You are on page 1of 4

CAGASAT NATIONAL HIGH SCHOOL MAIN

Gayong, Cordon, Isabela

READING PROGRAM
Pre-Test

Grade 8 – Filipino
Pagbasa Komprehensiyon at Bokabularyo

Panuto: Basahin ng mabuti ang seleksiyon.Bilugan ang titik ng tamag sagot.

Malalabanan Mo ang Pandemic Fatigue

Pagod ka na basa mga pagbabagong kinailangan mong gawin gawin dahil sa


COVID-19? Kung,oo hind ka nag-iisa.Ilang buwan at taon nang nag-aadjust ang mga tao sa
buong mundo dahil sa pandemic.Marami ang “gumawa ng malalaking sakripisyo para
maiwasan ang COVID-19” ang sabi ni Dr. Hans Kluge World health Organization Regional
Director sa Europe.”Sa ganitong sitwasyon,normal lang na manghina,mawalan ng gana,at
mapagod.Kung sa tingin mo,may pandemic fatigue ka na,huwag kang masiraan ng loob.
Ano ang pandemic Fatigue?
Ang pandemic fatigue ay hindi isang sakit.Ginagamit ang terminong ito para ilarawan
ang karaniwang nararamdaman ng mga tao ngayong nagbago ang buhay nila dahil sa
pandemic.Iba-iba ang epekto nito sa mga tao,pero ito ang karaniwang senyales na may
pandemic fatigue ka:
*Walang ganang gumawa ng kahit ano
*Pagbabago sa pagkain at pagtulog
*Madaling maiinis
*Nai-stress sa mga trabahon ginagwa mo naman noon
*Hindi makapagpokus
*Nawawalan ng pag-asa
Bakit hindi natin dapat maliitin ang pandemic fatigue?
May epekto sa safety natin at ng iba ang pandemic fatigue.Kung hindi tayo mag-
iingat,baka unti-unti na nating bale-walain ang mga safety protocol ng COVID-19.Baka
maging kampante na tayo kahit kumakalat pa rin ang sakit at maraming namamatay.At dahil
pagod na tayo sap ag-iingat,baka gusto na nating bumalik sa normal nating buhay,na
puweding makasama sa atin at sa iba.
Narito ang isang hakbang na puweding makatalutong sayo upang malabanan ang
pandemic fatigue.
Sundin ang physical distancing-pero maging close parin sa mga kaibigan.Subukan
ito: Regular na kontakin ang mga kaibigan mo na gamit ang video call,telepono o
cellphone,at email o text.Kapag hindi maganda ang araw mo,humanap ng kaibigan na
mapagsasabihan ng niloloob mo.Kumustahin mo sila.Tanungin sila kung ano ang ginagaw
nila ngayong pandemic,at sabihin din sa kanila ang mga ginagwa mo. Mag-isip ng paraan
kung paano ka makakatulong sa isang kaibigan,at pareho kayong magiging masaya.

Mga tanong:

1. Ano ang Pandemic fatigue?


a. Ang pandemic fatigue ay isang sakit
b. Ang pandemic fatigue ay isang termino sa panahon ng pandemya
c. Ang pandemic fatigue ay ang isang terminong ginagamit para ilarawan ang
karaniwang nararamdaman ng mga tao.
d. Lahat ay tama
2. Ano ang puweding maranasan sa panahon ng pandemya na mababasa sa WHO?
a. matatakot at mababalisa
b. malilito at masisindak
c. mababagot at malulungkot
d. manghina,mawalan ng gana at mapagod.
3. Alin ang hindi senyales ng may pandemic fatigue?
a. Walang ganang gumawa ng kahit ano
b. Pagbabago sa pagkain at pagtulog
c. Na-stress sa mga trabahong ginagwa mo naman noon
d. Madaling matapos ang mga gawain
4. Sino ang nagsabing “Sa ganitong sitwasyon,normal lang na manghina,mawalan ng
gana ,at mapagod.”
a. Dr. Hane Kluge
b. Dr. Hans Kluge
c. Dr. Hame Kluge
d. Dr. Han Kluge
5. Ano ang mga salitang magkapareho ang kahulugan na makikita sa binasang
seleksiyon?
a. kumakalat-nanatili
b. hindi tayo mag-iingat-maging kampante
c. sakit-pandemic fatigue
d. senyales-epekto
6. Maaring may pandemic fatigue ka kung nararasan mo ito.
a. Mahimbing ang pagtulog
b. Madaling magkapagpokus
c. Nawawalan ng pag-asa
d. Nalilibang sa mga gawain
7. Paano mo maiiwasan ang pandemic fatigue?
a. Kapag ikaw ay nai-stress magtungo sa bahay ng kaibigan
b. Regular na kontakin ang mga kaibigan sa pamamagitan ng cellphone.
c. Mamasyal sa parke kasama ang mga kaibigan
d. Magtungo sa mga restaurant at mag dine-in
8. Bakit hindi natin dapat maliitin ang pandemic fatigue?
a. Dahil may epekto sa ating mga kamag-anak
b. Dahil may epekto sa ating mga kaibigan
c. Dahil may epekto sa is ating mga kapatid
d. Dahil may epekto sa safety natin at ng iba.
9. Kanino magsisimula ang hakbang upang malaban ang pandemic fatigue?
a. Pamilya
b. Frontliner
c. Guro
d. Sarili
10. Sa panahon ng pandemya ano ang pinaka kailangan linangin ng bawat isa?
a. Disiplina sa sarili
b. Pakikipagkaibigan
c. Pakikitungo ng mabuti sa kapwa
d. Laging makinig ng mga balita
11. Isa lang sa mga nasa talaan ng pagpipilian ang hindi marapat gawin sa panahon ng
pandemya kung pakikipag-ugnayan na sa kapwa ang paksa.Alin dito ang tinutukoy
ko?
a. Paggamit ng gadgets
b. Paggamit ng telepono
c. Paggamit ng sulat
d. Pkikipag-ugnayang face to face
12. Ano ang gustong ipahiwatig ng seleksiyon?
a. Sa gitna ng pandemya puwede ka parin maging masaya
b. Ang pandemya ay nagbibigay pagkabagot sa bawat isa
c. Lahat ng tao ay nagkakaroon ng Pandemic Fatigue
d. Marami na ang nawalan ng gana sa mga gawain
13. Bakit hindi kailangang magpanik ngayong panahon ng pandemya?
a. Lalo kang manghihina
b. Mawawalan ka ng pokus
c. Negatibo ang pananaw sa lahat ng bagay
d. Lahat ng mga nabanggit
14. Bilang isang kabataan ano ang puwedi mong gawin para maiwasan ang pandemic
fatigue?
a. Tapusin lahat ng module kahit ka-kaonti nalang ang oras ng pagtulog
b. Maglaan ng skedyul para sa mga gawain sa maghapon
c. Gawin lahat ng mga gawain sa bahay kahit nalilipasan na ng gutom
d. Laging panoorin ang ang mga kaganapan tungkol sa COVID-19
15. Lahat ay kinakapitan natin para sa di-matingkalang tulong sa ganitong panahon
subalit may pinakasa lahat.Sino kaya ang tinutukoy?
a. Mga Doktor
b. Pamahalaan
c. Diyos
d. Lahat ng nabanggit

Inihanda ni:

MONET B. CALUYA, T-I


Guro sa Filipino

You might also like