You are on page 1of 2

Alamat ng Kasoy

Noong unang panahon, ay nasa loob ng kasoy ang abuhing buto nito. Lungkot na lungkot
ang buto sapagkat madilim na madilim sa loob ng Kasoy. Lalo itong nalungkot nang malamang
magdaraos ng isang handaang ang Ada ng kagubatan. Sa gabi ng handaan ay ipinatawag ng Ada
ang lahat ng hayop at halaman.

Ang buong kagubatan ay nagliliwanag sa tama ng mga ilaw ng parol ng mga Alitaptap.
Ang huni ng mga Kuliglig at kokak ng mga Palaka ay sumasaliw sa awit ng mga Maya.
Masayang kasayaw ng mga Kuneho ang mga Usa, ng mga Elepante ang mga Tamaraw, ng Zibra
ang Tsonggo. Kapareha naman ni Kangkong ang Sitaw, ni Mangga ang Dalanghita, ni Saging
ang Papaya.

Lahat ay nagsasayaw. Lahat ay kumakanta. Masayang-masaya sa kagubatan. Bukod


tanging ang buto ng Kasoy ang lungkot na lungkot.

“Mabuti pa sila, nakikita ang masayang paligid. Heto ako, nakakarinig ng awit at
tawanan pero hindi naman nakikita ang katuwaan.”

Naulinigan ng makapangyarihang Ada ang himutok ng buto.

“Gusto kong maging maligaya ka. May kahilingan ka ba?”

“Ayoko pong nakakulong sa madilim na lugar na kinalalagyan ko. Naiinggit ako sa


ibang hayop at halaman na tuwang-tuwa kapag may handaan sa kagubatan. Nakakasama
sila sa pagsasaya. Hindi lang nila naririnig kundi nakikita pa ang katuwaan ng lahat.”

“Maawa kayo, mahal na Ada. Gawan ninyo ng paraang makalabas po sana ako sa
pagkakakulong ko sa loob ng prutas na ito.”

Naantig ang maawaing damdamin ng mahal na Ada. Iwinasiwas nito ang nagniningning
na pananglaw. Sa isang iglap ay nakalabas sa madilim na kulungan ang buto.

Masayang-masayang napanood ng buto ng Kasoy ang sayawan, kantahan at


pagkakatuwaan ng mga hayop at halaman.

Ang malakas na pagkokak ng mga Palaka at paghuni ng mga Kuliglig at sumaliw sa awit
ng mga Maya. Sa tuwa ng Elepante ay kumembut-kembot ito sa pag-indak. Napapasabay din sa
pag-imbay ang mahagway na kawayan kasama ang Pagong na nagbababa at nagtataas ang
bahay-bahayan.

Hatinggabi na nang iwasiwas na muli ng butihing Ada ang kaniyang makinang na


pananglaw. Hudyat iyon ng pamamahinga. Pinatay na ng mga Alitaptap ang parol nila.
Nalungkot ang buto ng dumilim na ang paligid.

Nahalinhan ng takot ang lungkot nang kumulog at kumidlat. Napansin ng buto na


nagsipagtago ang mga hayop sa mga kweba.

Mahigpit naming ikinabit ng mga halaman ang mga ugat sa ilalim ng lupa.

Tulad ng dapat asahan, bumuhos na ang malakas na ulan. Takot at kinakaligkig sa lamig
ang buto.

“Ga…Ganito pala sa labas. Ma…Mamamatay ka sa sobrang ginaw. Mabibingi ka


sa ingay ng kulog. Malamang na tamaan ka pa ng kidlat. A…Ayoko na sa labas.”

Hindi pinakinggan ng Ada ang abuhing ng buto ng Kasoy. Bilang panghabambuhay na


parusa ay pinamalagi ng Adang manatili sa labas ng Kasoy ang buhing ng buto nito.

Iyan ang alamat ng Kasoy at ng di nito makuntentong buto.

You might also like