You are on page 1of 4

PANUKALA SA PAGPAPAGAWA/PAGPAPATAYO NG HEALTH

CENTER PARA SA BARANGAY LANGUB

Mula kay Michelle Sumile


Purok 4 Magcamiguing,Misamis Occidental
Ika 22-ng Oktubre 2020
Haba ng Panahong Gugulin: 2 na Buwan

I. Pagpapahayag ng Suliranin

Sa patuloy na pabago-bago ng panahon ay hindi mapipigilan at


maiiwasan ang pagkalat ng mga naturang sakit gaya ng lagnat, ubo,
sipon at maging ang trangkaso na maaaring makakaapekto sa
kalusugan ng mga mamamayan. Mga sakit na sanhi ng pagbaba ng
resistensya ng bawat mamamayan, ang barangay na ito ay
nakakaranas ng matinding mga sakit lalo na't ngayon sa panahon ng
pandemic na kinakaharap ng kasalukuyan. Ang lahat ay naapektuhan
sa sitwasyong ito. Nararanasan din ng mga mamamayan sa Barangay
Magcamiguing ang pagkabahala sapagkat malayo ang Heath Center
na siyang papapachek-upan at pagpapatinginan ng mga mamamayan
lalong-lalo na sa mga kabataang nagkasakit at mga buntis at maging
ang mga senior citizen, nahihirapan na din ang mga mamamayan dahil
sa dagdag gastos sa pamasahe dahil sa malayong lokasyon ng Health
Center. Dahil dito mas mainam na makapagpatayo o makagawa ng
Health Center sa Barangay magcamiguing.Kung ito'y mapapatayo tiyak
na mas madali na para sa mga mamamayan ang pagpapagamot at
pagpapatingin sa Health Center at bawas na din sa dagdag gastos sa
pamasahe ng mga mamamayan.
Sa makatuwid, ang paggawa ng isang health center ay
makakatulong upang maiwasan ang mga sakit na mabilis kumakalat at
mapanatiling malusog at nasa tamang kondisyon ang pangangatawan
ng bawat mamamayan lalo na sa panahon ng sakuna at sa
kinakaharap ng kasalukuyan, ang pandemic na dulot ng COVID 19.
Kailangang mapatayo at mapagawa ang proyektong ito sa mas lalong
madaling panahon upang matiyak ang magandang kalusugan at
katawan ng mga mamamayan at kaligtasan ng mga kabataan sa
Barangay Magcamiguing.
II. Layunin

Makapagpagawa ng Health Center na makatutulong para matiyak ang


kalusugan at kapakanan ng mga mamamayan sa anumang sakuna at sakit. At
pati narin ang mas pagpapadali ng pagpapacheck-up at pagpapakonsulta ng
mga mamamayan sa Barangay Magcamiguing.

III. Plano ng Dapat Gawin

1.Pagpapasa,paghahanda,paglalabas ng badyet at oag-aaproba.(2 linggo)

2.Pagsasagawa ng bidding mula sa mga contractor o mangongontrata sa


pagpapagawa ng Health Center( 2 linggo)
* Ang mga contractor ay inaasahang magsusumite ng kani-kanilang tawad para
sa pagpapatayo ng Health Center kasama ang gagamiting plano para rito
.
3.Pagpupulongng konseho ng barangay para sa pagpili ng contractor na gagawa at
magpapatayo ng Health Center(1 araw)

*Gagawin din sa araw na ito ang opisyal na pagpapahayag ng napiling contractor para
sa kabatiran ng nakararami.

4.Pagpapatayo ng Health Center sa ilalim ng pamamahala ng konseho ng Barangay


magcamiguing.(3 buwan)

5.Pagpapasinaya at pagbabasbas ng Health Center (1 araw)


IV. Badyet

MGA GASTUSIN HALAGA


I. Halaga ng pagpapagawa ng
Health Center batay sa
isinumite ng napilingv Php450,000,000.00
contractor (kasama na rito
ang lahat ng materyales at
suweldo ng mga
trabahador).
II. Gastusin para sa
pagpapasinaya at Php 80,000.00
pagbabasbas nito.
KABUOANG HALAGA Php450,080,000.00

V. Layunin
Ang pagpapagawa ng Health Center ay magiging kapakipakinabang
sa lahat ng mamamayan ng BarangayMagcamiguing.Matiyak ang
magandang kalusugan at tamang kondisyon ng bawat mamamayan dahil
sa tulong ng Health Center. Napakalaking tulong ito para sa mga
mamamayan ang pagkakaroon ng isang Health Center sa barangay
upang mailigtas ang bawat isa sa mga sakuna at sakit, hindi lang sa mga
sakit nagpopokus ang serbisyo ng Health Center sa barangay, nakatuon
din ito sa maternal care, infant care, at kalusugan ng mga batang nasa 5
taong gulang pababa. Kagaya ng bakuna para sa mga batang 0 hanggang
12 buwang gulang, pagkakaroon ng Integrated Vaccination Program sa
pneumococcal at flu, pang measles, mumps, rebulla, OPV, hepatitis B, at
chicken pox. Nagbibigay din ng immunization para sa mga batang lagpas
1 taon at regular na check-up at bitamina para sa mga batang hanggang 5
taong kulang at sa mga inang nagbubuntis. Maternal care, tulad ng pre-
natal at post-natal check-up para sa mga buntis at bagong panganak. May
pregnant health nutrition education din at mga libreng bitamina na
makakatulong sa mga buntis upang mapanatili ang kalusugan ng batang
nasa sinapupunan pa lamang ng ina. Higit sa lahat ay ang medical check-
up para sa lahat ng miyembro ng pamilya, sa kahit anong edad at ang
pagiging libre ng gamot sa lahat ng uri ng sakit. Ang mga mamamayan ay
magkaroon na ng kapanatagan sa puso at mabawasan na din ang pag-
alala ng bawat isa tuwing ito'y makaramdam man ng anumang naturang
sakit dahil alam nilang may pupuntahan na silang Health Center na nasa
kanilang barangay mismo at hindi na kakailangan ng anumang halaga ng
pera para makapagpacheck-up o makapagpakonsulta sa mga
karamdaman.

Tiyaking ligtas ang buhay ng mga mamamayan ng Barangay


Magcamiguing.Ipapatayo ang Health Center upang magkaroon ng
magandang kalusugan at tamang kondisyon ang pangangatawan ng
bawat mamamayan.

You might also like