You are on page 1of 11

Republika ng Pilipinas

Departamento ng Edukasyon
Rehiyon VIII
Sangay ng Samar
MATAAS NA PAMBANSANG PAARALAN NG CALBIGA

NOLI ME TANGERE
Kabanata 1 – 10 buod

Iniharap ni:

IAN DAVE MACASE


Baitang 9 – OHSP

Iniharap kay:

ELIZABETH C. VILLANUEVA
Guro sa Filipino
KABANATA 1: ANG PAGTITIPON (BUOD)

Naghanda ng isang magarbong salusalo si Don Santiago de los Santos o mas kilala bilang Kapitan Tiago.
Dahil mabuting tao at kilala sa buong Maynila, agad na kumalat ang balita tungkol sa pagtitipong
gagawin sa Kalye Anluwagi.

Nang gabi ng pagititpon, dumagsa ang mga bisita na iniistima naman ni Tiya Isabel, pinsan ni Tiago.
Kabilang sa mga dumalo ay sina Padre Sibyla, Tinyente Guevarra, mag-asawang Dr. de Espadaña at
Donya Victorina, Padre Damaso, at isang kararating lamang na dayuhan sa Pilipinas.

Matanong ang dayuhan tungkol sa mga Pilipino, kabilang ang mga Indio. Nang mabanggit ang
monopolyo sa tabako, dito nagsalita nang di maganda si Padre Damaso tungkol sa mga Indio. Hinamak
niya ang mga ito at iniba naman ni Padre Sabyla ang usapan.

Napag-usapan ang pagkakaalis ni Padre Damaso bilang kura-paroko ng San Diego. Sabi ni Damaso, hindi
raw dapat nangingialam ang hari ng Espanya sa pagbibigay-parusa sa mga erehe. Sinabi naman ni
Tinyente na nararapat lamang ang parusa.

Inilahad ni Tinyente ang tunay na dahilan na pagkakalipat niya sa iba pang parokya. Ito raw ay dahil
ipinahukay niya ang bangkay ng isang marangal na lalaking napagbintangang isang erehe dahil ayaw
lamang mangumpisal.

Nagalit naman si Padre Damaso dahil sa sinabi ng Tinyente. Lumapit si Padre Sybila upang pakalmahin
ang kapuwa prayle. Naaalala rin kasi ni Damaso ang nawawalang mahahalagang dokumento.

Kumalma ang magkabilang panig at umalis na sa umpukan si Tinyente. Nagpatuloy naman ang talakayan
at kuwentuhan ng mga bisita noong gabi.
KABANATA 2: SI CRISOSTOMO IBARRA (BUOD)

Sa pangalawang kabanata ng Noli Me Tangere, naka-pokus ang kwento sa pagpunta ni Kapitan Tiyago at
Ibarra sa isang kasaluhan at kasiyahan sa kanyang bayan.

Nakipagkamayan si Kapitan sa lahat ng kanyang bisita at panauhin, kasali si Padre Damaso, na biglang
namutla ng makita si Ibarra.

Pinakilala ni Kapitan si Ibarra bilang anak ng isang kakilala na nag-aral sa Europa. Tinangkang kamayan ni
Ibarra si Padre Damaso pero agad itong tumalikod.

Si Padre Damaso ay matalik na kaibigan ng ama ni Ibarra. Dahil sa biglang pagtalikod ni Padre Damaso ay
nakaharap siya sa tinyenteng kanina pa namgmamasid sa kanila ni Ibarra.

Nag-usap si Ibarra at si Tinyente sinabing ikinagagalak nila na makita siya sa kasiyahan na yun. Halos
mangiyak-iyak sa tuwa ang Tinyente habang nag-uusap kay Ibarra.

Ayon din sa kanya, kilala ang ama ni Ibarra sa kanyang lubos na kabaitan. Nang nalaman ito, napawi ng
binata ang masamang hinala nito sa masamang hinala ng pagkamatay ng kanyang ama.Ng malapit ng
maghapunan, inimbita ni Kapitan Tinong si Ibarra ng pananghalian kinabukasan.
KABANATA 3: ANG HAPUNAN (BUOD)

Sa kabanata na ito tungkol sa hapunan na dinayuhan ni Ibarra. Sa pagsasalo na ito ay nakita niya si Pari
Sybyla at Padre Damaso. Kitang-kita sa pagmumukha ni Pari Sybyla ang kasiyahan niya sa pagdalo,
samantala, so Padre Damaso naman ay mukhang banas na banas.

Ang lahat ay nagsisiyahan at giliw na giliw sa pagsasalo. Pinupuri ng mga bisita ni Kapitan Tiyago ang mga
masasarap na pagkain na kanyang inihanda. Dumalo rin ang Tinyente, na kung saan kinainisan siya ni
Donya Victoria dahil sa pagmamasid nito sa kanyang buhok.

Umupo si Ibarra sa may kabisera. Sa kabilang dulo naman ng lamesa ay nakikipagtalunan ang dalawang
pari kung sino ang tatabi sakanya. Ng inihanda na ang pagkain, nagsimula ng magsalo ang mga panauhin.
Nakipag usap si Ibarra sa mga panauhin at kinwento sakanila kung saan ang kaniyang kinaroroonan.

Nalaman ng mga kausap ni Ibarra ang kanyang mga napuntahan sa mga nakaraang taon ng kanyang
pakikipagsapalaran sa ibang bansa. Sinabi niya rin ang kanyang mga natututunan, bukod sa wika, tulad
ng iba’t ibang kasaysayan ng bansa ng kanyang pinuntahan.
KABANATA 4: EREHE AT PILIBUSTERO (BUOD)

Nagpatuloy si Ibarra sa kanyang paglalakbay. Isang araw, nabatid niya na di niya na tiyak kung saang
destinasyon na siya napadpad. Ito ay hanggang sa nakaabot siya sa may Binundok ng Liwasan.

Nakita niya na wala masyadong nagbago; ang dating kanyang kinalakihan ay parehong-pareho pa rin sa
dati. Inilaan niya ang kanyang atensyon sa paligid, nagmasid-masid sa kanyang kapaligiran, habang iniisip
ang mga alaala niya sa lugar na yun.

Naisalaysay ni Tinyente Guevarra ang tungkol sa kanyang ama at ang mapait na sinapit nito. Isang taon
bago bumalik si Ibarra sa Pilipinas ay nakatanggap siya ng sulat sa kanyang ama. Binilin ng ama niya na si
Don Rafael sa kanya ng isang sulat na nagsasabing di siya dapat mag abala.

Kinwento ng tinyente kay Ibarra ang lahat ng detalye sa buhay ng kanyang ama. Kung bakit siya
nakulong at maraming galit sa kanya, ang rason ng kanyang pagkabilanggo, ang mga pinaratang sakanya
noong siya ay nasa kulungan, hanggang sa kanyang pagkalaya sakanyang mga kaso. Sapagkat nung siya
ay dapat ng makalabas, siya ay binawian ng buhay sa loob ng kulungan.
KABANATA 5: PANGARAP SA GABING MADILIM (BUOD)

Bumaba sa kalesa si Ibarra at nagtungo sa Fonda de Lala. Ito ang tinutuluyan niya tuwing pupunta ng
Maynila. Balisang dumiretso si Ibarra sa nirentahang silid at inisip ang kalunos-lunos na sinapit ng
kaniyang ama.

Tumanaw ito sa bintana at nakita ang isang maliwanag na tahanan sa kabilang bahagi ng ilog. Mula sa
kinaroroonan ay rinig niya ang mga kubyertos at ang tugtugin ng orkestra. Nagmasid-masid ang binata at
pinanood ang mga nagtatanghal.

Nakita niya ang ilang binibini na may mamahaling suot at mga diyamante at ginto. May mga anghel na
nag-aalay ng bulaklak at mga pastol na nakikiisa sa programa. Kita rin niya sa umpukan ng mga tao ang
mga Pilipino, Kastila, Intsik, at mga prayle.

Ngunit ang mas pumukaw ng kaniyang atensiyon ang binibining si Maria Clara. Nabighani si Ibarra sa
angking ganda nito at hindi maiwaglit ang tingin sa dalaga. Nang makita naman ni Ibarra ang mga batang
Pransiskano na payat at putlain ay nahabag naman ito.

Abala naman noon si Padre Sibyla na makipag-usap sa mga dalaga habang si Donya Victoria naman ay
abala sa pag-aayos ng buhok ng napakarikit na si Maria Clara.

Dahil pagod sa maghapon, madaling nakatulog si Ibarra at nagising kinabukasan na habang si Padre Salvi
naman ay di mawaglit si Maria sa kaniyang isipan.
KABANATA 6: SI KAPITAN TIAGO (BUOD)

Ang sentro ng paksa sa kabanatang ito ay umiikot sa katauhan at pag-uugali ng pangunahing karakter na
si Kapitan Tiyago.

Si Kapitan Tiyago ay nag-iisang anak ng isang negosyante ng asukal sa bayan ng Malabon. Nakapagtapos
siya ng pag-aaral sa lohika sa tulong ng isang Dominikong kaibigan na kanyang pinaglingkuran.

Isang tipikal na Pilipino kung ilalarawan ang kaanyuan ni kapitan Tiyago. Ang kanyang hugis ng katawan
at maging ang buong pisikal nitong katangian ay hindi maikakaila na siya nga ay isang Indio.

Isang dalaga mula Sta Cruz ang napangasawa ni Kapitan Tiyago, siya ay si Donya Pia. Pareho silang
masipag sa pag-nenegosyo kaya sila ay yumaman at naging kabilang sa mga prominenteng pamilya sa
bayan.

Mula noon ay nakagawian na ni Kapitan Tiyago ang kumilos, manamit at mamuhay na para na ring isang
Espanyol. Sagrado at deboto siyang katoliko na sumasamba sa lahat ng mga santo. Naging sunod-
sunuran din siya sa mga gawain at kagustuhan ng mga banyaga.

Ang pagsasama nila nga anim na taon ni Donya Pia ay nabiyayaan ng isang sanggol na babae,
pinangalanan itong si Maria Clara. Nasawi ang kanyang kabiyak mula sa panganganak kaya si Tiya Isabel
na kanyang pinsan ang naging katuwang niya sa pagpapalaki kay Maria Clara.
KABANATA 7: SUYUAN SA ASOTEA (BUOD)

Ang kabanata na ito ay tumalakay sa pag-iibigan at pagharap sa isang mahalagang responsibilidad sa


buhay.

Si Tiya Isabel ay isang deboto ng simbahang katoliko, nakagawian na niya na magsimba tuwing umaga
kasama ang pamangkin na si Maria Clara. Pagkatapos ng misa ng araw na iyon ay nagmamdali na umuwi
si Maria, bagay na ikinagalit ng kanyang tiyahin.

Mula sa balkonahe ng kanilang bahay ay hindi mapakali at aligaga ang dalaga. Hinihintay niya ang
pagdating ng kanyang kasintahan na si Ibarra. Halos pitong taon din ang lumipas na hindi nagkita ang
dalawang magsing-irog.

Dumating nga si Ibarra at ginugol ng dalawa ang kanilang oras sa pag-aalala sa kanilang mga nakaraan
mula noong sila ay mga musmos pa lamang. Si Maria ay nagbalik tanaw mula sa kanyang buhay sa
Beaterio habang si Ibarra naman ay sa kanyang pag-aaral at pakikipagsapalaran sa Europa.

Isinumbat ni Maria ang paglayo ni Ibarra upang mag-aral, ngunit dagli naman itong sinagot ng binata.
Lumayo daw siya para gawin ang mga higit na mahalagang bagay, ang pag-aaral para sa kabutihan ng
hinaharap ng bayan.

Naputol ang kanilang usapan nang biglang maalala ng binata ang kanyang mga yumaong magulang. Dali-
dali siyang nagpaalam at umuwi para makahabol sa nalalapit na undas.
KABANATA 8: MGA ALAALA (BUOD)

Sa kabanata na ito, ipinakita ni Rizal ang diskriminasyon sa pagitan ng mga dayuhan at mga Pilipino.
Ipinahayag din niya kung gaano kabilis ang pag-asenso ng mga Espanyol ay siya namang pagkalugmok sa
kahirapan ng Inang Bayan.

Habang lulan ng kanyang karwahe ay binagtas ni Ibarra ang Maynila. Nanlumo at nalungkot siya dahil sa
kanyang mga nasilayan. Halos walang pinagbago at lalo pang pumangit ang Escolta pagkatapos ng pitong
taon na nilisan niya ito.

Ang tanawin at alaala ng kanyang bayan na iniwan ay tuluyan nang napabayaan. Maging ang kalagayan
ng mga tao ay lalo pang lumala, mas lalong dumami ang bilang ng mga alipin.

Kung gaano kagara at kakintab ang mga karwahe ng mga prayle ay siya namang ingay at langitngit ng
gulong ng mga kariton na gamit ng mga pobreng Pilipino. Ito ang mga eksena na labis na nagpabigat sa
damdamin ni Ibarra.

Bahagyang naibsan ang kanyang kalungkutan nang madaanan niya ang Bagumbayan. Dito ay sumagi sa
isip niya ang mga aral ng kanyang dating guro na pari. Ang mga aral na ito ang nagbigay sa kanya ng
inspirasyon upang isapuso ang pag-aaral at ipamahagi ito lalo na sa mga kabataan na siyang pag-asa ng
bayan.
KABANATA 9: MGA BAGAY-BAGAY UKOL SA BAYAN (BUOD)

Sa kabanata na ito lumabas ang pagiging sunod-sunuran ni Kapitan Tiyago sa kagustuhan ni Padre
Damaso, lalo na sa mga usapin tungkol kay Maria Clara.

Nakagayak na ang magtiyahin na Donya Isabel at Maria Clara upang pumunta sa Beaterio at kunin ang
mga naiwang gamit ng huli. Ilang sandali bago sila umalis ay siya namang pagdating ni Padre Damaso.

Magiliw niyang tinanong ang dalaga kung saan sila papunta at nang kanya itong malaman aybiglang nag-
init ang kanyang ulo. Dahil dito dali-dali niya hinanap si kapitan Tiyago. Naging mainit ang kanilang
usapan hanggang sa umabot na silang dalawa ay nagkasigawan na naging tampulan ng tsismis ng mga
pari.

Sinabihan niya ang gobernadorcillo na hindi siya sang-ayon sa nakikita niyang pakikipagmabutihan ni
Maria Clara kay Crisostomo Ibarra. Hindi daw sila dapat na magkatuluyan dahil si Ibarra ay isang kaaway.

Pinagsabihan din niya si Tiyago na mayroon siyang karapatan sa lahat ng desisyon patungkol kay Maria
Clara dahil siya daw ang kanyang tumatayong pangalawang ama.

Sa pag-alis ni padre Damaso sa kanilang tahanan ay napa-isip ang matanda tungkol kay Ibarra.
Pagkatapos ay pinatay niya ang mga nakasinding kandila na inalay niya sa altar para sa maayos at ligtas
na pagbibyahe ni Ibarra.
KABANATA 10: ANG BAYAN NG SAN DIEGO (BUOD)

Sa ika-sampung kabanata ng Noli Me Tangere, isinaad dito ang Bayan ng San Diego – na siya ring
pamagat ng kabanata.

Nag-umpisa ang kabanata sa paglalarawan ni Rizal sa bayan. Napapaligiran ng bukirin ang bayan na siya
ring malapit sa lawa at ilog. Kaya naman maraming mga tao ang manghang-mangha sa bayan na ito dahil
sa magagandang tanawin dito.

Mayroon ring gubat na malapit sa bayan, kung saan nagsimula ang kasaysayan. Sinasabing noong unang
panahon ay may isang matandang Kastila ang nagkaroon ng interes sa isang lupa malapit sa kagubatan.

Bagama’t walang tunay na nagmamay-ari sa lupa ay nagbigay ang matanda nang kakaunting salapi at
mga materyal na bagay tulad ng damit at alahas sa mga taong naninirahan malapit sa lupain.

Ilang araw lang ay natagpuang nagpatiwakal ang matanda sa gubat. Maraming haka-haka ang umusbong
kung bakit iyon nagawa ng matanda pero walang nakahanap ng tunay na rason.

Makalipas ang ilang buwan ay isang binata naman ang dumating sa bayan na nagpakilalang anak nang
yumao. Ang kanyang pangalan ay Don Saturnino. Nanirahan siya sa Bayan ng San Diego kung saan siya
na rin ay nagkaroon ng pamilya. Ang kanyang anak na si Don Rafael ay siya namang ama ni Crisostomo
Ibarra.

You might also like