You are on page 1of 2

Halimbawa ng Panukalang Proyekto

Pamagat ng Proyekto: Kahaandaan sa oras ng Kalamidad

Kategorya ng proyekto: Ang gawain ay isang seminar para sa mga estudyante bilang


paghahanda sa mga darating na kalamidad

Proponent ng Proyekto: Bb. Rose Ann Mangoba at G. Renz Geronimo

Deskripsyon ng Proyekto: Ang Seminar ay tinatawag na “Disaster Preparedness”


para sa mga mag-aaral. Ito ay tumutukoy sa mga hakbang o mga dapat gawin bago at
sa panahon ng Kalamidad. Mahalagang malaman ng mga mag-aaral ang mga dapat
gawin sa panahon ng kalamidad. Ipapaliwanag dito ang mga mahahalagang
impormasyon upang hindi mailto o maguluhan ang mga mag-aaral kung paano ang
gagawin sa oras ng kalamidad.

Petsa: Ang seminar ay magtatagal ng 2 oras mula 9:00 ng umaga hanggang 12:00 ng
hapon ng Agosto 17,2018

Rational:

Walang nakakaalam kung kailan darating ang isang kalamidad. Sinasabing maari
itong maganap sa hindi inaasahang oras. Kaya’t ang proyektong Kahaandaan sa oras
ng Kalamidad ay napapanahon at hindi mawawala sa uso. Ito ay naglalayong gawing
handa ang mga estudyanteng senior high na mula sa Lagro High School. 100
estudyante ang inaasahang dadalo sa seminar bilang mga respondente. Maituturing na
mapalad ang gagawing proyektong ito dahil dadalo ang ilang opisyal ng NDRRMC at
Red Cross bilang mga speaker.

Gastusin ng Proyekto:

Sa proyektong ito tinatayang nasa P4,000 ang kabuuang halaga na inilalaan sa


sumusunod na pagkakagastusan.

Aytem                                                                  Halaga                                        
Kabuuan

Honorarium ng Ispiker                                      P2,000          


P2,000

Pagkain ng Ispiker                                               P500              


P500
Sertipiko ng Ispiker na may Frame                   P200                                             P200

Sertipiko ng mga Kalahok                                 P2 x 100                                        


P200

Tarpaulin                                                              P550 x 2                                        


P1,100

                                                                       
KABUUAN:                                           P4,000

Benipisyong Dulot ng Proyekto: Ang makikinabang ay mag-aaral ng Lagro High


School Senior High School. Ang layunin ay maging handa ang bawat mag-aaral sa
pagdating ng sakuna o kalamidad.

You might also like