You are on page 1of 36

BANAL NA MISA

AT
PAGBUBUKAS NG SINODO
SA LOKAL NA SIMBAHAN
4 BANAL NA MISA AT PAGBUBUKAS NG SINODO SA LOKAL NA SIMBAHAN

PASIMULA
Kapag natitipon na ang sambayanan, ang Tagapagdiwang at mga tagapaglingkod ay lalakad
patungo sa dambana, samantalang ang awiting pambungad ay ginaganap.

Pagsapit sa dambana, ang Tagapagdiwang at mga tagapaglingkod ay magbibigay-galang


alinsunod sa hinihinging paraan. Magbibigay-galang ang Tagapagdiwang sa dambana sa
pamamagitan ng paghalik sa ibabaw. Kung minamabuti niya, maiinsensuhan niya ito. Pagkatapos,
ang Tagapagdiwang ay paroroon sa kanyang upuan.

Matapos ang awiting pambungad, habang nakatayo ang lahat, ang Tagapagdiwang at ang mga
tao ay magkukrus. Ipahahayag ng Tagapagdiwang nakaharap sa mga tao:

S a ngalan ng Ama
at ng Anak at ng Espiritu Santo.

Sasagot ang mga tao:

Amen.
Ilalahad ng Tagapagdiwang ang kanyang mga kamay bilang pagbati sa mga tao, habang
ipinahahayag:

Sumainyo ang kapayapaan.

Sasagot ang mga tao:

At sumaiyo rin.
BANAL NA MISA AT PAGBUBUKAS NG SINODO SA LOKAL NA SIMBAHAN 5

Ang Tagapagdiwang ay makapagbibigay ng maikling paliwag tungkol sa buod ng Misang


ipagdiriwang.

M ga minimahal na kapatid,
natitipon tayo sa hapag ng Panginoon
upang ipagkatiwala ang ating mga sarili sa kanya
sa pagbubukas ng prosesong synodal sa ating sambayanan.
Umasa tayo sa maka-inang pagtulong ni Maria,
ang Reyna ng mga Apostol at Ina ng Simbahan.
Ang pagpapanibago ay pangarap at hangad ng Diyos,
ang patuloy niyang gawain sa daigdig.
Manalangin tayo na ialok sa lahat ang kaloob na pagpapanibago
ng Espiritung nagpapanibago
at pasiglahin ang naglalakbay at misyonerong Simbahan
nang siya’y maging tanda at lingkod
ng pagpapanibago ng lahat kay Kristo.
Kinikilala namin ang pananatili at ang kamay ng Diyos
na kumikilos sa aming buhay,
tanda ng kanyang katapatan sa kabila ng ating pagkasalawahan.
Hiling nami’y kapatawaran,
habang tumatalima kami sa panawagan ng pagpapanibago.
Muli nating itinatalaga ang aming sarili
sa lubos na pagbabalik-loob ng puso at isipan
at ang pagbubukas nito sa Banal na Espiritu
upang kami’y maisugo sa landas ng magkakaagapay na paglalakbay
bilang isang Simbahang misyonero.
6 BANAL NA MISA AT PAGBUBUKAS NG SINODO SA LOKAL NA SIMBAHAN

PAGBABASBAS AT PAGWIWISIK NG BANAL NA TUBIG


Pagkatapos ng pagbati, ang Tagapagdiwang na nakatayo sa harap ng upuan ay paharap sa mga
taong mag-aanyaya na manalanging basbasan ng Diyos ang tubig na nasa lalaggyan sa harap ng
tanan. Ang mga sumusunod o anumang katumbas nito ay ipahahayag ng Tagapagdiwang:

M ga kapatid kong minamahal,


hilingin natin sa Ama nating makapangyarihan
na marapatin niyang basbasan
itong tubig na iwiwisik ngayon
bilang paggunita sa tinanggap nating binyag noon.
Pagkalooban nawa niya tayo ng panibagong lakas
para sa pamamalaging matapat
sa Espiritu Santo na ating tinanggap.
Lahat ay tahimik na mananalangin nang saglit. Ang Tagapagdiwang ay magpapatuloy sa
pagdarasal nang magkadaop ang mga kamay.

A ma naming makapangyarihan,
niloob mong sa tubig na bukal ng buhay
at tagapagdulot ng kalinisan
ang kalooban nami’y magkamit ng kadalisayan
at ng iyong buhay na ibinibigay sa mga hinirang.
Hinihiling naming marapatin mong basbasan X
ang tubig na ito na ngayo’y nais naming mawisik sa aming katawan.
Ipagkaloob mong sariwain nito sa amin ang buhay
na iyong ibinigay sa amin noong kami’y binyagan
at ipagsanggalang nawa nito sa tanang kasamaan
ang aming buong katauhan
upang makadulog kami sa iyo nang may kadalisayan
sa ikapagkakamit namin ng kaloob mong kaligtasan
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang banggan.
Sasagot ang mga tao:

Amen.
BANAL NA MISA AT PAGBUBUKAS NG SINODO SA LOKAL NA SIMBAHAN 7

Pagkaraan, hahawakan ng Tagapagdiwang ang pangwisik at kanyang wiwisikan ang kanyang


sarili at ang mga tagapaglingkod gayun din ang kaparian at ang sambayanan at makalilibot siya
sa loob ng simbahan para ito gampanan. Habang ito’y ginaganap, isa sa mga sumusunod na awit
ay gagawing pangsaliw sa pagwiwisik.

Antipona
Kayo’y aking huhugasan
sa tubig ng kalinisan.
Kayo’y magiging dalisay
sa bahid ng kasalanan
at magbabago ng buhay.
Pagkabalik sa upuan at kapag tapos na ang pag-awit, ang Tagapagdiwang na nakaharap sa mga
nagsisimba at nakadaop ang mga kamay ay magpapahayag:

Dalisayin nawa tayo ng makapangyarihang Diyos


sa ating mga kasalanan,
at pakundangan sa pagdiriwang na ito
ng pagpupuri at pagpapasalamat
pagindapatin nawa niya tayo
na makapakinabang sa piging niya
sa buhay na walang hanggan.
Sasagot ang mga tao:

Amen.
8 BANAL NA MISA AT PAGBUBUKAS NG SINODO SA LOKAL NA SIMBAHAN

PAPURI SA DIYOS
Kapag nakatakdang ganapin, aawitin o darasalin ang awit:

Papuri sa Diyos sa kaitaasan


at sa lupa’y kapayapaan sa mga taong kinalulugdan niya.
Pinupuri ka namin,
dinarangal ka namin,
sinasamba ka namin,
ipinagbubunyi ka namin,
pinasasalamatan ka namin,
dahil sa dakila mong angking kapurihan.
Panginoong Diyos, Hari ng langit,
Diyos, Amang makapangyarihan sa lahat.
Panginoong Hesukristo, Bugtong na Anak,
Panginoong Diyos, Kordero ng Diyos, Anak ng Ama.
Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
maawa ka sa amin.
Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
tanggapin mo ang aming kahilingan.
Ikaw na naluluklok sa kanan ng Ama,
maawa ka sa amin.
Sapagka’t ikaw lamang ang banal,
ikaw lamang ang Panginoon,
ikaw lamang, O Hesukristo, ang Kataas-taasan,
kasama ng Espiritu Santo
sa kadakilaan ng Diyos Ama.
Amen.
BANAL NA MISA AT PAGBUBUKAS NG SINODO SA LOKAL NA SIMBAHAN 9

PANALANGING PAMBUNGAD
Pagkaraan ng awit, magkadaop ang mga kamay na ipahahayag ng Tagapagdiwang:

Manalangin tayo.
Ang lahat kaisa ng Tagapagdiwang ay tahimik na mananalangin nang saglit. Pagkalipas ng
ilang sandali, ilalahad ng Tagapagdiwang ang kanyang kamay at ipahahayag ang panalanging
pambungad.

A ma naming makapangyarihan,
sa liwanag ng Espiritu Santo ay iyong tinuruan
ang mga nananalig sa kaibuturan ng kalooban.
Ipagkaloob mong aming matutuhan
sa Espiritu ring ito ang tanang katuwiran
at maligaya naming kamting lagi ang kanyang kasiyahan
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Sasagot ang mga tao ng pagbubunyi:

Amen.
10 BANAL NA MISA AT PAGBUBUKAS NG SINODO SA LOKAL NA SIMBAHAN

PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS

UNANG PAGBASA
Mga Gawa 2:1-11
Silang lahat ay napuspos ng Espiritu Santo
at nagsimulang magsalita ng iba’t ibang wika.

Pagbasa mula sa Mga Gawa ng mga Apostol

N ang sumapit ang araw ng Pentekostes,


nagkatipon silang lahat sa isang lugar.
At biglang narinig ang isang ugong mula sa langit,
animo’y hagunot ng malakas na hangin,
at napuno nito ang bahay na kinaroroonan nila.
May nakita silang wari’y mga dilang apoy
na lumapag sa bawat isa sa kanila.
At silang lahat ay napuspos ng Espiritu Santo
at nagsalita ng iba’t ibang wika,
ayon sa ipinagkaloob sa kanila ng Espiritu.

May mga Judiong buhat sa iba’t-ibang bansa,


na naninirahan noon sa Jerusalem,
mga taong palasamba sa Diyos.
Nang marinig ang ugong na ito,
nagdatingan ang maraming tao.
Namangha sila sapagkat sinasalita ng mga alagad
ang mga wika nila.
Sa kanilang pagtataka ay kanilang nasabi,
“Hindi ba Galileo silang lahat?
Bakit ang atin-ating katutubong wika
ang naririnig natin sa kanila?
BANAL NA MISA AT PAGBUBUKAS NG SINODO SA LOKAL NA SIMBAHAN 11

Tayo’y mga taga-Partia, mga taga-Media, mga taga-Elam;


mga naninirahan sa Mesopotamia,
sa Judea at sa Capadocia sa Ponto, at sa Asia.
Mayroon pa sa ating taga-Frigia at Panfilia,
Egipto at sa mga saklaw ng Libia na sakop ng Cirene,
at mga nakikipanirahang mula sa Roma,
maging mga Judio at mga naakit sa Judaismo.
May mga taga-Creta at Arabia pa rito.
Paano sila nakapagsasalita sa ating-ating wika
tungkol sa mga kahanga-hangang gawa ng Diyos.”
Upang ipahiwatig ang katapusan ng pagbasa, ihahayag ng tagapaglahad:

Ang Salita ng Diyos.


Sasagot ang lahat:

Salamat sa Diyos.
12 BANAL NA MISA AT PAGBUBUKAS NG SINODO SA LOKAL NA SIMBAHAN

SALMONG TUGUNAN
Salmo 103:1. 24. 29-30. 31. 34

T. Espiritu mo’y suguin,


Poon, tana’y ‘yong baguhin.

Pinupuri ka Poong Diyos nitong aking kaluluwa,


O Panginoong Diyos, kay dakila mong talaga!
Sa daigdig ikaw Poon, kay rami ng iyong likha.
sa daming nilikha mo’y nalaganapan ang lupa.

T. Espiritu mo’y suguin,


Poon, tana’y ‘yong baguhin.

Natatakot mangamatay kung kitlin mo ang hininga;


mauuwi sa alabok, pagkat doon mula sila.
Taglay mo ang Espiritu upang buhay ay ibalik,
bagumbuhay ay dulot mo sa nilikha sa daigdig.

T. Espiritu mo’y suguin,


Poon, tana’y ‘yong baguhin.

Sana ang ‘yong karangala’y manatili kailanman,


sa lahat ng iyong likha ang madama’y kagalakan.
Ang awit ng aking puso sana naman ay kalugdan,
habang aking inaawit ang papuri sa Maykapal.

T. Espiritu mo’y suguin,


Poon, tana’y ‘yong baguhin.
BANAL NA MISA AT PAGBUBUKAS NG SINODO SA LOKAL NA SIMBAHAN 13

IKALAWANG PAGBASA
Galacia 5:16-25
Ang mga bunga ng Espiritu.

Pagbasa mula sa sulat ni Apostol San Pablo


sa mga taga-Galacia

M ga kapatid:
Ang Espiritu ang gawin ninyong patnubay
sa inyong buhay
at huwag ninyong susundin ang pita ng laman.
Sapagkat ang mga pita ng laman
ay laban sa mga ninanasa ng Espiritu,
at ang mga ninanasa ng Espiritu
ay laban sa mga pita ng laman.
Magkalaban ang dalawang ito,
kaya hindi ninyo magawa ang ibig ninyong gawin.
Kung kayo’y pinapatnubayan ng Espiritu,
wala na kayo sa ilalim ng Kautusan.

Hindi maikakaila ang mga gawa ng laman:


pangangalunya, karima-rimarim na pamumuhay,
kahalayan, pagsamba sa diyus-diyusan, pangkukulam,
pagkapoot, pagkagalit, paninibugho, kasakiman,
pagkakabaha-bahagi, pagkakampi-kampi, pagkainggit,
paglalasing, walang taros na pagsasaya,
at iba pang tulad nito.
Binabalaan ko kayo tulad noong una:
hindi tatanggapin sa kaharian ng Diyos
ang gumagawa ng gayong mga bagay.
14 BANAL NA MISA AT PAGBUBUKAS NG SINODO SA LOKAL NA SIMBAHAN

Subalit ang bunga ng Espiritu


ay pagibig, kagalakan, katiyagaan, kapayapaan,
kabaitan, kabutihan, katapatan, kahinahunan,
at pagpipigil sa sarili.
Walang utos laban sa ganitong mga bagay.
At pinatay na ng mga nakipag-isa kay Kristo Hesus
ang likas nilang pagkatao,
kasama ang masasamang pita nito.
Ang Espiritu ang nagbibigay-buhay sa atin
kaya ito rin ang dapat maghari sa ating mga buhay.
Huwag tayong maging palalo, palaaway at mainggitin.
Upang ipahiwatig ang katapusan ng pagbasa, ihahayag ng tagapaglahad:

Ang Salita ng Diyos.


Sasagot ang lahat:

Salamat sa Diyos.

ALELUYA

T. Aleluya! Aleluya!
Espiritung aming Tanglaw,
kami’y iyong liwanagan
sa ningas ng pagmamahal.
T. Aleluya! Aleluya!
BANAL NA MISA AT PAGBUBUKAS NG SINODO SA LOKAL NA SIMBAHAN 15

MABUTING BALITA
Juan 20:19-23
Kung paanong sinugo ako ng Ama, gayun din naman, sinusugo ko kayo:
tanggapin ninyo ang Espiritu Santo.

P. Sumainyo ang Panginoon.


B. At sumainyo rin.

P. X Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan


B. Papuri sa iyo, Panginoon.

K inagabihan ng Linggo ding iyon,


ang mga alagad ay nagkakatipon.
Nakapinid ang mga pinto ng bahay na kanilang pinagtitipunan
dahil sa takot nila sa mga Judio.
Dumating si Hesus at tumayo sa gitna nila.
“Sumainyo ang kapayapaan!” sabi niya.
Pagkasabi nito, ipinakita niya ang kanyang mga kamay
at ang kanyang tagiliran.
Tuwang-tuwa ang mga alagad nang makita ang Panginoon.
Sinabi na naman ni Hesus,
“Sumainyo ang kapayapaan!
Kung paanong sinugo ako ng Ama,
gayon din naman, sinusugo ko kayo.”
Pagkatapos, sila’y hiningahan niya at sinabi,
“Tanggapin ninyo ang Espiritu Santo.
Ang patawarin ninyo sa kanilang mga kasalanan
ay pinatawad na nga;
ang hindi ninyo patawarin ay hindi nga pinatawad.”
Sa katapusan, ihahayag niya:

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.


Magbubunyi ang lahat:

Pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo.


16 BANAL NA MISA AT PAGBUBUKAS NG SINODO SA LOKAL NA SIMBAHAN

HOMILIYA

PAGPAPAHAYAG NG PANANAMPALATAYA
Kasunod ng homiliya ang pagpapahayag ng pananampalataya kapag ito ay nakatakda.

Sumasampalataya ako
sa Diyos Amang makapangyarihan sa lahat,
na may gawa ng langit at lupa.
Sumasampalataya ako kay Hesukristo,
iisang Anak ng Diyos, Panginoon nating lahat.
Nagkatawang-tao siya lalang ng Espiritu Santo,
ipinanganak ni Santa Mariang Birhen.
Pinagpakasakit ni Poncio Pilato,
ipinako sa krus, namatay, inilibing.
Nanaog sa kinaroroonan ng mga yumao.
Nang may ikatlong araw nabuhay na mag-uli.
Umakyat sa langit.
Naluluklok sa kanan ng Diyos
Amang makapangyarihan sa lahat.
Doon magmumulang paririto
at huhukom sa nangabubuhay at nangamatay na tao.
Sumasampalataya naman ako
sa Diyos Espiritu Santo,
sa banal na Simbahang Katolika,
sa kasamahan ng mga banal,
sa kapatawaran ng mga kasalanan,
sa pagkabuhay na muli ng nangamatay na tao
at sa buhay na walang hanggan.
Amen.
BANAL NA MISA AT PAGBUBUKAS NG SINODO SA LOKAL NA SIMBAHAN 17

PANALANGIN NG BAYAN
Pagkatapos ay gaganapin ang panalangin ng bayan o panalanging pangkalahatan.

Tagapagdiwang:

Sa pagdating ng ating Panginoong Hesukristo
tayo, mga kapatid, ay naghihintay nang mataimtim
kaya’t tayo’y lalong masugid na lumuhog
upang sa panahong ito ay loobin niyang pagkamtin
ng tanang kabutihan ang mga naghihikahos
sapagka’t inihatid niya ang Mabuting Balita sa mga nagdarahop
at ang mga tumatalikod sa masama ay binuhayan niya ng loob.

T. Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.

Para sa banal na Simbahan ng Diyos:


upang siya’y maging liwanag sa mga bansa
at maging pangkalahatang sakramento ng kaligtasan,
nakikilakbay sa lahat ng tao tungo sa paghahari ng Diyos.
Manalangin tayo sa Panginoon.

T. Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.

Para kay Francisco na aming Papa, N. na aming Obispo,


at sa banal at tapat na Bayan ng Diyos sa Diyosesis ng N.:
upang sa pagdiriwang ng Sinodong ito
ay matulungan tayo na makilala at isabuhay ang kalooban ng Diyos.
Manalangin tayo sa Panginoon.

T. Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.

Para sa mga namumuno at lingkod sa pamahalaan:


upang lagi nilang hangarin ang makabubuti sa lahat,
kumikilos nang may katarungan at may karangalan.
Manalangin tayo sa Panginoon.

T. Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.


18 BANAL NA MISA AT PAGBUBUKAS NG SINODO SA LOKAL NA SIMBAHAN

Para sa maysakit, nalulumbay, inaapi, at nagdurusa:


upang hindi sila makaligtaan
bagkus dapat na pahalagahan at alagaan
bilang mukha ni Kristo sa isang nagdurusang ng daigdig.
Manalangin tayo sa Panginoon.

T. Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.

Para sa ating lahat na natitipon ngayon:


upang ang prosesong Synodal na ito
ay akayin tayo sa mas higit na pagbubuklod ng Simbahan,
pagyabungin ang ating pagkikilahok dito,
at mapalago tayo para sa pagsasakatuparan ng ating misyon.
Manalangin tayo sa Panginoon.

T. Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.

Tagapagdiwang:

Ama naming makapangyarihan,


ikaw ay aming kanlungan at lakas.
Bilang tugon sa aming ngayo‘y dumadalangin,
itulot mong ikaw ay aming makapiling.
Ginawa mong kami’y makapanalanging taimtim
kaya’t ang may pagtitiwala naming hinihiling
ay ipagkaloob mong totohanan naming kamtin
sa pamamagitan ni Hesukristo
asama ng Espiritu Santo magpasawaIang hanggan.
Sasagot ang mga tao:

Amen.
BANAL NA MISA AT PAGBUBUKAS NG SINODO SA LOKAL NA SIMBAHAN 19

PAGDIRIWANG
NG HULING HAPUNAN
Pagkatapos, sisimulan ang awit ng pag-aalay. Samantalang ito’y ginaganap, ilalagay ng mga
tagapaglingkod ang telang patungan ng Katawan ni Kristo, ang pamahiran, ang kalis, at ang
Aklat ng Pagmimisa sa ibabaw ng dambana.

Nababagay na ang pakikiisa ng mga nagsisimba ay ipahayag sa pamamagitan ng prusisyon ng


pag-aalay ng tinapay at alak at ng iba pang handog para sa Simbahan at para sa mga dukha.

Ngayon nama’y tatayo ang Tagapagdiwang sa gawing gitna ng dambana, hahawakan niya
ang pinggan ng tinapay nang bahagyang nakaangat sa dambana, habang dinarasal niya nang
pabulong:

K apuri-puri ka, Diyos Amang Lumikha sa sanlibutan.


Sa iyong kagandahang-loob, narito ang aming maiaalay.
Mula sa lupa at bunga ng aming paggawa ang tinapay na ito
para maging pagkaing nagbibigay-buhay.

Ilalapag niya ang pinggan ng tinapay sa telang patungan ng Katawan ni Kristo.

Kapag hindi ginaganap ang awit ng pag-aalay, ang mga pangungusap na ito ay madarasal nang
malakas ng Tagapagdiwang at sa katapusan makapagbubunyi ang mga tao:

Kapuri-puri ang Poong Maykapal ngayon at kailanman!


Ang Tagapagdiwang ay magbubuhos ng alak at kaunting tubig sa kalis habang dinarasal nang
pabulong:

Sa paghahalong ito ng alak at tubig


kami nawa’y makasalo sa pagka-Diyos ni Kristo
na nagpagindapat makihati sa aming pagkatao.
20 BANAL NA MISA AT PAGBUBUKAS NG SINODO SA LOKAL NA SIMBAHAN

Pagbalik sa gawing gitna ng dambana, hahawakan ng Tagapagdiwang ang kalis nang bahagyang
nakaangat sa dambana habang dinarasal niya nang pabulong:

K apuri-puri ka, Diyos Amang Lumikha sa sanlibutan.


Sa iyong kagandahang-loob, narito ang aming maiaalay.
Mula sa katas ng ubas at bunga ng aming paggawa ang alak na ito
para maging inuming nagbibigay ng iyong Espiritu.
Illapag niya ang kalis sa telang patungan ng Katawan ni Kristo.

Kapuri-puri ang Poong Maykapal ngayon at kailanman!


Pagkatapos, yuyuko ang Tagapagdiwang habang dinarasal niya nang pabulong:

Diyos Amang Lumikha, nakikiusap kaming mga makasalanan.


Tanggapin mo ang aming pagsisisi bilang handog
upang kami’y matutong sumunod sa iyo nang buong puso.
Kung minamabuting gawin, iinsensuhan ng Tagapagdiwang ang mga alay at ang dambana
pagkaraa’y iinsensuhan ng diyakono o ng tagapaglingkod ang Tagapagdiwang at ang mga
nagsisimba.

Pagkatapos, ang Tagapagdiwang ay pupunta sa gilid ng dambana, maghuhugas siya ng mga


kamay samantalang pabulong niyang dinarasal:

O Diyos kong minamahal,


kasalanan ko‘y hugasan
at linisin mong lubusan
ang nagawa kong pagsuway.
BANAL NA MISA AT PAGBUBUKAS NG SINODO SA LOKAL NA SIMBAHAN 21

Pagbalik ng Tagapagdiwang sa gawing gitna ng dambana, ilalahad niya ang kanyang mga kamay
sa mga tao at muli niyang pagdaraupin habang kanyang ipinahahayag:

Manalangin kayo, mga kapatid,


upang ang paghahain natin ay kalugdan
ng Diyos Amang makapangyarihan.
Sasagot ang mga tao:

Tanggapin nawa ng Panginoon


itong paghahain sa iyong mga kamay
sa kapurihan niya at karangalan
sa ating kapakinabangan
at sa buong Sambayanan niyang banal.

PANALANGIN UKOL SA MGA ALAY


Pagkaraa’y, ilalahad ng Tagapagdiwang ang kanyang mga kamay at darasalin niya ang panalangin
ukol sa mga alay.

A ma naming lumikha,
gawin mong banal ang aming mga alay sa dambana
at dalisayin ng liwanag ng Espiritu Santo ang aming adhika
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama rin ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Sasagot ang mga nagsisimba bilang pagbubunyi:

Amen.
22 BANAL NA MISA AT PAGBUBUKAS NG SINODO SA LOKAL NA SIMBAHAN

UNANG PAGBUBUNYI O PREPASYO SA ESPIRITU SANTO


Ang Pagsusugo ng Panginoon sa Espiritu Santo sa Sambayanan

P. Sumainyo ang Panginoon.


B. At sumainyo rin.

P. Itaas sa Diyos ang inyong puso at diwa.


B. Itinaas na namin sa Panginoon.

P. Pasalamatan natin ang Panginoong ating Diyos.


B. Marapat na siya ay pasalamatan.
Tagapagdiwang:

A ma naming makapangyarihan,
tunay ngang marapat
na ikaw ay aming pasalamatan
sa pamamagitan ni Hesukristo
na aming Panginoon.

Noong siya’y umakyat sa kalangitan


at lumuklok sa iyong kanan,
isinugo niya ang pangakong Espiritu
sa iyong itinuturing na mga anak mo.

Kaya kaisa ng mga anghel


na nagsisiawit ng papuri sa iyo
nang walang humpay sa kalangitan
kami’y nagbubunyi sa iyong kadakiIaan:
BANAL NA MISA AT PAGBUBUKAS NG SINODO SA LOKAL NA SIMBAHAN 23

SANTO

Santo, Santo, Santo


Panginoong Diyos ng mga hukbo!
Napupuno ang langit at lupa
ng kadakilaan mo!
Osana sa kaitaasan!
Pinagpala ang naparirito
sa ngalan ng Panginoon!
Osana sa kaitaasan!
24 BANAL NA MISA AT PAGBUBUKAS NG SINODO SA LOKAL NA SIMBAHAN

IKALAWANG PANALANGIN
NG PAGPUPURI AT PAGPAPASALAMAT

Nakalahad ang mga kamay ng Tagapagdiwang sa pagdarasal.

A ma naming banal,
ikaw ang bukal ng tanang kabanalan.
Pagdaraupin ng Tagapagdiwang ang kanyang mga kamay at lulukuban ng mga kamay niya ang
mga alay habang siya’y nagdarasal.

Kaya’t sa pamamagitan ng iyong Espiritu


gawin mong banal ang mga kaloob na ito
Pagdaraupin ng Tagapagdiwang ang kanyang mga kamay at kukrusan niya ang tinapay at kalis,
samantalang kanyang dinarasal:

upang para sa ami’y maging Katawan at Dugo X


ng aming Panginoong Hesukristo.
Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay.

Ang mga salita ng Panginoon sa mga sumusunod na pangungusap ay ipahahayag nang malinaw
at nauunawaan ng tanan ayon sa hinihingi ng kahulugan ng mga ito.

Bago niya pinagtiisang kusang loob


na maging handog,
Hahawakan ng Tagapagdiwang ang tinapay nang bahagyang nakataas sa ibabaw ng dambana
habang kanyang patuloy na inihahayag:

hinawakan niya ang tinapay,


pinasalamatan ka niya,
pinaghati-hati niya iyon,
iniabot sa kanyang mga alagad
at sinabi:
BANAL NA MISA AT PAGBUBUKAS NG SINODO SA LOKAL NA SIMBAHAN 25

Bahagyang yuyuko ang Tagapagdiwang.

T ANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT KANIN:


ITO ANG AKING KATAWAN
NA IHAHANDOG PARA SA INYO.
Ipamamalas niya ang ostiyang itinalagang maging Katawan at Dugo ni Kristo, ipapatong niya ito
sa pinggan, at luluhod siya bilang pagsamba.

Magpapatuloy ang Tagapagdiwang.

Gayun din naman, noong matapos ang hapunan,


Hahawakan ng Tagapagdiwang ang kalis nang bahagyang nakataas sa ibabaw ng dambana
habang kanyang patuloy na inihahayag:

hinawakan niya ang kalis,


muli ka niyang pinasalamatan,
iniabot niya ang kalis sa kanyang mga alagad
at sinabi:
Bahagyang yuyuko ang Tagapagdiwang.

T ANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT INUMIN:


ITO ANG KALIS NG AKING DUGO
NG BAGO AT WALANG HANGGANG TIPAN,
ANG AKING DUGO NA IBUBUHOS
PARA SA INYO AT PARA SA LAHAT
SA IKAPAGPAPATAWAD NG MGA KASALANAN.

GAWIN NINYO ITO SA PAG-ALALA SA AKIN.


Ipamamalas niya ang kalis, ipapatong niya ito sa telang patungan ng Katawan ni Kristo, at
luluhod siya bilang pagsamba.

Pagkatapos, ipahahayag ng Tagapagdiwang:

Ipagbunyi natin ang misteryo ng pananampalataya.


26 BANAL NA MISA AT PAGBUBUKAS NG SINODO SA LOKAL NA SIMBAHAN

Ang mga tao ay magbubunyi:

Aming ipinahahayag
na namatay ang ‘yong Anak,
nabuhay bilang Mesiyas
at magbabalik sa wakas
para mahayag sa lahat.
Ilalahad ng Tagapagdiwang ang kanyang mga kamay samantalang siya ay nagdarasal:

A ma,
ginagawa namin ngayon ang pag-alala
sa pagkamatay at muling pagkabuhay ng iyong Anak
kaya’t iniaalay namin sa iyo
ang tinapay na nagbibigay-buhay
at ang kalis na nagkakaloob ng kaligtasan.
Kami’y nagpapasalamat
dahil kami’y iyong minarapat
na tumayo sa harap mo
para maglingkod sa iyo.

Isinasamo naming kaming magsasalu-salo


sa Katawan at Dugo ni Kristo
ay mabuklod sa pagkakaisa
sa pamamagitan ng Espiritu Santo.
Isa sa mga nakikipagmisa:

A ma,
lingapin mo ang iyong Simbahang
laganap sa buong daigdig.
Puspusin mo kami sa pag-ibig
kaisa ni Francisco, na aming Papa
at ni N., na aming Obispo
at ng tanang kaparian.
BANAL NA MISA AT PAGBUBUKAS NG SINODO SA LOKAL NA SIMBAHAN 27

Isa sa mga nakikipagmisa:

A lalahanin mo rin ang mga kapatid


naming nahimlay
nang may pag-asang sila’y muling mabubuhay
gayun din ang lahat ng mga pumanaw.
Kaawaan mo sila at patuluyin sa iyong kaliwanagan.
Kaawaan mo at pagindapatin kaming lahat
na makasalo sa iyong buhay na walang wakas.
Kaisa ng Mahal na Birheng Maria na Ina ng Diyos,
ng kanyang Kabiyak ng puso, si San Jose,
kaisa ng mga apostol at ng lahat ng mga banal
na namuhay dito sa daigdig nang kalugud-lugod sa iyo,
maipagdiwang nawa namin ang pagpupuri sa ikararangal mo.
Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay.

sa pamamagitan ng iyong Anak


na aming Panginoong Hesukristo.
Hahawakan ng Tagapagdiwang ang pinggang may ostiya at ang kalis na kapwa niya itataas
habang kanyang ipinahahayag.

S A PAMAMAGITAN NI KRISTO, KASAMA NIYA, AT SA KANYA


ANG LAHAT NG PARANGAL AT PAPURI AY SA IYO,
DIYOS AMANG MAKAPANGYARIHAN,
KASAMA NG ESPIRITU SANTO
MAGPASAWALANG HANGGAN.
Ang mga tao ay magbubunyi:

Amen.
28 BANAL NA MISA AT PAGBUBUKAS NG SINODO SA LOKAL NA SIMBAHAN

ANG PAKIKINABANG
Pagkalapag ng kalis at pinggan sa dambana, ipahahayag ng Tagapagdiwang nang may magkadaop
na mga kamay:

S a tagubilin ng mga nakagagaling na utos


at turo ni Hesus na Panginoon natin at Diyos
ipahayag natin nang lakas-loob:
Illalahad ng Tagapagdiwang ang kanyang mga kamay at ipahahayag niya kaisa ng lahat.

Ama namin, sumasalangit ka.


Sambahin ang ngalan mo.
Mapasaamin ang kaharian mo.
Sundin ang loob mo
dito sa lupa para nang sa langit.

Bigyan mo kami ngayon


ng aming kakanin sa araw-araw.
At patawarin mo kami sa aming mga sala
para nang pagpapatawad namin
sa nagkakasala sa amin.
At huwag mo kaming ipahintulot sa tukso.
At iadya mo kami sa lahat ng masama.
Nakalahad ang mga kamay ng Tagapagdiwang sa pagdarasal:

Hinihiling naming
kami’y iadya sa lahat ng masama,
pagkalooban ng kapayapaan araw-araw,
iIigtas sa kasalanan
at ilayo sa lahat ng kapahamakan
samantalang aming pinananabikan
ang dakilang araw ng pagpapahayag
ng Tagapagligtas naming si Hesukristo.
BANAL NA MISA AT PAGBUBUKAS NG SINODO SA LOKAL NA SIMBAHAN 29

Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay. Wawakasan ng sambayanan ang panalangin sa
ganitong pagbubunyi:

Sapagkat iyo ang kaharian


at ang kapangyarihan at ang kapurihan
magpakailanman! Amen.
Pagkatapos, malakas na darasalin ng Tagapagdiwang nakalahad ang mga kamay:

P anginoong Hesukristo,
sinabi mo sa iyong mga Apostol:
“Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo.
Ang aking kapayapaan ang ibinibigay ko sa inyo.”
Tunghayan mo ang aming pananampalataya
at huwag ang aming mga pagkakasala.
Pagkalooban mo kami ng kapayapaan
at pagkakaisa ayon sa iyong kalooban.
Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay.

kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.


Sasagot ang mga tao:

Amen.
Ang Tagapagdiwang ay paharap sa sambayanang maglalahad at magdaraop ng mga kamay sa
pagpapahayag.

Ang kapayapaan ng Panginoon ay laging sumainyo.


Sasagot ant mga tao:

At sumaiyo rin.
Maidaragdag, kung minabuti, ang paanyayang ipahahayag ng diyakono o Tagapagdiwang:

Magbigayan kayo ng kapayapaan sa isa’t isa.


At, alinsunod sa kaugalian ng iba’t-ibang pook, ang mga nagsisimba ay mabigbigyan ng
kapayapaan. Ang Tagapagdiwang at ang mga tagapaglingkod ay makapagbibigayan ng
kapayapaan.
30 BANAL NA MISA AT PAGBUBUKAS NG SINODO SA LOKAL NA SIMBAHAN

Pagkatapos, hahawakan ng Tagapagdiwang ang ostiya at hahati-hatiin niya ito sa ibabaw ng


pinggan at isasawak niya ang kaputol sa kalis habang pabulong niyang dinarasal:

Sa pagsasawak na ito
ng Katawan sa Dugo ng aming Panginoong Hesukristo
tanggapin nawa namin sa pakikinabang
ang buhay na walang hanggan.
Samantalang ginaganap ang paghahati-hati sa ostiya, aawitin o darasalin ang pagluhog na ito.

Kordero ng Diyos,
na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
maawa ka sa amin.
Kordero ng Diyos,
na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
maawa ka sa amin.
Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan,
ipagkaloob mo sa amin ang kapayapaan.
Ito ay mauulit-ulit habang ginaganap ang paghahati-hati sa tinapay. Sa huling, pag-uulit saka pa
lamang idurugtong ang “ipagkaloob mo sa amin ang kapayapaan.”

Magkadaop ang mga kamay ng Tagapagdiwang sa pabulong na pagdarasal.

Panginoong Hesukristo, Anak ng Diyos na buhay,


sa kalooban ng Ama kasama ng Espiritu Santo,
binuhay mo sa iyong pagkamatay ang sanlibutan.
Pakundangan sa iyong banal na Katawan at Dugo,
iadya mo ako sa tanang aking kasalananat lahat ng masama,
gawin mong ako’y makasunod lagi sa iyong mga utos,
at huwag mong ipahintulot na ako’y mawalay sa iyo kailanman.
BANAL NA MISA AT PAGBUBUKAS NG SINODO SA LOKAL NA SIMBAHAN 31

o kaya:

Ang pakikinabang sa Katawan at Dugo mo,


Panginoong Hesukristo,
ay huwag nawang magdulot ng paghuhukom
at parusa sa kasalanan ko.
Alang-alang sa iyong dakilang pag-ibig
nawa’y aking matanggap
ang pagkupkop mo sa akin at kaloob mong lunas.

Luluhod ang Tagapagdiwang at pagtayo niya’y kanyang hahawakan ang ostiya na itataas sa
ibabaw ng pinggan. Paharap sa mga tao siyang magsasabi ng malakas:

Ito ang Kordero ng Diyos.


Ito ang nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan.
Mapalad ang mga inaanyayahan sa kanyang piging.
Idurugtong niyang minsanan kaisa ng sambayanan:

Panginoon, hindi ako karapat-dapat na magpatuloy sa iyo


ngunit sa isang salita mo lamang ay gagaling na ako.
Siya’y makikinabang nang magalang at nakayuko sa dambana habang pabulong na nagdarasal:

Ipagsanggalang nawa ako ng Katawan ni Kristo


para sa buhay na walang hanggan.
Mapitagan niyang tatanggapin ang Katawan ni Kristo.

Pagkatapos, hahawakan ng Tagapagdiwang ang kalis at pabulong na magdarasal:

Ipagsanggalang nawa ako ng Dugo ni Kristo


para sa buhay na walang hanggan.
Mapitagan niyang tatanggapin ang Dugo ni Kristo.
32 BANAL NA MISA AT PAGBUBUKAS NG SINODO SA LOKAL NA SIMBAHAN

Hahawakan niya ang pinggan o lalagyan ng ostiya at lalapitan niya ang mga nakikinabang,
bahagyang itataas ang ostiya para sa bawat nakikinabang habang sinasabi:

Katawan ni Kristo.
Ang nakikinabang ay tutugon:

Amen.
Ganito rin ang gagawin ng diyakono na nagdudulot ng pakinabang.

Samantalang nakikinabang ang Tagapagdiwang, sisimulan ang awit sa pakikinabang.

Pagkapakinabang, ang mga mumo ng ostiya na nasa pinggan ay titipunin sa kalis na huhugasan
ng pari o diyakono o tagapaglingkod. Habang ito ay ginaganap ng pari, pabulong siyang
magdarasal:

Ama naming mapagmahal,


ang aming tinanggap ngayon ay amin nawang mapakinabangan
at ang iyong ipinagkaloob ay magdulot nawa sa amin
ng kagalingang pangmagpakailanman.
Makababalik ngayon sa upuan ang Tagapagdiwang. Makapag-uukol ng ilang saglit na katahimikan
o makaaawit ng papuri o salmo.
BANAL NA MISA AT PAGBUBUKAS NG SINODO SA LOKAL NA SIMBAHAN 33

PANALANGIN PAGKAPAKINABANG
Pagkaraan, ang Tagapagdiwang ay titindig sa harap ng upuan o sa gawi ng dambana paharap sa
mga nagsisimbang magpapahayag:

Manalangin tayo.
Kung di pa nagaganap ang tahimik na pagdalangin, ito ay gagawin ngayon, at pagkaraan, ang
panalangin pagkapakinabang ay ipahahayag ng Tagapagdiwang nakalahad ang mga kamay.

A ma naming mapagmahal,
ang nag-uumapaw na Espiritu sa aming kalooban
ay siya nawang sa ami’y dumalisay
at pausbungin nawa sa aming kaibuturan
ang kanyang dinidilig na kabutihang bigay
sa pamamagitan ni Hesukristo
kasama rin ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Tutugon ang sambayanan:

Amen.
34 BANAL NA MISA AT PAGBUBUKAS NG SINODO SA LOKAL NA SIMBAHAN

ANG PANALANGIN NG SINODO: ADSUMUS SANCTE SPIRITUS


Maaaring dasalin ang panalanging ito habang isinasagawa prosesong synodal sa antas ng
diyosesis. Sinasabing katha ni San Isidro ng Sevilla (560-636), naging tradisyon na ng simbahan
sa nakalipas na daan-daang taon na dasalin ito sa mga Konsilyo at Sinodo. Ang panalanging ito
ay iniangkop para sa Paglalakbay Pang-Sinodo ng Simbahan mula 2021 hanggang 2023.

Narito kami sa iyong haparan, Espiritung Banal,


na natitipon sa iyong ngalan.
Ikaw ang tanging gabay namin,
manahan ka sa aming mga puso.
Ituro mo sa amin ang daang dapat tahakin
at ang pamamaraan upang matupad ito.
Kami’y mahina at makasalanan,
ipagadya mong maging sanhi kami ng kaguluhan.
Huwag mong hayaang iligaw kami
ng kamangmangan tungo sa maling daan
o di kaya’y malihis sa aming pagkilos.
Akayin mo kami sa pagkakaisa
upang makapaglakbay kami ng samasama
patungo sa buhay na walang hanggan
at huwag mawalay mula sa daan ng katotohanan at katuwiran.
Ang lahat ng ito ay aming hinihiling sa iyo
na kumikilos sa lahat ng dako at panahon
sa pakikipagkaisa ng Ama at Anak
magpasawalang hanggan.
Amen.
Maaaring umawit ng isang Awit kay Maria at maaaring mag-alay ng mga bulaklak sa imahen ng
Mahal na Birhen mula sa iba’t ibang samahan sa parokya.
BANAL NA MISA AT PAGBUBUKAS NG SINODO SA LOKAL NA SIMBAHAN 35

PAGHAYO SA PAGWAWAKAS
Maisusunod kapag may ipagbibigay-alam, ang mga maiiksing patalastas na sasabihin sa mga
tao.

Pagkatapos, gaganapin ang paghayo. Ang Tagapagdiwang na nakalahad ng mga kamay sa mga
tao ay magpapahayag:

Sumainyo ang Panginoon.


Sasagot ang lahat:

At sumaiyo rin.
Ang diyakono o ang Tagapagdiwang na rin kapag walang diyakono ang magpapahayag ng
paanyaya:

Magsiyuko kayo habang iginagawad ang pagbabasbas.


Tagapagdiwang:

Tayo ang Katawan ni Kristo,


at ang bawat isa ay bahagi nito.
Panatilihin nawa ng Panginoon
kayong kanyang bayan
sa pagkakaisa ng kanyang pag-ibig
upang sa kanya’y manalig ang mundo
ngayon at magpasawalang hanggan.
Sasagot ang koro at lahat:

Amen.
Tagapagdiwang:

Tayong lahat ay tinawag sa kabanalan.
Hikayatin nawa ang bawat isa
ng mga relihiyoso, mga layko at ng buong Bayan ng Diyos,
na mamuhay ayon sa liwanang ng Mabuting Balita
ngayon at magpasawalang hanggan.
36 BANAL NA MISA AT PAGBUBUKAS NG SINODO SA LOKAL NA SIMBAHAN

Sasagot ang koro at lahat:

Amen.

Tagapagdiwang:

Ang Katawan ni Kristo ay nabubuo


at itinataguyod ng iba’t ibang kaloob at paglilingkod.
Ang mga diyakono, mga pari, (mga Obispo)
at ang lahat ng lingkod ng Bayan ng Diyos,
panatilihin nawa kayo ng Panginoon
na maging tapat at puspos ng kagalakan
sa paglilingkod sa misyon ng Simbahan
ngayon at magpasawalang hanggan.
Sasagot ang koro at lahat:

Amen.
Babasbasan ng Tagapagdiwang ang mga tao habang kanyang ipinahahayag.

P agpalain kayo ng makapangyarihang Diyos,


Ama X at Anak X at Espiritu X Santo.
Sasagot ang lahat:

Amen.

Ang diyakono na magkadaop ang mga kamay ay magpapahayag ng paghayo sa sambayanan:

Humayo kayong taglay ang kapayapaan


upang ang Panginoon ay mahalin at paglingkuran.
Sasagot ang mga tao:

Salamat sa Diyos.
Karaniwan, ang dambana ay bibigyang-paggalang sa paghalik dito ng Tagapagdiwang at matapos
makapagbigay-pitagan kaisa ng mga tagapaglingkod, siya ay hahayo.

You might also like