You are on page 1of 21

Mga Panimulang Konsiderasyon:

Paglilinaw ng Paksa, mga Layon, at Sitwasyong


Pangkomunikasyon

Layunin

Matapos ng pagtatalakay ng paksang ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


1. Maisa isa ang mga konsiderasyon sa pagpili ng paksa ng pananaliksik;
2. Maipaliwanag ang kabuluhan at halimbawa ng sitwasyong pangkomunikasyon;
at
3. Maisaalang alang ang mga aspektong panlipunan sa paggawa ng malikhain at
mapanghikayat na presentasyon ng impormasyon

Lunsaran

Ang sumusunod na lunsaran ay makatutulong sa mas malalim na pagtatalakay ng


paksa.
• • https://www.youtube.com/watch?v=EwFKk09QvXs
• • https://www.youtube.com/watch?v=wjXKt-PZE1s
• • https://www.youtube.com/watch?v=3Tx3CCqbyt0
• • https://www.youtube.com/watch?v=KqS48fSllfM&t=9s
• • https://www.youtube.com/watch?v=dOJSDkK4-KU

Nilalaman

Ang pananaliksik - isang maingat at detalyadong pag-aaral sa isang tiyak na


problema, pag-aalala, o isyu gamit ang pamamaraang pang-agham. Ito ay
nagbibigay pagkakataon sa atin upang mapataas ang antas ng kaalaman sa
pamamakitan ng eksperimento.
Ito ang pinakamahusay na nagawa sa pamamagitan ng paggawa ng isyu sa
isang katanungan, na may hangarin ng pananaliksik upang sagutin ang tanong. Ito
ay maaring tungkol sa anumang bagay, at maraming halimbawa ng pananaliksik
ang abeylabol sa iba’t ibang midya.
Marami sa malalaking katanungan ng mundo ay nabibigyang linaw ng
pananaliksik. Kaya naman mainam na ang lahat lalo’t higit ang mga ag-aaral ay
nagiging kasangkot sa mga ganitong akademikong gawain. Dahil hindi
nagmamaliw at patuloy pa rin ang pagkokonsidera sa mga kabataan bilang pag-asa
ng bayan, sila ang inaasahang magbibigay solusyon sa problema ng bansa. Isa sa
pinkamainam na paghanap ng kasagutan ay sa pamamagitan ng pananaliksik.

Kaya naman may ilang bagay na dapat isaalang alang ang isang mananaliksik
bago pumili ng batis ng impormasyon para sa pagbuo ng kaalamang ipapahayag sa
isang sitwasyong pangkomunikasyon.

 Una, kailangang malinaw ang tukoy ng paksa at layon ng pananaliksik.


 Pangalwa, dapat na malinaw sa mananaliksik ang pakay niya sa paglahok sa
sitwasyong pangkomunikasyon kung saan ibabahagi ang bubuung kaalaman.
 Pangatlo, kailangang ikonsifera ng mananaliksik ang uri at kalakarang ng
sitwasyong pangkomunikasyon. ang tatlong ito ay may imlpikasyon saisa’t-
isa.

Tunghayan ang bidyo na ito para sa karagdagang kaalaman


https://www.youtube.com/watch?v=3Tx3CCqbyt0.

Ang tukoy na paksa at layon ay ay nakakawing sa dalawang bahagi ang una ay ang
paksa ng sitwasyong pang komunikasyon kung saan ipapahayag ng mananaliksik
ang kaalaman na kanyang bubuuin at ang ikalawa ay kanyang pakay sa paglahok
sa sitwasyong pangkomunikasyon. Batay sa paksa ng sitwasyong
pangkomunikasyon, magdedesisyon ang mananaliksik kung anong pakay sa
paglahok dito. Kung ang paksa naman ng talakayan ay desisyon ng pagsuporta o
pagtutol sa patakaran depende sa bentahe at disbentahe ng pagsasalita, ang isang
tutol sa patakaran ay malamang na may pakay na mangumbinsi ang mga kapwa
kalahok na pumanig sa posisyong laban sa patakaran. Konsiderasyo naman ang uri
at kalakaran ng sitwasyong pangkomunikasyon sa pagbuo ng pahayag ng kaalaman
at pagpili ng plataporma ng pagpapahayag.

Mapapansin sa talakayan na nauna ang paglilinaw sa paksa, uri, at kalakaran ng


sitwasyong pangkomunikasyon bago ang pakay sa paglahok dito ang pagtukoy sa
tiyak na paksa at tiyak na layon ng pananaliksik. Maaari ring kabaligtaran ang
mangyari, na mauna ang pagsasaliksik hinggil sa isang napapanahon at
mahalagang paksa bago magdesisyon ang mananaliksik kung saang sitwasyong
pangkomunikasyon niya ibabahagi ang kaalamang nahalaw at kung ano ang pakay
niya sa pagbabahgi nito. Anuman ang proseso, ang pag alam sa uri ng sitwasyong
pangkomunikasyon ay makatutulong din upang makilala ang kapwa kalahok.
(katalastasan) o audience (tagapakinig, mambabasa, o tagapanood) mapaghandaan
ang posibleng estraktura at daloy ng sitwasyon at makagawa ng estratihiya kung
paano pupukawinang interes ng mga kapwa kalahok o audience.

Si San Juan (2017) ay nagbigay ng limang hakbangin na dapat isakatuparan sa


ikauulad ng pananaliksik mula sa at para sa mga Pilipino bukod sa pagsipat sa iba’t
ibang realidad at/o suliraning panlipunan na maaaring pagmulan ng makbuluhang
adyendang pananaliksik.

 Una, “magpansinan muna tayo bago magpapansin sa iba. I-cite ang


pananaliksik ng kapwa Pilipino paano babasahin ng ibang bansa ang gawang
Pilipino kung hindi rin ito binabasa ng mga Pilipino mismo.
 Ikalawa, “magbuo ng pambansang arkibo ng mga pananaliksik gaya ng
narcis.nl ng Netherlands at diva-portal.org ng Sweden.
 Ikatlo, “magdevelop ng katiwa-tiwalang translation software na libreng
magagamit para sa mga mass translation projects.
 Ikaapat, “bigyang prayoridad ang Filipinisasyon ng lalong maitaas ang
edukasyon at ang mga programamng grdwado.
 Ikalima, “atasan ang lahat ng mga unibersidad na magtayo ng Departamento
ng Filipino at/o Araling Pilipinas.”

Mainam din na ikonsidera ng mananaliksik ang ilan sa mga mungkahi nina


Santiago at Enriquez (1982) para sa maka-Pilipinong pananaliksik.
 Una, iugnay sa interes at buhay ng mga kalahok ang pagpili ng tukoy na
paksa.
 Pangalwa, gumamit ng mga pamamaraan ng pagsisiyasat na nakagawian ng
mga Pilipino, angkop sa kultura, at katanggap tanggap sa ating mga
kababayan.
 Pangatlo, humango ng mga konsepto at paliwanag mula sa mga kalahok,
lalo na iyong makabuluhan sa kanila.

Disenyo ng Pananaliksik:
 Kwantitatibo
 Kuwalitatibo
 Deskriptibo
 Action Research
 Historical
 Pag-aaral ng isang Kaso/Karanasan (Case Study)
 Komparatibong Pananaliksik
 Pamamaraang Nakabatay sa Pamantayan (Normative Studies)
 Etnograpikong Pag-aaral
 Disenyong Eksploratori

Katangian ng Pananaliksik
 Obhetibo
 Sistematiko
 Napapanahon o Naiuugnay sa Kasalakuyan
 Emperikal
 Kritikal
 Masinop, Malinis at Tumutugon sa Pamantayan

Mga Gawain

Gawain 1
Ang mga mag-aaral ay aatasang maglista ng tatlong suliranin na kinahaharap nila,
ng kanilang pamilya, baranggay, rehiyon, bansa, o mundo sa kasalukuyang
panahon. Ang mga ito ay sasalamin sa mga paksang maaring pagsimulan nila ng
pananaliksik. Ang bawat suliranin ay gagawan nila ng posibleng titulo ng
pananaliksik. Ang awtput ng mga mag-aaral ay ilalagay sa ginawang Facebook
Private Group ng guro para sa klase. Para sa mga mag-aaral na walang internet
connection o gumagamit ng free-data, maaaring i-type sa cellphone at isumite sa
guro gamit ang text messaging o chat gamit ang messenger.

Gawain 2
Ang mga mag-aaral ay aatasan naman na maglista ng tatlong paksang kung saan
sobrang interesado sila. Maaari itong may kaugnayan sa kulturang popular, awit,
grupo, o anumang inakakukuha ng kanilang interes at kung ano ang gusto nilang
malaman ukol dito. Ang mga ito ay sasalamin sa mga paksang maaring din nilang
pagsimulan ng pananaliksik. Ang bawat paksa ay gagawan nila ng posibleng titulo
ng pananaliksik. Ang awtput ng mga mag-aaral ay ilalagay sa ginawang Facebook
Private Group ng guro para sa klase. Para sa mga mag-aaral na walang internet
connection o gumagamit ng free-data, maaaring i-type sa cellphone at isumite sa
guro gamit ang text messaging o chat gamit ang messenger.
Mulaan ng Impormasyon:
Mapanuring Pagpili mula sa Samo’t Saring Batis

Layunin

Matapos ng pagtatalakay ng paksang ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


1. Matukoy ang mga mapagkakatiwalasn, makabuluhan, at kapaki-pakinabang na
sanggunian sa pananaliksik;
2. Makapagbibigay ng mga tiyak na halimbawa ng mga batis ng impormasyong
matatagpuan sa tahanan; at
3. Makagamit ng mga tradisyunal at modernong midya sa pagkalap ng
impormasyon .

Lunsaran

Ang sumusunod na lunsaran ay makatutulong sa mas malalim na


pagtatalakay ng paksa.
• https://www.youtube.com/watch?v=Cvmin4VK3m4
• • https://www.youtube.com/watch?v=ATARFHuzagE
Nilalaman

Ang batis ng impormasyon ay ang pinanggagalingan ng mga katunayan


(halimbawa. Facts, and figures at datos (halimbawa. Obserbasyon, berbal, at biswal
na teksto, artifact fossil) na kailangan para makagawa ng mga pahayag ng
kaalaman hinggil sa isang isyu, penomeno, o panlipunang realidad.

Ang mga ito ay maikakategorya sa dalawang pangunahing uri:

 Primaryang Batis

 Sekundaryang Batis

Primary at sekundaryang batis.

Ang primaryang batis ay mga orihinal na pahayag, obserbasyon at teksto na


direktang nagmula sa isang indibidwal, grupo o institusyon nanakaranas,
nakaobserba, o nakapagsiyasat ng isang paksa o phenomena. Halimbawa ng mga
primaryang batis ng mga sumusunod:

Mula sa harapang ugnayan sa kapwa tao:


1. pagtatanong tanong
2. pakikipagkuwentuhan
3. panayam o interbyu
4. pormal, inpormal, estrukturado, o semi estrukturado talakayan;
5. umpukan
6. pagbabahay bahay

Mula sa mga material na nakaimprenta sa papel, na madalas ay may kopyang


electroniko:
1. awtobiyograpiya
2. talaarawan
3. sulat sa koreo at email
4. tesis at diertasyon
5. sarbey
6. artikulo sa journal
7. balita sa diyaryo, radio, at telebisyon;
8. mga rekord ng mga tanggapan ng gobyerno kagaya ng konstitusyon, katitikan ng
pulong kopya ng batas at kasunduan, taunang ulat, at pahayagang pang-
organisasyon.
9. orihinal na dokumento kagaya ng sertipiko ng kasal at testament;
10. talumpati at pananalita; at
11. larawan at iba pang biswal grapika

Mula sa iba pang batis


1. harapan o online na survey.
2. artifact ng bakas o labi ng dating buhay na bagay, specimen pera, kagamitan, at
damit;
3. nakarecord na audio at video,
4. mga blog sa internet na maglalahad ng sariling karanasan o obserbasyon.
5. website ng mga pampubliko at pribadong ahensya sa internet at
6. mga likhang sining tulad ng pelikula, musika, painting, at music video

Ang sekundaryang batis naman ay pahayag ng interpretasyon, opinyon at


kritisismo mula sa indibidwal, grupo, o institusyon na hindi direktang nakaranas,
nakaobserba o nagsaliksik sa isang paksa o penomeno. Kasama na rito ang account
o interpretasyon sa mga pangyayari mula sa taong hindi nakaranas nito o
pagtalakay sa gawa ng iba.

Halimbawa ng sekundaryang batis ang mga suumusunod:

1. Ilang artikulo sa dyaryo at magasin kagaya ng editorial kuro kurong tudling,


sulat sa patnugot, at tsimis o tsika
2. encyclopedia
3. Teksbuk
4. Manwal at gabay na aklat
5. Diksyonaryo at Tesoro
6. Kritisismo
7. Komentaryo
8. Sanaysay
9. Sipi mula sa orihinal na hayag sa teksto
10. Abstrak
11. Mga kagamitan sa pagtuturo kagaya ng powerpoint presentation at
12. Sabi-sabi

Alinman sa mga sekondaryang batis ay maaring maging primaryang batis kung ito
ang mismong paksa ng pananaliksik. Halimbawa ang nilalaman ng tsismis na
pangshowbiz na nalalathala sa mga diyraryo at katuturan nito sa buhay ng mga
Pilipino ay maaring maging paksa ng isang pag aaral ng diskurso.

Sa gayon, ang tsismis ay ituturing na primaryang batis dahil ito mismo ang
susuriin.

Sa pangkalahatan, sa dalwang uri ng batis, binibigyang prayoridad ng isang


mananaliksik ang primarya kesa sekondaryang batis sapagkat ang una ay
nanggaling sa aktuwal na karanasan, obserbasyon o pagsisisyasat kaya itinuturing
na mas katiwa tiwala kaysa pangalawa. Ngunit hindi dapat ipagbalewalang bahala
ang alinmang sekondaryang batis dahil maaaring maghain ito ng kaugnay o
alternatibong perspektiba at kabatiran na magpapapatatag sa kaaalamang binubuo
ng manananaliksik lalo na kung ang mga ito ay mula sa kinikilalang eksperto.

Dagdag pa, daan ito tungo sa pagtukoy ng iba pang mahahalagang batis ng
impormasyon na posibleng magamit ng manananaliksik; gayunman, dapat na
balikan, suriin, at gamitin ng manananaliksik ang primaryang batis kung saan
kinuha ang mga imporamsyong nagamit sa sekondaryang batis (Hinampas 2016).
Sa pagsangguni ng sekondaryang batis, iwasan ang tahasang pagtitiwala sa mga
sanggunian na ang nilalaman ay maaaring baguhin o dagdagan ng sinuman tulad
na lamang ng Wikipedia.

Kapuwa Tao bilang Batis ng Impormasyon.

Sa pagpili ng mga kapuwa tao bilang batis impormasyon, kailangan timbangin ang
kalakasan, kahinaan kaangkupan ng harapan at mediadong pakikipag ugnayan.

Ang mga kapwa-tao ay karaniwang itinuturing na primaryang batis, maliban


kung ang nasagap sa kanila ay nakuha lang din sa sinasabi ng iba pang tao. Sa
harapang ugnayan ng kapwa tao, sinasadya, tinatanong at kinakausap ng
mananaliksik ang indibiwal o grupo na direktang nakakaranas ng penomenong
sinasaliksik, ang mga apektado nito, nakaobserba rito, dalubhasa rito o nakaugnay,
nito sa ibat-ibang dahilan (halimbawa lider ng komunidad kung saan nagaganap
ang penomeno, mananaliksik at nagsisisyasat din sa paksa).
Ilan sa mga kalakasan ng harapang ugnayan ang mga sumusunod:

1. Maaring makakuha ng agarang sagot at paliwanag mula sa tagapagbatid;


2. Makapagbigay ng angkop na angkop na kasunod na tanong (follow-up question)
sa kaniya;
3. Malinaw niya agad ang sagot; at
4. Maoobserbahan ang kanyang berbal at di-berbal na ekspresion.

Subalit nangangailangan ito ng mas malaking badyet at mas malaking oras para sa
fieldwork lalo na kung malalayo at magkakalayo ang kinaroroonan ng mga
tagapagbatid.

Sa mediadong ugnayan naman, maaari tayong makakalap ng impormasyon


mula sa kapwa-tao sa pamamagitang ng ICT (halimbawa. Telepono, email,
pribadong mensahe sa social media), lalo na kung may limitasyon sa panahon at
distansya sa pagitan ng mananaliksik at ng natukoy ng mga indibidwal.

Bentahe naman sa mediadong ugnayan ang:

1. Pagkakataong makapagbatid ang mga nasa malalayong lugar sa anumang oras at


pagkakataon kung kalian nila maiisisingit ang pag responde
2. Ang makatipid sa pamasahe at panahon dahil hindi na kailangang puntahan nang
personal ng manananaliksik ang mga tagapagbatid; at
3. Ang mas medaling pag oorganisa ng mga datos lalo na kung may elektonikong
sistema na ginagamit ang manananaliksik sa pagkalap ng datos (halimbawa. Mga
online survey tools, digital transcriber, vedio analysis, software, computer, assisted
qualitive data analysis.)

Midya bilang batis ng impormasyon


Kung pipiliin ang midya bilang batis ng impormasyon, kelangan ding pag isipang
mabuti ang kalakasan, kahinaan, at kaangkupan nito para sa binubuong pahayag ng
kaalaman. Dapat unahin sa prayoritisasyon ang mga primaryang batis, angkop na
uri ng midya, at kredibilidad ng tukoy na midya.
Mga Gawain

Gawain 1
Ang mga mag-aaral ay aatasang humanap ng mga lehitimong impormasyong gamit
ang kapwa tao bilang batis ng impormasyon gamit ang mediadong ugnayan. Pumili
ng tatlo mula sa anim na paksang binigay ng mag-aaral sa mga gawain ng naunang
paksa. Pumili ng taong maaaring makapagbigay ng tiyak na impormasyong ukol sa
napiling paksa, gamitin ang midya upang makakalap ng impormasyon. Ipaliwanag
sa taong magiging batis ng impormasyon na ang inyong pagpupulong ay gagamitin
sa aktibidad sa klase. Gawan ng dokumentasyon ang ugnayan bilang awtput sa
gawaing ito. Ang awtput ng mga mag-aaral ay ilalagay sa ginawang Facebook
Private Group ng guro para sa klase. Para sa mga mag-aaral na walang internet
connection o gumagamit ng free-data, maaaring i-type sa cellphone at isumite sa
guro gamit ang text messaging o chat gamit ang messenger.

Gawain 2
Mula sa anim na paksang ibinigay sa una at pangalawang gawain sa naunang
paksa, humanap ng tig limang impormasyong susuporta sa mga ito. Dahil sa
kasalukuyang kalagayan, ang maaari lamang gamitin ay ang mga batis ng
impormasyong abeylabol sa inyong tahanan at hindi na kakailanganing lumabas.
Maaari ring gamitin ang mga midya bilang batis ng impormasyon. Lagyan ng
leybel ang mga impormasyon kung ito ay primarya o sekundaryang batis. Ilagay
din kung saang batis nagmula ang mga impormasyong nakalap. Ang awtput ng
mga mag-aaral ay ilalagay sa ginawang Facebook Private Group ng guro para sa
klase. Para sa mga mag-aaral na walang internet connection o gumagamit ng free-
data, maaaring i-type sa cellphone at isumite sa guro gamit ang text messaging o
chat gamit ang messenger.
Paglubog sa mga Impormasyon:
Mga Pamamaraan ng Paghahagilap at Pagbabasa

Layunin

Matapos ng pagtatalakay ng paksang ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


1. Maisa isa ang iba’t ibang paraan ng pagkalap ng impormasyon;
2. Maisagawa ang ilan sa mga pamamaraan ng pagkalap ng impormasyon gamit
ang mga tradisyunal at modernong midya;

Lunsaran

Ang sumusunod na lunsaran ay makatutulong sa mas malalim na pagtatalakay ng


paksa.
• https://www.youtube.com/watch?v=d3XCfnsAQL4
• • https://www.youtube.com/results?search_query=interbyu+sa+pananaliksik
• • https://www.youtube.com/watch?v=F_h_LUv2VF8
• • https://www.youtube.com/watch?v=PCC1xFZFyXE
• • https://www.youtube.com/watch?v=Hj1ZLgvsOPk

Nilalaman

Kung nakapili na ng mayaman at angkop na batis ng imporamsyon, kailangang


paghandaan ng mananaliksik ang pangangalap at pagbabasa ng mga katunayan at
datos. Ang pamamaraan ng pagkalap ng datos ay bahagi ng disenyo ng saliksik
kung kaya inaasahang natukoy na uito ng mananaliksik bago pa man siya pumili
ng batis ng impormasyon. Kwantitatibong disenyo, palasak ang pamamaraang
survey na ginagamitan ng talatanungan at eksperimento na may pretest at post test.
Sa kwalitatibong disenyo, malawak ang pagkakaiba iba ng mga pamamaraan pero
mas palasak ang panayam at pangkatang talakayan.
Tambalan ng pangangalap at pagbabasa ng impormasyon. Maraming disenyo ng
pagsasaliksik (halimbawa. Sarbey, eksperimento, sosyomatrikong analisis) kung
saan kailangan munang malikom ang bago ang pagbabasa at pagsusuri nito. Subalit
mayroon ding mga disenyo kung saan pinagtatambal ang dalawang magkahiwalay
na mga gawaing ito. Halimbawa sa kaso ng mga midya bilang batis ng
impormasyon( halimbawa mga publikasyon, tesis, disertasyn, aklat, ulat ),
kailanagn ng panimulang pagbabasa habang nangangalap ng impormasyon kung
hindi pa natutukoy ang espesipikong sanggunian mula sa isang uri ng batis na
napili ( halimbawa. Aling partikular na artikulo sa anong journal). Maaaring
tingnan muna ang abstrak (artikulo sa journal), ang pamatnubay (balita sa diyaryo),
at buod (aklat, ulat) para malaman kung mahalaga o kaugnay ba ito ng paksa.
Pangangalap ng impormasyon mula sa kapuwa tao. Ang ating mga kapuwa tao
ay mayamang batis ng impormasyon dahil marami silang maaaring masabi batay
sa kanilang karanasan; maari nilang linawin agad o dagdagan pa ang kanilang mga
sinasabi sa manananaliksik at may kapasidad din silang mag imbak at magproseso
ng impormasyon. Sa panahon nagayon na palasak at kalat na ang teknolohiyang
pangkomunikasyon, maaari silang makausap ng online bukod pa sa posibilidad na
silay makasama sa isang harapang interaksyon. Importanteng ipaalam agad sa
tagapagbatid na sila ay napili para sa isang pananaliksik, hingin ang kanilang
permiso na
lumahok , at isangguni sa kanila ang takdang lugar, araw at oras ng harapan o
mediadong interaksyon para sa pangangalap ng datos.
1. Eksperimento
Sa teksto ng agham panglipuanan, ang eksperemto ay isang kuwantitatibong
disenyo ng pananaliksik kung saan sinusukat ang epekto ng dependent variable, na
tinatalaban ng interbensiyon. Halimbawa, ano ang epekto ng paggamit ng
bernakular sa pagtuturo sa klase (independent variable) sa antas ng kaaalaman ng
mag aaaral hinggil sa isang paksa sa agham ( dependent variable). Madaas na
gumagamit ng kontrol at eksperimental na mga pangkat ng kalahok para
mapagkumpara ang resulta sa pagitan ng pangkat na hindi finagamitanng
interbensiyon (kontrol) at sa pangkat na gimagamitan ng ( eksperimental).
Limitado ang gamit ng eksperomento sa agham panlipuanan at nahaharap ito sa
maraming banta sa katumpakan ( baxter & babbie 2004).
2. Interbyu
Ang interbyu o panayam ay isang interaksyon sa pagian ng mananaliksik bilang
tagapagtanong, at tagapoakinig, at ng tagapagbatid na siyang tagapagbahagi ng
impormasyon (baxter & babbie 2004). Sa estrukturadong interbyu, gumagamit ang
mananaliksik ng gabayna tanong, na ang pgkakasuynod ay mahalaga upang
matiyak ang konsistensi sa lahat ng tragapagbatid. Sa semi-estrukturadong
interbyu, mayroon ding gabay na mga tanong ang mananaliksik, subalit maari
niyang baguhin ang pagkakaayos nito depende sa takbo ng interbyu at maaari din
niyang dagdagan kung mayroon siyang followup na tanong. Sa di estrukturadong
interbyu ay hindi kahingian ang mga gabay na tanong upang mas maging natural
ang daloy ng usapan, subalit makabubuti na kahit paanoy lagging tinatandaan ang
manananaliksik sa layon at paksa na kaniyang sinisiyasat habangnagiinterbyu para
magabayan siya ng dapat itanong at malaman. Mainam ang interbyu sa pagkalap
ng mga datos na hini direktang naoobserbahan, sa pagunawa sa ibat ibang
kahulugan sa karanasan o penomeno batay sap unto de bista ng tagapagbatid, sa
pag aaral ng wika ng tagapagbatid, at sa malalimang paggalugad sa ibat ibang
aspekto ng isang paksa ( baxter & babbie 2004).
3. Focus group Discussion
Ang Focus group Discussion (FGD) naman ay semi estrukturadong talakayan na
binubuo ng tagapagpadaloy na kadalasay ginagampanan ng manananaliksik na , at
anim hanggang sampung kalahok. Gamit ang mga gabay na mga tanong ang
tagapagpadaloy ay nagbabato ng mga tanong at nangangasiwa sa usapan ng mga
kalahok. Sinisiguro niyang lahat ng mga kalahok ay may pagkakataong makapag
bahagi ng ideya o impormasyon. Ilan sa mga bentahe ng FGD ang mga
sumusunod:
1. Naitatama,napapasubalian, o nabeberi[ika ng mga kalahok ang impormasyong
ibinabahagi;
2. May naiisip, nababanggit, at napagtatanto ang mga kalahok kapag silay
magkakasamang nag uusap ( na maaaring di lumabas sa indibidwal na interbyu); at
3. Maraming aspekto at anggulo ng isang paksa ang lumalabas at napapag usapa sa
isang pagtitipon.

Kahinaan naman ng FGD kapag:


1. May dimonante sa grupo
2. may nag aagam –agam na sumalungat sa kasama o itama ang impormasyong
ibinibigay ng iba;
3. may lihim o hayag na hidwaan ang mga kalahok; at
4. may ayaw magbahagi ng saloobin dahil nahihiyang magkamali, mapuna, o
matsismis. Sa mga ganitong pagkakataon, kailangang magaling at maparaan ang
tagapagpadaloyt upang maging organisado, mahinahon, masigla, at kawili-wili ang
talakayan.
4. Pakikisangkot habang pakapa-kapa
Sa hanay ng mga pamamaraan maka Pilipino, maraming mapagpipilian ang isang
mananaliksik, depende sa ng mananaliksik, depende sa layon ng pananaliksik, at
dulog ng pangangalap ng datos. Sa kanyang panananaliksik hinggil sa pagkalalake,
halimbawa, ginamit ni Santiago (1977) ang pakikisangkot sa buhay ng
tagapagbatid sa pamamagitan ng pagtira sa kanilang komunidad sa loob ng
maraming araw sa tatlong buwan. Nakilahok siya sa pang araw araw na Gawain
habang isinisingit ang pakikipanayam. Dahil pakapa kappa ang dulog ng
pangangalap ng datos, hindi siya agbasa ng mga sanggunian hinggil sa paksa bago
ang fieldwork para hindi makulayan ang kaniyang pananaw. Bilang dulog, ang
pakapa kappa ay isang eksplorasyon hingil sa isang paksa sa konteksto ng
pamumuhay ng mga tao sa isang komunidad gamit ang mga katutubong
pamamaraan ng pagkuha ng datos kagay ng “pagmamasid, pagtatanong tanong,
pagsubok, pagdalaw, pakikilahok, at pakikisangkot( Tores. 1982, p. 171).
5. Pagtatanong-tanong
Marami ng mga mananaliksik ang gumagamit ng pagtatanong tanong sa pagkalap
ng katunayan at datos. Ang pagtatanong tanong ay mainam sa sumusunod na
pagkakataon :
1. kung ang impormasyong sinisiyasat ay makukuha sa higit sa isang tagapag
batid:
2. kung hindi tuwirang matanong ang mga taong may direkstang karanasan sa
paksang sinisiyasat;
3. kung di pa tiyak kung sino ang may kaalaman o karanasan hinggil sa paksa : at
4. kung nais marepika ang mga impormasyong nakuha mula sa ibang tagapagbatid
( Gonzales, 1982 ). Nagtatanong tanong din ang mananaliksik kung hindi nya
masyadong gamay o wala siyang gaanong alam pa sa paksang sinisiyasat.
Impormal at bernakular na wika ang ginagamit para medaling magkaintindihan ang
nagtatanong at ang tinatanong ( gonzale, 1982). Sa ganitong pamamaraan, may
mga dapat isa alang alang ang mga mananaliksik hingil sa katangian ng tagapag
siyasat, pook nbg pagtatanong tanong, at panahon ng pagsasagawa nito (Gonzales,
1982).

6. Pakikipag kwentuhan
Pakikipag kwuwentuhan naman ang ginagamitr ni de vera na (1982 ) upang pag
aralan ang pakiki apid sa isang baryo sa camarines norte . itoay isang di-
estrukturadong at impormal na usapan ng mananaliksik at mga tagapagbatid na
hingil sa isa o higit pang mga paksa kung saan ang mananliksik ay walang
ginagami na tiyak na mga tanong at hindiniya pinipilit at igiya ang daloy sa isang
direksyon. Walang mahigpit na kalakaran sa ganitong pamamaraan , kundi ang
pagiging “Malaya” ng mga kalahok na “magapahayg ng anumang opinion o
karanasan” at magbigay ng verbal at di verbal na ekspresyon ng “walang takot” o
pag aalinlangan na ang binitiwan nyang salita aymagagamit laban sa kanya sa pag
hihirap (de vera 1982, p. 189). Wala rin sa kahingian ng pakikipagkwentuhan na
ganapain ito sa isang tiyak na lufgar at oras. Madalas na nangyayari na lamang ito
ng walang ka aabog abog habang ang mananaliksik ay nasa fieldwork
7. Pagdalaw-dalaw
Sa pag aaral ng kaiharapan ng mga namumulot ng basura sa isang tambakan sa
malabon, rizal ang isa sa mga metodo ng pangangalap ng datos na ginagamit nina
Gepigon at Francisco (1982) ay pagdalaw dalaw ayon sa kanya ang pagdalaw
dalaw ay ang pagpunta punta at pakikipag usap ng mananaliksik sa tagapagbatid
upang sila ay makakilala; matapos magpakilala at makuha ang loob ng iat isa,mas
maluag na sa kalooban ng tagapagbatid a ilbas sa usapan “ang mga nais niyang
sabihin bagamt maaring may ilan pang pagpilpigil (1982, p. 194).ito ay maaroing
kaakibat din ng ibang mga pamamaraan ng pagkuha ng datos kagaya ng pakikipag
kuwentuhan at pakikilao. Maaaring magsilbing panimulang hakbang bago
itopalalamin at palawigin ang mga imporamsyon kinakalap mula sa mga
tagapagbatid.
8. Pakikipanuluyan
Ginagamit naman ni nickdao Henson (1982) ang panuluyan sa pag aaral ng
konsepto ng panahon ngf mga tsiaong, guiguinto bulacan. Para makakuha ng datos
sa pamamaraang ito dumadalaw muna sila nbsa barangay habng sa naninirahan na
siya ng talong buwan ditto para sa kanyang pagaaral. Sa pkikipanuluyan siya ay
nakisalamuha sa mga tao at nakisangkot sa ilan sa kanyang mga aktibidad kagaya
ng pag kukwenuhan sa umpukan, pangangapitbahay, at pagdalo sa ibat ibang
pagtritipon; pagmamasid sa mga nagaganapsa kapaligiran : at pagtatanong tanong
hingil sa paksang sinasaliksik. Sa gayon, nasasabing ang pakikipanuluyan ay pang
pang matagalan at masaklaw na pamamaraan dahil ginawa ito sa loob ng
maraming araw sa kaakibat ng iba pang mga espesipikng amamaraan ng pagkuha
ng datos. Ang mananaliksik ay hindi lamg nakikitira sa isang bahay at
nakikisangkotsa buhay ng isang pamayanan , kundi siyarin ay nag mamasid nag
tatanong tanon, nakikipag kwuntuhan, at nakikilahok sa mga Gawain.
Pakikipanuluyan inaasahaang mas malalim at komprehensibo ang mga
impormasyong malilikom ngmananaliksik. Hindi to kataka taka dahil ang
pakikipanuluyan “ ay isa sa pinakamabisang pamamaraan upanfg mapaunlad ang
pakikipag kapuwang isang tao” (san juan & soriaga, 1985,p.433).
9. Pagbabahay bahay
May pagka masaklaw rin ang pagbahay bahay sapagkat hindi lamang pumupunta
sa bahay ng taga pagbatid ang mananaliksik, nag mamasid, nagtatanong tanong, at
nakikipag kuwentuhan at nakikipag panayam din siya ginagamit ang pamamaraang
ito sa pagsasasaggawa ng survey, pero ituturing ding etnograpikong pamamaraan
kung saan inaasahang nakakakuha ng hitik, kompleks, at malallalim na
impormasyon mula sa maraming tagapagbatid.
10. Pagmamasid
Ang pagmamasid naman ay maaaring gamitin hindi lamang sa paglikom ng datos
mula kapuwa tao kundi pati narin sa mga bagay, lugar, pangyayari, at iba pang
penomeno. Sa medaling salita, ito ay pag oobserba gamit ang mata, tainga, at
pandama sa tao, lipunan, at kapaligiran. Kung kaakibat ng pakikiramdam ang
pagmamasid ay maaaring matantiya ng mananaliksik kung “maari siyang
magpatuloy o hindi sa mga susunod hakbangin” sa pananaliksik ( Gonzales 1982
p.175) Ang pagmamasid ay kaakibat dinng iba pag may pamamaraan ng pagkuha
ng datos kagaya ng pakikilahok, pakikisangkot, pagbabahay bahay, at
pakikipanulyan.
May apat na uri ng papel ng tagapagmasid ayon kay Gold (1958): complete
observer (ganap na tagamasid ), complete participant (ganap na kalahok), observer
as participant (tagamasid bilang kalahok), at participant observer (kalahok bilang
taga masid) (salin sa Filipino ni Agcaoili 2016, p. 60). Ipinapakita sa pigura 1 ang
buod ng topolohiya ni gold. Sa pagpili ng angkop ng akopna papel sa pagmamasid,
dapat pag aralang mabuti ang kalakasan at kahinaan ng bawat isa at isaalang alang
ang layon at disenyo ng pananaliksik. Halimbawa, ang mismong ng mananaliksik
at/o ang pagkaalam ng tagapagbatid na may ginagawang pasasaiksik hinggil s
kanila ay maaaring makaapekto sa kanilang kilos habang sila ay inoobserbahan; sa
gayon, itoy makapagdulot ng kuwestiyon sa pagiging katiwatiwala na datos na
makakaya. May etikal naisyunaman ang papel ng ganap na kalahok kaya
kailangang timnbanging mabuti kung ang paglilihim sa mga tagapag batid ay
mabibigyang katuwaran ng mabuting intesnyon ng pananaliksik at kungito ay
hindio magdudulot sa kanila ng kapahamakan ( baxter & babbie, 2004, p. 307 –
309 )
Instrumento sa pagkalap ng datos mula sa kapuwa tao. Kaparehoong harapan at
mediado na nangangalap ng impormasyon mula sa kapuwa tao, dapat ihanda ng
mananaliksik ang angkop na instrument. Ang ilan sa mga instrument na
karaniwang ginagamit ay ang sumusunod:
1. Talatanungan at gabay na katanungan
2. Pagsusulit o eksaminasyon
3. Talaan sa fieldwork
4. Rekorder

Pangangalap ng impormasyon mula sa mga aklatan. May mga katunayan at


datos na hindi sa kapwa-tao direkta at tahasang maapuhap, kundi mula sa mga
midya at iba pang mga materyal na maaaring matagpuan sa mga aklatan.
Magandang linawin na midya ay kahit anong teknolohiya – pisikal o birtuwal, na
gingamit sa pagbabahagi ng impormasyon mula sa tagapagbatid o sa prodyuser
tungo sa mambabasa, tagapakini, o manonood.
Bigyang-pansin ang ilang paalala sa paghahanap ng batis ng impormasyonsa
aklatan.
1. Alamin kung saang aklatan matatagpuan ang mga batis ng impormasyon na
natukoy para sa isang pananaliksik.
2. Gumawa ng sulat sa kinauukulan at magtanong din hinggil sa protokol at
patakaran na pinaiiral sa aklatang natukoy.
3. Kung hindi kinakailangan ang sulat, alamin ang mga kahingian bago makapasok
at makagamit ng mga pasilidad. (http://web.nlp.gov.ph/nlp/?q=node/1444).
4. Rebyuhin ang Dewey Decimal System at Library Congress dahil alin man sa
dalawang ito ang madalas na batayan ng klasipikasyon ng aklat ng pangkalahatang
karunungan. (Hinampas, 2016, pp.51-54)
5. Tandaan na ipinagbabawal ang pagpapa-photocopy ng buong aklat, tesis,
disertasyon, at ilan pang mga printed na materyal kaya kailangan ang matiyaga at
mabilis na pagbabsa kung maraming sangunian ang bubulatlatin.
6. Gamitin ang online public access catalog (OPAC) para makahanap na ng mga
sangunian bago pa man pumunta sa aklatan o bago puntahan ang seksiyon o
dibisiyon ng aklatan.
7. Huwag kalilimutang halughugin ang pinagkunanna online ng aklatan gaya ng
subkripsiyon sa journal, e-books, e-databases, at iba pang batis ng impormasyonsa
Internet.

Pangangalap ng impormasyon mula sa mga online na materyal. Sa kaslukuyang


panahon ng Internet at digital na teknolohiya, maaakses ang maraming primaryang
batis ng impormasyon hindi lamang sa mga kompyuter na laptop at desktop kundi
pati sa mas maliit na gadyet na cell phone at tablet na kompyuter. Pangunahin sa
mga batis na ito ang mga artikulos sa journal, balita sa online news site, at account
ng karanasan sa blog.
sites na:
1. walang hayag na kinikilingang tao, grupo, o institusyon dahil naglalathala ng
mga artikulong may iba’t ibang panig;
2. pumupuna sa sarili o umaamin ng pagkakamali sa pamamagitan ng komento at
errata; at
3. hindi naglalabas ng mga propagandang nagpapabango sa ngalan ng isang tao,
grupo, o institusyon habang tahasang bumabatikos sa mga kalaban nito.
Mainam ding bisitahin ang mga sumusnod kung ang pananaliksik ay may
kaugnayan sa isyung pambansa.
• • Website ng pamahalaan
• • Website ng ahensiya ng pamahalaan
• • Website ng mga samahang mapanuri at may adbokasiyang panlipunan
• • Website na gumagawa ng fact check
Mga Gawain

Gawain 1
Ang mga mag-aaral ay aatasan na magtala ng tigtatatlong pananaliksik na may
kaugnayan sa anim na paksang binigay sa gawain 1 at 2 ng unang paksa sa Yunit 2.
Mula sa mga pananaliksik na iyon ay isa-isahin ang mga pamamaraan ng pagkalap
ng impormasyon na ginamit. Maging ispesipik sa paglalagay ng pamamaraan lalo
na pangangalap ng impormasyon mula sa kapwa tao. Maglagay ng patunay para sa
inyong sagot. Gamitin ang matrix bilang gabay sa pagsasagot. Ang awtput ng mga
mag-aaral ay ilalagay sa ginawang Facebook Private Group ng guro para sa klase.
Para sa mga mag-aaral na walang internet connection o gumagamit ng free-data,
maaaring i-type sa cellphone at isumite sa guro gamit ang text messaging o chat
gamit ang messenger.

Paksa Paraan ng Pangangalap Patunay


ng Impormasyon

1.

2.

3.

4.
5.

6.

Gawain 2

Ang mga mag-aaral ay aatasan na magtala ng paraan ng pangangalap ng


impormasyon na dapat gamitin sa anim na paksang binigay sa gawain 1 at 2 ng
ikalawang paksa sa Yunit 2. Maging ispesipik sa paglalagay ng pamamaraan lalo
na pangangalap ng impormasyon mula sa kapwa tao.. Gamitin ang matrix bilang
gabay sa pagsasagot. Ang awtput ng mga mag-aaral ay ilalagay sa ginawang
Facebook Private Group ng guro para sa klase. Para sa mga mag-aaral na walang
internet connection o gumagamit ng free-data, maaaring i-type sa cellphone at
isumite sa guro gamit ang text messaging o chat gamit ang messenger.

Suliranin Paraan ng Pangangalap ng


Impormasyon

1.

2.

3.

4.

5.

6.

You might also like