You are on page 1of 1

PHILIPPINE COLLEGE OF SCIENCE AND TECHNOLOGY

Old Nalsian Road, Nalsian, Calasiao, Pangasinan, Philippines 2418


Tel. No. (075)522-8032/Fax No. (075)523-0894/Websit: www.philcst.edu.ph
ISO 9001:2015 CERTIFIED, Member: Philippines Association of College and University (PACU)
Philippines Association of Maritime Institutions (PAMI)

Marylanne A. Perez
BSA-4th Year
MODYUL 6: TAKDANG ARALIN
SOSYEDAD at LITERATURA
TANONG: Ipaliwanag ang depinisyon ni Alejandro Abadilla na “Ang tula ay isang
pagbabagong hugis sa buhay”. Sa iyong palaga, ano-ano ang tema o paksa ng tula sa
makabagong panahon?

Sa depinisyon ni Alejandro Abadilla na “Ang tula ay isang pagbabagong hugis sa buhay”


na kung saan nailalarawan ang mga masasaya at malulungkot na pangyayari at nagsisilbing
instrumento sa pagpapahayag ng mga manunulat ng kanilang damdamin at saloobin na
nararanasan sa buhay. Sa paraan ng pagsulat ng tula, ang buhay ay nagkakaroon ng anyo na kung
saan naibabahagi ang kaisipan sa mas maayos na paraan.

Masasabi na ang tula ay isang pagbabagong hugis sa buhay dahil dito naipapakita ang mga
nararanasan ng tao na maaaring nararanasan din ng ibang tao na magsisilbing inspirasyon para
magpatuloy sa kanilang pinagdaraanan sa buhay at magsilbing kapupulutan ng aral ng mga
mambabasa. Karamihan sa tula ay hango sa totoong pangyayari na nanggagaling sa isip at puso
kaysa sa guni-guni dahil ang mga paksang tinatalakay ngayon ay karaniwang napagdaraanan ng
mga tao.

Isa sa mga naging paraan ng mga Pilipino para maipahayag ang kanilang damdamin at
saloobin ay ang pagsulat ng tula at habang lumilipas ang panahon unti-unting nagkakaroon ng
pagbabago ang istilo ng pagsulat nito. Noong unang panahon mapapansin na ang tula ay mayaman
sa uri, paksa at estraktura ngunit noong dumating ang mga nanakop sa ating bansa ay nagkaroon
ng pagbabago. Ang karaniwang tema o paksang tinatalakay ng manunulat sa tula ay ang
paghihimagsik at pasakit nila sa mga nanakop sa ating bansa. Mapapansin na ang tula noong unang
panahon ay may malalim na salita at kaisipan dahil sa matinding pinagdaanan sa kamay ng mga
nanakop sa ating bansa.

You might also like