You are on page 1of 4

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika At Kulturang Pilipino

MR.Saddie
Gmeet Code: KPWKP-MARRIOT

Mga kasanayan ng pagkatuto: NATUTUKOY ANG MGA


KAHULUGAN AT KABULUHAN NG MGA KONSEPTONG
PANGWIKA

WIKA-KOMUNIKASYON-LIPUNAN-KULTURA AY
MAGKAKAUGNAY (PARANG ISANG SIKLO)
Ang wika ay ang tumatayong panimula ng isang Kultura, sa mas
madaling salita, ito ang pinagmulan ng lahat ng nakapaloob sa kultura.

Ang Komunikasyon-Ay ang akto ng pagpapahayag ng ideya sa


pamamagitan ng pasalita o pasulat na paraan.
-Isang intensyonal na konsyus na paggamit ng anumang simbolong
tunog o anumang uri ng simbolo upang makapagpadala ng katotohanan,
ideya, damdamin o emosyon mula sa isang indibidwal tungo sa isaa
-proseso ng pagpapadala at pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng
simbolikonmg cues na maaring berbal or di berbal.

Kahulugan ng wika- Ang wika ay paraan ng pananagisag ng mga tunog


na ginagawa sa pamamagitan ng mga sangkap ng katawan sa pagsasalita
upang ang isang tao ay makaunawa at mauunawaan ng iba
-Ang wika ay isang napakahalagang bahagi ng tao lalo na sa pagtatag ng
kanyang sibilisasyon. Ito ang instrument ng komunikasyon ng mga
taong nabubuhay bilang komunidad.

Ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog at pinipili at


isinasaayos sa paraang arbitaryo upang magamit ng mga taong kabilang
sa isang kultura-Henry Gleason
ito ay mayroong mga katangian ito ay ang:
ORTOGRAPIYA
PONOLOHIYA-Pinag-aaralan ang Ponema
MORPOLOHIYA
SINTAKSIS

PABGIKAS NA SALITA
PONEMA-pinakamaliliit na yunit ng tunog.

ARBITRARYO-PAGIGING MALAYA,WALANG BATAS O


ALITUNTUNING SINUSUNOD
BARAYTI NG WIKA-Ang Barasyon
Dalawang dimension ng barayti
HEOGRAPIKAL DIMENSIYON- Mga wikang nakadepende sa
lugar
SOSYAL NA DIMENSYON- Dito nagsasama sama ang mga taong
may interes, trabaho,edukasyon, edad, kasarian, kultura,
hanapbuhay,sosyo-ekonomikong kalagayan at marami pang iba.
(Socialization)

MGA BARAYTI NG WIKA


1. Dayalek-Barayti ng wika kung saan maaring gumamit ang grupo
ng tao ng isang wika tulad ng sa ibang lugar, ngunit may
pagkakaiba parin sa paraan ng pagbigkas at bokabularyo
2. IDYOLEK- Pansariling paraan ng pagsasalita o natatanging istilo
sapagsasalita
ex: Branding o tatak ng isang tao.
3. SOSYOLEK- Ang sosyolek ay matibay na palatandaan ng isang
istrapikasyon sa isang lipunan dahil masasalamin sa wikang gamit
ng tao ang grupong kaniyang kinabibilangan at katayuan sa buhay.
EX. Gay Linggo, Conyo, Jejemon, Jargon-Job connected words
4. ETNOLEK- Mga barayti ng wika ng mga etnolingwistikong
grupo na nagmula sa etniko at dayalek
ex: mga katutubo. Manobo, Mag-antsi (Aeta), Maranao, T’boli
PIDGIN-kilala sa tawag na nobody’s native language o katutubong
wikang di pag-aari nunuman. Ex. Chavacano-Base sa istruktura ng
wikang ESPANYOL
CREOLE- Kalaunan, ang wika na nagsilbing pidgin ay nagiging
likas na gamitin sa isang lugar. Ito na ngayon ang tinatawag na
creole, kung saan ang pidgin ay nagiging unang wika ng mga tao.
(Basically kapag naging primary language na yung pidgin e
magiging creole na.)

REGISTER-barayti ng wika kung saan naaangkop ng isang


nagsasalita ang uri ng wikang ginagamit niya sa sitwasyon at sa
kaniyang kinakusap.

3 Domains of register
1. Larangan-ito ay ang tema ng mga salita gaya ng agham at
medisina
Salita- Mga salitang gagamitin
Kahulugan- Ito ay ang explanasyon ng wika base sa larangan
2. Tenor or discourse- Relasyon ng nag-uusap sa isang sitwasyon na
nakakaimpluwensiya, gamit at pormalidad ng wika
Ex. Ang paggamit ng Po at Opo bilang tanda ng paggalang sa
nakatatanda, at di paggamit nito kapag kaedad lang natin.
(basically depende sa kausap mo)
3. Mode of discourse-Paraan kung papano ng uusap ang mga
tagapag-salita, Pasulat man o Pasalita.
Ex: Ang pasusulat ng love letter na may pormal na pamamaraan at
struktura ng pagsualt
-Skrip sa pagtatanghal ng isang programa.

Mahalagang parte ng wika ay ang Pormalidad nito na nakadepende


sa sitwasyon, kausap at lugar.
Quiz
1.Sosyolek 6.Etnolek
2.Dayalek
3.Sosyolek
4.Dayalek
5.Idyolek

You might also like