Professional Documents
Culture Documents
Wastong Gamit NG Mga Salita
Wastong Gamit NG Mga Salita
ng Mag aaral: Wastong Gamit ng mga Salita
Hanapin Mo DIto
Friday, January 11, 2013
Search
Wastong Gamit ng mga Salita
Wastong Gamit ng mga Salita
Mga Nilalaman
Tandaan: Wastong Gamit
Ang "bitawan" ay nauukol sa pook na pinagdarausan ng paglalaban ng mga manok na Wika
walang tari. Ito ay maaring sa kalsada o bakuran. Mga laro
Ang "bitaw" ay idinaraos upang bigyan ng pagsasanay ang mga manok.
2. KAPAG at KUNG Ipinakikilala ng kung ang dikatiyakan ng isang kalagayan; Facebook Followers
Ipinakikilala ng kapag ang isang kalagayang tiyak.
Halimbawa: Teksbok
Umuuwi siya sa probinsiya kapag araw ng Sabado. 3.8K likes
Hindi niya masabi kung Sabado o Linggo ang paguwi niya sa probinsiya.
Magingat ka naman kapag nagmamaneho ka.
Magingat ka kung ikaw ang magmamaneho ng kotse. Like Page
3. KIBO at IMIK Pagkilos ang tinutukoy ng kibo 4 friends like this
Pangungusap ang tinutukoy ng imik.
Halimbawa:
Wala siyang kakibukibo kung matulog.
Hindi siya nakaimik nang tanungin ko.
Mga Nakapansin
Tandaan:
Hindi lamang sa tao nagagamit ang kibo.
Halimbawa:
https://teksbok.blogspot.com/2013/01/wastonggamitngmgasalita1.html 1/12
5/30/2019 Gabay ng Mag aaral: Wastong Gamit ng mga Salita
Kumikibo nang bahagya ang apoy ng kandila. Followers (234) Next
Huwag ninyong kibuin ang mga bulaklak na iniayos ko sa plorera.
4. DAHIL at DAHILAN Pangatnig ang dahil
Pangngalan ang dahilan
Pangukol naman ang dahil sa o dahil kay.
Halimbawa:
Hindi siya nakapasok kahapon dahil sumakit ang ulo niya.
Hindi ko alam kung ano ang dahilan ng kanyang pagkakasakit.
Hindi siya nakapasok kahapon dahil sa sakit ng ulo. Follow
Tandaan:
Ginagamit kung minsan ang dahil bilang pangngalan sa panunula.
Iwasan ito sa karaniwang pangungusap o pagsulat. Tungkol Sa Akin
Iwasan din ang paggamit ng dahil sa bilang pangatnig.
Mali:
Hindi siya nakapasok kahapon dahil sa sumakit ang ulo.
5. HABANG at SAMANTALANG
A R NEL B. MA HILO M
Habang ang isang kalagayang walang tiyak na hangganan,o “mahaba”.
BULA C A N, PHILIPPINES
Samantalang ang isang kalagayang may taning, o “pansamantala”.
VIE W M Y C OM PL E TE PROF IL E
Halimbawa:
Kailangang matutong umasa habang nabubuhay.
Nakikitira muna kami sa kanyang mga magulang samantalang wala pa akong
trabaho.
Gulunggulo ang isip niya habang hindi pa siya sinsagot ng kanyang kasintahan.
Gulunggulo ang isip niya samantalang hindi pa dumarating ang sulat ng kanyang
kasintahan.
Tandaan:
May iba pang gamit ang samantala. Ipinakikilala nito ang pagtatambis sa dalawang
kalagayan.
Halimbawa:
Bakit ako ang pupunta sa kanya samantalang ikaw ang tinatawag kanina pa?
6. IBAYAD at IPAGBAYAD
Ibayad pagbibigay ng bagay bilang kabayaran
Ipagbayad pagbabayad para sa ibang tao
Halimbawa:
Tatlong dosenang itlog na lamang ang ibabayad ko sa iyo sa halip na pera.
Ipagbabayad muna kita sa sine.
Mali at katawatawa:
Ibayad mo ako sa sine
Ibinayad ko siya sa bus.
7. MAY at MAYROON Iisa ang kahulugan ng mga salitang ito; naayon ang gamit sa uri ng
salitang sumusunod. Gamitin ang may kapag susundan ng pangngalan ( mapaisahan o
maramihan ), pandiwa, panguri o pangabay.
Halimbawa:
May anay sa dingding na ito.
May kumakatok sa pinto.
May dalawang araw na siyang hindi umuuwi.
https://teksbok.blogspot.com/2013/01/wastonggamitngmgasalita1.html 2/12
5/30/2019 Gabay ng Mag aaral: Wastong Gamit ng mga Salita
Tandaan:
Gamitin ang mayroon kapag susundan ng kataga, panghalip na panao o pamatlig o pang
abay na panlunan.
Halimbawa:
Mayroon kaming binabalak sa sayawan.
Mayroon iyang malaking suliranin.
Mayroon kayang mangga sa palengke ngayon?
Tandaan:
Maaring gamitin ang mayroon nang nagiiisa.
Halimbawa:
“May asawa ba siya?’ “Mayroon.”
Tandaan:
Nagagamit din ang mayroon bilang pangngalan.
Halimbawa:
Sa aming bayan, madaling makilala kung sino ang mayroon at kung sino ang wala.
8. PAHIRAN at PAHIRIN
Pahiran paglalagay
Pahirin pagaalis
Halimbawa:
Pahirin mo ang sipon sa ilong ng iyong kapatid.
Aking papahirin ang luha sa iyong mga mata, giliw.
Huwag mo nang pahirin ang natirang langis sa makina.
Huwag mong kalimutang pahirin ang iyong muta sa umaga.
Halimbawa:
Pahiran mo ng mantikilya ang aking tinapay.
Aking papahiran ng pampakintab ang aking mesa.
Tayo nang pahiran ng floor wax ang sahig.
Pinahiran niya ng dumi ang aking kuwaderno.
Tandaan:
Pahirin ang ginagamit kung ang nais gawin ay alisin o tanggalin ang isang bagay mula sa
isang bagay.
Pahiran ang ginagamit kung ang ibig ipagkahulugan ay lagyan ng isang bagay ang isang
bagay.
9. PINTO at PINTUAN
Pinto ang inilalapat sa puwang upang hindi ito mapagdaanan at kung
ang tinutukoy ay ang kongkretong bagay.
Halimbawa:
Nangyari ang suntukan sa may pintuan.
Huwag mong iharang ang iyong kotse sa harap ng pintuan.
Sa malapit sa pintuan mo ilagay ang paso ng rosas.
Huwag ninyong gawing tambayan ang pintuan ko.
Si Maria ay haharahara sa pintuan kaya nabangga ni Simon.
Pintuan ang ginagamit kung ang tinutukoy ay isang lugar. Ito ay ang lagusan o
pasukan o ang lugar kung saan nakalagay ang pinto kung meron man.
Halimbawa:
Pininturahan ni Ama ang bagong gawang pinto.
Gawa sa narra ang kanilang pinto.
https://teksbok.blogspot.com/2013/01/wastonggamitngmgasalita1.html 3/12
5/30/2019 Gabay ng Mag aaral: Wastong Gamit ng mga Salita
Tayo nang pumasok sa bakal na pinto.
Masyadong mataas ang pintong kahoy para ating akyatan.
Huwag mong sipain ang pinto.
Tandaan:
Gayon din ang pagkakaiba ng hagdan sa hagdanan
Hagdan ang inaakyatan at binababaan
Hagdanan ang kinalalagyan ng hagdan
10. SUBUKAN at SUBUKIN
Subukan pagtingin nang palihim
Subukin pagtikim at pagkilatis
Halimbawa:
Ibig kong subukan kung ano ang ginagawa nila tuwing umaalis ako sa bahay.
Subukin mo ang bagong labas na mantikilyang ito.
Subukin mo kung gaano kabilis siyang magmakinlya.
Tandaan:
Iisa ang anyo ng mga pandiwang ito sa pangkasalukuyan at pangnakaraan : sinusubok,
sinubok.
Magkaiba ang anyo sa panghinaharap: susubukan, susubukin
11. TAGA at TIGA Walang unlaping tiga. Taga ang dapat gamtin. Gumagamit lamang
ng gitling kapag sinusundan ito ng pangngalang pantangi.
Halimbawa:
TagaNegros ang napangasawa ni Norma.
Ako ang palaging tagahugas ng pinggan sa gabi.
Tandaan:
Naiiba ang unlaping tig na ginagamit kasama ng mga pambilang: tigisa, tigalawa tigatlo tig
apat, atbp.
12. AGAWIN at AGAWAN
Agawin ang isang bagay sa isang tao/hayop.
Agawan ng isang bagay ang isang tao/hayop.
Halimbawa:
Ibig agawin ng bata ang laruan ni Jess.
Ibig agawan ng laruan ni Boy si Jess.
13. HINAGIS at INIHAGIS
Hinagis ng isang bagay
Hnihagis ang isang bagay
Halimbawa:
Hinagis niya ng bato ang ibon.
Inihagis niya ang bola sa kalaro.
14. ABUTAN at ABUTIN
Abutin ang ang isang bagay
Abutan ng isang bagay
Halimbawa:
Abutin mo ang bayabas sa puno.
Abutan mo ng pera ang Nanay.
15. BILHIN at BILHAN
https://teksbok.blogspot.com/2013/01/wastonggamitngmgasalita1.html 4/12
5/30/2019 Gabay ng Mag aaral: Wastong Gamit ng mga Salita
Bilhin ang isang bagay
Bilhan ng isang bagay
Halimbawa:
Bilhin natin ang sapatos na iyon para sa iyo.
Bilhan natin ng sapatos ang ate.
16. WALISAN at WALISIN
Walisin ang isang bagay na maaring tangayin ng walis
Halimbawa:
1. Walisin mo ang mga tuyong dahon sa bakuran.
2. Aking wawalisin ang mga alikabok sa aking kuwarto.
3. Tayo nang walisin ang mga dumi sa sahig.
4. Nais kong walisin ang nagkalat na papel sa aklatan.
Walisan ang pook o lugar
Halimbawa:
1. Napakarumi ng iyong silid. Pwede bang walisan mo naman 'yan?
2. Aking wawalisan ang silidaklatan dahil may bibisita bukas.
3. Walisan mo ang ating bakuran. Tambak ito ng mga tuyong dahon.
4. Nais kong walisan ang aklatan.
Tandaan:
Gamitin ang salitang walisin kung ang ibig tukuyin ay ang pagaalis ng partikular na dumi o
kalat.
Gamitin ang salitang walisan kung ang tinutukoy ay isang partikular na lugar na marumi.
17. SUKLAYIN at SUKLAYAN
Suklayin ang buhok ng sarili o ng iba
Suklayan ng buhok ang ibang tao
Halimbawa:
Suklayin mo ang buhok ko,Luz.
Suklayan mo ako ng buhok, Alana.
18. NAMATAY at NAPATAY
Napatay may tiyak na tao o hayop na pumaslang ng kusa/sinasadya
Namatay kung ang isang tao ay binawian ng buhay sanhi ng sakit, katandaan o
anumang dahilang hindi sinasadya;
ginagamit din sa patalinghagang paraan doon sa mga bagay na walan
buhay.
Halimbawa:
Namatay ang kanyang lolo dahil sa sakit sa atay.
Napatay ang aking alagang aso.
19. MAGSAKAY at SUMAKAY
Magsakay magkarga ( to load)
Sumakay to ride
Halimbawa:
Nagsakay ng sampung kahon ng lansones sa bus si Jo.
Sumakay na tayo sa daraang bus.
20. OPERAHAN at OPERAHIN
Operahin tiyak na bahagi ng katawan na titistisin
Operahan tumutukoy sa tao
Halimbawa:
Ang tumor sa dibdib ng maysakit ay ooperahin mamaya.
https://teksbok.blogspot.com/2013/01/wastonggamitngmgasalita1.html 5/12
5/30/2019 Gabay ng Mag aaral: Wastong Gamit ng mga Salita
Si Luis ay ooperahan sa Martes.
21. NANG at NG
Nang pangatnig na panghugnayan
tagapagpakilala ng pangabay na pamaraan at pamanahon
tagapagugnay ng salitangugat na inuulit at pandiwang inuulit
Ng pantukoy ng pangngalang pambalana
tagapagpakilala ng layon ng pandiwa at tagaganap ng pandiwa
pangukol na kasingkahulugan ng “sa”
A. NANG
Makikita sa unahan ng pangungusap
Halimbawa:
1. Nang dumating ang guro, tumahimik ang mga magaaral.
2. Nang maluto ang sinaing, agad na hinarap ni Maria ang pagpiprito ng isda.
Gamit sa pangabay na pamaraan (adverb of manner).
Halimbawa:
1. Lumakad siya nang dahandahan.
2. Ang tumatakbo nang matulin kung matinik ay malalim.
Gamit sa pagitan ng inuulit na pandiwa.
1. Sayaw nang sayaw ang mga bata sa ulanan.
2. Kanina pa siya ikot nang ikot.
B. NG
Nagsasaad ng pagmamayari.
Halimbawa:
1. Napakagara ang bahay ng mga Dela Cruz.
2. Ang palad ng mayayaman ay tila napakanipis.
Tandaan:
Kung ang sumusunod na salita ay isang pandiwa (verb) at panguri (adjective), gamitin ang
NANG. NANG din ang gamit sa unahan ng pangungusap.
22. KATA at KITA
Kata ikaw at ako
Kita ikaw
Halimbawa:
Manood kata ng sine.
Iniibig kita.
23. KILA at KINA Walang salitang kila. Ang Kina ay maramihan ng kay.
Halimbawa:
Pakidala ang mga laruang ito kina Benny at Maris.
Makikipagusap ako kina Vic at Nona.
24. Ang Raw, Rito, Rin, Roon at Rine ay ginagamit kung ang sinusundang salita ay
nagtatapos sa patinig (vowel a, e i, o, u) o malapatinig (semivowel w, y).
Halimbawa:
Pumunta ka rito.
TagaDabaw (Dabao) rin si Imelda.
Nagaaway raw ang mga bata.
Maliligo rine ang mga dalaga.
Patungo roon ang mga kandidato.
Ang Daw, Dito, Din, Doon at dine ay ginagamit kung ang sinusundang salita ay nagtatapos
sa katinig (consonant).
https://teksbok.blogspot.com/2013/01/wastonggamitngmgasalita1.html 6/12
5/30/2019 Gabay ng Mag aaral: Wastong Gamit ng mga Salita
Halimbawa:
Sa ilog daw maliligo ang mga binata.
Pupunta rin dito ang mga artista.
3. Yayaman din tayo balang araw.
Dito at Doon ang ginagamit sa simula ng isang pangungusap.
Halimbawa:
Dito ba tayo maghihintay?
Doon na tayo mananghalian sa bahay.
25. KUNG at KONG Ginagamit ang kung bilang pangatnig na panubali. Katumbas ito ng if
sa Ingles; ang kong ay panghalip na panao sa kaukulang paari
Halimbawa:
Matutulog na ako kung papatayin mo na ang ilaw.
Nabasa ang binili kong aklat.
26. KUNG DI at KUNDI Ang kung di ay galing sa salitang “ kung hindi” o if not sa Ingles;
ang kundi naman ay except.
Halimbawa:
Aalis na sana kami kung di ka dumating.
Walang sinuman ang pwedeng manood kundi iyong mga may tiket lamang.
27. HAGDAN at HAGDANAN Ang hagdan ( stairs) ay ang baytang na inaakyatan at
binababaan. Samantalam ang hagdanan (stairways) ay ang bahaging kinalalagyan ng
hagdan.
Halimbawa:
Nagmamadaling inakyat ni Marving ang mga hagdan.
Ilagay mo ang hagdanan sa tapat ng bintana.
28. IKIT at IKOT Ginagamit ang ikit para maipakita ang kilos na paggilid mula sa labas
patungo sa loob. Ang ikot naman ay mula sa loob patungo sa labas.
Halimbawa:
Nakatatlong ikit muna sila bago nila natunton ang daan patungo sa loob ng kuweba.
Nahirapan pala silang makalabas ng tunnel. Umikutikot muna sila sa loob nito bago nila
nakita ang daan palabas.
29. HATIIN at HATIAN Hatiin ( to divide) o partihin; Hatian ( to share) o ibahagi.
Halimbawa:
Hatiin mo sa amin ang pakwan.
Hinatian niya ng kanyang hamburger ang namamalimos na bata.
30. NABASAG at BINASAG Ang salitang nabasag ay nangangahulugan ng kilos na di
sinasadya o di ginusto; ang salitang binasag naman ay nagpapakita ng sariling pagkukusa.
Halimbawa:
Galit na galit na binasag ng lalaki ang mga salamin ng kotse.
Nagmamadali kasi siyang maghusga kaya nabasag niya ang mga plato.
31. BUMILI at MAGBILI Bumili to buy; Magbili to sell o magbenta
Halimbawa:
Pumunta ang nanay sa Baguio para bumili ng mga sariwang gulay.
Ang trabaho ng tatay niya ay magbili ng mga lumang kasangkapan.
https://teksbok.blogspot.com/2013/01/wastonggamitngmgasalita1.html 7/12
5/30/2019 Gabay ng Mag aaral: Wastong Gamit ng mga Salita
32. KUMUHA at MANGUHA Kumuha to get; Manguha – to gather, to collect
Halimbawa:
Kumuha ng isang basong tubig si Neth para kay Jean.
Nanguha ng mga kabibe ang mga bata sa dalampasigan.
33. IWAN at IWANAN iwan (to leave something) ay nangangahulugang huwag
isama/dalhin; Ang iwanan (to leave something to somebody) ay nangangahulugang
bibigyan ng kung ano ang isang tao.
Halimbawa:
Iwan nalang niya ang bag niya sa kotse ko.
Iwanan mo 'kong perang pambili ng pananghalian.
34. TUNTON, TUNTONG at TUNGTONG Ang tungtong ay panakip sa palayok o kawali.
Ang tuntong ay pagyapak sa anumang bagay. Ang tunton ay pagbakas o paghanap sa
bakas ng anumang bagay.
Halimbawa:
Hindi Makita ni Mang Efren ang tungtong ng palayok sa kusina.
Tumuntong siya sa mesa upang maabot ang bumbilya.
Hindi ko matunton kung saan na nagsuot ang aming tuta
35. PUTULIN at PUTULAN – putulin ay ang pagputol ng isang bagay samantalang ang
putulan ay ang pagputol ng isang bagay sa tao, hayop at bagay.
Halimbawa:
Huwag nating putulin ang mga puno sa paligid.
Cynthia, putulan mo naman ng mga tuyong sanga ang ating bougainvillea.
36. TAWAGIN AT TAWAGAN – ang salitang tawagin ay ginagamit para palapitin ang isang
tao o hayop; Ang tawagan ay ginagamit para kausapin o bigyanpansin ang isang tao.
Halimbawa:
Tawagin mo na si Connie, kakain na.
Nilo, tawagan mo si Dan para malaman natin kung sasama siya.
Posted by Arnel B. Mahilom at Friday, January 11, 2013
Labels: Wastong Gamit
Riza Mae Tuazon June 21, 2013 at 5:27 PM
salamat po sa info.. Big help po ito para sa akin.. Salamat po ulit. :)
Reply
Irish Sumido June 28, 2013 at 5:46 PM
thanks... big help..
Reply
Anonymous June 28, 2013 at 8:15 PM
makakatulong to sa exam ko bukas :D
Reply
Anonymous July 3, 2013 at 6:19 PM
Maraming slamat po! Malaking tulong to sa exam namin sa Filipino bukas ;)
Reply
Anonymous July 5, 2013 at 8:18 PM
thanks po big help
Reply
https://teksbok.blogspot.com/2013/01/wastonggamitngmgasalita1.html 8/12
5/30/2019 Gabay ng Mag aaral: Wastong Gamit ng mga Salita
lucelle July 14, 2013 at 10:57 AM
thank you so much
Reply
Anonymous July 15, 2013 at 6:19 PM
LETS ROLL
OUT...............................................................................................................................
......................................................................................................................................
......................................................................................................................................
......................................................................................................................................
....................................................................................................................................T
RANSFORMERS..
Reply
crystel bugay July 31, 2013 at 12:42 PM
maraming salamat po...malaki ang naitulong nito...
Reply
Anonymous March 9, 2014 at 8:49 AM
Maraming salamat :) makakatulong 'to sa pagsusulat ko sa wattpad :)
Reply
shirley shy Broma April 26, 2014 at 6:41 PM
subrang marami po ako natutunan maraming salamat po. malaking tulong po ito sa akin lalo
na sa pagsusulat po
Reply
erica alameda June 22, 2014 at 9:58 AM
big help.thank you.
Reply
Anonymous July 23, 2014 at 5:40 PM
Homework? Challege accepted. :)
Reply
Anonymous July 24, 2014 at 4:37 PM
maraming salamat po!
Reply
Anonymous August 3, 2014 at 4:35 PM
ano yun na saka ng????
Reply
jayson s.m September 18, 2014 at 11:19 AM
astig it helps me a lot
Reply
Joralyn Quirante October 26, 2014 at 11:04 PM
MARAMING SALAMAT ^=^ sa mga impormasyong inyong ibinahagi sa website na ito.
Malak ipo ang naitulong nitosa kalinangan nain sa paggamit ng wika.
Reply
Anonymous November 12, 2014 at 8:56 AM
Thank you, Thank you Ang ayos nito! (^^)b
Reply
https://teksbok.blogspot.com/2013/01/wastonggamitngmgasalita1.html 9/12
5/30/2019 Gabay ng Mag aaral: Wastong Gamit ng mga Salita
Anonymous December 10, 2014 at 10:48 PM
thank yow Nagawa ko yung assignment ko :)
Reply
Anonymous January 8, 2015 at 10:58 AM
its a big use :)
Reply
Anonymous March 23, 2015 at 2:37 PM
thanks:)
Reply
Anonymous July 5, 2015 at 10:58 AM
Thankyou so much.It really helps me for my assignment.
Reply
Anonymous July 20, 2015 at 10:30 PM
Maraming salamat po, nakakatulong talaga ang blog post na ito. Thanks!
Reply
eric Dadsaag December 8, 2015 at 5:08 PM
thanks but,
hindi ko po nahanap ang hinahanap ko
PWEDE PO BANG PAKILAGAY NALANG ANG MGA SS:
YAON AT YON
LAMANG AT LANG
FILIPINO AT PILIPINO
PLSSS PAKI LAGAY PO THANK YOU PO!!
Reply
Anonymous July 18, 2016 at 10:14 AM
thanks po pero hindi ko rin po nahanap ung mga salitang
KUNIN AT KUNAN
GAMITIN AT GAMITAN
SA PO MAILAGAY NYO
Reply
Anonymous July 18, 2016 at 2:05 PM
ano ang pinagkaiba ng "kelan" at "kailan?"
Reply
Replies
Clarisse Leigh January 2, 2018 at 1:58 PM
Wala pong word na kelan dahil 'kailan' 'yon.
Reply
Anonymous July 21, 2016 at 11:05 AM
astiggggggggggggggggggggggg
Reply
Anonymous July 21, 2016 at 11:06 AM
Maraming salamat po. Godbless.
Reply
Russ Grh August 10, 2016 at 8:08 PM
Salamat po, nakatulong po Ito ng marami para sa assignment ko.
Reply
https://teksbok.blogspot.com/2013/01/wastonggamitngmgasalita1.html 10/12
5/30/2019 Gabay ng Mag aaral: Wastong Gamit ng mga Salita
Reply
Anthony Lorenzana September 7, 2016 at 8:03 PM
salamat po dahil nakatulong ito sa mga assingments ko hehehe
:P
Reply
Anonymous September 13, 2016 at 11:18 PM
maraming maraming salamat po! marami po kayong natutungulan na mga magaaral tulad
ko po ;) sana'y maipagpatuloy niyo pa po :)))
Reply
Francis Hernandez September 24, 2016 at 2:28 PM
Good for LET!
Reply
Anonymous November 10, 2016 at 4:22 AM
Maraming Salamat po sa Info Kaso po hindi ko po nahanap yung hinahanap ko yung pong
TAWAGIN AT TAWAGAN
HARAP AT HARAPAN
Reply
Petejc84 December 27, 2017 at 5:07 PM
walang practical difference yung situational examples for "habang" and "samantalang."
Reply
Unknown November 11, 2018 at 11:24 PM
Ano po yung wastong gamit ng pasukin at pasukan?
Dalhan at dalhin?
Harapan at harapin?
Salamat po.
Reply
Unknown November 11, 2018 at 11:25 PM
Ano po yung wastong gamit ng pasukin at pasukan?
Dalhan at dalhin?
Harapan at harapin?
Salamat po.
Reply
Enter your comment...
Publish Preview Notify me
Create a Link
Subscribe to: Post Comments (Atom)
https://teksbok.blogspot.com/2013/01/wastonggamitngmgasalita1.html 11/12
5/30/2019 Gabay ng Mag aaral: Wastong Gamit ng mga Salita
Copyright ©2010 Gabay ng Mag aaral All Rights Reserved.
https://teksbok.blogspot.com/2013/01/wastonggamitngmgasalita1.html 12/12