You are on page 1of 3

SANAYSAY

-Una itong sumibol sa Pransya,

-Kilalangmananalaysay ay si si Michel de Montaigne na isinusulat ang buhay-buhay ng mga tao sa isang


tuluyang pamamaraan.

ika-17 na siglo

- nakarating na rin ang sanaysay sa Inglatera ngunit patuloy na napagyaman ng mga Pranses na nagdulot
ng Gintong Panahon ng Literaturang Pranses .

ika-18 na siglo

-nauso ang mga peryodikal na sanaysay, at bago magsimula ang

ika-19 na siglo

-nailalathala na ito at nababasa sa mga magasin at dyornal.

Ika-20 siglo

- nang mapansin ng mga tao ang kritikal na elemento nito, kung kaya’t nagkaroon ng mga sanaysay na
mapanuri at akademiko

SANAYSAY SA PILIPINAS

Ayon kay Alejandro G. Abadilla, ang sanaysay ay pagsasalaysay ng isang sanay o nakasulat na karanasan
ng isang sanay sa pagsasalaysay.

Ayon sa kanya sa lahat ng uri ng katha, sanaysay ang pinakamalawak ang saklaw at may kahirapang
bigyan ng tiyak na katuturan.

Hindi ito maaaring limitahin sa anyo at sa nilalaman.

Walang katiyakan ang haba nito at kung kanino nakatuon.

Maaaring ito’y para sa bata o matanda, mahirap o mayaman, babae o lalaki at iba pa.

Sa Panahon ng Kastila

Sa panahon ng nakilala sina Jose Riza, Marcelo H. Del Pilar, Graciano Lopez-Jaena, Jose A. Burgos
sa kanilang mga sanaysay na karaniwang pagsusuri o pagtutuligsa sa lipunan o pamahalaan
bagkus ito’y nakasulat sa wikang Kastila.

Mga sanaysay sa panahon Ng Kastila na isinulat ni rizal


“Sobre La Indolencia de los Filipinos,”
 tinalakay ni Rizal ang mga sanhi ng katamaran ng mga Pilipino
 .Ipinahiwatig niya na ang mga Kastila ang dahilan o sanhi ng katamaran ng mga Pilipino.
“Filipina, Dentro de Cien Años,”
 Sanay say na isinulat ni Rizal
 Dito niya inilahad ang maaaring mangyari sa Pilipinas pagkaraan ng isandaang taon kung
hindi magbabago ang pamamalakad at pagtrato ng mga Kastila.

Sa panahin ng kastila ang sanaysay na naisusulat ay patungkol sa pamumuhay ng mga Pilipino sa kamay
ng mga mapang-api at mapang-abusong Kastila.

Panahon ng Americano

Sa panahon ng Americano nagkaroon ng Eskwelahan at Ingles ang ginagamit bilang medium ng


patuturo.

Claro M. Recto, Rafael Palma at Epifanio de los Santos

 Ang ilan sa mga mananalaysay na pinanatili ang paggamit ng wikang Kastila sa kanilang
sanaysay.
 Kilala sila sa pagsulat ng El Renacimiento.

1905- ay nagkaroon din ng magasin na tinawag na Free Press.

College Folio at Literary Apprentice sa Unibersidad ng Pilipinas

 Ang mga unang sanaysay sa Ingles sa Pilipinas ay dito sa paaralang ito matatagpuan.

Ang karamihan sa mga naisulat noon ay kahawig ng mga gawa ng Amerikano at Briton ngunit sa huli ay
natuto at nakalikha ng sariling estilo ang mga Pilipino kung kaya’t nagkaroon ng mga lathala tulad ng
Philippine Magazine at Philippine Free Press

Halos hindi na nakapaglathala ng mga sanaysay sa Tagalog dahil sa pag-iral ng wikang Ingles.

Panahon ng Hapon

Sa panahon ng pagsakop sa atin ng mga Hapon ay nagkaroon sila ng malaking ambag sa pag-unlad ng
sanaysay dito sa Pilipinas.

Ang kanilang patakaran ay “Pilipinas para sa mga Pilipino.” Ang wikang Tagalog na ginawang wikang
pambansa.
Ipinagbawal ng mga Hapones ang paggamit ng Ingles at kinakailangan Tagalog ang gamit lalo na sa
pagsulat.

Ito ay ikinatuwa at sinamantala ng mga Pilipino.

Nagsisulat sila sa mga dahon ng magasing Liwayway na ang nilalaman ay iba’t ibang akdang
pampanitikan.

You might also like