You are on page 1of 2

SITWASYONG PANGWIKA SA MIDYA

1. Pansinin ang wikang nangibabaw sa napiling panonoorin, Anong barayti ng wika ang pinaka
gamitin sa pelikula/dokumentaryo?

- Ang wika na nangibabaw ay ang wikang Tagalog, at ang barayti ng wika na pinaka ginamit
sa pelikula ay ang Morplohikal na barayti ng wika, dahil mayroong barayti sa pagbubuo salita
na maliwanag na maoobserbahan sa penikula.

2. Magbigay ng 3 (tatlo) eksena o pangyayari sa pelikula o dokumentaryo kung saan


maoobserbahan mo ang gamit ng wika sa lipunan mula sa prinsipyo o pag-aaral nila Jakobson at
M.A.K Halliday. Ipaliwanag kung paano mailalarawan ang gamit ng wika sa lipunan mula sa
tinampok na eksena o pangyayari. 

 "Negosyo o kalayaan? Bayan o sarili? Pumili ka." Scene

- Nagamit dito ang Informative na gamit ng pananalita na nagmula kay Roman Jakobson, dahil
makikita sa eksena na ito ang pagiging desidido ni Heneral Luna sa pagbubukas ng mga mata
ng mga impluwensyal na tao sa kaniyang paligid. Ninais niyang magbigay ng impormasyon
tungkol sa totoong intensyon ng mga Amerikano at dapat nila unahin ang makakabuti sa
kanilang bansa imbes sa kanilang sarili.

 “Maaaring hangin nga ito sa pandinig natin pero para kay Luna totoo lahat iyon”

- Maoobserbahan sa eksena na ito ang pagbibigay mensahe nina Felipe Buencamino, Pedro
Paterno, Heneral Tomas Mascarado, kay Emilio Aguinaldo tungkol sa mga sinabi ni Antonio
Luna ukol sa kaniyang pahayag na hindi siya magdadalawang isip na barilin ang sino man na
traydor sa bansa.

 Ang pagaaresto kay Heneral Tomas Mascardo

- Makikita sa mga eksena ang pagpapasahan ng mga mensahe na mula kay Heneral Luna at
kay Heneral Tomas Mascardo, ito ang representasyonal na gamit ng wika ayon kay M.A.K
Halliday.

3. Ibigay ang buod o salaysay ng napiling pelikula o dokyumentaryo. 

- Ang Heneral Luna ay isang pelikula tungkol sa dating Heneral na si Antonio Luna. Makikita
sa palabas kung paano lumaban si Antonio Luna kasama ang kaniyang mga sundalo sapagkat
tutol ang mga miyembro ng kabinete sa kaniyang mga paniniwala.
4. Magbahagi ng 4 na reyalisasiyon (realitiazion) mula sa paksa o isyung tinangkang talakayin sa pelikula
o dokyumentaryo. 

 Huwag magpaka-alipin sa ibang tao


 Unahin dapat ang ating priyoridad
 Dapat tayo’y maging tapat sa ating sarili pati narin sa ating kapwa
 Dapat gamitin ang kapangyarihan sa mabuti na paraan

5. Sa iyo bang palagay, naging mabisa ba ang ginamit o nangibabaw na wika sa pelikula o
dokyumentaryo sa paglalahad ng nais nitong iparating na mensahe sa mambabasa? Bigyan ng
pagpapaliwanag ang iyong sagot.

Naging mabisa ang wika na ginamit sa pelikula, dahil naipapakita kung paano nakipag komunika
ang mga Pilipino sa isa’t isa noon sa panahon ni Heneral Luna. Gamit ang wikang Tagalog mas
madaling maintindihan ang daloy ng kwento sa palabas.

You might also like