You are on page 1of 28

“ISANG PAG-AARAL UKOL PORSYENTO NG NAWALAN NG HANAPBUHAY SA

GITNA NG PANDEMYA SA LUNGSOD NG VALENZUELA”

Isang Pananaliksik na iniharap sa Kagawaran ng Kolehiyo ng mga Sining at Agham sa Pamantasan ng Our Lady
of Fatima, Taong Panuruan 2020-2021

Bilang Bahagi ng Pangangailangan sa asignaturang

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Uri ng Teksto Tungo sa Pananaliksik

Ipinasa nina:

Cauilan, Santy James A.


Consigo, Mjhai B.
Dedios, Carlos Z.
Dela Cruz, Rebecka I.
Delos Santos, Lance kaiser
Deloso, Reynald James B.
Dimacali, Charysae Joy P.
Docuyanan, Mariel
Elican, Jenevieve B.
Pangkat Bilang 2 ng HUMSS 11-1

Pangkat Bilang 2 ng HUMSS 11-Y1-1


Ipinasa kay:

Bb. Kervy B. Dema-ala, LPT


Tagapayo

1 l Pahina
TALAAN NG NILALAMAN

KABANATA I: Ang Suliranin at Kaligiran ng Pag-aaral

● Panimula ------------------------------------------------------------------------------ 1-2


● Paglalahad ng Suliranin -------------------------------------------------------------- 3
● Saklaw at Limitasyon ---------------------------------------------------------------- 3
● Kahalagahan ng Pag-aaral --------------------------------------------------------- 3-4
● Depinisyon ng mga Terminolohiya ----------------------------------------------- 4-5

KABANATA II: Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

● Lokal na Literatura ---------------------------------------------------------------- 6-8


● Lokal na Pag-aaral ---------------------------------------------------------------- 8-10
● Banyagang Literatura ------------------------------------------------------------ 10-11
● Banyagang Pag-aaral ------------------------------------------------------------ 11-12

KABANATA III: Metodolohiya

● Disenyo ng Pananaliksik ------------------------------------------------------------ 13


● Lokal ng Pananaliksik --------------------------------------------------------------- 13
● Taktika sa Pagkuha ng Datos ------------------------------------------------------- 13
● Hakbang sa Paglikom ng Datos ---------------------------------------------------- 14
● Instrumento ng Pananaliksik -------------------------------------------------------- 14
● Istatistikong Pamamaraan ----------------------------------------------------------- 14

KABANATA IV: Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos

● Demograpikong Propayl ng mga Respondente ---------------------------------- 15


● Grap Bilang 1 ------------------------------------------------------------------------- 16
● Grap Bilang 2 ------------------------------------------------------------------------- 17
● Grap Bilang 3 --------------------------------------------------------------------- 17-18

2 l Pahina
● Grap Bilang 4 --------------------------------------------------------------------- 18
● Grap Bilang 5 ---------------------------------------------------------------------- 19
● Grap Bilang 6 -------------------------------------------------------------------- 19-20
● Grap Bilang 7 --------------------------------------------------------------------- 20

KABANATA V: Lagom, Kongklusyon at Rekomendasyon

● Lagom ---------------------------------------------------------------------------- 21-22


● Konklusyon ------------------------------------------------------------------------- 23
● Rekomendasyon --------------------------------------------------------------------- 23

3 l Pahina
KABANATA I

Ang Suliranin at Kaligiran ng Pag-aaral

Panimula

Bruce Rodriguez (2021) Tumaas na naman kasi ang bilang ng mga Pilipinong walang
trabaho noong Pebrero dahil sa epekto ng hindi pa rin masawatang pagkalat ng COVID-19 sa
Pilipinas. Mula sa 4 milyong unemployed noong Enero, 200,000 agad ang nadagdag sa mga
jobless nitong Pebrero. Umabot na sa 8.8 % ang unemployment rate sa bansa. Ayon sa
Philippine Statistics Authority (2021), inaasahan na talaga nila ang pagtaaas ng
unemployment rate sa bansa dahil marami pa rin mga kompanya o establisimyento ang
nanatiling sarado o limitado lang ang operasyon. Kabilang sa mga industriyang malubhang
tinamaan ng pandemya ang accommodation and food services sector kung saan umabot sa
1.3 milyong ang bilang ng unemployed. Dahil sa hirap ng buhay sa gitna ng pandemya,
dumami rin ang mga Pilipinong naghahanap ng pandagdag kita para sa pang araw-araw na
gastusin. Ang underemployment rate, umakyat sa 18.2 % noong Pebrero mula 16 % noong
Enero. Katumbas ito ng 7.9 milyong tao. Hindi pa kasama sa datos ang epekto ng panibagong
ECQ sa NCR Plus. Siniguro naman ng economic managers na hindi sasayangin ng gobyerno
ang pagpapatupad muli ng ECQ sa Metro Manila at kalapit ng mga probinsya.

Pumalo sa 4.2 milyong Filipino sa bansa ang unemployed persons o bilang ng nasa
labor force na walang trabaho o negosyo nitong Pebrero 2021. Ayon sa Philippine Statistic
Authority (2021), naitala ang unemployment rate sa 8.8 % na mas bahagyang tumaas
kumpara sa naitala noong Enero 2021 na 8.7 % o katumbas ng 4 milyong Filipino.
Samantala, naitala sa 43.2 milyon ang employed persons o bilang ng may trabaho o negosyo.
Sinabi ng PSA na mas mataas ito ng 1.9 milyon kaysa sa nai-report na 41.2 milyon ng
nakaraang Enero 2021. Dagdag pa ng PSA na ang employment rate nitong Pebrero 2021 ay
naitala sa 91.2 % na bahagyang mababa kaysa sa naitala noong Enero 2021 na nasa 91.3 %.
Habang ang bilang ng underemployed noong unang buwan ng 2021 ay tinatayang nasa 7.9
milyon na mas mataas ng 1.3 milyon kumpara sa nai-report na 6.6 milyon noong Enero 2021.
Ang underemployment rate nitong Pebrero 2021 ay 18.2 percent na mas mataas kaysa
naireport noong Enero 2021 na nasa 16.0 percent. 9.1-M indibidwal, nakaranas ng
pansamantala o permanenteng pagkatanggal sa trabaho Samantala, nasa 9.1 milyong mga

4 l Pahina
indibidwal ang nakaranas ng pansamantala o permanenteng pagkatanggal sa trabaho sa loob
ng panahon ng Mayo 2020 hanggang Pebrero 2021 o sa panahong COVID-19 pandemic
SMNI news (2021).
Ayon kay tutay (2021), mahigit sa 420,000 mga Pilipino ang nawalan ng trabaho noong
2020 dahil ang COVID-19 pandemic ay nakaapekto sa ekonomiya at sapilitang isara ang mga
negosyo. ayon sa Department of Labor and Employment (2021), dinala nito ang rate ng
pagkawala ng trabaho sa bansa sa 10.2 porsyento noong 2020, batay sa pinakabagong Labor
Force Survey ng Philippine Statistics Authority, "Doon po sa monitoring naman ng
Department of Labor and Employment ng job displaced, mahigit 420,000 po ang
permanenteng nawalan ng trabaho, at meron din pong 4.5 milyong manggagawa na apektado
ng kakayahang umangkop sa pag-aayos ng trabaho at pansamantalang pagsara". Ang Labor
Department ay inilaan ng kabuuang P28.8 bilyon upang matulungan ang mga apektadong
manggagawa, na may kabuuang 3.4 milyong mga OFW at sa impormal at pormal na sektor
na nakikinabang mula sa mga programa ng COL, TUPAD at AKAP ng DOLE, ayon sa
opisyal. Sinabi ni Tutay (2021), na ang bansa ay nagpasimula ng isang 3-taong pambansang
plano sa pagbawi ng trabaho na tututok sa 4 na pangunahing mga lugar: pag-restart ng mga
aktibidad na pang-ekonomiya, pagpapanumbalik ng kumpiyansa sa negosyo, pag-upgrade ng
trabahador, at pagpapaandar sa pag-access ng labor market ng mga naghahanap ng trabaho.
“Inaasahan natin na maganda ang magiging pananaw natin para sa 2021. Hindi man ito
babalik doon sa pre-COVID pandemikong sitwasyon, ngunit kahit papaano malaki ang
pagkakataon na makabangon na talaga ang ating ekonomiya at manggagawa. Naka-focus sa
mga negosyo at mga manggagawa na tinatawag na National Employment Recovery Strategy,
”paliwanag niya. Sinabi ni Tutay na para sa 2021, ang mga trabaho sa mga sektor ng
kalusugan, konstruksyon, business process outsourcing (BPO), at ang gobyerno ay
magpapatuloy na hinihingi. "Kaya't maaari mong makita ang mga nars, teknolohiyang
medikal, medikal na manggagawa at iba pang mga parmasyutiko, maaari nating makita ang
iba pang ibang mga job fair na may mga bakanteng po na inalok," aniya. Ang programang
pang-imprastraktura ng "Build, Build, Build" ng bansa ay nakikita rin upang makatulong na
maiwasang mawalan ng trabaho ngayong taon, bukod sa iba pang mga sektor.

5 l Pahina
Paglalahad ng Suliranin

Ang pag-aaral na ito na may paksang "Porsyento ng mga Taong Walang Trabaho sa
Valenzuela sa Taong 2021" ay naglalayong sagutin ang mga sumusunod na suliranin:

1. Gaano karami ang mga taong walang trabaho sa Valenzuela sa taong 2021?
2. Ano ang pangunahing dahilan ng kawalan ng trabaho sa mga tao na nakatira sa
Luzon?
3. Ano-ano ang epekto ng kawalan ng trabaho sa mga tao?
4.Ano ang dapat gawin upang mabawasan ang walang trabaho sa Valenzuela sa taong
2021?
5.Saan kumukuha ng pangangailangan ang walang trabaho ngayong 2021?

Saklaw at Limitasyon

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa pagtuklas ng lebel ng epekto at dahilan ng


mga taong walang trabaho o nawalan ng trabaho sa taon 2021.
Hinahangad nito na malaman ang porsyento ng mga taong walang trabaho sa
Valenzuela. Sa huli, magbibigay ang mga mananaliksik ng solusyon sa mga lumabas na
problema mula sa datos ng isinagawang pag survey para sa kapakanan ng mga taong walang
trabaho o nawalan ng trabaho.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Para sa mga Mag-aaral. Ayon kay Juan-Monera (2021), ang sadyang hindi
pamimigay ng sustento ay maituturing na "economic abuse" na maaaring parusahan
alinsunod sa batas. Prision correccional o pagkakakulong na 6 buwan hanggang 6 na taon at
multang P100,000 hanggang P300,000 ang maaaring ikaharap ng mga ama na
mapapatunayang hindi magbibigay ng sustento sa anak. "Nasa tao na rin po 'yan, nasa
magulang kung sa tingin niya masyadong matagal. This is actually economic abuse kung
talagang ayaw lang, hindi dahil sa pandemya." Ang solo parent ang may pasya na magsampa
ng kaso kung tingin niya gumagawa na ng economic abuse ang hiniwalayang asawa. Sa huli

6 l Pahina
ay korte pa rin ang susuri kung may mga batayan ba para sampahan ng kaso ang magulang na
nasangkot sa ganitong mga sitwasyon.

Para sa Paaralan. Sanhi ng kawalan ng trabaho, ayon kay kimberly Amadeo


(2021), ay kusang-loob na umalis sa trabahador. Ang ilan sa mga walang trabaho ay
naka-save ng sapat na pera upang maaari silang tumigil sa mga hindi natutupad na trabaho.
Mayroon silang karangyaan upang maghanap hanggang sa makita nila ang tamang
pagkakataon. Ang pangalawang sanhi ay kapag lumipat ang mga manggagawa. Wala silang
trabaho hanggang sa makahanap sila ng posisyon sa bagong bayan. Ang pangatlong sanhi ay
kapag ang mga bagong manggagawa ay pumasok sa lakas ng trabaho. Kasama dito ang mga
mag-aaral na nagtapos mula sa high school, kolehiyo o anumang mas mataas na degree na
programa. Naghahanap sila ng isang trabaho na umaangkop sa kanilang mga bagong
kasanayan at kwalipikasyon. Ito ang pangunahing sanhi ng kawalan ng trabaho ng kabataan.
Ang pang-apat na dahilan ay kapag ang mga naghahanap ng trabaho ay muling pumasok sa
lakas ng trabaho. Ito ang mga taong dumaan sa isang panahon sa kanilang buhay nang hindi
na sila naghahanap ng trabaho. Maaari na silang tumigil sa pagtatrabaho upang palakihin ang
mga anak, magpakasal o mag-alaga sa matatandang kamag-anak. Ang apat na sanhi na ito ay
hindi maiiwasang bahagi ng proseso ng paghahanap ng trabaho. Ang magandang balita ay
ang frictional na kawalan ng trabaho ay karaniwang kusang-loob at panandalian.

Para sa Komunidad. "Inaasahan natin na maganda ang magiging outlook natin


sa2021. Hindi man ito babalik doon sa pre-COVID pandemic situation, pero kahit papaano,
malaki ang pagkakataon na makabangon na talaga ang ating ekonomiya at manggagawa," ani
ni Tutay (2021). Dagdag niya pa ay magiging in demand ang mga trabaho sa sektor ng
pangkalusugan, construction, business process outsourcing, at gobyerno.

Depinisyon ng mga Terminolohiya

1. Unemployed - ay isang term na tumutukoy sa mga indibidwal na maaaring may trabaho at


aktibong naghahanap ng trabaho ngunit hindi makahanap ng trabaho (Tagalogtranslate.com,
w.p.).

7 l Pahina
2. Underemployment - ang kalagayan kung saan ang mga tao sa isang lakas ng paggawa ay
nagtatrabaho ng mas mababa sa full-time o regular na trabaho o sa mga trabaho na hindi sapat
na may kinalaman sa kanilang pagsasanay o pang-ekonomiyang mga pangangailangan
(Merriamwebster.com, w.p.).

3. Labor market - ang bilang ng mga manggagawa na magagamit upang kunin


(Merriamwebster.com, w.p.).

4. Job fair - isang kaganapan kung saan nag-aalok ang mga employer ng impormasyon
tungkol sa kanilang mga kumpanya sa mga taong naghahanap ng trabaho
(Merriamwebster.com, w.p.).

5. Economic abuse - ay tinukoy bilang pag-uugali na tumatanggi sa isang tao na


pang-ekonomiya o pang-pinansyal na awtonomiya ayon sa Family Violence Protection Act
2008 Vic (Sayer 2021).

6. Frictional na kawalan ng trabaho - ay isang pagkakamali sa panahon ng paglipat ng mga


manggagawa mula sa isang negosyo patungo sa isa pa (https://tgl.agromassidayu.com).

8 l Pahina
KABANATA II

Rebyu ng mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

Lokal na Literatura

Ayon kay Zen Hernandez (2021), ang nilalaman ng kanyang ulat ay ang pag sisibak ng
PAL President Gilbert Santa Maria sa mga empleyado ng Philippine Airlines sa kadahilanan
na mababa na ang bilang ng mga taong bumabyahe na nagdulot ng pagbaba ng porsyento ng
kanilang operasyon na umabot na lamang sa 30%. Sa kabilang banda ay nangako naman ang
PAL President na kanilang bibigyan ng tulong ang mga empleyadong masisibak sa kanilang
trabaho. Dagdag pa ng ECOP (Employers Confederation of the Philippines) ito na raw ang
second wave ng unemployment sa Pilipinas na dulot ng Covid 19.

Philippine Statistics Authority (2021), naitala na ang Central Luzon (Rehiyon 3) ay


nasa walong pwesto sa mga rehiyon na may pinakamataas na bilang ng walang trabaho noong
Enero 2021. Ito ay may porsyento ng 8.5, 0.2 na mas mababa sa normal na pambansang
porsyento na 8.7.

Ang CALABARZON (Rehiyon IV-A) ang nag tala ng lugar kung saan pinakamataas
ang kawalang trabaho na may porsyento ng 13.1. Samantalang ang Bicol Region (Rehiyon V)
ay pumangalawa sa lugar na pinakamaraming walang trabaho na may porsyento ng 11.3 na
kasunuran ang MIMAROPA at Ilocos Region (Rehiyon I) na parehong naka kuha ng 9.3 na
porsyento.

“10 % o 4.6 milyong Pilipino na nasa labor force ay walang trabaho o negosyo noong
nakaraang July 2020. Ang 10 percent unemployment rate ay mas mataas ng 2.2 million kaysa
bilang ng July 2019 na nasa 2.4 million,” sabi ni National Statistician Claire Dennis Mapa sa
isang virtual press briefing.

Nasa 10 porsyento ang unemployment rate ng bansa nitong Hulyo, bumuti kumpara
nuong April dahil sa pagluwag ng quarantine protocols. Noong April, nasa 17.7 porsyento
ang unemployment rate ng bansa o katumbas ng nasa 7.3 milyong Pilipino na walang trabaho.

9 l Pahina
Sa National Capital Region (NCR) naitala ang pinakamataas na unemployment rate
na nasa 15.8 porsiyento nitong Hulyo, o katumbas ng 929,000 katao. Sinundan ito ng
CALABARZON na nasa 12.4 porsyento o katumbas ng 886,000 katao. Pinakamababa naman
ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na nasa 3.8
porsyento. Kabilang sa limang sektor na pinaka nawalan ng trabaho ang arts, entertainment
and recreation, accommodation and food service activities, fishing and aquaculture at
professional and technical activities, batay sa datos.

Dahil sa pandemya, natigil o limitado ang operasyon sa ilang sektor, gaya ng


pagkakaroon ng mga face-to-face concerts. Umaaray din ang industriya ng turismo.
Kalauna’y niluwagan ang mga quarantine restrictions sa layuning mabuksan ang ekonomiya,
habang sinusundan ang mga "minimum health at safety protocols" na inilatag ng gobyerno
(googlenews, 2021).

Mas umangat o tumaas ang bilang ng mga walang trabaho nitong july 2020 kaysa
nung july 2019 ng 2.2 milyon. Ang bilang ng unemployment rate sa pilipinas nuong july
2019 ay nasa 2.4 milyon, halos nadoble ang bilang ng unemployment rate sa sumunod na
taon. 10,000 na trabaho ang alok sa job fair ng dole. May ikinakasa na rin ang DOLE na
online job fair para sa mga umuwing OFW na interesadong magtrabaho sa IT-BPM industry.
Nasa 10,000 trabaho sa gobyerno ang iaalok sa mga jobseeker sa online job fair na
magtatagal mula Setyembre 14 hanggang 18.

Minimum health at safety protocol. Sa pamamagitan neto ay mayroon pang mga


taong nakakapagtrabaho subalit kakaunti lamang ang mga ito, sa pagtupad ng patakaran na
ito ay papaano may mga tao parin nakakaraos upang magkaroon ng pera sa gitna ng
pandemya at nagkakapagtrabaho ng ligtas.

Unemployment rate. Tinukoy bilang porsyento ng mga manggagawa na walang


trabaho sa kabuuang lakas ng paggawa. Ang mga manggagawa ay itinuturing na walang
trabaho kung sa kasalukuyan ay hindi sila nagtatrabaho, sa kabila ng katotohanang kaya nila
at handang gawin ito. Ang kabuuang lakas-paggawa ay binubuo ng lahat ng mga
nagtatrabaho at walang trabaho na mga tao sa loob ng isang ekonomiya.

Online job fair. Ang pagdalo sa isang job fair ay isa pang kamangha-manghang
pagkakataon para sa mga naghahanap ng trabaho na kumonekta sa mga kumpanya.
Gayunpaman, na may mga panukalang distansya sa panlipunan na may bisa pa rin sa

10 l Pahina
maraming mga lugar, mahirap na tipunin ang mga employer at naghahanap ng trabaho sa
isang lugar. Ngunit salamat sa teknolohiya, maaari ka pa ring makakuha ng oras sa mukha sa
isang potensyal na employer at Virtual job fair na magbibigay sa iyo ng natatanging
pagkakataon upang makipagkita sa mga kumpanya na naghahanap upang kumuha ng mga
propesyonal na kandidato, nang hindi mo kinakailangang iwanan ang iyong bahay.

Lokal na Pag-aaral

Ayon kay Ortiz-Luis (2021), "Maraming tao ang nahihirapan pang pumasok.
Masyadong mahal pa magpapasok. Kaya 'yong ibang tao, 'di pa hina-hire ng mga kumpanya
dahil wala pa talagang efficient mass transportation," Maraming mga trabahador ang hindi pa
muling nakakapasok sa kani-kanilang mga trabo dahil sa may kamahalan sa ngayon ang
pampublikong sasakyan dahil sa pandemya. Sa ngayon ay wala pang efficient mass
transportation o ipinagbabawal pa ang mga pampublikong sasakyan na magsakay ng marami,
at dahil dito karamihan sa mga kumpanya ay hindi pa tumatanggap ng mga trabahador.

Ayon sa philstar (2021), Ang mga taong unemployed o bilang ng mga walang trabaho
o negosyo netong enero ay umaabot na sa 4.0 million sa pagbibigay ng psa kahit daw 3.8
milyon lang ang may trabaho noong october 2020 pareho lang ng porsyento ng mga walang
trabaho sa buwang iyon. Mas mataas kasi ang bilang ng mga taong may trabaho noong
january base sa participation rate kumpara noong october. Nananatiling calabarzon ang may
mataas na porsyentong walang trabaho ngayon sa bansa habang pinaka mababa ito sa
zamboanga peninsula kumpara noong october habang labing isa sa mga rehiyon ang nakapag
tala ng pagtaas ng porsyento na walang trabaho nitong january.

Sinasabi din niya na ang planong pagsasaayos ng manila bay ay naka plano na hindi
daw ito pwedeng ihinto dahil mawawalan ng kita at hanapbuhay ang mga manggagawa nito.
Kung ititigil daw mag pag aayos ng Manila Bay mawawalan ng accomplishment. Ang Manila
Bay rehabilitasyon ay nabubuo pa lamang sa 50% - 60% kaya malaki pa ang gugugulin dito (
Jonas Leones 2021).

Ayon kay Dante Amento (2021), Ang pag aayos sa Manila Bay itinigil muna kaya
ang mga gumagawa nito ay nawalan ng trabaho. Sa kadahilanang mas uunahin muna

11 l Pahina
masugpo ang covid 19 sa bansa dahil mas importante itong malutas sa lalong madaling
panahon. Ilalaan daw muna ang pondo sa pandemic na dumating at hindi pwedeng ilaan ang
kabuuang budget ng pamahalaan sa pandemic na ito.

Ang kawalan ng trabaho o underemployment ay ang kalagayan ng aktibong


naghahanap ng trabaho ngunit hindi kasalukuyang nagtatrabaho. Ang unemployment rate ay
isang sukatan ng pagdami ng kawalan ng trabaho at ito ay kinakalkula bilang isang porsyento
sa pamamagitan ng paghati sa bilang ng mga indibidwal na walang trabaho sa lahat ng mga
indibidwal na kasalukuyang nasa lakas paggawa o may trabaho. Sa panahon ng recession,
ang isang ekonomiya ay kadalasang nakakaranas ng isang mataas na antas ng kawalan ng
trabaho (mimirbook.com).

Ang kawalan ng trabaho ay matagal nang malaking suliranin na hanggang ngayon


ay kinakaharap ng ating bansa, at ang lalo pang pagtaas ng bilang ng mga unemployed ay
dumagdag pa sa mga pasanin sa sitwasyon na kinakaharap natin ngayon. Ang mataas na
bilang ng kawalan ng trabaho ay lubhang nakakaapekto sa ekonomiya ng isang bansa at
hadlang sa pag-unlad nito.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), halos 4 milyong tao ang walang
trabaho noong buwan ng Enero taong 2021. Sinasabi rito na ang unemployment rate ng 8.8
porsyento noong buwan ng Pebrero 2021 ay mas mataas kaysa sa noong Enero 2021 at
Oktubre 2020, kapwa may 8.7 porsyento. Mula noong buwan ng Abril taong 2020 ang
estimate nito ang pangatlong pinakamataas. Ang pinakamataas na rate ng walang trabaho ay
masasabing nasa 17.6 porsyento noong buwan ng Abril noong nakaraang taon.

May posibilidad pa na mas lalong tumaas ang unemployed rate kung hindi agad
maso-solusyunan ang pangunahing problema na ating kinakaharap at maaari itong magresulta
sa tuluyang pagbagsak ng ekonomiya at iba pang mas malalang resulta na magpapahirap pa
lalo sa mamamayan.

Ayon kay Zen Hernandez (2021), halos kalahating milyong overseas Filipino workers
(OFW) na ang napilitang umuwi sa Pilipinas simula nang tumama ang COVID-19 pandemic,
pero ilan sa kanila ay hindi pa rin nakakabangon. Seafarers ang unang OFWs na nakaramdam
ng lupit ng pandemya. Halos 4,000 pasahero at crew, na karamihan ay Pinoy, ang
na-quarantine sa Japan. Dito na nagsimula ang hindi pagtanggap ng mga pantalan sa iba pang

12 l Pahina
barko. Hindi ito makalimutan ni Christine Turla, na nagtatrabaho noon sa casino ng isang
cruise ship. "Nakakatakot 'tsaka 'yung thought na ano ba, uuwi pa ba tayo or what, kasi ilang
days tayo palutang-lutang, walang port na tumatanggap. Abril 2020 na nakabalik si Turla sa
Pilipinas. Tiniis niya ang mga problema sa quarantine para makauwi sa 3 anak sa Cavite.
Mula noon, sari-sari na ang ginawa niya para kumita, mula sa pagtitinda ng pagkain,
ukay-ukay, pero bigo pa rin siyang makahanap ng permanenteng trabaho. Sunod namang
nag-uwian ang mga land-based OFW na nawalan ng trabaho. Bagama't dati siyang call
center agent bago nag-abroad wala siyang pambili ng computer para sa work from home
requirements. Hindi rin siya nakatanggap ng P10,000 cash assistance para sa OFWs. Ayon
naman sa Department of Labor and Employment (2021), bagamat mahigit 220,000 pa ang
pending applications para sa P10,000 cash assistance para sa OFWs, halos 500,000 naman na
daw ang nakatanggap nito. Ang Philippine Overseas Employment Administration naman
planong ulitin ang online job fair noong Disyembre para matulungang makahanap ulit ng
trabaho ang mga OFW.

Banyagang Literatura

Ayon kay Danucha Pichayanan, ang pinuno ng National Economic and Social
Development Council (2021), “Nadagdagan ng bahagya ang trabaho samantalang nanatili ang
bilang ng mga walang trabaho at oras ng pagtatrabaho” tinutukoy niya dito ay may mga tao
parin nakakapagtrabaho sa gitna ng pandemya subalit mas nanatili parin ang mga bilang ng
mga taong walang trabaho at oras sa pagtatrabaho ng mga tao ay limitado.

Ang kasalukuyang rate ng pagkawala ng trabaho sa Estados Unidos ay 6.0% para sa


Marso 2021, (Bureau of Labor Statistics, 2021) sa buwanang ulat nito, na inilabas noong
Abril 2, 2021. Ang rate ng pagkawala ng trabaho na ito ay 0.2 porsyento na porsyento na mas
mababa kaysa noong Pebrero.

Ang kawalan ng trabaho ay isa sa mga kritikal na isyu sa ekonomiya na kinakaharap


ng bansa dahil balansehin nitong muling buksan sa mga buwan ng kaligtasan sa pandemiya.
Noong Abril 2020, pagkatapos isara ng mga gobyerno ang ekonomiya, umabot sa 14.7% ang
rate ng kawalan ng trabaho, ang pinakamataas mula noong Great Depression. Habang ang

13 l Pahina
rate ng pagkawala ng trabaho noong Pebrero ay makabuluhang mas mababa, malayo pa rin
ito sa mga antas ng pre-pandemic.

Ang ekonomiya ay nakakahanap ng mga bagong paraan upang magnegosyo, at


kumukuha ng mga pabalik na manggagawa sa furlough dahil sa COVID-19 na mas mabilis
kaysa sa inaasahan, " Sa kabilang banda, ang bilis ng mga bagong pagkuha ay nagpapabagal,
at mas maraming mga manggagawa ang lumilipat sa ranggo ng pangmatagalang walang
trabaho. " (Robert Frick, 2021)

Banyagang Pag-aaral

Ang trabaho at ang ekonomiya sa Japan Ang Japan ay isa sa mga nangungunang
bansa pagdating sa mga pangunahing pang-ekonomiyang kadahilanan; ang rate ng kawalan
ng trabaho nito, halimbawa, ay mas mababa kaysa sa iba pang mga pangunahing industriya at
umuusbong na bansa. Ang etika sa trabaho sa Japan ay kilalang sa buong mundo,
magkasingkahulugan ito ng isang malakas na debosyon sa kumpanya at sa gawaing
kasalukuyan; ang kompetisyon sa mga katrabaho at katapatan sa kumpanya ay
pangkaraniwan at hinihikayat, ang mga oras ng pagtatrabaho at labis na oras na trabaho ay
sinasabing sobra. Ang wikang Hapon ay mayroon ding sariling term para sa biglaang
kamatayan mula sa labis na trabaho - "Karoshi". Matapos ang mapaminsalang epekto ng
World War II, nagawa ng Japan na makabawi sa ekonomiya at makamit pa ang kilalang papel
sa iba pang mga nangungunang kapangyarihang pang-ekonomiya - isang katotohanan na
marahil ay bahagyang dahil sa pag-uugaling ito sa trabaho at trabaho. Ngayon, ang Japan ay
kabilang sa mga nangungunang mga bansa sa pag-import sa buong mundo, pati na rin ang
mga nangungunang mga bansa sa pag-export sa buong mundo. Bukod pa rito, ang Japan ay
isa sa 20 mga bansa na may pinakamalaking proporsyon ng pandaigdigang domestic product,
at kabilang din sa 20 mga bansa na may pinakamalaking gross domestic product per capita,
kahit na ika-10 din sa mga nangungunang bansa na may pinakamalaking populasyon.

Ang rate ng kawalan ng trabaho sa Tsina Mula sa istatistika na nasa kamay maaari
mong makita na ang rate ng kawalan ng trabaho sa Tsina ay medyo pare-pareho sa halos apat
na porsyento sa nakaraang ilang taon. Ito ay maaaring bahagyang naipaliwanag ng
katotohanan na dahil sa sosyalistang pamana, ang buong patakaran sa pagtatrabaho sa

14 l Pahina
kasaysayan ay naging pangunahing papel sa pagsasaalang-alang sa ekonomiya ng gobyerno
ng China.

Ang isa pang posibleng paliwanag ay maaaring matagpuan sa pamamaraan ng index,


na, ayon sa National Bureau of Statistics (2021), nangangalap lamang ng data ng trabaho para
sa mga rehiyon ng lunsod. Ang debate kung upang ayusin ang pamamaraan ayon dito upang
makalikha ng isang mas tumpak na imaheng pang-istatistika ay patuloy pa rin sa mga pulitiko
at istatistika ng Tsino. Ang isang pangunahing pag-aalala sa kasalukuyang estado ng trabaho
ng Tsina ay nakasalalay sa loob ng malalaking pagkakaiba-iba ng rehiyon. Hanggang sa
2019, ang rate ng pagkawala ng trabaho sa hilagang-silangan na mga rehiyon ng Tsina ay
kapansin-pansin na mas mataas kaysa sa southern southern China. Sa Beijing, sentro ng
politika at kultural ng China, ang kawalan ng trabaho ay nasa 1.3 porsyento lamang para sa
2019. Mga tagapagpahiwatig ng mga gawaing pang-ekonomiya Bukod sa rate ng kawalan ng
trabaho, karaniwang ginagamit na mga tagapagpahiwatig upang masukat ang mga gawaing
pang-ekonomiya ng isang bansa ay ang paglago ng GDP at rate ng inflation.

Ayon sa isang pagtataya ng IMF (2021), ang paglago ng GDP sa Tsina ay babagal
hanggang sa tungkol sa 5.6 porsyento noong 2022, pagkatapos ng 8.4 porsyento noong 2021,
na naglalarawan ng pagbaba ng halos apat na porsyento na puntos mula 9.5 porsyento noong
2011. Ang datos ng Quarterly na paglago na inilathala ng National Bureau of Statistics
ipinahiwatig na 6.5 porsyento ng paglago ng GDP para sa ika-apat na bahagi ng 2020.

15 l Pahina
KABANATA III

Disenyo at Metodo ng Pananaliksik

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng metodolohiyang ginagamit sa pag-aaral. Ang


metodolohiya ng pananaliksik ay tumutukoy sa sistematikong paglutas sa mga suliranin,
tanong, o layunin ng pananaliksik. Ito rin ay pamamaraan at proseso ng imbestigasyon na
ginagamit sa pangangalap ng datos sa pananaliksik.

Disenyo ng pananaliksik

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng Deskriptong Sarbey. Ito ay gumagamit ng mga sarbey
upang makakalap ng deyta tungkol sa iba’t ibang mga paksa. Nilalayon ng deyta na ito na
malaman kung hanggang saan ang iba’t ibang mga kondisyon ay maaaring makuha sa mga
paksang ito.

Lokal ng Pananaliksik

Ang saklaw ng pag-aaral na ito ay binubuo ng 100 na respondente, kinakailangan na ang mga
respondente ay mga magulang at matatandang walang trabaho sa loob ng lungsod ng
Valenzuela.

Taktika sa Pagkuha ng Datos

Ang paraan ng pagkuha ng datos na ginamit ng mga mananaliksik ay Purposive Sampling


Technique. Kung saan ang mga kalahok ay naiugnay sa layunin ng pag-aaral, ang mga
mananaliksik ay pumili ng mga sample na nakabatay sa kanilang grupo na kinabibilangan o
sitwasyon na may kinalaman sa pag-aaral. Kinakailangan na ang mga respondente ay nakatira
sa Valenzuela at nakararanas ng kawalan ng trabaho ngayong pandemya.

16 l Pahina
Mga Hakbang sa Pag-aaral

Ang isang palatanungan ay isang kasangkapan na naglalaman ng isang listahan ng mga


paunang natukoy na mga katanungan. Ang mga mananaliksik ay naghanda ng mga
questionnaire upang sagutan ng mga respondente. Matapos masagutan ng mga respondente
ang mga tanong ay lilikumin naman ng mga mananaliksik ang lahat ng mga sagot na nakalap
at ito ay susuriin, ilalarawan at lilinawin.

Instrumento ng Pananaliksik

Ang instrumentong gagamitin sa pagkuha ng mga kakailanganing datos sa pag aaral ay isang
survey-questionnaire o talatanungan. Porsyento ng mga tao na walang trabaho sa valenzuela
sa taong 2021 ay gagawing paksa sa sarbey.

Istatistikong Pamamaraan

Ang ginamit na istatistikong pamamaraan sa pagtimbang at pagsukat ng mga datos ay ang


percentage technique upang makita ang kinalabasan ng gagawing pagsusuri batay sa mga
sagot ng mga respondente.

Ginagamit din ito upang makuha ang pangkalahatang bahagdan ng bilang ng


magkakamukang mga sagot sa isang partikular na tanong. Ang ginamit na pormula ay ang:

%=F/N

x 100

Kung saan:

F = bilang ng sagot.

% = bahagdan

N = Bilang ng respondente

17 l Pahina
KABANATA IV

Presentasyon ng mga Datos

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng mga grap at talahanayan na nagpapakita ng


resulta ng nakalap na datos sa isinagawang talatanungan (survey questionnaire) na sinagutan
ng 100 na taong walang mga trabaho na nakatira sa valenzuela.

Talahayan Bilang 1

Distribusyon ng mga Respondente ayon sa Kasarian

Kasarian Bilang

Lalaki 43

Babae 57

Ang talahayan bilang isa ay naglalaman ng bilang at bahagdan ng respondente ayon sa


kanilang Kasarian. Nagpapakita na mula isang daang (100) na respondente, mas marami ang
mga kababaihan na nakilahok sa isinagawang surbey na may bilang na 57 o may bahagdan na
57% kumpara sa mga kalalakihan na may bilang na 43 o may bahagdan na 43% na lamang.

Talatanungan (Survey Questionnaire)

18 l Pahina
Ang mga sumusunod ay pabilog na grap na naglalahad ng resulta o bahagdan ng mga
sagot ng respondente.

Pahayag #1: Ikaw ba ay kasalukuyang walang trabaho?

Interpretasyon: 95% ng mga respondente ang lubos na sumagot ng oo na kasalukuyang


walang mga trabaho, 5% na respondente ang sumagot ng hindi na mayroon silang trabaho
ngayong kasalukuyan.

Pahayag #2: Kayo ba ay nagkakaroon ng sapat na pera sa pang araw-araw na pamumuhay?

19 l Pahina
Interpretasyon: 81% ng mga respondente ang lubos na sumagot ng oo na nagkakaroon sila
ng sapat na pera sa pang araw-araw na kanilang pamumuhay, 19% ng respondente naman ang
sumagot ng hindi sila nagkakaroon ng sapat na pera sa pang araw-araw ng kanilang
pamumuhay.

Pahayag #3: Saan ka kumukuha ng pang tustos sa pangunahing pangangailangan ng inyong


pamilya?

20 l Pahina
Interpretasyon: 43% ng mga respondente ang lubos na sumagot ng kung saan sa ibang
paraan sila kumukuha ng kanilang pang tustos sa pangunahin nilang pangangailangan ng
kanilang pamilya, 35% ng respondente naman ang sumagot sa negosyo sila kumukuha ng
kanilang pangunahing pangangailangan ng kanilang pamilya at 22% ng respondente naman
sumagot na sa ayuda/pensyon sila pangunahing kumukuha ng kanilang pangangailangan sa
kanilang pamilya.

Pahayag #4: Isa ka ba sa mga trabahador na hindi nabigyan ng pagkakataon na makapasok


muli?

Interpretasyon: 58% ng mga respondente ang lubos na sumagot ng hindi sila sa isa sa mga
trabahador na hindi nabigyan ng pagkakataon na makapasok muli, 42% naman ng
respondente ang sumagot ng oo na isa sila sa mga trabahador na hindi nabigyan ng
pagkakataong makapasok muli.

Pahayag #5: Isa ka ba sa nawalan ng trabaho ngayong pandemya?

21 l Pahina
Interpretasyon: 67% ng mga respondente ay lubos na mas sumagot ng oo na isa sila sa mga
nawalan ng trabaho ngayong pandemya, 33% ng respondente naman ay sumagot na isa sila sa
hindi kabilang sa mga taong nawalan ng trabaho ngayong pandemya.

Pahayag #6: Isa ka ba sa binigyang tulong pinansyal ng kompanyang nag alis sa iyo sa
trabaho?

Interpretasyon: 73% ng mga respondente ang mas lubos na sumagot ng hindi sila kabilang
sa mga hindi nabigyang tulong pinansyal ng kompanyang nag alis sa kanila sa kanilang

22 l Pahina
trabaho, 27% ng respondente ang sumagot ng oo na kabilang sila sa mga nabigyan ng tulong
pinansyal ng kompanyang nag alis sa kanila sa kanilang mga trabaho.

Pahayag #7: Alin rito ang mga naapektuhan sa iyong pagkawala sa trabaho?

Interpretasyon: 42% ng mga respondente ang mas lubos na sumagot na ang pang araw-araw
na pang tawid gutom nila sa kanilang pamilya na kung saan naapektuhan dahil sa pagkawala
nila sa kanilang mga trabaho, 37% ng respondente ang sumagot na sa gastusin sa kuryente at
tubig nila ay naapektuhan din dahil sa pagkawala nila sa kanilang mga trabaho, 15% ng
respondente ang sumagot ng iba pang dahilan ay naapektuhan din dahil sa pagkawala nila sa
kanilang mga trabaho at 6% na respondente ay sumagot sa edukasyon ng pamilya na kung
saan naapektuhan din ito dahil sa pagkawala nila sa kanilang trabaho.

23 l Pahina
KABANATA V

Lagom, Konklusyon at Rekomendasyon

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng binalangkas na lagom, konklusyon mula sa datos


na nakalap sa sarbey. Repleksyon din ito ng mga grap at interpretasyon ng mga datos.

Lagom

Makikita sa ibaba ang implikasyon ng mga interpretasyon ng datos.

Sa demograpikong propayl ng respondente, napag-alaman na karamihan sa mga


respondente ay halos nakatira sa Valenzuela at ang mga respondenteng nawalan ng trabaho ay
halos mga may edad na o magulang na.

1. Malaking pagsang-ayon ang nakuha na may 95% sa pahayag na wala silang trabaho at
lubos na naaapektuhan ang kanilang pang araw-araw na pamumuhay sa pagkain at sa pang
araw-araw na gastusin lalo’t sa mga pangangailangan. 5% na respondente ang sumagot na
meron silang trabaho ngayong kasalukuyan na panahon.

2. Napag-alaman natin dito sa graph kung ilan ang porsyento na may sapat na pera para sa
araw-araw na pamumuhay at yung bilang din ng humindi. Karamihan na sumagot ay "oo" o
yung may sapat na pera para sa araw-araw na pamumuhay na kung saan ay 81% pero
nakakalungkot pa din dahil meron pa rin mga humindi na kung saan ay 19% naman ang
bilang ng aming mga respondente.

3. Katamtamang pagsang-ayon ang may pinakamalaking bahagdan na nakakuha ng 43% sa


pahayag na inaasahan ng isang nawalan ng trabaho ay may mga ibang paraan sila kung
paano kumukuha ng kanilang pang tustos sa mga pangunahin nilang pangangailangan ng
kanilang pamilya , ang sumang-ayon at lubos na sumasang-ayon naman ay nagtala ng mataas
na bahagdan na 35% at 22% ayon sa pagkakabanggit. Ang pahayag na ito ay nagsasabing sa
paraan ng pagnenegosyo at sa nakukuhang ayuda sila kumukuha ng kanilang pangunahing
pangangailangan nila para sa kanilang pamilya.

24 l Pahina
4. Napag-alaman na 58% ang lubos na sumagot ng hindi sila isa sa mga trabahador na hindi
nabigyan ng pagkakataong makapasok muli. Samantala 42% naman ang sumasang-ayon sa
pahayag na isa sila sa mga trabahador na hindi nabigyan ng pagkakataong makapasok muli.
Ang pahayag na ito ay nagsasabing may mga trabahador pa ang nabigyan at hindi nabigyan
ng pagkakataon na makapasok muli sa kanilang mga trabaho.

5. Sa isinagawa naming survey 67% ang mga sumagot na isa sila sa mga naapektuhan ng
nawalan ng trabaho ngayong pandemya sa valenzuela at sila ang mga taong alam nating
walang kinikita at walang mapagkukunan ng pera para sa pang tustos sa kanilang pamilya,
samantala 37% naman ang mga taong sumagot na hindi sila naapektuhan ng pandemya na
sila ang mga taong hindi natanggal o nawalan ng trabaho ngayon pandemya na
nakakapagtrabaho pa at may napag kukunan pa na pang sustento sa kanilang pamilya.

6. Ayon sa grapiko na ipinapakita, ang kalakhang bahagi ay sumagot ng "hindi" na nakakuha


ng 73% at ang kaunting bilang naman ay sumagot ng "oo" na nakakuha ng 27% sa tanong na
kung sila ba ay nabigyan ng tulong pinansyal ng kompanyang kanilang pinagtrabahuhan. Ito
ay nangangahulugan na ang karamihan ng mga trabahador ng kumpanya ay hindi nabigyan
ng tulong pinansyal mula sa kompanyang nagpaalis sa kanila sa trabaho at halos wala pang
kalahati ang nakatanggap ng tulong mula sa kompanyang kanilang pinagtrabahuhan.

7. Katamtamang pagsang-ayon ang may pinakamalaking bahagdan na nakakuha ng 42% sa


pahayag na inaasahan ng isang nawalan ng trabaho ay lubos na naapektuhan para sa kanila
ay ang kanilang pang araw-araw na tawid gutom, ang sumang-ayon at lubos na
sumasang-ayon naman ay nagtala ng mataas na bahagdan na 37%, 15%, at 6% ayon sa
pagkakabanggit. Ang pahayag na ito ay nagsasabing may mga iba pang dahilan o
naapektuhan dahil sa pagkawala nila sa kanilang mga trabaho ngayon pandemya.

25 l Pahina
Konklusyon

Ang pangunahing layunin ng pananaliksik na ito ay matukoy ang lebel ng mga taong
walang trabaho sa valenzuela ngayong kasalukuyan ng pandemya. Kinuha ang datos sa
isandaang (100) na mga taong walang trabaho sa valenzuela. Ang pananaliksik ay gumamit
ng deskriptibong uri ng pag-aaral upang maipakita at maipaliwanag ang resulta gamit ang
grapikal na presentasyon. Purposive Sampling technique naman ang ginamit ng mga
mananaliksik sa pagngalap ng mga respondente kung saan kinakailangan na ang mga
respondente ay mga walang trabaho ngayong kasalukuyan ng pandemya. Gumamit din ng
Mode (bilang ng frequency) at Percentage formula para mabigyang interpretasyon ang mga
datos.
Sa kabuuan ng pag-aaral, lumabas na karamihan sa mga respondente ay halos mga
walang trabaho o nawalan ng trabaho ngayong kasalukuyan ng pandemya at pangalawa
naman sa lumabas na resulta ay mas lubos na nagkakaroon ng parin ng sapat na pera ang mga
nawalan ng trabaho sa kanilang pang araw-araw na pamumuhay para sa kanilang pamilya.
Napag-alaman din na pinakamalaking bahagdan ng respondente ay ang pagkawala ng iba sa
kanilang mga trabaho o sa mga taong walang trabaho ngayong kasalukuyan natin ay
nahihirapan dahil sa kanilang pag-alala na naapektuhan ang kanilang pang araw-araw na
tawid gutom para sa kanilang pamilya. Bagamat may mga iba pang dahilan ang mga
respondente kung saan-saan pa nakakaapekto ang kanilang pagkawala sa trabaho o wala
silang trabaho ngayon pandemya dahil alam naman nating ngayong kasalukuyan ang hirap ng
buhay kung saan ka kukuha ng pangangailangan mo para sa ikabubuhay ng iyong pamilya.

Rekomendasyon

Para sa susunod na mananaliksik, o sinumang gagamit ng pag-aaral na ito, narito ang


ilan sa mga bahagi na dapat bigyang-pansin at dagdagan.

● Maaaring baguhin ang kailangan sa pagpili ng respondente upang mas mapadali ang
pananaliksik.
● Palawakin pa ang paghahanap ng literaturang pag-aaral na gagamitin sa pangangalap
ng impormasyon.
● Inirerekomenda na siguraduhing na lehitimo ang pinag kukuhaang datos at
impormasyon na gagamitin sa pananaliksik

26 l Pahina
SANGGUNIAN

April, R. (2021, Enero) 15,000 provincial bus employees nawalan ng trabaho. ABS-CBN
news. Mula sa
https://news.abs-cbn.com/amp/business/01/10/21/15000-provincial-bus-employees-na
walan-ng-trabaho-dahil-sa-pandemya

Dennis, S. (2021, Marso) Employment situation in february 2021. Philippine statistics


authority. Mula sa https://psa.gov.ph/content/employment-situation-february-2021

Zen, H. (2020, Setyembre) Bilang ng walang trabaho sa bansa, nasa 4.6 milyon nitong hulyo
ayon sa PSA. ABS-CBN news. Mula sa
https://news.abs-cbn.com/business/09/03/20/bilang-ng-walang-trabaho-sa-bansa-nasa-
46-milyon-nitong-hulyo-ayon-sa-psa

Zen, H. (2021, Marso) Ilang OFWs na umuwi dahil sa covid-19, walang mahanap na trabaho.
ABS-CBN news. Mula sa
https://news.abs-cbn.com/news/03/11/21/ilang-ofws-na-umuwi-dahil-sa-covid-19-wal
ang-mahanap-na-trabaho

Zenen, H. (2021, Pebrero) Kawalan ng trabaho, sa bansa nasa `second wave` na: employers’
group. ABS-CBN news. Mula sa
https://news.abs-cbn.com/business/02/03/21/kawalan-ng-trabaho-sa-bansa-nasa-secon
d-wave-na-employers-group

Arlene, D. (2021, Marso) January 2021 luzon’s employment situation. Philippine statistics
authority. Mula sa
http://rsso03.psa.gov.ph/article/january-2021-central-luzon%E2%80%99s-employmen
t-situation#:~:text=Unemployment%20rate%20reached%208.5%25%20in,unemploy
ment%20rate%20of%208.5%20percent

Robie, D.G. (2021, Mayo) Duterte OKs additional Budget P5-B budget for OFW
repatriation, quarantine. UNTV news & rescue. Mula sa

27 l Pahina
https://www.untvweb.com/news/quarantine-status-sa-ncr-plus-posibleng-luwagan-sa-
hunyo-roque/

Orathai, S. (2021, Pebrero) Thai jobless rate dips in fourth quarter but remains near
multi-year high. Reauters, mula sa
https://mobile.reuters.com/article/amp/idUSKBN2AN11L

Bruce, R. (2021, Marso) Mga pinoy na walang trabaho o kulang ang kita, lumubo muli dahil
sa pandemya. ABS-CBN news. Mula sa
https://news.abs-cbn.com/business/03/30/21/mga-pinoy-na-walang-trabaho-o-kulang-
ang-kita-lumobo-muli-dahil-sa-pandemya

SMNI NEWS (2021, Marso) Bilang sa mga walang trabaho sa bansa noong pebrero 2021,
umakyat ng 4.2-M. SMNI news channel. Mula sa
https://www.smninewschannel.com/bilang-ng-mga-walang-trabaho-sa-bansa-noong-p
ebrero-2021-umakyat-ng-4-2-m/

April, R. (2021, Enero) 15,000 provincial bus employees nawalan ng trabaho dahil sa
pandemya. ABS-CBN news. Mula sa
https://news.abs-cbn.com/business/01/10/21/15000-provincial-bus-employees-nawala
n-ng-trabaho-dahil-sa-pandemya

TeleRadyo (2021, Enero) Obligado bang mag bigay-sustento and humiwalay na magulang na
walang trabaho. ABS-CBN news. Mula sa
https://news.abs-cbn.com/news/01/28/21/obligado-bang-magbigay-sustento-ang-humi
walay-na-magulang-na-walang-trabaho

Kimberly, A. (2020, Mayo) Seven causes of unemployment. The balance. Mula sa


https://www.thebalance.com/causes-of-unemployment-7-main-reasons-3305596

Pia, A. (2021, Enero) Unemployment in PH soars to 10.2% due pandemic: DOLE.


ABS-CBN news. Mula sa
https://news.abs-cbn.com/amp/business/01/09/21/unemployment-in-ph-soars-to-102-d
ue-to-pandemic-dole

28 l Pahina

You might also like