You are on page 1of 11

ISANG PAG-AARAL TUNGKOL SA

PAGGAMIT NG MGA SALITANG CONYO AT TAGLISH NG MGA


KABATAAN
PANURANG 2018-2019

Isang Konseptong Papel na Iniharap


Sa aming Guro sa Filipino,
Bb. Ana Ruth C. De La Vega

Bilang Pagtupad sa mga Pangangailangan sa Asignaturang


Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto
Tungo sa Pananaliksik

Mananaliksik
Bernardino, Yanna Niza B.

Baitang 11-10 HSS

Marso 2019
Kaligiran at Rasyonal ng Pananaliksik

Ayon kina Espina at Borja (1999) an g wika isang mahalagang

kasangkapan ng tao upang maipahayag ang kanyang damdamin at kaisipan.

Ang kakayahan sa paggamit ng wika na nasasalig sa isipan, damdamin atkilos ng tao

ay resulta ng isang dinamikong prosesong bunga ng kanyang karanasan-

kabiguan,tagumopay, pakikipagsapalaran at maging ng kanyang mga pangarap

at mithiin.

Isang sa pangunahing wika ng Pilipinas ang tagalog. Tinagurian natin itong

pambansang wika mula 1961 hangang 1987 at mas kinikilalang lenggwahe ng mga

lalawiganing lugar tulad ng MIMAROPA AT CALABARZON o region IV. Bilang isa

sa pinaka pangunahing wika ng bansa, kadalasan din itong nagagamit at ginagamit sa

pang araw araw na pamumuhay ng mga Filipino lalong lalo na sa mga siyudad na gaya

ng Maynila. Ang wikang tagalog din ang nagsisilbing tulay ng pang araw araw na

komunikasyon ng bawat Filipino maging sa larangan man ng pelikula o musika.

Nagagamit rin ito sa pagpapahayag ng balita mapa telebisyon man o radyo. Ginagamit

din ang wikang ito bilang pangunahing katutubong wika sa hilagang kapuluan ng

mariana, na kung saan naroroon ang may pinakamalaking pangkat ng mga etnolinguistico

sa Pilipinas. Kalakip ng Wikang banyaga o ingles, ang wikang Tagalog ay kilala rin

bilang opisyal na wikang ginagamit sa panitikan at pampamahalaang mga tuntunin.


Bilang isang pangkaraniwang wika o "Lingua Franca", masasabing mahalaga ang

patuloy na pagpapakalat at pag usbong ng wikang ito dahil ang wika natin ang

nagsisilbing simbolo ng pagkakaisa at pagiging malaya natin bilang isang Pilipino.

Ang salitang conyo ay mula sa salitang Espanyol na salitang coño na binigyang

kahulugan bilang kalapastangan ng mga Peninsulares mula 1800 hanggang sa

kasalukuyan. Ito rin ay mula sa Latin na "cunnus". Ngunit sa makabagong henerasyon ay

tinatawag itong Taglish o code switching, ang pinaghalong tagalog at English na. Ito ay

unang umusbong sa lungsod ng Manila. Ang mga kabataan na gumagamit ng mga

ganitong salita (conyo at taglish) ay nahihirapang magsalita ng wikang Filipino na hindi

hinahaluan ng wikang Ingles. Kalimitan ay ang mga mayayaman at nakaaangat sa buhay

ang gumagamit ng ganitong wika.Ginagamit rin ang ganitong uri ng wika ng mga

dayuhan mula sa Australia, Ireland, Canada, United Kingdom at iba pang mga bansa.

Napakarami na rin ang impluwensya nito mabuti man o masama sa mga kabataan lalong

lalo na sa mga gumagamit ng Social Media. Ang salitang mga conyo at taglish ay isang

creole na nabibilang sa mga mayayamang pamilya na karamihan ay taga-Maynila. Ang

ganitong mga salita ay mistulang banayad at pambabae pakinggan.

Ang tawag sa pinagsamang lenggwaheng english at tagalog ay taglish .Ito ay

isang uri ng hindi pormal na diyalekto ng tagalog.Ang taglish ay papular sa maynila at

may malaking impluwensya ito sa bansa.Taglish ang kadalasang ginagamit sa social

media at sikat na sikat ito sa mga makabagong henerasyon at ang salitang coño ang isa sa

mga papular na halimbawa nito


Ang saling taglish ay nabuo sa maynila sa pamamagitan ng pagsasama ng tagalog

at english. Unang sumikat ito sa kalakhang maynila at ang dahilan ng pagsasama ng

dalawang lenggwahe ay dahil sa may mga salitang tagalog na mas maikli ang

pagkabigkas sa English.

Ang wikang taglish nga ba ay dapat nang itigil.Kung gayon,ano nga ba ang mga

dahilan? Una sa lahat hindi ito ang orihinal at kinagisnan na wika ng ating bansa. Ang

wikang taglish ay magandang gamitin sa pakikipagkomunikasyon subalit kung inyong

mapagtatanto ito ay walang maidudulot na mabuti sa ating mga sarili. Dahil sa mga

banyaga nagkaroon nang panibagong wika. Hangga't maaari ay dapat nating tangkilikin

ang ating sariling wika. Ang pagiging sanay sa paggamit nang taglish ay isa sa mga

dahilan kung bakit natatabunan ang wikang Filipino. Ang Filipino at mayroong opisyal at

orihinal na wika kung kaya't bakit gagamit pa tayo nang ibang wika? Lenggwaheng

tagalog ang ating gamitin bilang instrumento sa pakikipagkomunikasyon. Ang ikalawang

dahilan ay ang pagkakaroon ng hindi pagkakaintindihan nang dalawang taong nag uusap.

Maaring hindi magkaunawan ang bawat panig sapagkat may mga terminolohiyang

napapahalo sa wikang kinagisnan. Ang paggamit nang taglish ay nagiging dahilan din

nang hindi pagkakaunawaan. At sa paggamit nang wikang taglish ay hindi maiipakita ang

tunay na gustong ipahiwatig. Maari namang gumamit nang wikang tagalog na ating

nakasanayan. Hindi na dapat palawakin ang problema sa paggamit nang wika na dapat

gamitin ng mga tao. At ang pangatlong dahilan ay maaring tuluyang mapalitan nang

taglish ang ating wikang Filipino bilang opisyal na wika nang ating bansa. Isang

pagpapahiwatig nito ay ang paggamit ng ating gobyerno ng Taglish bilang instrumento

ng wika. Maaring ito ang maging dahilan nang pagsang ayon ng mga tao sa paggamit
nang Taglish. Ayos lang naman gumamit nang wikang Taglish ngunit hindi dapat nito

matabunan ang paggamit nang Filipino. Kailangang malaman o maobserbahan nang

gobyerno na sila rin ang dahilan kung bakit mas nangingibabaw ang Taglish kaysa sa

ibang lenggwahe. Ito ang mga dahilan kung bakit kailangan tapusin ang paggamit ng

wikang Taglish.

Ang mga pandiwang Ingles, at kahit ang ilang mga salitang pangngalan ay

maaring maging pandiwang Tagalog. Dahil sa pag ulit sa unang letra o tunog ng salitang

pandiwa o pangngalan. Ginagamit din ang tinatawag na taglish, magkahalong Ingles at

Tagalog na mga salita. Ang mga pangatnig na maaaring gamitin upang ipagdugtong sila

ay dahil di pamilyar ang mga pilipino sa ang salitang conyo o lingid sa kalaaman ng

nakararami kung ano ito Dahil rito, nagkakaroon ng iba’t ibang mga suliranin.Tinalakay

at maiging sinuri sa pananaliksik na ito ang mga suliranin gamit ang data na aming

nakuha.Ang kakulangan sa kaalaman ng pag gamit ng conyo ay may kaukol na suliranin

tulad ng pagkakaroon ng limitadong bokabularyo at ang epekto ng mga salitang conyo sa

pagkamit ng adhikain bilang globally competitive.

Ayon sa pahayag ni Bienvenido Lumbera (2013), "Hindi epektibo ang paggamit

ng Taglish sa pakikipag-usap. Natural lamang sa taong malimit o sanay na magsalita ng

Ingles na gumamit ng Taglish sa mga impormal o mga magagaan na mga

pakikipagtalastasan. Limitado lang ang sakop ng wikang Taglish . Isang paraan lamang

ng “pagpapahayag ng damdamin” ang Taglish. Samakatuwid, mas maganda pang gamitin

ang Filipino o Tagalog bilang midyum ng pakikipagtalastasan dahil bukod sa ginagamit

ng mga tao ang kanilang orihinal na wika, mas napapahayag nila ang kanilang mga

saloobin. At para mas maging epektibo ang paggamit ng Filipino, kailangan dapat
isaalang-alang ng mga tao ang paggamit ng humpas ng kamay at ang emosyon ng ating

mukha para madaling malaman ng mga tao ang mensahe at damdamin na nais iparating."

Wikang Filipino ang tawag sa ating wika, at kadalasan ring tawaging Tagalog na

ginagamit ng mga Pilipino sa pang araw-araw na pakikipagtalastasan. Ayon sa mga

dalubhasa ay nanganganib ang ating wika sapagkat napapalitan ito ng isang makabagong

wika na kung saan ay tinatawag nilang Taglish.

Napili ng mga mananaliksik ang pag-aaral sa paggamit ng mga salitang conyo at

taglish ng mga mag-aaral ng Higher School ng Unibersidad ng Makati upang mabigyang

kasagutan ang mga tanong at mabigyang kahulugan ito.

Ang mga tutugon sa mga mananaliksik ay ang nga estudyante ng Higher School

ng Umak sa Unibersidad ng Makati. Ang pagkuha ng impormasyon ay sa pamamagitan

ng pagpapasagot ng mga surbey at interbyu. Ang mga makakalap na datos at

impormasyon ay mananatiling kompedensyal sa pagitan ng mga mananaliksik at ng mga

estudyante sa ika-11 at ika-12 na baitang. Mangangalap ng impormasyon sa mga mag-

aaral sa loob lamang ng Unibersidad ng Makati. Ang mga impormasyon at datos na

malilikom ay gagamitin bilang basehan ng mga mananaliksik sa kanilang pag-aaral. Ang

pagsusurbey at interbyu ay gaganapin sa inilaang araw na ibinigay ng guro upang

matapos nang sumusunod sa itinakdang araw. Ang mga datos at impormasyon ay

maaaring makatulong kung paano masusolusyunan ang Paggamit ng mga Salitang Conyo

at Taglish ng mga Kabataan.


Layunin ng Pananaliksik

Layunin ng mga mananaliksik na maipahayag ang iba’t ibang dahilan ng

paggamit ng mga salitang conyo at taglish ng mga mag-aaral ng Higher School ng

Unibersidad ng Makati. Nais din nilang masolusyunan at mabigyang halaga ang wikang

Filipino at mga asignaturang may kinalaman rito. Ang mga maaaring maging epekto sa

mga mag-aaral ng paggamit ng malahalong wika, ang tagalog at ingles ay nais ring

malaman ng mga mananaliksik. Kung ang paggamit nga ba ng mga salitang conyo at

taglish ay makakatulong sa mga mag-aaral. Layunin din ng pag-aaral na ito na hikayatin

ang mga mag-aaral na mas patatagin at pagtibayin ang paggamit ng wikang Filipino na

sumusimbolo sa pagpapakita ng pagmamahal sa bayan at wika. Ang matugunan ang mga

salitang ingles na may katumbas na salitang tagalog sa pamamagitan ng pag-aaral ng

wika ng mga mag-aaral. Panghuli ay ang mabigyang kahulugan ang tunay na

responsibilidad ng mga mag-aaral sa henerasyong ito sa wasto at tamang paggamit ng

wikang Filipino sa pang- araw araw.

PAGGAMIT NG MGA SALITANG CONYO AT TAGLISH NG MGA

KABATAAN

1. Bakit maraming kabataan ang hindi sanay na gamitin ang wikang Filipino?

2. Ano ang maaaring epekto ng hindi paggamit ng wikang Filipino sa mga susunod

na henerasyon?

3. Paano nakakaapekto ang patuloy na paglago ng teknolohiya at paggamit ng social

media sa ating wika?

4. Ano ang mas madaling gamitin, wikang Filipino o wikang banyaga?


5. Dapat bang mas tangkilikin ang wikang Filipino kaysa wikang banyaga?

Metodolohiya

Isa sa mga estratihiya na ginamit sa pananaliksik na ito ay ang pagsasurbey. Ang

pagsasurbey ay ginamit bilang questionnaire sa mga piling mag-aaral ng Higher School

sa Unibersidad ng Makati. Ang surbey ay naglalaman ng mga katanungan tungkol sa

paggamit ng mga mag-aaral ng iba’t ibang mga salitang conyo at taglish. Ang mga

suliranin na nakalap ng mga mananaliksik ay mula sa mga nakalap na mga impormasyon.

Gamit ang mga suliraning ito ay nakabuo ng iba’t ibang katanungang maaaring

mapagkukunan ng mga impormasyon at mga datos na maaaring magamit ng mga

mananaliksik sa kanilang pag-aaral.

Ang pagsasarbey ay makakatulong kung ilan sa mga mag-aaral ang may sapat at

wastong kaalaman tungkol sa aming pananaliksik at kung may mga mag-aaral ba ang

kulang ang kaalaman ukol dito.

Ang mga mananaliksik ay nangalap din ng mga impormasyon at datos sa tulong

ng internet at sa iba pang pananaliksik na may kinalaman sa kanilang paksa. Mula sa mga

datos na ito ay nakabuo ang mga mananaliksik ng iba’t ibang karunungan na may

kaugnayan sa paksa. Malaking tulong sa pangangalap ng kaalaman ang paggamit ng

internet dahil sa mas mabilisan at malawakang saklaw nito.

Nangalap rin ng mga impormasyon ang mga mananaliksik gamit ang interbyu sa

mga piling mag-aaral tungkol sa kani-kanilang mga opinyon tungkol sa kanilang

paggamit ng mga salitang conyo at taglish sa pang-araw araw. Ang bawat sagot ay

itinatala upang pagbabasehan ng mga mananaliksik at mapagkukunan ng impormasyon.


Ang mga nakalap na mga impormasyon sa mga mag-aaral ay mananatiling

kompedensyal lamang sa pagitan ng mag-aaral at mga mananaliksik gaya na lamang ng

mga impormasyong personal (halimbawa ay ang pangalan, edad, antas, tirahan) at iba pa.

Inaasahang Bunga

Nakakalungkot isipin na karamihan sa atin ay di ganoon kalawak ang kaisipan sa

paggamit ng wikang Filipino, karamihan ay hirap sa pagbuo ng kaisipan ng hindi

nahahaluan ng ingles gumagamit nga ng wikang tinatawag natin ngayon bilang

“Taglish”. Napagtanto namin na unti-unti nang naglalaho ang Filipino at ginagawang

basehan ng talino ang pagsasalita sa wikang Ingles. Para saan pa ang pinag-aralan natin

ng Filipino, Sibika at Kultura, at Kasaysaysan ng Pilipinas? Tinuruan nga tayo ng wikang

Filipino at Tagalog ngunit saan ito napapunta? Saan na din ito ginagamit? Ginagamit pa

ba ang Filipino sa panahon ngayon? Hindi ba dapat na ito ang mas gawing basehan ng

kalawakan ng pagiisip at patunay na ipinagmamalaki natin ang ating wika? Kung kaya

dapat mamulat na ang tao sa katotohanan na laganap na ang Taglish. Hindi pa huli ang

lahat para itama ang mali sa wika. Kung pagbibigyan kami ng ating gobyerno ay

minumungkahi namin na dapat gumawa ng batas o ordinansa ang pamahalaan upang

palawigin at palakasin ang wikang Filipino at gawing illegal ang paggamit ng Taglish.

Kung maipapatupad ito, maaari na mapanatili natin ang maayos na pakikipagtalastasan

tungo sa paggamit ng Filipino dahil walang hindi nagkakaunawaan at wala ding

naguguluhan. At saka maipapasa pa natin ang Filipino o Tagalog sa mga susunod pang

henerasyon o salinlahi na darating. Mga pinagkunan ng impormasyon at pahayag para sa

posisyong papel ukol sa isyu ng paggamit ng Taglish.


Ang pananaliksik tungkol sa pag-aaral ng paggamit ng mga mag-aaral ng mga

salitang conyo at taglish ay maaaring umabot ng mahigit sa dalawampong pahina o higit

pa. Ito at maglalaman ng sapat na karunungan na makasasagot sa suliranin kung bakit nga

ba gumagamit ang mga mag-aaral ng Higher School ng Unibersidad ng Makati mga

salitang taglish at conyo. Ang kanilang mga kasagutan ay makakatulong sa pagbibigay

solusyon ng mga mananaliksik sa mga suliraning may kaugnayan sa paggamit ng mga

salitang conyo at taglish.

Maraming datos ang kailangan upang makagawa ng pananaliksik sa pag-aaral, isa

na rito ang kasaysayan kung saan nga ba nanggaling ang salitang conyo at taglish.

Kaugnay din dito kung sino ag unang gumamit ng mga salitang ito, ano ang kahulugan ng

mga salitang ito, kung bakit nagsimulang gamitin ito, at kung bakit ito ginagamit

hanggang sa kasalukuyan ng mga mag-aaral. Ang mga tanong na ito ay mabibigyang

kasagutan ng mga mananaliksik kung mayroong sapat na kaalaman na mapagkukunan.

Ang mga ito ay malaking tulong upang masagot at mabigyang solusyon kung bakit ba

gumagamit ang mga mag-aaral sa Unibersidad ng Makati ng mga salitang taglish at

conyo.

Dahil hindi pamilyar ang karamihan sa mga mag-aaral sa mga salitang conyo,

lingid sa kanilang kaalaman kung ano ng aba ito. Dahil rito ay nagkakaroon ng iba’t

ibang mga suliraning nabuo ang mga mananaliksik.


Bibliyograpiya

 https://salitangkonyo101.wordpress.com/

 https://prezi.com/pyuq_kvalmrm/conyo/

 https://omgdibapsych108.wordpress.com/2013/04/08/do-you-make-tusok-tusok-

sa-fishball-pagkilala-sa-mga-conyo/

 https://usapingfilipino.wordpress.com/2016/11/26/conyo-ing/

 https://www.academia.edu/35064703/Epekto_sa_Epektibong_Pagpapahayag_ng_

mga_Mag-aaral_sa_Salitang_Conyo

 https://www.academia.edu/35993094/PANANALIKSIK_SA_FILIPINO_UKOL_

SA_SALITANG_KONYO

 http://filioneee.tumblr.com/

 https://heysambbyhere.tumblr.com/post/129974852066/usaping-conyo-tungo-sa-

mabisang-pakikitungo

 http://www.academia.edu/33470031/Epekto_ng_modernisasyon_ng_wikang_filip

ino_sa_pag-aaral_ng_mga_Senior_High_School_sa_Unibersidad_Ng_Pangasinan

 https://prezi.com/avnvqeakms4d/pinoy-conyo/

 https://wikangjejemon.wordpress.com/2016/09/15/panimula-kabanata-1/

 http://conyoo.blogspot.com/

 https://www.gmanetwork.com/news/news/ulatfilipino/376707/ang-pagsabay-sa-

uso-ng-wikang-filipino/story/

 https://www.coursehero.com/file/p49mn26/Mga-Tiyak-na-Suliranin-Ang-

pananaliksik-na-ito-ay-nais-matukoy-ang-epekto-ng/

You might also like