You are on page 1of 26

SOUTHER LUZON STATE UNIVERSITY

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION


Lucban , Quezon

MODYUL I
UNANG PANAHUNAN
PRELIM
Unang Semestre 2020-2021

ELE 05- PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARYA 1


( ESTRUKTURA AT GAMIT NG WIKANG FILIPINO )

Isinumiti ni

Prof. Simeona S. Abraham


Guro

Isinulit kay:

Prof. Daisy G. Gregana


Tagapangulo – BEED

Sinuri ni:

Marife S. Magpantay Ph.D


Dekana ( CTE )
TALAAN NG NILALAMAN

PABATID

Bago mo isagawa ang araling ito narito ang ilang gabay o panuntunan na dapat mong malaman.
1. Unawain ang bawat salitang nakapaloob sa aralin at bigyan ng pansin ang mahahalagang paksa tungo
sa iyong pagkatuto.
2. Maaaring magtanong sa guro kung hindi lubos na maunawaan ang mga gawain sa takdang ibibigay
na skedyul o panahon. Narito ang cp.number ng iyong guro( 09271339883 ) o
(cenen1222@gmail.com)o sa messeger ng guro.
3. Iwasang magtanong sa mga kaklase sa mga mahahalagang detalye sa pagsasagot sa gawain o
maikling pagsusulit sa bawat aralin.
4. Maaring isumit ang inyong mga kasagutan ng bawat gawain sa nabanggit na numero.
5. Suriin at maaring magsaliksik sa ibang aklat upang mas mapalawak pa ang inyong kaalaman batay sa
aralin.
6. Sa pagsasagot ng mga gawain ilagay ang kompletong pangalan ninyo o cell number ninyo o e-mail
mo upang madali tayong magkaroon ng kontak sa isa’t isa .
7. Magtatakda rin ang guro ng virtual sa ilang gawain kung kinakailangan ng saganoon ay may maayos
tayong daloy sa pag-aaral.
8. Ipababatid ng guro ang panahon ng inyong mahabang pagsusulit sa bawat gawain
INTRODUKSYON
Kurikulum ang itinuturing na pinakapuso sa sistema ng edukasyon. Batayan ito sa pagpaplano ng
anumang prosesong pampagtuturo.Nakapaloob dito ang mga pamantayan,kasanayan ,layuning dapat
matutuhan ng mga mag-aaral. Sa makatuwid mahalagang may ganap na pag-unawa sa
kurikulum.Kalakip sa araling ito ang iba’t ibang pamamaraan o proseso ng tamang pagbigkas ng mga
salita tungo sa mabisang paggamit ng wika upang ganap na magkaunawaan ang dalawang nag-uusap.
Ipinakikita rin ang wastong paglalapat ng mga tuntunin ng wika upang ganap na maipakitaang
kakayahang linguwistika ng isang tao. Nakatuon din ang modyul sa pagsama-sama ng mga ponema at
pagsasaayos nito upang makalikha ng salita.Ang mga salitang mabubuo ay maaring payak o nilapiang
salita.
Nakatuon sa pag-aaral ng pagbuo ng pangungusap. Sa bahaging ito, tatalakayin ang parirala,
sugnay at pangungusap- bahagi at,ayos at kayarian nito. Makakatulong ang pag-aaral na ito para sa
pag-unawa at pagbuo ng pangungusap tungo sa malalim na layunin gamit nito para sa
kapakinabangang personal sa hinaharap.

LAYUNIN
1. Matalakay ang mga pamantayan sa programang batayang sa edukasyon.
2. Matukoy ang mga layunin sa pagpaplano sa pagtuturo ng Filipino sa iba’t ibang grado o antas.
3. Mapalawak ang kaalaman sa fonetik at mauri ang pagbabago ng mga salita
4. Makabuo ng mga salita gamit ang iba’t ibang anyo ng morpema.
5. Makagawa ng pangungusap gamit ang dalawang ayos ng pangungusap .

YUNIT 1- Filipino sa Kurikulum


Aralin 1 : Filipino Bilang Aralin
-Wikang Pambansa ay Filipino ( Artikulo xiv seksiyon 6)
- Pamantayan sa Program ,sa bawat Yugto at bawat baitang
- Mga layunin ng Pagtuturo ng Filipino
- Nilalaman ng Filipino sa Kurikulum sa Elementarya
Aralin 2: Ang Pagplaplano sa Pagtuturo ng Wika
-Mga Salik na Isinasaalang- alang sa Pagplaplano ng Wika
-Mga katangian ng mga mag-aaral
-Dating kaalaman ng mga mag-aaral
-Mga Kagamitang Panturo sa Elementarya
- Wikang Kailangan sa Pagsasagawa ng mga Gawain
- Oras o Takdang Panahon
- Partisipasyong Guro at Mag-aaral
- Pagbabalanse sa Pagtatakda ng oras para sa mga Gawain
- Pag-sunod-sunod at Pag-aantas ng mga Gawain
Aralin 3- Siklo ng Pagpaplanong pagtuturo sa Elementarya
-Ganap na kabatiran sa Kurikulum
- Kabatiran ng mga Kagamitang sa Pagtuturo ng wika sa Elementarya
- Angkop na Estratehiya sa Pagtuturo
- Aktuwal na Pagtuturo sa Klase
- Pagtataya
Gawain
Pagsasanay
Hamunin Natin

Yunit II- Mga Istruktura ng Wikang Filipino


Aralin 1- -Ponolohiya
- Ano ang Ponolohiya
- Uri ng Ponolohiya
- Artikulasyon ng mga Ponema
-Mga Paraan ng Pagbigkas o Diin
- Pares minimal, Diptonggo ,Pagpapantig
Aralin 2 – Morpolohiya at ang Morpema
-Ano ang Morpolohiya
- Mga Anyo ng Morpema
-Kayarian ng mga Salita
-Tatlong Anyo ng Morpolohiya
- Mga uri ng Pagbabagong Morpoponemiko
Yunit III -Sintaks at Pangungusap
- Ano ang sintaks
- Ang Parirala at Kayarian ng Parirala
- Sugnay
- Pangungusap at Dalawang bahagi pangungusap

Pagsasanay at mga Gawain


Sanggunian
YUNIT 1- Filipino sa Kurikulum
Aralin 1 : Filipino Bilang Aralin
Kapag tinanong ang mga mag-aaral kung ano ang kanilang paboritong asignatura, madalas ay
ayaw o iilan lamang sa kanila ang pipili ng Filipino bilang pinakapaborito nilang asignatura. Bakit kaya
iilan lamang ang pumupili ng Filipino? Ano ano kaya ang nakaapekto sa kanilang pagpili? Isang
itinuturong dahilan ay ang kanilang guro sa Filipino na nakakaantok ang mga aralin daw ay
nakakabagot pagtuturo
Sa mga pampribadong paaralan,mas nahihirapan sila sa Filipino dahil na rin sa kadalasang English Zone
ang kanilang paaralan. Kung kaya napakalaki ng gagampanin mo bilang guro sa sa asignaturang ito.
Ikaw ang magbibigay-buhay at sigla sa mag mag-aaral para mahalinat tangkilikin nila ang asignaturang
Filipino.
Ang pagiging guro sa elemtarya ay may espesyal na kakayahang dapat taglayin sa pagtuturo sa mga
murang edad pa lamang. Ito ang magiging matibay na pundasyon ng mga mga-aaral sa kanilang
tatahaking landas. Kinakailangan ding may giliw o galak ka sa pagtuturo para matuto ang mga-aaral
nang may sigla lalo na sa Filipino.
Wikang Pambansa ay Filipino ( Artikulo xiv Seksiyon 6)
Nakasaad sa Artikulo XVI Seksiyon 6 na “ ang wikang pambans ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang
nililinang.ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa sa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba
pang wika” Itoy nagpapatunay na kinakailangan na payabungin ang wikang Filipino. Sa pamamagitan ng
pagtuturo ng asignaturang Filipino gamit ang wikang Filipino,mapauunlad at mapayayabong natin ito.
Sa paggamit sa wikang Filipino, naapalalim din ang wika at kultura. Nililinang sa araling Filipino ang
limang makrong kasanayan, pagsasalita, pagbasa, pagsulat,pakikinig at panood. Sisimulan ang
pagtuturo sa ikalawang markahan ng unang baiting hanggang senior high school
Pamantayan sa Program ,sa bawat Yugto at bawat baiting
May mga pamantayang sa programa,bawat yugto at bawat baiting na nakapaloob sa kurikulum na
pang-elementarya.
A. Pamantayan sa Program (Core Learning Area Standards )
Pamantayan ng Programa ng Baitang 1- 6
Nagagamit ang wikang Filipino upang madaling maunawaan at maipaliwanag ang mga kaalaman sa
araling pangnilalaman,magamit ang wastong salit sa pagpapahayag ng sariling kaisipan, damdamin o
karanasa nang may lubos na paggalang sa kultura ng nagbibigay at tumatanggap ng mensahe
B. Pangunahing Pamantayan ng Bawat Yugto ( Key Stage Standads )
K-3 Sadulong baiting 3, nakakaya ng mga ma-aaral na ipakita ang kasanayan sa pag-unawa at pag-
iisip sa mga naririnig at nababasang teksto at ipahayag ng mabisa ang ibig sabihin at nadarama.
4 -6 Sa dulo ng baiting 6- naipapakita ng mga ma-aaral ang sigla sa pagtuklas at pandaman sa
pagsulat ng mga tekstong naipapahayag nang bmabisa ana ang ibigsabihin ay nadarama.
C. Pamantayan sa Bawat Baitang (Grade level Standards )
Baitang Pamantayan sa Bawat Baitang
K Naipapamalas ng mga mag-aaral ang kakayahansa pagpapahayag ng iniisip at damdamin sa
sa wikang katutubo at ang kahandaan sa pagbasa at pagsulat upang makilala ang sarili at at
matutong makisalamuha sa kapwa.
1 Pagkatapos sa unang baiting inaasahang nauunawaan ng mga mag-aaral ang mga pasalit at
di-pasalitang paraan ng pagpapahayag at nakatutugon nangnaaayon. Nakakamit ang ng
kasanayan sa mabuting pagbasa at pagsulat upang maipahayag at maiugnay ang sariling
ideya ,damdamin at karanasan sa mga naririnig at nababasang teksto ayon sa kanilang
antas o lebel at kaugnay ng kanialng kultura.
2 Pagkatapos sa ikalawang baiting inaasahan na masasabi ng mga bata ang pangunahing
diwa ng tekstong binasa o napakinggan,nagagamit ang mga kaalaman sa wika ,nakababasa
na may paglilipon ng mga salita at nakasususlat upang maiugnay ang sariling
ideya,damdamin at karanasan sa mga naririnig at nababasang teksto ayon sa kanilang antas
o lebel at kaugnay ng kanilang kultura.
3 Pagkatapos sa ikatlong baiting inaasahang nasasabi nan g mg mag-aaral ang pangunahing
diwa ng tekstong binasa o napakinggan at nakakapagbigay ng kaugnay o katumbas na
teksto,nagagamit ang mga kaalaman sa wika,nakababasa ng wastong paglilipon ng mga
salita at nakasusulat gamit ang bahagi ng pananalita upang maipahayag upang maiugnay
ang sariling ideya ,damdamin at karanasan sa mga naririnig at nababsang teksto ayon sa
kanilang lebel o antas at kaugnay ng kanilang kultura.
4 Pagkatapos ng ikaapat na baiting naipapamalas nan g mga mag-aaral kakayahan sa
Pagbasa, pagsulat at pakikipagtalastasan nang wasto upang maipahayag ang kanaialng
kaalaman ideya at damdamin angkop sa kanilang edadat kulturang kinabibilanagn at
nakikilahok sa pagpapaunlad ng kangilang pamayanan

5 Pagkatapos ng ikalimang baiting naipamamalas na nga mag mag-aaral ang kakayayhan sa


pakikipagtalastasan,mapanuring pag-iisip at mapanuring pagpapahalaga sa kultura sa
pamamagitan ng iba’t ibang babasahinlokal at pambansa.
6 Pagkatapos ng ika-anim na baiting naipamamalas na ng mga mag-aaral ang
kakayahannsapakikipagtalastasan, mapanuring pag-iisip, at pagpapahalaga sa
wika,panilitak at kultura upang makaambag sa pag-unlad ng bansa
Itinuturo ang asignaturang Filipino sa loob ng 30 minutomula sa ikalawang markahan hanggang
ikaapat na markahan ng unang baiting. Samantalang 50 minuto naman itinuturo sa ikalawa hanggang
ikaanaim na baiting. Ang pagtuturo ng Filipino ay paghahasa ng kaisipan ng mga mag-aaral patungo sa
pag-unald ng iba’t ibang kasanayan. Ang asignaturang ito ay tutulong din upang magkaroon ng unawan
at maipalaiwang ang iba’tibang konseptong hinahangad na matutuhan sa pamantayan pangnilalaman
Mga Layunin ng Pagtuturo ng Filipino
Ang isang guro ay kinakailangan na may layunin sa buhay. Alam niya ang kanyang gusting tunguhin
upang may marating siya sa buhay kaya gagawin niya lahat marating lang ito. Kabilang sa araw-araw na
buhay ng guro kailangan niya ang banghay –aralin . Kung saan sa banghay-aralin ay nasusulat ang iyong
layunin kung ano ang iyong ituturo sa bawat asignatura.Kinakailangan din na may paangkin ka rin sa
mag mag-aaral,ang kalaman at kakayahan sa mga nasusulat sa kasanayang pampagkatuto. Layunin din
na makahubog ng isang mag-aaral hindi lamang sa nilalaman bagkus marunong din gamitin ang
natutuhan.
Malinaw na ang pangkalahatang layunin ng kurikulum ng K 12 ang makalinang ng isang buo at
ganap ng Pilipinong may kapaki-pakinabang nakaalaman. Buhay at mayabong ang Filipino sa batayang
edukasyon.
D. Nilalaman ng Filipino sa Kurikulum sa Elementarya
Ang pagtuturo ng Filipino ay may sinusunod na direksiyon o tunguhin. Ang tunguhin sa pagtuturo
ng Filipino sa uang baiting ay makikita sa Pamantayang Pangnilalaman ( Conten Standards)
1. Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at pagunawa sa napakinggan
2. Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at pagpapahayag ng sariling ideya, kaisipan,
karanasan at damdamin.
3. Nauunawaan ang ugnayan ng simbolo at ng mga tunog
4. Naisasagawa ang mapanuring pagbasa upang mapalawak ang talasalitaan
5. Naipamamalas ang iba’t ibang kasanayan upang makilala at mabasa ang mga pamilyar at di-pamilyar
na salita
6. Naipamamalas ang kamalayan sa mga bahagi ng aklat at sa ugnayan ng simbolo at wika.
7. Nagkakaroon ng papaunlad na kasanayan sa wasto at maayos na pagsulat.
8. Nauunawaan na may iba’t ibang dahilan ng pagsulat.
9. Naipamamalas ang iba’t ibang kasanayan upang mauunawaan ang iba’t ibang teksto
IKALAWA AT IKATLONG BAITANG:
1. Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at pagunawa sa napakinggan.
2. Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita atpagpapahayag ng sariling ideya, kaisipan,
karanasan at damdamin
3. Nauunawaan ang ugnayan ng simbolo at tunog.
4. Naisasagawa ang mapanuring pagbasa upang mapalawak ang talasalitaan.
5. Naipamamalas ang iba’t ibang kasanayan upang makilala at mabasa ang mga pamilyar at di-pamilyar
na salita.
6. Naipamamalas ang kamalayan sa mga bahagi ng aklat at sa ugnayan ng simbolo at wika.
7. Nagkakaroon ng papaunlad na kasanayan sa wasto at maayos na pagsulat .
8. Nauunawaan na may iba’t ibang dahilan ng pagsulat.
9. Naipamamalas ang iba’t ibang kasanayan upang maunawaan ang iba’t ibang teksto.
IKAAPAT AT HANGGANG IKAANIM NA BAITANG
1. Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at pagunawa sa napakinggan.
2. Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita sa pagpapahayag ng sariling ideya, kaisipan,
karanasan at damdamin
3. Naisasagawa ang mapanuring pagbasa upang mapalawak ang talasalitaan.
4. Naipamamalas ang iba’t ibang kasanayan upang mauunawaan ang iba’t ibang teksto
5. Napapaunlad ang kasanayan sa pagsulat ng iba’t ibang uri ng sulatin.
6. Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring panood ng iba’t ibang uri ng media tulad ng patalastas
at maikling pelikula atb.
7. naipamamalas ang pagpapahalaga at kasanayan sa paggamit ng wika sa komunikasyon at pagbasa ng
iba’tibang uri ng panitikan.
Makikita rin ito sa mga pamantayan sa pagganap. Dito nakapaloob kung ano ang dapat maipakita o
maipamalas ng mga-aral bilang patunay na pag-unawa gamit ang produkto ( tangible out) o
pagmamalas ng kasanayan ( demonstration of skill)
Itinuturing na bibliya ng mga guro ang banghay-aralin. Ditto nakapaloob ang mga layunin mo sa
pagtuturo sa tiyak na araw na kailangang matutuhan ng isang mag-aaral . habang ikaw ay nag-aaral p at
naghahanda sa pagiging ganap na guro nararapat lamang na angkinin mo ang mga layuninng
kagawaran para sa pag-aaral ng Filipino.

Pagsasanay:
Basahing mabuti ang mga sumusunod na mga katanungan at sagutin ito nang buong ingat. Ilahad ang
iyong sagot sa loob ng kahon.
1. Ano ang pangkalahatang tunguhin ng araling Filipino?
2. Pumili ng isang layunin sa anumang baitang at magbigay ng mga paraan kung paano matutupad
ang layuning ito.

Gawain Natin!
I-down load ang gabay ng kurikulum (curriculum guide)na makikita sa website ng kagawan ng
edukasyon,ww.deped.gov.ph.Suriin ang gabay pangkurikulum ng Filipino sa Elementarya at isulat ang
mga bagong kaalamang natuklasan sa pagbabasa nito.

Hamunin Natin!
Ibigay ang kahingian sa ibaba. Ilahad ang sagot sa loob ng kahon.
Sumulat ng isang repleksiyon tungkol sa layuninng pagtuturo ng Filipino at kung ano ang kaya nitong
itulong sa mag-aaral at bayan.
Aralin 2: Ang Pagplaplano sa Pagtuturo ng Wika
Ang isang mabisang pagpaplano ay nagangngahulugan ng kompletong paghahanda na
nangangailangan ng maingat nga pag-iisip t paggamit ng iba’t ibang teknik. Sa mas mas masaklaw na
pagpapakahulugan, ang Pagplaplano ay tumutukoy sa mga gawaing na nagbibigay direksyon sa
pagbubuo ng ugnayan ng mga gawaing pang-mag-aaral at gawain ng guro( Clark at Yinger 1980 ). Ang
mga guro,kagaya ay nagtataglay rin ng magkakaibang personalidad kaya dapat silang humanap ng
eatratehiya aangkop sa kanilang pagkatao. Sa ganitong pagsipat,makukuro natin ang kahalagahan ng
pagplaplanong pagtuturo.
Mga Salik na Isinasaalang- alang sa Pagplaplano ng Wika
Sa pagpaplano ng gawain sa wika kinakailangan na may tiyak kang layunin upang makamit mo ang
iyong naisin sa bawat gawain o hakbangin.
Halimbawa: Elementarya
Ano ang plano mo sa isang aralin na ninanais mo na makamit ?
A. Panlahat na Layunin
Nagagamit ang mga salitang naglalarawan ng kilos ( Pang-abay)
Mga Tiyak na Layunin ng isang aralin o gawain
1. Nasasabi ang mga salitang naglalarawan ng kilos sa tulong ng larawan
2. Natutukoy sa pangungusap ang mga salitang naglalarawan ng kilos
3. Naibibigay ang salitang nagpapahiwatig ng kilos na angkop sa larawan o sitwasyon.
Sa bahaging ito isinasaad ang isang Pagplaplano na gagawin ng isang guro maging sa wika o
pampanitikan.Ipinakita dito ang wastong gamit ng (Pang-abay sa bahagi ng pananalita) na may iisang
layunin sa aralin.
B. Mga katangian ng mga mag-aaral
Sa Pagplaplano isaalang –alang ang higit na naiibigang estilo sa pagkakatuto ng mag-aaral. Alamin
din ang kanilang interes at mga antas ng kahusayan sa wikang pag-aaralan. Ang mga impormasyong
ito ay makatutulong sa pagtiyak kung anong kagamitang panturo ,gawain estilo sa pagkatuto at
pamaraan,at teknik ang gagamitin sa pagtuturo.
C. Dating kaalaman ng mga mag-aaral
Lahat ng bagong pagkatuto ay kinakailangang mag-ugat sa dating alam ng mag-aaral.
Samakatuwid ,bago gamitin ng guro ang dating alam ng mga mag-aaral para sa isang pagtuturo,
kailangan na tiyakin ng guro kung ano ang alam ng mag-aaral sa paksang tatalakayin, ang wikang
gagamitin at uri ng gawain at iba pa. Nangangahulugan na kinakailangan na alamin muna ng guro ang
dating kaalaman ng guro sa aralin na tatalakayin.
D. Mga gawain sa Pagkatuto
Sa gawaing ito mag-isip ng mga tiyak na gawaing tiyak na kawiwiliha ng mga mag-aaral . Kung
maari, maglaan ng mga gawaing hahamon sa kanilang kakayahan at mga sitwasyon na mapaglalapatan
ng mga kasanayang nililinang ng aralin. Kinakailangan ang guro sa salik ng Pagplaplano sa ralin maging
malikhain sa larangan ng pagkatuto ng mga mag-aaral maging malikhain sa lahat ng mga gawain.
E. Mga Kagamitang Panturo sa Elementarya
Sa bahagi ng kagamitang panturo matapos na malaman mo ang iyong layunin at kaalaman ng mga
mag-aaral mag-isip ng mga gawaing tiyak na kawiwilihan ng mg mag-aaral o makagaganyak sa mga
mag-aaral ,pagkatapos matiyak ang mga gawain pag-isipan naman ng guro ang mga angkop na
kagamitan(audio visual ) para sa lahat ng gawain at kung paano ito lubusang magagamit para sa isang
makabuluhang pagtuturo at pagkatuto. Ang bisa ng isang kagamitang panturo ay nakasalig sa sining at
agham ng paggamit nito pagtuturo ng guro at pagkatuto ng mga mag-aaral.
F. Wikang Kailangan sa Pagsasagawa ng mga Gawain
Ang angkop at wastong gamit ng wika ay hindi matatawaran na malinaw na pagbibigay ng panuto at
proseso ng gawain ng gawain ng maisakatuparan ng mga mag-aaral nang mayos at tama ang kahingian
ng bawat aralin. Kasangkapan ito sa pagpapatanggap ng kaalaman at pagpapadaloy ng kamalayan sa
mga mag-aaral. Hindi dapat mapaso ang mga mag-aaral sa mga wikang sisidlan o kakargahan ng
kaalaman.
G. Oras o Takdang Panahon
Ang tukoy na oras o takdang panahon para sa lahat ng gawain at yugto ng gawaing pagtuturo-
pagkatuto sa loob ng silid –aralan ay dapat malinaw at kontrolado ng guro upang matiyak at
makabuluhan at produktibo ang bawat pagtalakay.
H. Partisipasyong Guro at Mag-aaral
Kailangan pag-isipan ding mabuti ng guro sa yugto ng Pagplaplano ng aralin ang haba o tagal ng
partisipasyon ng guro at mag-aaral.Dapat niyang isaisip na ang paartisipasyon ng bawat kasangkot sa
isang pagtuturo-pagkatuto sa loob ng silid –aralan ay naaayon sa uri ng leksiyon at mga layuning
nililinang dito.
I.- Pagbabalanse sa Pagtatakda ng oras para sa mga Gawain
Upang maisagaw ito ng maayos ,kailangan tiyakin ng guro na ang itinakdang oras para sa gawain
ay naaayon sa layuning nililinang para sa gawain.Minsan napapahaba ang talakayan sa isang yugto ng
aralin at naiisakripisyo tuloy ang dapat talakayin sa isang mahalagang bahagi ng aralin.
J. Pag-sunod-sunod at Pag-aantas ng mga Gawai
Ang pagsisimula at pagtatapos ng isang aralin ay naayon kung ano ang ituturo, ang sariling pananaw
ng guro s wika at kung paano ito natutuhan at ang paraang kaniyang pinagbabatayan.

Pagsasanay:
Basahing mabuti mga sumusunod na katanungan at sagutin ito nang buong ingat. Ilahad ang inyong
sagot sa loob ng Kahon.
1. Ano ang Pagplaplanong Pagtuturo? (5puntos )

2. Bakit mahalaga ang guro ay makagawa ng isang mabisang Pagplaplano bago siya magturo? (5puntos)

Gawain Natin!
1. Ano -ano ang mahahalagang salik na dapat isaalang-alang bago gumawa ng isang plano sa
pagtuturo? (10 puntos)
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
3. Ipaliwang ang kasabihang “ If you fall to plan,you plan to Fail” sa konsepto ng Pagplaplano ng aralin.
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
Aralin 3- Siklo ng Pagpaplanong pagtuturo sa Elementarya
Tulad ng maraming bagay,ang pagpaplano ay dumadaan din sa masalimuot at komplikadong
proseso bago tuluyang mabuo sa kasalukuyang anyo nito.Ang prosesong ito ay paulit –ulit na
nagaganap taglay ang pagpapayaman at pagpapabuti sa mga natukoy na kahinaano kakulangan mula sa
naunang pagpaplano.Lumilikha ito ng isan padronpara sa guro upang matutunan ang siklo o cycle na
nabuo. Mapapansin natin sa aktuwalo praktikal na pagtuturo mayroon ding sariling siklo o sariling
proseso ang personal na estratehiya o gawain ng guro. Narito ang simpleng siklo p proseso ng
pagpaplanong pagtuturo.
1. Ganap na kabatiran sa Kurikulum
Ito ay binubuo ng tatlong mahahalagang bahagi (1) Pamantayang pangnilalaman (2) Pamantayan sa
Pagganap (3) Tatas. Tinutugon ng mga bahaging ito ang mga bagay n adapt isagawa ng isan gguro sa
kaniyang pagtuturo sa klase. Halimbawa, sa pamantayang pangnilalaman nakahanay ang mga prinsipal
na kaalaman o kasanayang dapat matutunan ng mga mag-aaral,sa pamantayang pagganap nakahanay
ang prinsipal na kasanayan o kakayahang dapat maipagkaloob sa mga mag-aaral upang maisakatuparan
ang mga gawaing itinakda ng bawat aralin, samantala sa bahagi ng Tatas isinasaad ang pamantayang
dapat taglayin ng mga mag-aaral mula sa nilalamang aralin at kasanayang ipinalilinang .Ang laman at
sustansiya ng pagtuturo ay nakasalig sa pinakapuso ng Sistema ng edukasyon , ang kurikulum.
2. Kabatiran ng mga Kagamitang sa Pagtuturo ng wika sa Elementarya
Matapos maisapuso ng guro ang kurikulum,dapat bigyang kaisipan naman niya ang mga
kagamitang kaniayang gagamitin.Ang bawat paksa sa klase,performance task na isasagawa,at layuning
nais ng guro ay magagawa ng mahusaykung may sapat na gamit.Sa kasalukuyang panahon,hindi
nakapagtataka na ang mga paaralan ay nag-invest na sa mga computer-based lesson na umaangkop sa
mga mag-aaral na millennial,at mahilig sa internet based-learning packaged.
3. Angkop na Estratehiya sa Pagtuturo
Ang paggamit ng angkop na estratehiya sa klase ang nagbibigay lakas ng loob sa guro upang
maisagaw niya ang kaniyang ninanais sa klase. Iba-ibang pangkat at uri ng mag-aaral,iba-iba ring
estratehiyang gagamiting guro.may mga mag-aaral na mabuting gamitan ng top-down na metodo sa
pag-aaral o iyong tinatawg noon na deductive method at ang iba naman ay gumagamit ng bottom-up o
inductive method kung saan hinihimay-himay ng guro ang bawat detalye bago tumungo sa
pinakamahalagang paksa ng aralin.
4. Aktuwal na Pagtuturo sa Klase
Lahat ng kaisipan o inaasahan ng guro ay mababalewalakapag nabigo siya sa pinakamahalagang
bahagi sa pagkaklase at ito ay ang aktuwal na pagtuturo sa mga mag-aaral. Sa bahaging ito nabubuo
ang lahat ng ideya ng mag-aaral tungko sa isang aralin.Mayroon ding mga hakbang na dapat sundin ang
guropara sa epektibong pagkaklase.
5. Pagtataya
Paano malalaman na epektibo ang iyong mga paghahanda,estratehiya at aktuwal na pagtuturo?
Ang pagtataya o assessment ang nagsasabi sa guro kung dapat ba niyang ituloy ang kanyang mag
hakbangin o itigil sandal ang kaniyang proseso upang ayusin ang pinakamahalagang bagay na
m/akikinabang sa kanyang gawa at ito ay kaniyang mga mag-aaral. Dapat ba niyang uitina ang kanyang
pagtuturo o reteaching o dapat na siyang magpatuloy sa susunod na kabanata ng kanayang gawain?
Masasagot ito kung may roong sapat na impormasyon ang guro kaugnay sa kalagayan ng kaniyang mag-
aaral at maibibigay ito sa kaniya ng pagtataya.

Pagsasanay :
Basahing mabuti ang mga sumusunod na mga katanungan at sagutin ito ng buong ingat. Ilahad ang
iyong sagot sa loob ng kahon. Ano-ano ang mga salik sa siklong pagpaplanong pagtuturo? Gumuhit ng
isang ilustrasyong nagpapakita nito. (10)

2. Aling bahagi ng siklo ang pinakamahalaga ? Ipaliwanag bakit.( 5puntos)

Hamunin Natin!
Ibigay ang kahingian sa ibaba. Ilahad ang inyong sagot sa loob ng kahon.
Sumulat ng isang repleksiyon tungkol sa epektibong pagpaplanong pagtuturo at ang mga prosesong
pinagdaan nito. ( 10puntos )

Yunit II- Mga Istruktura ng Wikang Filipino


Malawak ang sakop ng istruktura ng wika sa pagkatuto ng isang mag-aaral sa elementarya sa
larangan ng asignaturang Filipino. Kung paano nating tatalakaying ang iba’t ibang istruktura ng wika . Sa
bawat salitang iyong binibigkas at sinasalita ay may katumbas na bahagi ng pananalita sa larangan ng
wika. Ano-ano ba ang istruktura at kalikasan ng wikang Filipino? Ano ang kahalagahan at dulot nito sa
ating pagkatuto kung paano natin bibigyan ng diin at tunog ang bawat salitang ating binibigkas.
Aralin 1- -Ponolohiya
Ano ang Ponolohiya o Palatunugan
Ang Ponolohiya ay galing sa salitang Griyego na “Phono” na tumutulong sa lahat ng tunog ng
kumakatawan sa lahat ng wika. Ito ay pag-aaral ng pinakamaliit na yunit ng tunog ng may kahulugan.
Ang pag-aaral sa mahahalagang tunog ng wika ay nagbibigay kahulugan sa pagbigkas ng salita o
nagbibigay ng pagbabago sa kahulugan ng mga salita ay tinatawag na PONOLOHIYA O PALATUNUGAN
Ito ang pangunahing kailangan sa lundayang panlingguwistika o estruktura ng wika. Tinuruan nito
ang kakaibang tunog at pagbigkas sa mga salita kaugnay sa kani- kanilang gamit at pagpapakahulugan.
Sa pilosopiya ng wika, tinatawag itong maka- agham napag-aaral ng mga makabuluhang tunog. Ang
mga tunog na ito ay na proproseso o naipapahayag ng isang tao sa pamamagitan ng kaniyang
kakayahang pisikal.
May Tatlong Salik sa Paglikha ng Tunog:
1. Pinanggagalingang lakas o enerhiya na gumagawa ng puwersa o presyon na nagpapalabas ng hangin
na galling sa baga.
2. Artikulador na nagpapagalaw sa hangin na lumilikha ng mga tunog
3. Resonador na sumasala at nagmomodipika ng mga tunog patungong bibig na inilalabas dito.

Ang bibig ng tao ay may apat na bahaging mahalaga sa pagbigkas ng mga tunog:
1. dila ar panga ( sa ibaba )
2. ngipin at labi 9 sa unahan )
3. matigas na ngalangala ( sa taas)
4. malambot na ngalangala ( sa likod)
Nagbabago-bago ang hugis at laki ng espasyo sa loob ng bibig sa panga at sa dila na kapwa malayang
naigagalaw. Ang dila ay napapahaba, napapaikli at napapalapad,napapalag,naiitukod sa ngipin o sa
ngalangala, naikukubkob,naililiyad o naiiarko ayon sa tunog na gusting bigkasin. Nabibigkas ang mga
patinig sa pamamagitan ng apataas at pagbaba ng alinmang sa tatlong bahagi ng dila-
harap,sentral,likod at sa pamamagitan ng pabagu-bago sa hugis ng espasyo ng bibig,kasama na ang
mga labi na dinaraanan ng tinig. At dahil sa pagbagubago-bagong ito ay napag-iiba-iba rin ng
nagsasalita ang uri ng mga tunog na lumalabas sa kanyang bibig.
Upang kilalanin at suriin ang wikang Filipino sa larangan ng pagbigkas o pagkilala sa tunog ng mga
sallita na tinatawag na ponolohiya, pagpaparami at pagbuo ng mga salita na tinatawag na ponolohiya.
Ang tawag sa tunog na may kahulugan din pero pinakamaliit na bahagi ng wika ay PONEMA.
Dapat ninyong maunawan na may dalawang bagay na mahalaga sa pag-aaral nito. Ito ay tinatawag
na FONETIK o makabuluhang tunog, kapag ang tunog na ito ay may kakayahang makapagpabago ng
kahulugan ng isang salita sa oras na ito alisin o palitan na magiging sanhi ng pag-iiba ng kahulugan ng
kahulugan. Halimbawa: ang Pasa na magiging Masa ang tunog na /P /ay napalitan ng /M/ dahil ang
tunog na M ay nagpabago ng kahulugan kaya makabuluhan ang tunog na / M/. Sa KASAL na naging
ASAL ang tunog na/ K/ ay nagpabago ng kahulugan ng salita nang ito ay kaltasin sa orihinal na salita.
Samantala, salitang Babae na naging Babai o Lalake o Lalaki ay hindi nagbago ng kahulugan
mapapansin nagpalitan ang tunog na /e/ at /i/ subalit hindi nagbago ang kahulugan.
Ang Ponema ay nahahati sa dalawang pangkat/uri na tinatawag na Katinig at Patinig. Ang pagbigkas
ng ponemang KATINIG ay naipakikita sa pamamagitan ng punto ng atikulasyon at paraan ng
artikulasyon o pagpapalabas ng hangin sa pagbigkas kung may tunog o wala. Ang poneman PATINIG
naman ay mailalarawan sa tulong ng posisyon ng dila sa pagbigkas ng mga ito at kung saang bahagi ng
dila nagaganap ang pagbigkas ng bawat isa.tulad ng sa harap, sentra,likod, gitna at baba.
MGA PONEMANG KATINIG NG FILIPINO
Paraan ng PUNTO NG ATRIKULASYON Glottal
Artikulasyon Pangngalangala
Panlabi Pangngipin Panggilagid Palatal Vektar
Pasara P t k ?
b d q
pailong m n
Pasutsot s h
Pagilid l
Pakatal r
Malapatibig
y w

Mapapansin na may apat na idinagdag na letra mula sa makabagong alpabeto kungsaan ito ay may
tiyak na ponemikong kalagayan sa alpabetong Ingles. Gagamitin ay F ,J ,V , at Z kapag binaybay sa
Filipino ang mga salitang hiram Pagpapatunay na ang wika natin ay patuloy na umuusbong.
Dalawang uri ng Ponolohiya
Binubuo ng dalawang uri ng Ponema ang wikang Filipino ito ay
(1.) Ponemang Segmental ang tunay na tunog at bawat tunog ay kinakatawan ng isang titik sa ating
alpabeto,ay binubuo ng 15 katinig - /p, b, m, t, d, n, s, l, r, y, k, g, ŋ, w, ˀ / / ˀ / na may tunog na
-pasara/impit na tunog o saglit na pagpigil sa hangin / ŋ /- kumakatawan sa titik na /ng / may limang
patinig na a,e,I,o,u, na may 21 ponemang segmental.
Mahalaga ang / ‘ / o tuldik sa paiwa /’ / sapagkat nakapagpapaiba ito ng kahulugan ng salita kapag
inilagay sa huling pantig. Ang tawag sa /’ / ay Glotal o impit ng tunog itinuturing na isang ponemang
katinig sa Filipino bagama’t hindi ito ipinakikita sa ortograpiya nga ating wika. Mahalaga ito sa isang
salita sapagkat nakapagpapabago ito ng kahulugan ng dalawang salita na pareho ang baybay.
Halimbawa bata /’ / = robe , bata /’ /= child
Itinuturing na ang patinig ay pinakatampok o pinakapromenanteng bahagi ng pantig. Walang pantig
sa Filipino na walang patinig. Hal. ba-hay , ba-ba- e , u-lo , di-la, u- be
May kanya-kanyang tiyak na dami o bilang ng makabuluhang tunog ang bawat wika. Makabuluhan
ang isang tunog kapag nag-iba ang kahulugan nito sa sandaling alisin o palitan ito. Halimbawa’y mag-iba
ang kahulugan ng salitang baso kapag inalis ang /s/ at ito’y nagiging bao. Kapag pinalitan naman ang
/s/ito’y magiging bato. Samakatuwid ,ang /s/ ay makabuluhang tunog sa Filipino at tinatawag na
ponemang segmental.
Mga Ponemang Patinig ang ayos ng dila sa pagbigkas ay sa harap ng sentral ng dila ,ang dila ay sa
likod mataas. Sa pagbigkas ng mga ponemang patinig, may pagkakataon na napapalitan ang ponemang
e ng i at ang o ng u subalit hindi nagbabago ang kahulugan ng salita. Mga Halimbawa :bibe-bibi
,babae-babai doon-duon, noon-nuon.
Subalit may pagkakataon na kapag napapalitan ng e ng i at ang o ng u, nagbabago ang kahulugan ng
salita. Kapag naganap ang pagpapalit at pagbabago ng kahulugan, ang e ng i at ang o ng u ay dalawang
magkahiwalay o magkaibang ponema na. Halimbawa: mesa-table misa-mass
Mga Ponemang Patinig ang ayos ng dila ay nasa bahaginng Harap ng Sentral Dila ,Ayos ng Dila Bahagi
Likod Mataas i u Gitna e o Mababa a

2. Ponemang Suprasegmental
Ito ay pag-aaral ng diin ( stress), pataas-pababa ng tinig ( tune of pitch, ) Paghaba ( lengthening)
hinto ( (juncture) tatlongg uri ng bigkas
1. TONO - ito ay ang pagtaas at pagbaba ng tinig sa pagbigkas ng pantig ng isang salita. Halimbawa:
Ikaw. (may katiyakan) Ikaw? –(hindi sigurado/nagtatanong)
2. DIIN. Ito ang haba ng bigkas na iniukol sa pantig ng isang salita. Halimbawa: BUkas - buKAS PIto -
piTO SAya - saYA Upo - uPO
3. ANTALA - ito ay ang saglit na pagtigil sa pagsasalita upang lalong maging malinaw at mabisa ang
kaisipang ipinahahayag. Halimbawa: Bigkasin at huminto kapag nakita ang / . Si Mark Anthony / at
ako // Si Mark / Anthony / at ako //.

MGA PONEMANG KATINIG


Ang mga ponemang katinig ay maiiayos ayon sa tagpuan-bigkasan at paraan ng pagbigkas at kung
may tinig at walang tinig ng pagbigkas sa mga ito .Samakatuwid, sa pagsasalita, ang paglikha ng
ponema ay mailalarawan sa tagpuan-bigkasan o punto ng artikulasyon at paraan ng pagbigkas /
artikulasyon. Itinituring na digrapo ang ng sapagkat ang ponemang ito ay binubuo ng dalawang letra
subalit kumakatawan sa isang makabuluhang tunog.
PARAAN NG ARTIKULASYON
a. Panlabi ang ibabang labi at labing itaas ay naglalapat; ginagamit ang mga labi sa pagbigkas ng katinig.
/p,b,m,w/
b. Pangngipin- ang dulo ng dila ay dumidikit sa loob o sa likod ng ngiping itaas. /t,d,n/
c. Panggilagid-ang punong gilagid ay nilalapitan o dinidiitan ng ibabaw ng dulong dila /s,l,r/
d. Palatal (Pangalangala) dumidiiit sa matigas na bahagi ng ngalangal ang ibabaw ng punog dila /y/
e. Velar (Pangngalangala) ang velum o malambot na bahagi ng ngalangala ay dinidiitan ng ibabaw ng
punong dila. /k,g, /(ng)/
f. Panlalamunan-ang pagitan ng dalawang babagtingang tinig na tinatawag na glottis ay bahagyang
nakabukas upang ang hangin sa lalamunan ay makadaan. /h/
f. Glottal- ang presyur ng papalabas na hangin o hininga ay nahaharang sa pamamagitan ng pagdidiit ng
mga babagtingang tinig at ang nalilikha ay paimpit o pasusot na tunog. /?/
Paraan ng Artikulasyon o Paraan ng Pagbigkas -inilalarawan kung papaanong gumagana ang
ginagamit ang nmga bahagi ng organong pagbigkas o sangkap sa pagsasalita. Sa pagbigkas ng mga
katinig, inilalarawan din nito kung paano pinalalabas ang hangin hininga sa mga resonador.
Samakatuwid, ang paraan ng artikulasyon/pagbigkas ay tumutukoy sa paraan ng pagpapalabas ng
hangin sa bibig o sa ilong na siyang ginagamit sa paglikha ng tunog.
Ang Paraan ng Artikulasyon o Paraan ng Pagbigkas ay mapapangkat sa Anim, Ayon kina Santiago at
Tiangco (2003) sa aklat ngi Mangahis et.al (2008)
a. Pasara- hinaharangan ang daanan ng hangin. /p,t,k,?,b,d,g/
b. Pailong- nahaharang ang hangin na dapat ay sa bibig lumalabas dahil sa pagtikom ng mga labi,
pagtukod ng dulong dila sa itaas ng mga ngipin, o kaya’y dahil sa pagbaba ng malambot na ngalangala.
Ang nangyayari ay hindi sa bibig lumalabas ang hangin kundi sa ilong. /m,n, /ng/
c. Pasutsot- sa makipot na pagitan ng dila at ng ngalangala o kaya’y ng mga babagtingang tinig
lumalabas ang hangin. /s,h/
d. Pagilid- dahil sa ang dulong dila ay nakadiit sa punog gilagid, sa mga gilid ng dila lumalabas ang
hangin. /l/
e. Pakatal -dahil sa ang dulo ng nakaarkong dila ay pumapalag, ang hangin sa loob ng bibig ay paiba-iba
ng direksyon at ito ay nahaharang. /r/
f. Malapatinig- kapag malapatinig ang ponema, ang galwa ng labi o dila ay mula sa isang pusisyon
patungo sa ibang pusisyon. /w,y/ Dahil sa modernisasyon ng wikang Filipino, malaya ng nakakapasok
angmga salitang katutubo at banyaga sa wikang ito bunga ng malawakang panghihiram ng salita. Ayon
sa ilang dalubwika, ang dating bilang ng mga ponemang Filipino ay nadagdagan na nga pitong bagong
ponema.
Ayon kay Dr. Alfonso Santiago (1985), ang / ̓/ ay impit na tunog sa matandang balarila. Ang
ponemang ito ay medyo nagpapagulo nang kaunti sa palabaybayang Filipino sapagkat kahit ito ay isang
ponema, hindi ito inirerepresenta ng titik o letra. Sa halip inirerepresenta ito sa dalawang paraan: a.
nakasama ito sa palatuldikan at inirerepresenta ng tuldik na paiwa ( ʽ) kung nasa posisyong pinal ng
salita.
MGA PARAAN NG PAGBIGKAS O DIIN
Ang kahulugan ng salita ay naiiba dahil saparaan ng pagbigkas nito kahit na magkakapareho ng
baybay ang mga salita. Ang uri ng pagbigkas o diin ay malumay , malumi , mabilis at maragsa.
1. Salitang Malumay – binibigkas ito nang may diin sa ikalawang pantig mula sa huli.Karaniwang
salitang tagalog ay malumay,ito ay hindi tinuduldikan. Ang mga salita ay maaaring magtapos sa patinig
o katinig at ito ay banayad kung bigkasin ito ang mga salitang may impit na tunog sa posisyong pinal.
Halimbawa : Malaya , kanluran, maayos , payaso, sarili, nanay, babae, dalaga , tao atbp.
2. Salitang Malumi - ang salitang malumi o malumay rin.Ang pagkakaiba laman ng malumi ,ito’y laging
nagtatapos sa impit na tunog. Ginagamitan ito ng tuldik na paiwa (ʽ) na itinatapat sa huling patinig ng
salita. Halimbawa : Uri , hita , suri ,bata , dalamhati , hiwa , kusa atbp.
3. Salitang Maragsa – salitang binibigkas ng tuloy-tuloy mula sa una hanggang sa huling pantig. Ang diin
ay nasa huling pantig. Lagi rin itong nagtatapos sa patinig,. Inirerepresenta ito ng tandang pakupya (˄)
na inilalagay sa dulo ng salita. Gaya ng salitang malumi, lagi ring nagtatapos sa patinig ang salitang
maragsa. Mga Halimbawa: kaliwâ, butiki, salitâ, dukhâ . Ang tuldik na paiwa (ʽ) at tandang pakupya (˄)
ay kapwa kamakatawan sa ponemang glottal na pasara o impit na tunog.
4. Salitang Mabilis – Ang pamamaraan ng pagbikas nito ay tuloy-tuloy na ang diin ay nasa huling pantig.
katulad ng salitang malumay,ito ay maaring magtapos sa patinig o katinig. Ginagamitan ito ng tuldik na
pahilis(‘) Halimbawa: takbo’ isa ‘ kami’ pamaypa’y katawa’n batubato’ bana’l malaki’
b. Inirerepresenta ito ng gitling (-) kapag ito ay nasa loob ng salita sa paigitan ng katinig at patinig. Mga
Halimbawa: may-ari, mag-alis, nag-ulat Kung aalisin ang gitling, mag-iiba ang kahulugan ng salita .
Inilalagay ang gitling sa pagitan ng panlapi na nagtatapos sa katinig at salitang-ugat na nagsisimula sa
patinig.

Pagsasanay :
A. Panuto: Isulat ang wastong diin ng mga salitang nasa panaklong ayon sa wastong gamit sa
pangungusap.
pala – 1. Dumating na ______siya kagabi na may dalang maraming ________.
kasi- 2. Hindi nakadalo ang kanyang ________ , _________may lagnat ito.
dating 3._______matamlay na ang bata noong bagong______pa lamang ito.
sila 4. ______ ay na _____ng malalaking Leon.
lamang 5. Ako ______ dapat ang maging _____sa amin.
tabi 6. ______po ,maaari bang ta______sa iyo?
taga 7. Ang lalaking _______probinsiya ay may _____sa kanyang mukha.
yaya – 8. Ang aming _______ay nag-______ nang mamasyal.
buslog 9. Hindi ko magalaw ang aking______sapagkat ako’y sobrang _______.
puso 10. Ang pagpapaayos ng kanilang _____ang lagging nasa kanyang ______.

Pagsasanay B:
Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga halimbawa ng salitang may iba-ibang diin. Ibigay ang
isinasaad ng kahulugan nito.
1. / BU;kas/=_________________ / bu:KAS /=__________
2. / LI:gaw/= _________________/ li:GAW /=___________
3. / GA:lah/ =_________________/ ga:LAH /=___________
4. /PU:la?/ = _________________/ pu: LA/=___________
5. /BU:koh/ =__________________/bu:KOH/=__________
Gawain: A. Magtala ng mga salitang may iba’t ibang paraan ng Pagbigkas o Diin tig –lilimang salita
Lagyang ng sapat na diin o bantas sa bawat salitang iyong maitatala.

Malumay Malumi Mabilis Maragsa

Gawain B. Magtala ng mga ponemang patinig gamit ang patinig na e at i ang o at u. Mga salitang
nagpapalit ng titk subalit iisa ang kahulugaan Isulat ang sagot sa loob ng kahon. Tig lima (5)
halimbawa

Yunit III- MORPOLOHIYA


Aralin 1- Ano ang Morpolohiya
Ang Morpolohiya ay pag-aaral ng pagsasama-sama ng mga tunog upang makabuo ng salita.
Inilalarawan sa morpolohiya ang pagkakaroon ng makabuluhang kahulugan ng isang salita sa
pamamagitan ng pinagsama-samang mga tunog. Ito rin ay pag-aaral ng pinakamaliit nay unit na
bumubuo sa salit na may kahulugan.
Morpema – ang pinakamaliit nay unit na bumubuo salita na may kahulugang”kaagad na naihahayag
kahit ang ilan sa kanila ay pangkayarian at di kahulugang leksikal ang binibigay’ ( Villanueva at
Villanueva,1971) ay maaring salita o salitang- ugay.( Grammar at Linguwistik 9)
Mga Anyo ng Morpema
1. Morpemang binubuo ng salitang ugat- ito ay mga salitang payak,walang kasamang panlapi.
Hal. tanim , sulat , gawa , atbp.
2. Morpemang binubuo ng panlapi- kilala rin itong bilang di-malayang morpema sapagkat inilalapi sa
ibang morpema. Halimbawa: alamin, antukin, hikain atbp.
3. Morpemang binubuo ng isang ponema- ito ay nangangahulugang kasariang pambabae na isinasaad
ng salitang –ugat. Hal. duktura – duktura , kargador – kargadora propersor- propesora
4. Morpemang Pangkayarian- Ito ay nakapagpapalinaw ng kahulugan ng buong pangungusap katulad
ng: ang, si, ng, sa, pero, ka, ba atbp.
5. Morpemang Pangnilalaman- Ito ay mga salitang may tiyak na kahulugan at nagsisilbing mahalagang
salita sa loob ng pangungusap. Hal: sipag, tiyaga, hirap atbp.
Tatlong Gamit ng Morpema
May tatlong gamit ang morpema ang malaya, di-malaya, at ang pinagsamang di-malaya at
salitang ugat.
1.Morpemang Malaya -ito ay mga yunit ng salita na ibinubuo ng bahagi ng pananalitang
pangngalan, pang-uri, pandiwa, at pang-abay ay itinatawag rin na salitang ugat na walang
kasamang panlapi Mga Halimbawa (bigay )– Bigay ni Andres ang bagong kotse ni Miguel.(dasal )–
Mga dasal ng publiko ang tanging hinihingi ng pamilya. (bili) – Bili ni Joselito ang mga pagkaing dala-
dala nila papuntang bukid. 2.Morpemang Di-malaya Ito ay tumutukoy sa mga panlapi na ikinakabit
sa salitang-ugat upang magsaad ng antas. Ito ay maaring unlapi, gitlapi, o hulapi. Mga Halimbawa:
Unlapi – ma, nag , Gitlapi – um, in Hulapi – in, ay, an.

3. Morpemang Di-malaya at Salitang-ugat -ito ay ang tambalan ng salitang-ugat at ng panlapi.


Narito ang ilang mga halimbawa: binigay, umulan ,kinumpuni ,lutuin alisin

Pagbabagong Morpoponemiko ng Wikang Filipino at Sama

Mayroong limang uri ng morpoponemikong pagbabago: Asimilasyon, Pagpapalit, Paglilipat,


Pagdaragdag, at Pagkakaltas.

1. Asimilasyon- tumutukoy ito sa pagbabagong anyo ng morpema dulot ng pag impluwensiya ng


mga katabing tunog nito. Ang mga panlaping nagtatapos sa -ng ay pinapalitan ito ng -n o -m gaya ng
panlaping sing- na magiging sin- o sim. Ang mga salitang nagsisimula sa mga patinig at katinig na k, g,
h, n, w at y ay idinagdag ang panlaping sing- at pag-. sing + haba = singhaba ,pang + awit = pang-awit

Sa mga nagsisimula sa d, l, r, s, at t ay may panlapi na sin- o pan-. sing + tamis = sin +


tamis=sintamis

pang + dagat = pan + dagat = pandagat

Sa mga nasisimula naman sa b at p ay may panlapi na sim- at pam-. pang + basa = pam + basa =
pambasa, sing + payat = sim + payat = simpayat,

May Dalawang Uri ng Asimilasyon:

a. Asimilasyong parsyal o di-ganap – pagbagbagong nagaganap lamang sa pinal na panlaping -ng.

b. Asimilasyong ganap – nagaganap ito kapag natapos na maging n at m ng panlapi nawawala din
ang unang ponema ng nilalapiang salita dahil naasimila na ito o napapaloob.

Halimbawa : Pang+takip = pantakip------panakip , pang+tali= pantali-----panali

Pang+tahi = pantahi--------panahi , pang+palo = pampalo-----pamalo

2.Pagpapalit ngtumutukoy sa ponemang nagbabago o napapalitan sa pagbuo ng mga salita


/ d/---------------------/ r /

Halimbawa: d at r - dito – rito ,ma + dapat – marapat ,ma + dumi – marumi ,

Ang /h / ay nagiging / n/ tawa + han = tawanan , kuha + han = kuhanan

3. Paglilipat o Metatesis -ito ay ang paglilipat ng posisyon ng mga ponema.

kapag nagsimula sa letrang / l / o /y / ay ginigitlapian ng -(in)- ay nagpalit ang n at i sa

unlaping ni-.y + -in- + akap = yinakap = niyakap , l + -in- + ayo = linayo = nilayo

Halimbawa : yaya + in = Yinaya-----------niyaya , lakad + in - linakad -------nilakad

4. Pagkakaltas ng Ponema-Ito ay ang pagkawala ng isang ponema o morpema na maari itong nasa
unahan o sa gitna ng salita.
Halimbawa : bukas + an = bukasan = buksas , dala + hin = dalahin= dalhin

Asin + an = asinan-----------asnan , sara + an = sarahan ------sarhan

5. Paglilipat-diin –malibansa pagbabagong nagaganap sa mga salita maari ring malipat ang diin ng
isa o dalawang pantig patungong huling pantig o unahan ng salita.

Halimbawa- basa+ hin = basahin uwi + an = uwian laro + an = laruan

Hamunin Natin !

Panuto : Gumawa ng Pananaliksik : Magtala ng mga salitang ginamitan ng Morpomonekong


Pagbabago. Magtala lamang sa bawat Pagbabago ng tig-lilimang halimbawa ayon sa kategorya.
Isulat ang inyong kasagutan sa ibaba ng bawat kategorya.

Asimilasyon Pagpapalit Paglilipat Pagkakaltas Paglilipat-diin

Pagsasanay :

Panuto : Magbigay ng repliksyon sa napag-aralan natin hingil sa gamit ng MORPEMA

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

Aralin 2- Sintaksis
Introduksyon sa Pag- aaral ng Wika (Sintaks)
Ito ang pag- aaral ng istruktura ng mga pangungusap pagsasama- sama ng mga salita para makabuo
ng mga parirala o mga pangungusap na may kinalaman sa sistema ng mga tuntunin at mga kategorya
na batayan sa pagbuo ng pangungusap Sintaks. Sa bahaging ito tatalakayin ang parirala at sugnay at
pangungusap tungo sa malayong layunin at gamit nito para sa kapakinabangan personal sa hinaharap.
A. Parirala:- ito ay lipon ng mga salitang walang paksa o panaguri.
Halimbawa : dahil sa kapayapaan para sa akin hinggil sa tubig
Tungkol sa pagtatapon para kay Marco tahanang bato
Kayarian ng Parirala:
1. Pariralang Pang-ukol- pinangungunahan ito ng pang-ukol na sinusundan ng layon nitong
pangngalan o panghalip ( para kay, para sa , ukol sa, ukol kay , laban kay , laban sa , hinggil sa, hinggil
kay, alinsunod sa , ayon sa , ayon kay )
Halimbawa : Ang pagkamatay ng bata ay dahil sa kapabayaan
Tungkol kay Roland ang pinag-uusapan ng pangkat.
2. Pariralang Pangngalang Diwa – ito ay binubuo ng pangangalang diwa at layon nito
Halimbawa: Ang pagluuto ng suman ay hanapbuhay niya.
Ang hindi pag-inom ng gamut ang ikinamatay niya.
3. Pariralang pawatas- binubuo ito ng pawatas na pandiwa at ng layon nito.
Halimbawa : Ang kumain ng tama ay nakabubuti sa kalusugan
Ang pag-aaral ng maayos ay nakatutulong sa pagkakamit ng mataas na marka
4. Pariralang anyo ng Pandiwa – binubuo ito ng pandiwa sa alinmang aspekto at layon
Halimbawa : Ang tagapayo nila ay naglilinis ng silid.
Ang mag-anak na kambal ay kaibigan ko.

SUGNAY : -Lipon ng mga salita n may paksa at panaguri subalit maaring hindi buo ang diwa nito.
1. Sugnay na Makapag-iisa- nagtataglay ito ng buong diwa. Tinatawag din itong payak na
pangungusap o malayang pangungusap na may paksa at panaguri at may buong diwa .
Halimbawa- Ang matanda ay abala sa gawaing bahay.
Dumating ang panauhinng aking kapatid
Ang mga babae ay naglilinis sa kalsada
2. Sugnay na di-makapag-iisa – hindi ito nagtataglay ng buong diwa. Ito ang dahilan kung bakit
mayroon tayong hugnayan at langkapang pangungusap. Ito’y pinangungunahan ng pang-ugnay at
pangatnig.
Halimbawa: Hindi ako maghihirap kung magsusumikap ako sa buhay.
Nagluluto ang nanay ng ulam habang may nagbanggaan.
Pangungusap- Ito ay binubuo ng isang salita o lipon na nagpapahayag ng buong diwa. Ginagamit itong
kasangkapan sa isang sulatinna kailangan sa pagbuo ng talata tungo sa isan komposisyon.
Ayos Ng Pangungusap –May dalawang ayos ang pangungusap ito ay karaniwan at di-karaniwan ayos.
1. Karaniwang ayos ng Pangungusap- dito nauuna ang panaguri kaysa paksa. Hindi ito ginagamitan ng
ay Halimbawa : Nagkakasiyahan ang mga makabagong kabataan.
2. Di karaniwang –ayos ng pangungusap- ditto nauuna ang paksa kaysa sa panaguri. Ginagamitan ito
ng ay Halimbawa : Ang mga guro ay abala sa ginagawan pagpupulong.

Gawain:
Panuto : Bumuo ng limang pangungusap gamit ang Ayos ng Pangungusap. Ang pangungusap na
inyong gagawin ay patungkol sa pandemya na nagaganap sa ating kapaligiran.
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________

Pagsasanay :
Piliin ang angkop na sugnay sa loob ng panaklong upang mabuo ang pangungusap. Isulat ang angkop
na kasagutan sa patlang.
1.Tumataas ang bilihin sa palengke ( kung tumataas ang pamasahe : kapag tumataas ang pamsahe )
__________________________________________
2. Nakasundo ang mamamayan ng Leyte ( dahil sa kahirapang nararamdman ; tungkol sa kahirapang
nararamdaman ) ____________________________________________
3.Natutuwa ang guro sa mabuting nagawa ni Mario ( samantalang nalulungkot ang mga kaibigan ;
habang nalulungkot ang mga kaibigan )______________________________________________.
4. Patawarin mo ako sa mga pagkakamaling nagawa ko ( upang magkaroon ako ng katahimikan : kung
gayon magkakaroon ako ng katahimikan )
5. Ag mga Pilipino ay umaasang makababangon sa epekto ng kaliwa’t kanang sakuna ( bagaman may
kahirapan : samantalang may kahirapan )_________________________________________

Mga Sanggunian :

Roseta V. Comiso –Gallo , Restituto M. Mendoza , Rene P. Sultan -Pagtuturo ng Filipino sa Elemetarya
Sa Elementarya I ( Estructura at Gamit ng Wikang Filipino ) Rex.Book Store Manila Philippines
Unang edisyon 2020- ISB978-621-04-0378-7
Ronnie B. Rubi ed.D: Robinson K.Cedre : Modyul sa Flipino 1 Komunikasyonsa Akademikong Filipino
ISBN: 978-971-0161-48-5 JimczyVille Publication, 16 Concha st. tinajeros, Malabon city
Alfonso O.Santiago ,Norman G. Tiangco – Makabagong Balarilang Filipino, Binagong Edisyon 2003
ISB 971-23-3681-6 inilimbag Abril 2004 ;Rex Book store(RBSI)Sampaloc ,Manila

You might also like