You are on page 1of 29

WHOLE BRAIN LEARNING SYSTEM

OUTCOME-BASED EDUCATION

BAITANG
FILIPINO 8

1
LEARNING KUWARTER

MODULE LINGGO 1

Page | 1
MODYUL SA
FILIPINO 8

KWARTER 1
LINGGO 1

Karunungang-bayan
Dalawang Uri ng Paghahambing

Development Team
Writer: Erleen Ann P. Lorenzo
Editor: Catherine M. Litao
Reviewers: Lorna M. Balisbisana, Holly May Justine R. Pascual,
Neva A. Manding, Liezl R. Quitoriano, Maria Angelica J.
Aurelio, Librada Levy J. Domingo, Jane S. Dancel
Illustrators: Mark Bryan Aguinaldo / Nestor Lucero
Lay out Artist: Erleen Ann P. Lorenzo / Allan M. Utleg
Management Team: Vilma D. Eda Joye D. Madalipay/ Domingo L. Laud
Lourdes B. Arucan Juanito S. Labao
Zorayda S. Paguyo

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 8 Page | 2

Layunin ng modyul na ito na matulungan kang matutunan ang mga konsepto
tungkol sa Panitikan ng Pilipinas sa Panahon ng Katutubo. Sa pamamagitan ng mga
aralin at gawain unti-unti mong matutuklasan ang pamumuhay ng mga katutubo at ang
mga kaugalian at kulturang Pilipino na minana natin sa ating mga ninuno sa
pamamagitan ng mga araling pampanitikan at panggramatika. Inaasahan na matatamo
mo ang mga kompetensing ito sa katapusan ng Modyul 1.

ALAMIN Inaasahan na matatamo mo ang mga

kompetensing ito sa katapusan ng Modyul 1.
: .

_____________________________________________________________

KASANAYANG PAMPAGKATUTO
(Learning Competencies)

1. Nabibigyang-kahuluganan ang mga talinghaga, eupemistiko o masining na

pahayag na ginamit sa tula, balagtasan, alamat, maikling-kwento, epiko ayon
sa; -kasingkahulugan at kasalungat na kahulugan. F8PT-Ia-c-19

2. Naiuugnay ang mahahalagang kaisipang nakapaloob sa mga karunungang-

bayan sa mga pangyayari sa tunay na buhay sa kasalukuyan. F8PB-Ia-c-22

3. Naisusulat ang sariling bugtong, salawikain, sawikain o kasabihan na angkop

sa kasalukuyang kalagayan. F8PS-Ia-c-20

4. Nagagamit ang paghahambing sa pagbuo ng alinman sa bugtong, salawikain,

sawikain o kasabihan (eupemistikong pahayag). F8WG-Ia-c-17

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 8 Page | 3

SUBUKIN: Handa ka na ba? Bago mo tuluyang matutunan ang
Aralin 1, nais ko munang masukat ang kahandaan mo
sa araling ito. Narito ang paunang pagtataya.

_____________________________________________________________

PAUNANG PAGTATAYA

Panuto: Tukuyin ang inilalarawan ng mga pahayag. Isulat ang tamang sagot sa
sagutang papel.

1. Ang mga sinaunang tao ay kilala rin sa tawag na __________.

a. Katutubo c. Manobo
b. Arabo d. wala sa nabanggit

2. Ang sinasamba ng mga sinaunang tao ay ang _____________.

a. Diyos c. pinuno
b. kalikasan d. mga hayop

3. Ang paraan ng kanilang pamumuhay ay _________________.

a. pagsasaka c. palipat-lipat
b. pangingisda d. pagmimina

4. Naniniwala ang mga katutubo na lahat ng mga kababalaghan ay gawa ng mabubuti

at masasamang ________________.
a. bathala c. diwata
b. diyos d. hilagyo

5. Ang anyo ng panitikan sa sinaunang panahon ay _____________.

a. pasulat c. paguhit
b. pasalin-dila d. wala sa nabanggit

6. Ang ginagamit na panulat ng mga ninuo sa mga malalapad na dahon at dingding

ng kweba ay ________________.
a. lapis c. tinta
b. bolpen d. matutulis na bagay

7. Ang karaniwang paksa ng panitikan noon ay tungkol sa _____________.

a. kalikasan at pamahiin
b. pamahiin at pamumuhay
c. kalikasan at pamumuhay
d. relihiyon at pamumuhay

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 8 Page | 4

8. Ang panitikan noon ay binubuo ng _________________________.
a. sanaysay, maikling kwento at awiting bayan
b. bulong na pamahiya (incantations), kwentong bayan, karunungang-bayan at
alamat
c. dasal, pasyon, kantahing-bayan at kwentong bayan
d. karunungang-bayan, awiting-bayan, dula at nobela

9. Ito ay uri ng karunungang-bayan na nagtataglay ng butil ng karunungan na hinabi

upang ipasagot sa iba.
a. bulong c. sawikain
b. salawikain d. bugtong

10. Nagtataglay naman ito ng aral na nagsisilbing gabay sa pang-araw-araw na

pamumuhay at pagpapasiya.
a. sawikain c. salawikain
b. bugtong d. bulong

TUKLASIN: Hayaang lumipad ang isip sa pagsisimula ng ating

aralin. Sa tulong ng mga larawan, malalaman mo
ang mga mahahalagang nangyari. Kaya naman,
ibahagi ang nalalaman mong kaugnayan ng mga
bagay-bagay sa ating nakaraan.

GAWAIN 1: HALINA’T MAGLAKBAY

https://www.yourdictionary.com/cave

https://tl.wikipedia.org/wiki/Panahon_ng_Bato

Page | 5
WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 8
https://www.slideshare.net/melprosperomanalo/pagsamba-ng-mga-sinaunang-pilipino

http://4.bp.blogspot.com/aWGz7Hoi7Hs/Uk1xOrBoW3I/AAAAAAAAAHA/W7BRb9WT
RNY/s1600/3.jpg

GAWAIN 2: MARUNONG ANG BUHAY

Maligayang paglalakbay. Ito ang simula ng pagtahak mo sa panibagong

aralin. Upang lalo mong maunawaan ang paksang tatalakayin, basahin at
unawain ang tulang ito. Pagkatapos, sagutin ang kasunod na mga tanong.

Karunungang-bayan
Sa buhay ng tao ay may mga karanasan
Na kailangang iwasan at dapat ayusin
tamang tandaan, at sa tuwina’y pakaisipin
Mahalagang ingatan tulad ng kayamanan.

Iwasan nang hindi maging anak-dalita:

Pag nagtanim ng hangin
Bagyo ang aanihin.

Ubos-ubos na biyaya
Bukas nakatunganga.

Gawin upang tumanaw ng utang na loob:

Ang lumalakad nang matulin
Kung matinik ay malalim.

Ang hindi lumingon sa pinanggalingan

Di makararating sa paroroonan.
Page | 6
WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 8
Pakaisipin upang maging malawak ang isip:
Sa anumang lalakarin
Makapito munang isipin.

Nasa Diyos ang awa

Nasa tao ang gawa.

Tandaan upang maging buo ang loob:

Kung hindi ukol
Hindi bubukol.

Kung ano ang bukam-bibig

Siyang laman ng dibdib.

Ingatan upang hindi maging pasang-krus:

Anak na di paluhain
Ina ang patatangisin.

Ang kalusugan
Ay kayamanan.

Tularan nang maging matalas ang isip:

Daig ng maagap
ang masipag.

Lakas ng katawan
Daig ng paraan.

Nabanggit ni Lolo mga karunungang sa buhay

Na maaaring maging gabay sa aking palagay
Ito ang mga bagay na dapat mong isabuhay.
Nang maging huwaran ng mahal sa buhay.

Halaw sa WBLS SDOIN

Sagutin:
1. Tungkol saan ang tulang binasa.
_______________________________________________________________________

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 8 Page | 7

2. Bakit mahalagang isa-isip ang mga aral na taglay ng mga ito?
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

3. Alin-alin sa mga nabanggit na aral ng buhay ang nasusunod pa sa kasalukuyang

panahon? Magbigay ng tiyak na kahulugan.
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

4. Paano makatutulong sa iyong buhay ang mga ito?

_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

5. Bilang kabataan, paano mo mapahahalagahan ang mga karunungan ng buhay o payo

na inilahad ng matanda?
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

GAWAIN 3: SALITAHULUGAN
Panuto: Ibigay ang kasingkahulugan ng mga salitang nasalungguhitan sa pamamagitan
ng Context Clues. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Pasalin-dila ang pagpapahayag ng panitikan noong sinaunang panahon.

2. Ang paraan ng pamumuhay ng mga Katutubo ay Nomadic.

3. Ang mga nangyayari noong sinaunang panahon ay nakasalalay sa kalikasan. Ang mga
kababalaghan ay gawa ng mabubuti at masasamang hilagyo.

4. Pag-aanito ang paraan ng kanilang pagsamba.

5. Natutong magsulat ang mga Katutubo, bilang patunay ay ang mga Alibatang nakasulat
sa dingding ng mga kweba.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 8 Page | 8

Natitiyak kung handa ka nang pag-aralan ang
SURIIN:
unang uri ng panitikan na umiral sa panahon ng
Katutubo. Ang Karunungang-Bayan. Halika na
at simulan na natin.

_____________________________________________________________

GAWAIN 4: BASAHIN AT UNAWAIN MO

Karunungang – Bayan

Kasama sa kabang-yaman ng karunungang-bayan ng ating bansa bago dumating

ang mga Espanyol ay ang, salawikain, sawikain, bugtong, bulong at kasabihan.

1. Salawikain
 karaniwang patalinghaga na may kahulugang nakatago.
 karaniwang nasusulat ng may sukat at tugma kaya mainam na pakinggan
kapag binibigkas.
Mga Halimbawa:
a. Pag ang tubig ay magalay
Ang ilog ay mababaw
b. Ang sakit ng kalingkingan
Damdam ng buong katawan.
c. Ang taong matiyaga
Natutupad ang ninanasa.

2. Sawikain
 Ang pagsasalawikain o pagtatambis ay isang paraan ng pagsasalita na hindi
gumagamit ng mararahas na salita upang maiwasan ang makasakit ng
kalooban.
Mga Halimbawa:
a. parang natuka ng ahas - natulala
b. malayo sa bituka - hindi malubha
c. itaga mo sa bato - pakatandaan

3. Bugtong
 matalinghagang pariralang may sukat at tugma.
 nagtataglay ng butil ng karunungang hinabi sa maikli at patugmang pahayag
upang ipasagot sa iba.
Mga Halimbawa:
a. “May alaga akong hayop,
Malaki ang mata kaysa tuhod” - tutubi

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 8 Page | 9

b. “Kay lapit-lapit na sa mata
Di mo pa rin makita” - tenga
c. “Naka-kapa’y di naman pari,
Naka-korona’y di naman hari” - tandang

4. Kasabihan
 ginagamit ito ng mga ninuno kapag nilalaro nila ang mga maliliit na bata
o kaya’y panukso sa mga malaki-laki na o sa mga dalagita’t mga
binatilyo
 tinatawag itong “Mother Goose Rhyme’ sa Ingles
Mga Halimbawa:
a. Pung, pung giyapong
Kamatis, paria, tarong
Pakbetek ton parbangon
Balunek a mapan talon.
b. Tulak ng bibig
Kabig ng dibdib
c. Putak, putak
Batang duwag
Matapang ka’t
Nasa pugad

5. Bulong
 binubuo ng ilang taludtod at ginagamit ng ating mga ninuno upang
magpasintabi o hingan ng paumanhin ang mga nilalang na hindi nakikita.
Mga Halimbawa:
a. “Huwag magagalit, kaibigan
aming pinuputol lamang
ang sa ami’y napag-utusan.”
b. “Tabi…. tabi….
Dadaan kami
Patawarin kami
Sakaling kayo’y aming masagi”
c. Dayo-dayo, Bari-bari

GAWAIN 5: SASAGUTIN KO

Panuto: Basahin ang mga tanong at isulat ang sagot sa inyong sagutang papel.

1. Ano ang tungkulin ng mga karunungang-bayan sa sinaunang panahon? Ipaliwanag ang

sagot.
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 8 Page | 10

2. Masasalamin ba sa mga karunungang bayan ang kultura ng ating mga ninuno?
Patunayan.
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

3. Bakit mahalagang pag-aralan at pagyamanin ang mga ito sa kasalukuyang panahong

natin ngayon?
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

4. Ano ang nalaman mo tungkol sa panitikan sa Panahon ng mga Katutubo?

_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

GAWAIN 6: PINOY KA! HENYO KA!

Panuto: Tukuyin kung anong uri ng karunungang-bayan ang isinasaad ng mga pahayag.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Umayen ni Kaka,nagbado nalabbaga. – susop 1.

No adda anus, adda lamot. 2.

3.
matigas ang ulo. - pasaway

Putak-putak batang duwag. 4.

Dayo! Dayo! Bari! Bari! 5.

may sinasabi sa buhay - mayaman 6.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 8 Page | 11

Nagtago nga, kita pa ulo niya. - pako 7.

Tabi, tabi, makikiraan kami. 8.

Ang magandang dasal ay kaban ng yaman. 9.

10.
Tulog na beybi (3x) kong mahal.

GAWAIN 7: SA AKING PANG-UNAWA

Panuto: Basahin at suriin ang iba pang mga kilalang halimbawa ng karunungang-bayang
ipinamana sa atin ng ating mga ninuno. Isulat sa patlang ang mahalagang kaisipang nais
ipahiwatig nito.

1. Pag may isinuksok, may madudukot

_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
2. Kung anong taas ng lipad, siyang lakas ng pagbagsak
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
3. Ngayon kakahigin, ngayon tutukain
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
4. Ang mahirap kunin ay masarap kainin
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 8 Page | 12

5. Kapag maaga ang lusong ay maaga ang ahon
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

PAGYAMANIN: Ngayon naman, aalamin mo ang mga katangian

ng panitikan noong Katutubong Panahon.
: Malaking tulong ang mga impormasyong ito
upang lalo mo pang maunawaan ang mga uri ng
panitikang umiral sa panahong ito.

______________________________
KATANGIAN NG PANITIKAN SA PANAHON NG KATUTUBO

1. Saling-dila o lipat-dila, na ang nag-iingat at nagpapahayag ay ang mga apo, na

karaniwang puno ng barangay o pinaka-pari ng kanilang relihiyon.

2. Gamit na panulat ay ang mga matutulis na bagay, malalapad na dahon at

dingding ng mga kweba.

3. Ang relihiyon noon ay pagsamba sa araw, sa punongkahoy o anumang

kalagayan ng Kalikasan at lahat ng mga kababalaghan ay gawa ng mabubuti at
masasamang hilagyo (anito).

4. Ang paksa ay karaniwang tungkol sa kalikasan at karamihan ay salig sa

pananampalataya at pamahiin.

5. Ang panitikan noon, samakatwid, ay binubuo ng mga bulong na pamahiya

(incantations), kwentong bayan, karunungang-bayan at alamat.

Nasagot mo na lahat ng mga gawain sa araling pampanitikan. Ngayon naman, pag-

aaralan mo ang araling panggramatika.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 8 Page | 13

GAWAIN 8: SA WIKA NGA

Panuto: Basahin at suriin ang tulang “Buhay Noon at Ngayon” pagkatapos, sagutin ang
mga kasunod na tanong. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Buhay Noon at Ngayon

ni Gregorio V. Bituin Jr.

1 4
Noon, gumigising ang tao Noon, kapag madaling araw
pag tandang na ay tumilaok kay-aga ng taong gumising
Ngayon, gumigising ang tao Ngayon, sumikat na ang araw
pag umalarma na ang cellphone tanghali na’y himbing na himbing
2 5
Noon, may sinangag at tuyo Buhay nga noon ay simple lang
sabay kumain ang pamilya ngunit tao’y pawang masaya
Ngayon, mag-Jollibee o McDo Kahit buhay noo’y mabagal
kumain ka kahit mag-isa nakararaos naman sila
3 6
Noon, lumabas ka ng bahay Buhay ngayon ay mabilisan
langhap mo ang hanging sariwa wala silang pakialamanan
Ngayon, pag-alis mo ng bahay Pag di sumabay maiiwan
sa usok na’t natutulala sa bilis ng teknolohiya.

Halaw sa Mga Tula’t Akda ni Gregorio V. Bituin FB Page

1. Tungkol saan ang tula?

_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
2. Makatotohanan ba ang inilahad ng tula? Patunayan ang sagot.
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
3. Ano ang mensahe ng tula sa iyo bilang isang kabataang kabilang sa Generation Z?
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
4. Kung papipiliin ka, Buhay Noon o Buhay Ngayon, ano ang pipiliin mo? Bakit?
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 8 Page | 14

5. Anong karunungang-bayan ang maiuugnay mo sa tulang ito? Magbigay ng mga
halimbawa mula sa akda.
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

BASAHIN AT UNAWAIN

Dalawang Uri ng Paghahambing

1. Paghahambing na Magkatulad
 ginagamit ito kung ang dalawang pinaghahambing ay may patas na
katangian.
 ginagamitan ng mga panlaping kasing, sing, magsing at magkasing o
kaya’y mga salitang gaya, tulad, paris, kapwa at pareho
Mga Halimbawa:
a. Kapwa magagaling na artista ang magkapatid na Toni at Alex
Gonzaga.
b. Kasingganda ni Alex ang kanyang ate Tony.

2. Paghahambing na Di-Magkatulad
 ginagamit ito kung ang
pinaghahambing ay may
magkaibang katangian.

Dalawang uri ng paghahambing na di-magkatulad

a. PASAHOL – kung ang pinaghahambing ay mas maliit, gumagamit ito

ng mga salitang lalo, di-gaano, di-totoo, di-lubha o di-gasino
halimbawa:
Di-gaanong masalita si Toni kumpara kay Alex sa mga interbyu nila.

b. PALAMANG – kung ang hinahambing ay mas Malaki o nakahihigit

sa pinaghahambingan, gumagamit ng higit, labis o di-hamak.
halimbawa:
Higit na madaldal si Alex kaysa kay Toni.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 8 Page | 15

GAWAIN 9: BASAHIN AT SURIIN

Panuto: Salungguhitan ang paghahambing na ginamit sa bawat bilang. Isulat sa patlang

kung anong uri ito ng paghahambing. Gamitin ang sagutang papel.

____________________________1. Tilaok ng manok ang gumigising sa mga tao noon,

di gaya ngayon na makabagong teknolohiya.

____________________________2. Higit na sariwa ang hangin noon kumpara sa

ngayon.

____________________________3. Magsinghalaga ang oras noon at ngayon.

____________________________4. Di gaanong maagang gumigising ang mga tao

ngayon kung ihahambing sa mga tao noon.

____________________________5. Mabagal man ang buhay noon at mabilisan ang

buhay ngayon, kapwa namang masaya ang henerasyong nabubuhay sa bawat panahon.

GAWAIN 10: SA PAGHAHAMBING

Panuto: Isulat ang angkop na pahambing sa pangungusap gamit ang mga gabay na salita
sa loob ng panaklong. Isulat ang sagot sa linya. Gamitin ang sagutang papel.

1. __________________ (gusto: di magkatulad) kong pumasok araw-araw sa paaralan

kaysa new normal na sistema ng edukasyon.

2. ___________________ (maganda: magkatulad) ang pananaw naming magkakapatid sa

buhay dahil ito ang turo ng aming magulang.

3. Si Rosa ay _________________ (matanda: di magkatulad) kaysa sa kanyang mga

kaklase kaya’t nagiging ehemplo siya sa kanila.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 8 Page | 16

4. ______________________ (mahirap: di magkatulad) ang buhay ng aking magulang
kumpara sa magandang buhay na ibinigay nila sa akin ngayon.

5. Ang aking tatay at nanay ay _________________________ (bait: magkatulad) kaya’t

mahal na mahal ko silang dalawa.

ISAISIP: Natutuwa akong nakasasama pa rin kita sa

bahaging ito. Iyong ipinamalas ang kahusayan
sa pagsagot sa mga pagsasanay at gawain at
determinasyon upang tapusin ang araling ito.

_____________________________________________________________
1. Palipat-lipat ang paninirahan ng mga Katutubo. Simple ang paraan ng kanilang
pamumuhay.

2. Ang panitikan ng mga Katutubo ay pasalin-dila. Ito ay binubuo ng mga bulong na

pamahiya (incantations). kwentong bayan, karunungang-bayan at alamat.

3. Ang karaniwang paksa ng mga akdang pampantikan sa panahon ng Katutubo ay

tungkol sa kalikasan at sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay.

4. Ang mga karunungang-bayan ay binubuo ng mga bugtong, bulong, salawikain,

sawikain at kasabihan. Nagsilbi itong aliwan at gabay sa kanilang pang-araw-araw
na pamumuhay.

5. Mayroong dalawang uri ng paghahambing. Ang paghahambing na magkatulad at

paghahambing na di-magkatulad. Ang paghahambing na di-magkatulad ay may
dalawang uri – ang pasahol at ang palamang.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 8 Page | 17

Sa panahong ngayon napakaraming bago- salita,
ISAGAWA:
fashion, pagkain at iba pa. Napakahalagang
sumunod sa agos ng buhay para matawag na ikaw
ay “in”.

_____________________________________________________________

GAWAIN 11: KARUNUNGAN SA PAGSULAT

 Manonood ng isang pelikula o programang pantelebisyong may kinalaman sa

kasanayan o kaugaliang Pilipino. Itatala ang mga karunungang-bayan narinig
o ginamit dito sa isang malinis na papel.

Panuto: Pumili ng dalawang uri ng karunungang-bayan. Sumulat ng tig-dadalawang

halimbawa sa napiling karunungang-bayan na sumasalamin sa kasalukuyang mga
kaugaliang Pilipino. Isaalang-ala din ang paggamit ng mga natalakay na paghahambing.
Makatutulong ang mga naitalang karunungang-bayan mula sa napanood na pelikula. Isulat
ito sa sagutang papel.

Rubrik sa Pagsulat ng Orihinal na Karunungang-Bayan

Kraytirya/ Napakahusay Mahusay Katamtam Di- Puntos
Pamantayan (4) (3) an Mahusay
(2) (1)
Nagamit ang Gumamit ng Gumamit ng Gumamit ng Walang
mga lima o higit apat o tatlong dalawa o ginamit na
paghahambing pang paghahambin isang paghahambi
sa pagbuo ng paghahambing g sa isinulat paghahambi ng sa
bugtong, sa isinulat na na ng sa isinulat na
salawikain, karunungang- karunungang isinulat na karunungan
sawikain o bayan. -bayan. karunungan g-bayan.
kasabihan. g-bayan.

Naglalarawan Mabisang Nagpakita ng Nagpakita Walang

ng nakapaglarawa paglalarawan ng paglalarawa
kasalukuyang n ng sa paglalarawa n sa
kalagayan ng kasalukuyang kasalukuyan n sa kasalukuyan
bansa. kalagayan ng g kalagayan kasalukuyan g kalagayan
bansa. ng bansa. g kalagayan ng bansa.
ng bansa
ngunit
walang

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 8 Page | 18

ugnayan sa
paksa.
Makabuluhan Makabuluhan Makabuluha Napapanaho Hindi
ang mga at n ngunit n ang tema makabuluha
nabuong napapanahon hindi ngunit hindi n ang mga
karunungang- ang tema ng napapanahon malinaw nabuong
bayan mga nabuong ang tema ng ang karunungan
karunungang- mga nabuong pagkakabuo g-bayan.
bayan. karunungang ng mga
-bayan. karunungan
g-bayan.
May sukat at Naglalarawan May sukat May tugma Walang
tugma ang ng maayos na ngunit ngunit sukat at
bawat taludtod sukat at tugma walang walang tugma ang
ang bawat tugma ang sukat ang bawat
taludtod. bawat bawat taludtod.
taludtod. taludtod.
Kabuoang Iskor

Ilang hakbang na lang at matatapos mo na ang araling ito.

TAYAHIN: Muli, binabati kita at naabot mo ang bahaging ito. Ito yata ang
pinkamatinding pagsubok na iyong haharapin sa araling ito.
Sa bahaging ito, tatayahin natin ang antas ng iyong pagkatuto.
Relaks ka lang, kailangan mo lang sagutin ang maikling
pagsusulit na inihanda para sa iyo.

_____________________________________________________________

GAWAIN 12: PABUOD NA PAGTATAYA

A. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na halimbawa ng

karunungang-bayan. Tukuyin kung ito ay bugtong, bulong, kasabihan, salawikain at
sawikain. At kung ito ay bugtong ibigay ang sagot nito at kung sawikain naman ay ibigay
ang kahulugan. Isang puntos sa bawat tamang sagot.

_____________________________ 1. Ang sugat ay kung tinanggap

Di daramdamin ang antak
Ang aayaw, at di mayag
Galos lamang magnanaknak.

_____________________________ 2. Tinuktok ko ang Bangka

Naglapitan ang mga isda

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 8 Page | 19

_____________________________ 3. Tulak ng bibig,
Kabig ng dibdib

_____________________________ 4. parang natuka ng ahas

_____________________________ 5. Ang magtanim ng hangin,

Bagyo ang aanihin

_____________________________ 6. Tabi, tabi po, Makikiraan lang po

_____________________________ 7. Pagkagat ng madiin

Naiiwan ang ngipin

_____________________________ 8. itaga mo sa bato

_____________________________ 9. Star margarin,

Puno ng bitamin
Porotopot, porotopot
Siguradong may umutot

_____________________________ 10. Dayo, dayo, umadayo kayo

B. Panuto: Basahin mong mabuti ang teksto. Suriin ang mga pahayag na nagpapakita ng
paghahambing at ang katangiang inilalarawan nito. Pagkatapos, ibigay kung ito ay
magkatulad o di magkatulad. Isulat sa sagutang papel ang sagot.

Sariwa ang hangin na humihihip sa karagatan. Mas masarap ang pakiramdam

ko ngayon kaysa noong nakaraang buwan. Kapansin-pansin rin ang tubig na umaalon
sa dagat na maituturing kong kasinlinaw ng Kristal. Di-gasino mang maingay dito, wala
man ang ingay na matagal ko nang kinagisnan, alam kong masasanay rin ako. Naalala
ko tuloy ang pook na pinasyalan namin ni inay noong bata pa ako. Magkasingganda
ang pook na iyon at ang lugar na kinatatayuan ko ngayon. Simputi rin ng bulak ang
buhangin doon.
Akala ko iyon na ang una at huling araw na makadadalaw ako sa ganoong
klaseng lugar. Sa mura ko kasing edad noon, alam ko na ang hirap na pinagdadaanan n
gaming pamilya, kaya napilitan akong magbanat ng buto kahit wala pa sa panahon. Buti
nalang kinaawaan ako ng Poong Maykapal. Inialis ako sa nakasusulasok na lugar at
dinala ako sa lugar na singganda ng paraiso. Salamat at nakakilala ako ng isang taong
kasimbait ng isang anghel. Makakabalik ako sa lugar na ito at kung hindi man, titiyakin
kong kaparis nito ang bubuuin kong tirahan ng aking pamilya.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 8 Page | 20

Page | 21 Filipino 8 Self-Learning Module MELC-Aligned WBLS-OBE
Paunang Pagtataya
1. a 6. d
2. b 7. a
3. c 8. b
4. d 9. d
5. b 10. c
Gawain 1
(Magkakaiba ang maaaring isagot ng mga Mag-aaral)
Gawain 2
(Magkakaiba ang maaaring isagot ng mga Mag-aaral)
Gawain 3
1. Pasalin-dila – lipat-dila
2. Nomadic – palipat-lipat na paraan ng pamumuhay
3. hilagyo – espiritu
4. Pag-aanito – pagsamba sa kalikasan
5. Alibata – tawag sa alpabeto ng mga ninuno
Gawain 5
(Magkakaiba ang maaaring isagot ng mga Mag-aaral)
Gawain 6
Pinoy Ka! Henyo Ka!
1. bugtong 6. sawikain
2. salawikain 7. bugtong
3. sawikain 8. bulong
4. kasabihan 9. salawikain
5. bulong 10. kasabihan
Susi sa Pagwawasto
Page | 22 Filipino 8 Self-Learning Module MELC-Aligned WBLS-OBE
Gawain 7
(Magkakaiba ang maaaring isagot ng mga Mag-aaral)
Gawain 8
(Magkakaiba ang maaaring isagot ng mga Mag-aaral)
Gawain 9
di magkatulad 1. Tilaok ng manok ang gumigising sa mga tao noon, di gaya ngayon na
makabagong teknolohiya.
di magkatulad 2. Higit na sariwa ang hangin noon kumpara sa ngayon.
magkatulad 3. Magsinghalaga ang oras noon at ngayon.
di magkatulad 4. Di gaanong maagang gumigising ang mga tao ngayon kung ihahambing
sa mga tao noon.
magkatulad 5. Mabagal man ang buhay noon at mabilisan ang buhay ngayon, kapwa
namang masaya ang henerasyong nabubuhay sa bawat panahon.
Gawain 10
1.Mas gusto
2. Magkasingganda
3. di-gaanong matanda
4. Higit na mahirap
5. kapwa mabait
Gawain 11
(Magkakaiba ang maaaring isagot ng mga Mag-aaral)
Gawain 12
A. 1. salawikain 6. bulong
2. bugtong – kampana 7. bugtong - stapler
3. kasabihan 8. sawikain - pakatandaan
4. sawikain – nagulat, natulala 9. kasabihan
5. sawikain 10. bulong
Sanggunian:
A. MGA AKLAT

Almario, Virgilio S. 2014. Manwal sa Masinop na Pagsulat. Lungsod ng

Quezon: Komisyon sa Wikang Filipino.

Arrogante, Jose A. et al. 1991. Panitikang Filipino Pampanahong Elektroniko.

Mandaluyong City: National Book Store.

Jamero, Dolores F. at Cecilia M. Guevarra, 2018. Batay sa K to 12 BEC Filipino

Panitikan at Wika. Quezon City: St. Bwernadette Publishing House Corporation.

Ulit, Perla G. et. al, 1998. Pagpapahalaga sa Panitikan ng Pilipinas. Makati

City: Grandwater Publications and Research Corporation.

B. Larawang Ginamit

https://www.yourdictionary.com/cave

http://4.bp.blogspot.com/-
aWGz7Hoi7Hs/Uk1xOrBoW3I/AAAAAAAAAHA/W7BRb9WTRNY/s1600/
3.jpg

https://www.slideshare.net/melprosperomanalo/pagsamba-ng-mga-
sinaunang-pilipino

https://tl.wikipedia.org/wiki/Panahon_ng_Bato

http://www.google.com.ph/images

C. Online Resources

Mga Tula’t Akda ni Gregorio V. Bituin FB Page

https://www.teachpinas.com/k-12-most-essential-learning-competencies-
melc/

https://www.coursehero.com/file/64755543/ARALIN-11-
Karunungang-bayangpdf/

http://www.google.com.ph

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 8 Page | 23

Pangalan: ______________________________ Baitang/Seksyon:____________________

Paaralan: _________________________________________________________________

Guro: __________________________________ CP No. ng Magulang:________________

SAGUTANG PAPEL
Paunang Pagtataya

1. 6.
2. 7.
3. 8.
4. 9.
5. 10.

Gawain 1

Larawan 1

Larawan 2

Larawan 3

Larawan 4

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 8 Page | 24

Gawain 2
.
1. _________________________________________________________________
_________________________________________________________________
___________________________________

2. _________________________________________________________________
_________________________________________________________________
___________________________________

3. _________________________________________________________________
_________________________________________________________________
___________________________________

4. _________________________________________________________________
_________________________________________________________________
___________________________________
5. _________________________________________________________________
_________________________________________________________________
___________________________________

Gawain 3
1.
2.
3.
4.
5.

Gawain 5
1._____________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_________________________________________

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 8 Page | 25

2._____________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_________________________________________

3._____________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_________________________________________

4._____________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_________________________________________

5._____________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_________________________________________

Gawain 6

1. 6.
2. 7.
3. 8.
4. 9.
5. 10.

Gawain 7
1._____________________________________________________________________
___________________________________________________

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 8 Page | 26

Gawain 8
1._____________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_________________________________________

2._____________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_________________________________________

3._____________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_________________________________________

4._____________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_________________________________________

5._____________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_________________________________________

Gawain 9
1.
2.
3.
4.
5.
Gawain 10
1.
2.
3.
4.
5.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 8 Page | 27

Gawain 11
Unang Karunungang-Bayan
_____________________________________________________________________

____________________________________________________________________

Ikalawang Karunungang-Bayan
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
____________________________________________________

Gawain 12
A.
1. 6.
2. 7.
3. 8.
4. 9.
5. 10.
B.
Paghahambing Katangiang Uri ng Paghahambing
inilalarawan

Page | 28
WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Filipino 8
Page | 29

You might also like