You are on page 1of 4

 Ang anito ay isang diyos na

pinapaniwalaan ng mga sinaunang Pilipino


bago dumating ang mga Kastila. Maari
din itong tumukoy sa mga diwata,
espiritu at mga diyos na pinaghuhugutan
ng ulan, proteksiyon at patnubay.
Nagpupugay ang mga tao sa mga anito
sa pagbibigay ng alay katulad ng mga
ani, mga hayop at iba pa. Dinadasalan
din nila ito para magkaroon ng himala
katulad ng pag-ulan sa kalagitnaan ng
tag-tuyot at proteksiyon sa gitna ng
laban ng mga tribo.
 Aníto ang tawag sa sinaunang espiritu ng mga ninuno o espiritu ng kalikasan na
sinasamba ng mga Filipino noong araw. Itinuturing na mabubuting espiritu, ang
mga anito ay nagsisilbing tagapagtanggol laban sa masasamang espiritu sa
lawas ng kagubatan. Itinuturing rin sila ng ilang grupong etniko bilang
tagapangalaga ng kalikasan at bilang bantay o kawal ng mga di-binyagan.
 Laganap ang mga anito sa mga agrikultural na pamayanan ng Luzon. Kalimitang
nag-aalay sa mga anito ng pagkain o atang at iba pang bagay ang mga tao para
magkaroon sila ng masagana at payapang pamumuhay. Mga anito ang
pinaniniwalaan at sinasamba ng mga katutubong Filipino bago dumating ang
Espanyol.

 Ang mga anito ay maaaring


katawanin ng anomang
bagay: imaheng kawangis ng
tao na yari sa kahoy, isang
pirasong kahoy, inukit na
bato o maaari ring bagay na
hindi nahihipo o nakikita
tulad ng hangin, liwanag at
dilim, o isang tinig.
 Nang dumating ang mga Espanyol at ipinakilala ang Kristiyanismo, nahalinhan
ang mga anito ng pagsamba sa Diyos at iba pang mga santo. Gayunman,
masasabing ang ilang paniniwala kaugnay ng anito ay maaaring nagpatuloy
hanggang sa kasalukuyan. Dahil dito, may ilang Filipinong iskolar na naglarawan
sa relihiyong ipinakilala ng mga Espanyol na isinapraktika ng mga Filipino
bilang Folk Christianity. 
 Iba’t iba ang dahilan ng pagdaraos ng mag-anito. Isinasagawa ito para sa
maysakit, kapag may kasunduang pagpapakasal, pagsilang ng isang
sanggol,kapistahan at pagtanggap sa isang bayani o mandirigma na nagwagi sa
isang labanan.Idinadaos din ito kung gusto nilang malaman ang
tamang panahon ng pag-aani at kapag may namatay.

AGIMAT
 Ang agimat, na kilala rin
bilang anting o anting-anting, ay
isang mutya o alindog. Ang
anting-anting ay isa ring
sistemang Pilipino ng mahika at
pangkukulam na may espesyal na
paggamit ng mga nabanggit na mutya, anting-anting, at anting-anting.
Kinabibilangan sa mga iba pang karaniwang salita para sa agimat
ang bertud at galing.

Ibat-ibang Uri ng Anting-Anting o Agimat

Mga anting-anting, agimat at kakaibang galing


 Madalas nating marinig, lalo na sa matatanda, ang mga kwento tungkol sa mga
taong may anting o agimat. Bukod pa roon, madalas din itong matagpuan sa
mga panitikan kung saan ang mga tauhan ay nagtataglay ng kakaibang
katangian at galing sa pakikipaglaban.
 Ang anting o agimat ay nagbibigay ng mga hindi pangkaraniwang kakayanan.
Kung hindi man kakaibang husay sa pakikipaglaban, kakayahang labanan ang
sakit, o kakayahang gumamot ang mga ito ay maari ring magdala ng swerte.
Ito ang isang dahilan kung bakit marami ang gustong magkaroon nito.
 Iba-iba ang tawag sa mga ito. Depende sa kakayanan na maaring taglayin ng
isang tao o depende sa pinagmulang rehiyon. Narito ang listahan ng mga
anting o agimat mula sa ibat-ibang dako ng Pilipinas

Anting-anting o Agimat sa iba`t-ibang panig ng Pilipinas.

1. Odom ng mga Bikolano o Satagabulag - ang taong nagtataglay ng agimat na ito


ay may mkakayahang maging invissible o mahusay sa pagtatago.
2. Sa Gabe o Wiga - Hindi nababasa ang nagtataglay nito kahit pa maglakad siya
sa ilalim ng ulan.
3. Sa Tagahupa - Ito ay ang galing sa pagpapasunod o pagaawat. Sinasabing
kahit pa masidhi ang galit ng isang tao kung kakausapin ng may sa tagahupa
nagiging parang tupa sa bait
4. Pulang Korales - isang uri ng Coral na sinasabing humihigop ng swerte kaya
mapalad ang makakatagpo nito.
5. Karbungko - Isang uri ng batong nagliliwanag sa sa tuwing natatapat sa lugar
kung saan may ginto.
6. Iniingatan ito ng mga ahas.
7. Ang batong karbungko ayon sa deskripsiyon sa mga panitikan.
8. Ang Batong Karbungko, isang uri ng agimat, ayon sa deskripsiyon sa mga
panitikan
9. Agsam - isang uri ng baging na matatagpuan lamang sa mga lib-lib na lugar sa
Mindanao. Ginagawa itong bracelet na may kakayahang magtaboy ng
masasamang espiritu, engkanto at mga lamang lupa.
10. Pamako - ang may sa pamako ay nagagawang paralisahin ang mga nakakaalitan
o sino man na gusto niyang paralisahin.
11. Pangil ng Kidlat - magtatagpuan sa mga lugar na tinamaan ng kidlat. Ang
makakakuha nito ay magtataglay ng hindi matatawarang lakas ng katawan.
12. Mutya ng Bulak - ang mutya ng bulak ay isang maliit bato namatatagpuan sa
loob ng tuyong bulak. Ang may mutya ay may kakaibang gaan ng katawan.
Makikita ang husay nila sa pagakyat sa puno dahil kaya nilang tumapak kahit
na sa mililiit na sanga dahil sa gaan ng katawan.
13. Mutya sa Palos - ang makakuha ng mutya sa palos ay may kakaibang liksi ng
katawan kaya magaling silang tumakas. Gustong-gusto ito ng mgga kawatan.
14. Mutya ng Tawak - ito ay maliit na bato na maaring makuha mula sa lungga ng
ahas o agawin mula sa ahas mismo. Hindi tatalaban ng kamandag ng ahas ang
magtataglay nito
15. Tagaliwas - ang may sa tagaliwas ay hindi tinatamaan ng bala o ng ano pa mang
bagay na maaring makapaminsala
16. Kabal - ang taong may sa kabal ay may makunat na balat na hindi tinatablan ng
matatalaas at matutulis na bagay tulad ng itak at bala

You might also like