You are on page 1of 6

Suporta para sa kalusugang

pangkaisipan at kagalingan ng
mga empleyado sa panahon
ng pandemyang COVID-19

Mahalaga ang kalusugang pangkaisipan at kagalingan. Ang kalusugang pangkaisipan ay


bahagi ng bawat isa sa atin. Ang pandemyang COVID-19 at iba pang mga paghamon ay
nagpadama sa mga tao ng:
 pagkalungkot
 pagkalito
 pagkayamot
 pagkabalisa
 depresyon
 pag-aalala tungkol sa madalas nag-iibang sitwasyon at pagnanasang mabalik
na sa karaniwan ang mga bagay-bagay.
Para sa karamihan, nabago sa ngayon ng COVID-19 kung paano tayo namumuhay at
nagtatrabaho. Magkakaiba ang ating mga karanasan sa maraming dahilan, kabilang ang
kung saan ka naninirahan at ang uri ng iyong trabaho. Para sa ilan, ito’y nangahulugan ng
pagtatrabaho mula sa bahay, natutunan ang bagong mga paraan ng pananatiling ligtas sa
lugar ng trabaho o balansehin ang mga paghihigpit sa trabaho at mga tungkuling-
pangangalaga. Anuman ang iyong edad o sitwasyon, mahalagang pangalagaan mo ang
iyong kalusugang pangkaisipan at alamin kung anong suporta ang makukuha. May tulong
ding makukuha upang humanap ng bagong trabaho, o magsimulang mag-aral o
magsanay.

Mental Health and Wellbeing Support for Employees during the COVID-19 Pandemic - 23092020 - Filipino
Pagbalik sa lugar ng trabaho
Nasiyahan ang ilan na magtrabaho mula sa bahay at maaaring nag-aalala tungkol sa pagbalik
sa talagang lugar ng trabaho. Na-miss naman ng iba ang harapang interaksyon sa mga
katrabaho at hindi makapaghintay na makabalik. Anuman ang iyong palagay, kailangan
nating lahat malaman kung paano ginagawang COVIDSafe ang ating lugar ng trabaho ng
ating tagapag-empleyo, at kung ano ang kailangang isunod na mga kilos ng bawat
empleyado. Kung kailangan, maaaring magkaroon ng planong COVIDSafe ang iyong lugar ng
trabaho, at maaari mong tanungin ang iyong tagapag-empleyo tungkol sa planong ito.

Ang ilang tao ay may mas malaking panganib ng mas malubhang sakit kung sila ay
magkaka-COVID-19. Kung ikaw ay may sakit na sa palagay mo ay maglalagay sa iyo sa
mas mataas na panganib, makipag-usap sa iyong doktor bago ka bumalik sa lugar ng
trabaho. Dapat mo ring kausapin ang iyong tagapag-empleyo, dahil kailangan nilang
isaalang-alang ang kalagayan ng iyong kalusugan kung ligtas para sa iyo na bumalik.
Ang mga tagapag-empleyo ay dapat:
 kumonsulta sa mga manggagawa tungkol sa mga hakbang na balak nilang gawin upang
mahadlangan ang pagkalat ng COVID-19
 magsagawa ng mga hakbang para sa pisikal na distansya gaya ng pagbabago ng
kaayusan ng mga muwebles upang paglayuin ang mga tao, o limitahanang bilang
ng sabay-sabay na mga tao sa lugar ng trabaho
 paalalahanan ang mga manggagawa na ugaliin
ang tamang kalinisan at maglaan ng mga
panlinis na pasilidad
 kailanganing panatilihin sa bahay
ang mga manggagawa kapag sila
ay may sakit
 linising madalas at maiigi ang
lugar ng trabaho
 magplano kung ano ang kanilang
gagawin kung may COVID-19 sa
lugar ng trabaho.
Paggamit ng
pampublikong sasakyan
tungo sa trabaho
Lahat ay dapat patuloy na magpanatili ng 1.5 metrong layo sa ibang tao. Kung ang
sasakyang iyong hinihintay ay punuan na, isiping hintayin na lang ang susunod, kung
maaari. Kung ito ay malamang maging regular na isyu, pag-usapan ninyo ng tagapag-
empleyo ang mga opsyon, gaya ng pagtatrabaho mula sa bahay, o pagsisimula nang mas
maaga o mas tanghali.
Kapag may kaunting pagkalat sa komunidad ng COVID-19, ang pagsusuot ng mask sa
komunidad kapag wala kang sakit ay karaniwang inirerekomenda.
Kapag may maraming pagkalat sa komunidad, maaari mong piliing magsuot ng mask o
maaaring kailanganing pagsuutin ka ng mask ng mga awtoridad sa kalusugang pampubliko.
Kung mahirap panatilihin ang pisikal na distansya, halimbawa sa pampublikong sasakyan,
ang pagtatakip ng iyong mukha gamit ang mask ay maaaring magbigay ng karagdagang
proteksyon. Bisitahin ang webpage tungkol sa mga Mask ng Kagawaran ng Kalusugan sa
www.health.gov.au/news/health-alerts/novel-coronavirus-2019-ncov- health-alert/how-to-
protect-yourself-and-others-from-coronavirus-covid-19/masks para sa karagdagang
impormasyon. Bisitahin ang website ng Safe Work Australia sa
www.safeworkaustralia.gov.au para sa impormasyon tungkol sa paggamit ng mga mask sa
lugar ng trabaho.

2 Mental Health and Wellbeing Support for Employees during the COVID-19 Pandemic - 23092020 - Filipino
Mga hakbang na dapat gawin ng mga empleyado
upang manatiling ligtas
Ang lahat, maging nasa trabaho man o nasa pampublikong lugar, ay dapat maging COVIDSafe (ligtas
sa COVID):
 ugaliin ang tamang kalinisan
 manatiling may 1.5 metro ang layo sa ibang tao, hangga’t maaari
 manatili sa bahay kung may sakit
 magpasuri kung ikaw ay may anumang mga sintomas na tila-sipon o trangkaso.

Ang pagpapasuri kapag may sakit ay titiyak na madaling matutuklasan ng mga awtoridad
sa pampublikong kalusugan ang virus at makakakilos upang pigilan ang pagkalat.

Ang pagkakaroon ng COVIDSafe app ay tutulong sa mga awtoridad ng pampublikong


kalusugan na makontak ka nang mas mabilis kung ikaw ay nagkaroon ng malapitang kontak
sa isang tao na may COVID-19. Tutulungan ka nito na makakuha ng payo na iyong kailangan
upang limitahan ang panganib na maikalat mo ang virus sa iyong komunidad.

Pangangalaga ng iyong kalusugang


pangkaisipan at kagalingan
Ang pangangalaga ng iyong kalusugang pangkaisipan at kagalingan ay kasing- importante rin
ng iyong pisikal na kaligtasan sa trabaho. Nagsisikap tayong lahat na magkaroon ng mga
bagong kasanayan upang makibagay sa mga paraang hindi natin kinailangang gawin noong
dati. Kung ikaw ay nag-aalala, hindi lang OK ang paghingi ng tulong, kundi ito ay mahalaga.
Maraming makukuhang suporta para sa mga taong humaharap sa iba’t ibang mga
paghamon, at makikita mo ang listahan nito sa pangsuportang seksyon ng polyeto.

Para sa mga taong namumuhay nang may sakit pangkaisipan, mahalaga na laging humingi
ng tulong. Ang paggamot at pangangalaga ay maaaring magbago sa paglipas ng panahon,
kaya gamitin ang telepono at internet upang manatiling nakaugnay sa iyong network ng
suporta.

Komunikasyon sa trabaho
Sa mabilis na pagbabago ng maraming bagay,
mahalagang manatiling may komunikasyon sa iyong
manedyer at sa iyong pangkat. Maging bukas at matapat
tungkol sa iyong mga alalahanin tungkol sa pagbalik sa
trabaho o tungkol sa mismong trabaho. Tutulong ito na
harapin ang mga isyu, mabawasan ang alitan at bumagay
sa mga pagbabago.

Pagbabago sa lugar ng trabaho


Ang pagbabago ay maaaring maging di-komportable at di-tiyak. Ipaalala sa sarili na okey
na maging di-kampante habang ikaw at ang iyong pangkat ay bumabagay sa mga bagong
paraan ng pagtatrabaho at sa lugar ng trabaho.
Harapin ang mga araw nang paisa-isa at tandaang may iba’t ibang paraan tayo ng pagkaya
sa pagbabago.

3 Mental Health and Wellbeing Support for Employees during the COVID-19 Pandemic - 23092020 - Filipino
Tutulong ang routine (karaniwang palakad)
Ang paglikha ng bagong routine ay makakatulong na mapanatag ka sa pagbalik sa lugar ng
trabaho, o matutunang bumagay sa bagong COVIDSafe na mga gawi. Pagkakataon din ito
upang pag-isipan ang tungkol sa mga gawain na nais mong isali sa bagong routine sa
panahong ito ng bagong pagsisimula. Maaaring kabilangan ito ng bagong paraan ng
pakikipagkomunikasyon at mga gawaing tulad ng ehersisyo, meditasyon o pagbabasa.

Maglaan ng oras para sa sarili


Ang pananatiling nasapanahon tungkol sa pinakabagong
impormasyon, mga pagbabago at mga prayoridad ay maaaring
maging nakakapagod. Mahalagang maglaan ka ng oras para sa
pagtulog, ehersisyo at upang magpanariwa at magpanibago upang
tulungan kang pamahalaan ang dagdag na pasaning ito.

Humingi ng suporta
Ang paghingi ng suporta kung ikaw ay nag-aalala ay maaaring tumulong na makabalik ka
nang mas mabilis kaysa sa pagkimkim mo ng mga bagay-bagay sa loob ng iyong sarili.
Maaaring ang suporta ay mula sa pamilya at mga kaibigan, o sa pamamagitan ng mga
suportang propesyonal, ngunit lahat tayo ay mangangailangan ng tulong paminnsan-minsan.

Mga Kontak
Impormasyon para sa mga
tagapag-empleyo at mga
empleyado
Safe Work Australia: impormasyon para sa mga tagapag-empleyo at mga
empleyado, mga mapagkukunan (resources) at mga tool kit upang
tumulong gawing ligtas ang lugar ng trabaho.
www.safeworkaustralia.gov.au

24/7 na mga serbisyong nag-aalay ng pagpapayo at suporta


Head to Health: Ang digital mental health gateway ng Pamahalaang Australya ay nagbibigay
ng isang hanay ng impormasyon, payo, at mga link sa libre at murang serbisyo sa
kalusugang pangkaisipan sa telepono at online. www.headtohealth.gov.au

Beyond Blue: Ang Coronavirus Mental Health Wellbeing Support Service ay nagbibigay
ng suporta sa maraming mga isyu sa kalusugang pangkaisipan at makukuha sa
pamamagitan ng telepono via chat o email
1800 512 348 | https://coronavirus.beyondblue.org.au/

Lifeline Australia: isang serbisyong pangsuporta sa krisis na nagbibigay ng panandaliang


suporta sa anumang oras para sa mga tao na nahihirapang kumaya o manatiling ligtas.
13 11 14 | www.lifeline.org.au

Kids Helpline: isang libre, pribado at kompidensyal na serbisyong pagpapayo sa


telepono at online para sa kabataang nasa edad na 5 hanggang 25 taong gulang.
1800 55 1800 | www.kidshelpline.com.au

4 Mental Health and Wellbeing Support for Employees during the COVID-19 Pandemic - 23092020 - Filipino
Suicide Call-Back Service: para sa sinumang nag-iisip magpakamatay, sa kasambahay ng
isang tao na nag-iisip magpakamatay, o sa naulila dahil sa isang nagpakamatay, ang Suicide
Call Back Service ay matatawagan. 1300 659 467 | www.suicidecallbackservice.org.au

MensLine Australia: serbisyong pagpapayo sa telepono at online para sa mga


kalalakihan. 1300 78 99 78 | www.mensline.org.au

Open Arms: Pagpapayo para sa mga Beterano at mga Pamilya: nagbibigay sa kasalukuyang
nagsisilbing mga tauhan ng sandatahang-lakas, mga beterano at sa kanilang mga pamilya ng
libre at kompidensyal na pagpapayo, mga programa sa grupong paggamot, at mga network
sa komunidad at peer (mga may kaparehong karanasan).
1800 011 046 | www.openarms.gov.au

Suportang harapan
Ang iyong General Practitioner (GP)
Kung ikaw o ang iyong pamilya ay dumaranas ng patuloy na pag-aalala, mangyaring
makipag-usap sa iyong lokal na GP, na iyong daanan tungo sa mga serbisyo ng
kalusugang pangkaisipan at iba pang mga serbisyong pangkalusugan.
www.healthdirect.gov.au/australian-health-services

Mga Tagapayo
Ang Australian Psychological Society ay nagbibigay ng isang simpleng search tool upang
makonekta ka sa isang psychologist (sikologo) sa inyong lugar gamit ang telehealth. Ang
mga marapat-sa-Medicare na mga Australyano ay maaaring maka-access sa mga
konsultasyong telehealth sa panahon ng coronavirus. Hanapin upang ibagay sa iyong mga
pangangailangan sa: www.psychology.org.au/Find-a-Psychologist

headspace
Ang headspace ay nagbibigay ng libre o murang mga serbisyo sa mga kabataang ang edad
ay nasa pagitan ng 12 hanggang 25 taong gulang, sa kanilang mga pamilya at mga kaibigan.
Ang headspace ay nagbibigay ng holistic (pangkabuuan) na pangangalaga sa apat na
pangunahing mga bahagi – kalusugang pangkaisipan, kaugnay na kalusugang pisikal, alak at
iba pang droga na ginagamit, at suportang panlipunan at bokasyonal. May makukuhang
mapa ng mga lokasyon ng headspace sa website ng headspace. www.headspace.org.au

Australian Indigenous Mentoring Experience (AIME)


Ang AIME ay isang pang-imahinasyong kurikulum at tagapagturong programa na
naglalayong panatilihing nakaugnay sa edukasyon at nagpapalago sa mga mithiin ng
mga kabataang Aboriginal at Torres Strait Islander.

Ang AIME ay nagbibigay ng plataporma para sa mga estudyante sa unibersidad at mga


kinatawan ng komunidad upang magbalik-bigay sa pamamagitan ng mentorship, mga
tutoring na sesyon, mga workshop at isang matatag na kurikulum, sa 33 lokasyon pati rin sa
online at sa pamamagitan ng pakikipagsamahan sa 250 mga paaralan.
https://aimementoring.com/

Positibong Programang Pakikipagsamahan (Partnerships Program)


Ang programang ito ay lumilikha ng mga pakikipagsamahan ng mga paaralan at mga
magulang at mga tagapag-alaga upang pabutihin ang mga kalalabasan sa pag-aaral ng
mga estudyanteng may autism. Ito ay nagbibigay ng impormasyong pangkasalukuyan,
nauugnay, at batay sa ebidensya sa pamamagitan ng mga workshop at mga
mapagkukunan (resources) sa online. www.positivepartnerships.com.au/

5 Mental Health and Wellbeing Support for Employees during the COVID-19 Pandemic - 23092020 - Filipino
Mga mapagkukunan sa online
Student Wellbeing Hub
Ang Student Wellbeing Hub ay nagbibigay ng impormasyon sa online na tama-sa-edad at
iniakma para sa mga tagapagturo, mga magulang at mga estudyante. Maaari mong ma-
access ang mga estratehiyang praktikal at batay sa ebidensya na nasa wikang madaling
maunawaan upang tulungang mabawasan ang pagkabalisa at depresyon sa mga bata at
mga kabataan. www.studentwellbeinghub.edu.au

ReachOut
Ang ReachOut ay tumutulong sa mga wala pang 25 anyos sa pang-araw-araw na mga
katanungan sa panahon ng paghihirap. Ang website ay may mga mapagkukunang
impormasyon at self-help tools upang ang mga kabataan ay makagawa ng praktikal na mga
hakbang upang maunawaan at mapamahalaan ang kanilang kalusugang pangkaisipan. Ang
website ay kinabibilangan din ng isang espasyong ligtas, masuporta at di-makikilala upang
makipag-usap sa iba ang mga kabataan at magbahagi ng kanilang dinaranas.
www.au.reachout.com

TEN – Ang Mahalagang Network


Isang app na sumusuporta sa mga pangkalusugang propesyonal na nagtatrabaho
sa mga serbisyong pangkalusugan, aged care (pangangalaga ng mga matatanda),
at mga may kapansanan upang pamahalaan ang buhay at trabaho sa panahon ng
COVID-19.
Download the app for Apple | Download the app for Android

Suporta sa Career at Impormasyon


National Careers Institute
Ang suporta para sa mga kabataan upang maunawaan ang mga landasin matapos
ang pag-aaral ay makukuha sa www.nci.dese.gov.au.

Course Seeker (Paghanap ng Kurso)


Ang impormasyon tungkol sa libu-libong mga kurso sa online at sa campus ay ibinibigay
sa isang paraang mapagkumpara at hindi pabagu-bago sa www.courseseeker.edu.au.

Career Planning (Pagplano ng Career)


Ang walang kinikilingang impormasyon tungkol sa pagplano ng career, mga
landasin sa career, at mga paglipat sa trabaho ay makukuha sa
www.myfuture.edu.au.

Career Mentoring (Pagtuturo tungkol sa Career)


Ang impormasyon tungkol sa headspace Digital Work and Study Program at Career
Mentoring Program upang suportahan ang mga kabataan na ang edad ay nasa
pagitan ng 15-25 anyos upang magplano ng career, humanap ng trabaho, o kumilos
tungo sa karagdagang edukasyon ay makukuha sa
https://headspace.org.au/our-services/digital-work-and-study-service/

6 Mental Health and Wellbeing Support for Employees during the COVID-19 Pandemic - 23092020 - Filipino

You might also like