrato
ng mga nars at doktor sa mga mahihirap. Ipinapahiwatig dito ang kapabayaan nila sa mga
pasyenteng mahihirap. Ipinapahiwatig ang pagtingala lamang nila sa kayamanan kesa sa pagligtas sa
bayan. Sa serbisyong medikal sa mahihirap, hindi nila binibigyang pansin sapagkat alam nilang wala
silang makukuhang benepisyo. Katulad ng mga nangyayari sa kasalukuyang panahon, ang ibang mga
nars at doctor ay walang pakialam kung may mamatay man na pasyente, ang importante sa kanila ay
makatanggap lamang sila ng bayad. Kung wala kang pera, hindi mo makukuha ang atensyon nila.
Ang mga nars at doktor ay binibigyang pansin lamang ang mga mapera, ang mga mapera lamang ang
kanilang nililigtas at binubuhay dahil alam nilang may makukuha silang benepisyo.
Sa pangkalahatan, ang sa kwento ay pinapapakita o pinapapabatid sa mambabasa ang hindi
maayos na sistema ng serbisyong medikal para sa mahihirap kaya kito’y nangangailangan ng
malaking atnsyon.
WEEK 14
Students Exam
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga katanungan. Sagutan ito ayon sa pagkakaunawa sa akdang
binasa.
1. Sinu-sino ang mga tauhan sa kwento? Ilarawan ang bawat isa.
Mabuti- isang guro na nais maging isang mangagamot ang kanyang anak. Isang guro na
mayroong karanasang pinagdadaanan.
Anak ni Mabuti- tanging anim na taong gulang na anak niya na babae
Kamag-aral- dalawa sa nakakaalam na hindi balo ang kanilang guro na si Mabuti.
Tagasalaysay-isang mag-aaral din na katulad ni mabuti na may lihim na pinagdadaanan at
lihim na kaligayahan. Ang halos kaparehas ni Mabuti.
Ama-isang manggagamot na gustong niyang maging para sa kaniyang anak.

2. Bakit tinatawag na mabuti ang isang guro na tauhan sa kwento?


Tinawag na Mabuti ang isang guro na tauhan sa kwento sapagkat a ng salitang “mabuti” ang
simula ng halos lahat ng kanyang pagsasalita. Iyon ang pumalit sa mga salitang hindi niya maalaala
kung minsan, at nagiging pamuno sa mga sandaling pag-aalanganin. Sa isang paraang malirip, iyon
ay naging salamin ng uri ng paniniwala sa buhay. “Mabuti,” ang sasabihin niya, “… ngayo’y
magsisimula tayo sa araling ito. Mabuti nama’t umabot tayo sa bahaging ito… Mabuti… Mabuti!” .
Kaya binansagangan siya kalaunan na, “Mabuti”.

3. Tungkol saan ang kwento? Nangyayari ba ito sa totoong buhay? Magbigay ng halimbawa.
Ang kwentong ito ay tungkol sa isang guro at estudyante na may kaparehong tinatagong
lihim na suliranin sa buhay at lihim na kaligayahan. Ito ay tungkol sa gurong hindi ipinapakita
ang kanyang nararanasang suliranin sa harap ng kanyang mga estudyante.
Masasabi kong ito ay nangyayari din sa totoong buhay sapagkat katulad ng guro sa kwento ay
alam kong may mga guro din na nakakaranas ng suliranin na hindi lang napapansin ng
karamihan sa mga estudyante subalit kahit papaano ay alam kong may estudyante pa rin na
sensitibo at nararamdaman na may bigat sa dibdib na nararamdaman ang guro. Isa pang
sitwasyon na may pagkakatulad sa kwento ay ang guro na solong pinapalaki ang anak
sapagkat ang kabiyak nito na dapat ay tumutulong sa kaniya na palakihin ang kanilang anak
ay nasa kabilang bahay na.
Sa pangkabuuan, ang pokus ng kwentong ito na nangyayari sa totong buhay ay ang tungkol
sa guro at estudyante pawang may kaparehas na buhay at sila’t sila lamang sa hili ang
magtutulungan dahil yun ang nakatakdang mangyari o kaya yun naman talaga ang dapat na
mangyari. Sa huli’t huli, estudyante at guro ay dapat na magkasangga sa buhay dahil bawat
isa naman sa atin ay may nararanasang mapait na karanasan sa buhay.

4. Anong damdamin ang nangingibabaw sa kwento at bakit?


Para sa akin, ang nangibabaw na damdamin sa kwento ay ang pagiging matatag at positibo.
Ito ay dahil ipinakita ng guro sa kaniyang klase na kahit anumang pagsubok ang kaniyang
pinagdadaanan ay patuloy pa rin sioya sa buhay. Pinapkita din sa kwento ang damdaming
pagmamahal. Ito ay dahil nanatili siyang matatag sa buhay dahil sa pagmamahal niya sa
kaniyang anak. Ito ay kaniyang ginagawa para sa kapakanang panlahat. Nagiging positibo
siya para hindi maapektuhan ang nasa paligid niya. Nangingibabaw ang pagiging positibo
sapagkat sa kwento ay pinapadama at pinapakita sa atin na lahat tayo ay may lihim na
suliranin subalit may lihim rin na kaligayahan kaya dapat magamit natin ito ng maayos sa
tamang panahon at sa tamang paraan.

5. Anong magandang aral ang napulot mo sa kwento?


Sa kwentong ito ay natutunan ko ang katatagan ng isang babae, hindi pagtago sa
nararamdang negatibo at iba pa. Natutunan ko na dapat tayong mga kabaihan ay maging matatag
kahit ano mang suliranin ang makasalamuha natin sa buhay. Kailangan hiindi tayo tumigil,
kailangan tayo’y lumaban at hindi magpatalo sapgkat sa ating kapaligiran ay mayroong
kabutihan. Natutunan ko na hindi dapat natin kimkimi ang ating mga problema sa buhay dahil
alam kong may mga sensitibong tao na nakakaramdam na ating paghihinagpis at handang
makinig at tumulong anumang oras.
Sa pangkalahatan, natutunan ko na dapat tayo ay maging matatag lang at maging positibo
sa buhay. Kailangan tayong maging matatag hindi lang para sa ating sariling kapakanan kundi
para na rin sa ating mga minamahal sa buhay.

Intervention
Panuto: Hanapin at Basahin ang kwento ni Tata Selo ni Rogelio Sikat.
Tata Selo
Ni Rogelio Sikat

Maliit lamang sa simula ang kalumpon ng taong nasa bakuran ng munisipyo, ngunit ng tumaas ang araw, at
kumalat na ang balitang tinaga at napatay si Kabesang Tano, ay napuno na ang bakuran ng bahay-
pamahalaan.
Naggitgitan ang mga tao, nagsiksikan, nagtutulakan, bawat isa’y naghahangan makalapit sa istaked.

“Totoo ba, Tata Selo?”

“Binawi niya ang aking saka kaya tinaga ko siya.”

Nasa loob ng istaked si Tata Selo. Mahigpit na nakahawak sa rehas. May nakaalsang putok sa noo.
Nakasungaw ang luha sa malabo at tila lagi nang may inaaninaw na mata. Kupas ang gris niyang suot, may
mga tagpi na ang siko at paypay. Ang kutod niyang yari sa matibay na supot ng asin ay may bahid ng
natuyong putik. Nasa harap niya at kausap ang isang magbubukid ang kanyang kahangga, na isa sa
nakalusot sa mga pulis na sumasawata sa nagkakagulong tao.
“Hindi ko ho mapaniwalaan, Tata Selo,” umiiling na wika ng kanyang kahangga, “talagang hindi ko ho
mapaniwalaan.”

Hinaplus-haplos ni tata Selo ang ga-daliri at natuyuan na ng dugong putok sa noo. Sa kanyang harapan, di
kalayuan sa istaked, ipinagtitilakan ng mga pulis ang mga taong ibig makakita sa kanya. Mainit ang Sikat ng
araw na tumatama sa mga ito, walang humihihip na hangin at sa kanilang ulunan ay nakalutang ang
nagsasalisod na alikabok.

“Bakit niya babawiin ang saka?” tanong ng Tata Selo. “Dinaya ko na ba siya sa partihan? Tinuso ko na ba
siya? Siya ang may-ari ng lupa at kasama lang niya ako. Hindi ba’t kaya maraming nagagalit sa akin ay
dahil sa ayaw kong magpamigay ng kahit isang pinangko kung anihan?”
Hndi pa rin umalis sa harap ng istaked si Tata Selo. Nakahawak pa rin siya sa rehas. Nakatingin siya sa labas
ngunit wala siyang sino mang tinitingnan.

Hindi mo na sana tinaga ang Kabesa,” anang binatang anak ng pinakamayamang propitaryo sa San Roque,
na tila isang magilas na pinunong bayan nakalalahad sa pagitan ng maraming tao sa istaked. Mataas ito,
maputi, nakasalaming may kulay, at nakapamaywang habang naninigarilyo.

“Binabawi po niya ang aking saka,” sumbong ni Tata Selo. “Saan pa po ako pupunta kung wala na akong
saka?”
Kumumpas ang binatang mayaman. “Hindi katwiran iyan para tagain mo ang Kabesa. Ari niya ang lupang
sinasaka mo. Kung gusto ka niyang paalisin, mapapaalis ka niya anumang oras.”
Halos lumabas ang mukha ni Tata Selo sa rehas.

“Ako po’y hindi ninyo nauunawaan,” nakatingala at nagpipilit ngumiting wika niya sa binatang nagtapon ng
sigarilyo at mariing tinapakan pagkatapos. “alam po ba ninyong dating amin ang lupang iyon? Naisangla
lamang po nang magkasakit ang aking asawa, naembargo lamang po ng Kabesa. Pangarap ko pong bawiin
ang lupang iyon kaya nga po ako hindi nagbibigay ng kahit isang pinangko kung anihan. Kung hindi ko na
naman po mababawi, masasaka man lamang po.nakikiusap po ako sa Kabesa kangina. ‘kung maaari po sana,
‘Besa’’, wika ko po, ‘kung maaari po sana, huwag naman po ninyo akong paalisin. Kaya ko pa pong
magsaka, ‘Besa. Totoo pong ako’y matanda na, ngunit ako pa nama’y malakas pa.’ Ngunit…Ay! Tinungkod
po niya ako nang tinungkod, Tingnan po n’yong putok sa aking noo, tingnan po ‘nyo.”

Dumukot ng sigarilyo ang binata. Nagsindi ito at pagkaraa’y tinalikuran si Tata Selo at lumapit sa isang
pulis.

“Pa’no po ba’ng nangyari, Tata Selo?”

Sa pagkakahawak sa rehas, napabaling si Tata Selo. Nakita niya ang isang batang magbubukid na nakalapit
sa istaked. Nangiti si Tata Selo. Narito ang isang magbubukid, anak-magbubukid na naniniwala sa kanya.
Nakataas ang malapad na sumbrerong balanggot ng bata.

Nangungulintab ito, ang mga bisig at binti ay may halas. May sukbit itong lilik.

“Pinuntahan niya ako sa aking saka, amang,” paliwanag ni Tata Selo. “Doon ba sa may sangka. Pinaalis ako
sa aking saka, ang wika’y iba na raw ang magsasaka. Nang makiusap ako’y tinungkod ako. Ay! Tinungkod
ako, amang, nakikiusap ako sapagkat kung mawawalan ako ng saka ay saan pa ako pupunta?”

“Wala na nga kayong mapupuntahan, Tata Selo.”

Gumapang ang luha sa pisngi ni Tata Selo. Tahimik na nakatingin sa kanya ang bata.

“Patay po ba?”

Namuti ang mga kamao ni Tata Selo sa pagkakahawak sa rehas. Napadukmo siya sa balikat.

“Pa’no po niyan si Saling?” muling tanong ng bata. Tinutukoy nito ang maglalabimpitong anak ni Tata Selo
na ulila na sa ina.

Katulong ito kina Kabesang Tano at kamakalawa lamang umuwi kay Tata Selo. “Pa’no po niyan si Saling?”

Lalong humigpit ang pagkakahawak ni Tata Selo sa rehas. Hindi pa nakakausap ng alkalde si Tata Selo.
Mag-aalas-onse na nang dumating ito, kasama ang hepe ng pulis. Galing sila sa bahay ng kabesa. Abut-abot
ang busina ng dyip na kinasaksakyan ng dalawang upang mahawi ang hanggang noo’y di pa nag-aalisang
tao.

Tumigil ang dyip sa di-kalayuan sa istaked.

“Patay po ba? Saan po ang taga?”

Naggitgitan at nagsiksikan ang mga pinagpawisang tao. Itinaas ng may-katabaang alkalde ang dalawang
kamay upang payapain ang pagkakaingay. Nanulak ang malaking lalaking hepe.

“Saan po tinamaan?”
“Sa bibig.” Ipinasok ng alkalde ang kanang palad sa bibig, hinugot iyon at mariing ihinagod hanggang sa
kanang punog tainga. “Lagas ang ngipin.”

Nagkagulo ang mga tao. Nagsigawan, nagsiksikan, naggitgitan, nagtulakan. Nanghataw ng batuta ang mga
pulis. Ipinasya ng alkalde na ipalabas ng istaked si Tata Selo at dalhin sa kanyang tanggapan. Dalawang
pulis ang kumuha kay Tata Selo sa istaked.

“Mabibilanggo ka niyan, Tata Selo,” anang alkalde pagkapasok ni Tata Selo. Umupo si Tata Selo sa silyang
nasa harap ng mesa. Nanginginig ang kamay ni Tata Selo nang ipatong niya iyon sa nasasalaminang mesa.

“Pa’no nga ba’ng nangyari?” kunot at galit na tanong ng alkalde. Matagal bago nakasagot si Tata Selo.

“Binawi po niya ang aking saka, Presidente,” wika ni Tata Selo. “Ayaw ko pong umalis doon. Dati pong
amin ang lupang iyon, amin, po, Naisangla lamang po at naembargo—“
“Alam ko na iyan,” kumukupas at umiiling na putol ng nabubugnot na alkalde.

Lumunok si Tata Selo. Nang muli siyang tumingin sa presidente, may nakasungaw nang luha sa kanyang
malalabo at tila lagi nang may inaaninaw na mata.

“Ako po naman, Presidente, ay malakas pa,” wika ni Tata Selo. “Kaya ko pa pong magsaka. Makatuwiran
po bang paalisin ako? Malakas pa po naman ako, Presidente, malakas pa po.”

“Saan mo tinaga ang Kabesa?”

Matagal bago nakasagot si Tata Selo.

“Nasa may sangka po ako nang dumating ang Kabesa. Nagtatapal po ako ng pitas na pilapil. Alam ko pong
pinanonood ako ng kabesa, kung kaya po naman pinagbuti ko ang paggawa, para malaman niyang ako po’y
talagang malakas pa, kaya ko pa pong magsaka. Walang anu-ano po, tinawag niya ako at nang ako po’y
lumapit, sinabi niyang makakaalis na ako sa aking saka sapagkat iba na ang magsasaka.

‘Bakit po naman, ‘Besa?’ tanong ko po. Ang wika’y umalis na lang daw po ako. ‘Bakit po naman, ‘Besa?’
Tanong ko po uli, ‘malakas pa po naman ako, a’ Nilapitan po niya ako. Nakiusap pa po ako sa kanya, ngunit
ako po’y… Ay! Tinungkod po niya ako ng tinungkod nang tinungkod.”

“Tinaga mo na no’n,” anag nakamatyag na hepe.

Tahimik sa tanggapan ng alkalde. Lahat ng tingin—may mga eskribante pang nakapasok doon—ay
nakatuon kay Tata Selo. Nakayuko si Tata Selo at gagalaw-galaw ang tila mamad na daliri sa ibabaw ng
maruming kutod. Sa pagkakatapak sa makintab na sahig, hindi mapalagay ang kanyang may putik,
maalikabok at luyang paa.

“Ang iyong anak, na kina Kabesa raw?” usisa ng alkalde.

Hindi sumagot si Tata Selo.

“Tinatanong ka anang hepe.”

Lumunok si Tata Selo.

“Umuwi na po si Saling, Presidente.”

“Kailan?”
“Kamakalawa po ng umaga.”

“Di ba’t kinakatulong siya ro’n?”

“Tatlong buwan na po.”

“Bakit siya umuwi?”

Dahan-dahang umangat ang mukha ni Tata Selo. Naiiyak na napayuko siya.

“May sakit po siya.”

Nang sumapit ang alas-dose—inihudyat iyon ng sunod-sunod na pagtugtog ng kampana sa simbahan na


katapat lamang ng munisipyo—ay umalis ang alkalde upang mananghalian. Naiwan si Tata Selo, kasama
ang hepe at dalawang pulis.

“Napatay mo pala ang kabesa,” anang malaking lalaking hepe. Lumapit ito kay Tata Selo na

Nakayuko at di pa natitinag sa upuan.

“Binabawi po niya ang aking saka.” Katwiran ni Tata Selo. Sinapo ng hepe si Tata Selo. Sa lapag halos
mangudngod si Tata Selo.

“Tinungkod po niya ako ng tinungkod,” nakatingala, umiiyak at kumikinig ang labing katwiran ni Tata Selo.

Itinayo ng hepe si Tata Selo. Kinadyot ng hepe si Tata Selo sa sikmura. Sa sahig napaluhod si

Tata Selo, nakakapit sa uniporment kaki ng hepe.

“Tinungkod po niya ako ng tinungkod… Ay! Tinungkod po niya ako ng tinungkod ng tinungkod…”

Sa may pinto ng tanggapan, naaawang nakatingin ang dalawang pulis.

“Si Kabesa kasi ang nagrekomenda kay Tsip, e,” sinabi ng isa nang si Tata Selo ay tila damit na nalaglag sa
pagkakasabit nang muling pagmalupitan ng hepe.

Mapula ang sumikat na araw kinabukasan. Sa bakuran ng munisipyo nagkalat ang papel na naiwan nang
nagdaang araw. Hindi pa namamatay ang alikabok, gayong sa pagdating ng buwang iyo’y dapat nang nag-
uuulan. Kung may humihihip na hangin, may mumunting ipu-ipong nagkakalat ng mga papel sa itaas.

“Dadalhin ka siguro sa kabesera, Selo,” anang bagong paligo at bagong bihis na alkalde sa matandang nasa
loob ng istaked. “Don ka suguro ikukulong.”

Wala ni papag sa loob ng istaked at sa maruming sementadong lapag nakasalampak si Tata Selo. Sa paligid
niya’y natutuyong tamak-tamak na tubig. Naka-unat ang kanyang maiitim at hinahalas na paa at nakatukod
ang kanyang tila walang butong mga kamay. Nakakiling, naka-sandal siya sa steel matting na siyang
panlikurang dingding ng istaked. Sa malapit sa kanyang kamay, hindi na gagalaw ang sartin ng maiitim na
kape at isang losang kanin. Nilalangaw iyon.

“Habang-buhay siguro ang ibibigay sa iyo,” patuloy ng alkalde. Nagsindi ito ng tabako at lumapit sa istaked.
Makintab ang sapatos ng alkalde.

“Patayin na rin ninyo ako, Presidente.” Paos at bahagya nang narinig si Tata Selo. Napatay ko po ang
Kabesa. Patayin na rin ninyo po ako.”
Takot humipo sa maalikabok na rehas ang alkalde. Hindi niya nahipo ang rehas ngunit pinagkiskis niya ng
mga palad at tiningnan niya kung may alikabok iyon. Nang tingnan niya si Tata Selo, nakita niyang lalo
nang nakiling ito.

May mga tao namang dumarating sa munisipyo. Kakaunti lang iyon kaysa kahapon. Nakapasok ang mga
iyon sa bakuran ng munisipyo, ngunit may kasunod na pulis. Kakaunti ang magbubukid sa bagong langkay
na dumating at titingin kay Tata Selo. Karamihan ay taga-Poblacion. Hanggang noon, bawat isa’y nagtataka,
hindi makapaniwala, gayong kalat na ang balitang ililibing kinahapunan ang Kabesa. Nagtataka at hindi
makapaniwalang nakatingin sila kay Tata Selo na tila isang di pangkaraniwang hayop na itatanghal.

Ang araw, katulad kahapon, ay mainit na naman. Nang magdadakong alas-dos, dumating ang anak ni Tata
Selo. Pagkakita sa lugmok na ama, mahigpit itong napahawak sa rehas at malakas na humagulgol.

Nalaman ng alkalde na dumating si Saling at ito’y ipinatawag sa kanyang tanggapan.

Di-nagtagal at si Tata Selo naman ang ipinakaon. Dalawang pulis ang umalalay kay Tata Selo. Halos
buhatan siyang dalawang pulis.

Pagdating sa bungad ng tanggapan ay tila saglit na nagkaroon ng lakad si Tata Selo. Nakita niya ang babaing
nakaupo sa harap ng mesa ng presidente.
Nagyakap ang mag-ama pagkakita.

“Hindi ka na sana naparito Saling,” wika ni Tata Selo na napaluhod. “May sakit ka, Saling, may sakit ka!”

Tila tulala ang anak ni Tata Selo habang kalong ang ama. Nakalugay ang walang kintab niyang buhok, ang
damit na suot ay tila yaong suot pa nang nagdaang araw. Matigas ang kanyang namumulang mukha.
Pinalipat-lipat niya ang tingin mula sa nakaupong alkalde hanggang sa mga nakatinging pulis.

“Umuwi ka na, Saling” hiling ni Tata Selo. “Bayaan mo na…bayaan mo na. Umuwi ka na, anak. Huwag,
huwag ka nang magsasabi…”

Tuluyan nang nalungayngay si Tata Selo. Ipinabalik siya ng alkalde sa istaked. Pagkabalik niya sa istaked,
pinanood na naman siya ng mga tao.

“Kinabog kagabi,” wika ng isang magbubukid. “Binalutan ng basang sako, hindi ng halata.”

“Ang anak, dumating daw?”

“Naki-mayor.”

Sa isang sulok ng istaked iniupo ng dalawang pulis si Tata Selo. Napasubsob si Tata Selo pagkaraang siya’y
maiupo. Ngunit nang marinig niyang muling ipinanakaw ang pintong bakal ng istaked, humihilahod na
ginapang niya ang rehas. Mahigpit na humawak doon at habang nakadapa’y ilang sandali ring iyo’y tila
huhutukin. Tinawag siya ng mga pulis ngunit paos siya at malayo na ang mga pulis. Nakalabas ang kanang
kamay sa rehas, bumagsak ang kanyang mukha sa sementadong lapag. Matagal siyang nakadapa bago niya
narinig na may tila gumigising sa kanya.

“Tata Selo…Tata Selo…”

Umangat ang mukha ni Tata Selo. Inaninaw ng mga luha niyang mata ang tumatawag sa kanya.
Iyon ang batang dumalaw sa kanya kahapon.

Hinawakan ng bata ang kamay ni Tata Selo na umabot sa kanya.

“Nando’n amang si Saling sa Presidente,” wika ni Tata Selo. “Yayain mo nang umuwi, umuwi na kayo.”
Muling bumagsak ang kanyang mukha sa lapag. Ang bata’y saglit na nag-paulik-ulik, pagkaraa’y takot at
bantulot nang sumunod…

Mag-iikaapat na ng hapon. Padahilig na ang sikat ng araw, ngunit mainit pa rin iyon. May kapiraso nang
lihin sa istaked, sa may dingding na steel matting, ngunit si Tata Selo’y wala roon. Nasa init siya, nakakapit
sa rehas sa dakong harapan ng istaked. Nakatingin siya sa labas, sa kanyang malalabo at tila lagi nang nag-
aaninaw na mata’y tumatama ang mapulang sikat ng araw. Sa labas ng istaked, nakasandig sa rehas ang
batang Inutusan niya kanina. Sinabi ng bata na ayaw siyang papasukin sa tanggapan ng alkalde ngunit hindi
siya pinakinggan ni Tata Selo, na ngayo’y hindi pagbawi ng saka ang sinasabi.

Habang nakakapit sa rehas at nakatingin sa labas, sinasabi niyang lahat ay kinuha na sa kanila, lahat, ay!
Ang lahat ay kinuha na sa kanila…

You might also like