You are on page 1of 3

ANG HULING AWIT NG SISNE

THE SWAN SONG

It is a metaphorical phrase for a final gesture , effort, or performancegiven before death or retirement

Scene 1 PANAGINIP

Si Gabriella ay nanaginip, suot ang isang magandang damit sa isang napakaganda o mala-paraisong lugar
kung saan tanaw na tanaw ang payapang tanawin at malaya siyang makagalaw ng naayon sa kanyang
kagustuhan

Gabriela: sa pagpikit ng mga mata ay tamo ang panandaliang pagkapayapa

Pagbukas ng panibagong mundo na hindi inaakala.

Kasabay ang pagdilim nang walang naaninag

Buong pagkakataon bang maghihitay sa liwanag?

O magsisindi ng sariling sinag?

Kringgg

(Scene 2 ESKWELAHAN

Mabibigla si jospeha dahil tapos nap ala ang klase. Hihilain sya ni josepha at parehas silang tatakas sa paglilinis

Gabriela : mapapagalitan nanaman tayo ni maam, hindi nanaman tayo naglinis

(hinila nya si Gabriela at nagmadali silang dalawa)

Jossepha: hindi yan. Hindi naman nya tayo nakita e. wait! May ibibigay pala ako sayo!

Inilabas ni josepha ang porselas sa bulsa nito na kapareho ng suot nya at inabot ang kamay ni Gabriela para
maisuot ito rito

Josepha; yan! Gandaa. Wag mong aalisin yan a? kahit makamit mo na ang mga pangarap mo, maalala mo pa
rin ako

Gabriela: Pangarap ko lang namang maging tinghoy sa buhay ng iba

Josepha: ang lalim mo talaga, kitakits na nga lang bukas!

Scene 3 HAMON NG PANDEMYA

Bubuksan ni Gabriela ang tv at bubungad sakanya ang balita patungkol sa pagsasara ng mga establishimento
dahil sa pandemya.pati ang pagkansela ng mga klase ay rinig na rinig sa balita. Eksakto ay papasok ang
kanyang ama na halatang problemado

Gabriela: Tay. (magmamano. Mapapansin nito ang itsura ng ama) anong mukha yan tay? Ayos lang po ba kayo?

Tutulungan ni Gabriela ang ama sa pag-aalis ng kanyang Vest at aabutin rin niya ang gamit na hawak ng ama.

Diego: (napangiwi) nagsara yung construction na pinatatrabahuhan ko. Hindi ko alam kung paano ako kikita.
(biglang silang mapuputulan ng kuryente)

Diego : nak, nasa taas ng apparador yung kandila

Transition: Bubuksan ni Maring ang refrigerator upang kumuha ng juice o tubig at pinagsalin ang bawat isang
kumakain

Josepha: Thanks,Ya (ngumiti ito nang may laman ng bibig bago inabot ang isang ulam sa lamesa)

Melchora: Sya nga pala, Maring, mag-usap tayo mamaya

(Transition: magsisindi ng kandila si Gabriela gamit ang posporo at eksakto ang pagpasok ng kaniyang ina)

Gabriela: oh nay! (sinalubong nya ito) Sa susunod pa ang day off mo diba? (sabay mano) Ayos ka lang ba, Nay?

Maring: oo naman! (makahulugang tinignan ni Gabriela ang ina) pero magtiyaga muna tayo sa mga susunod na
araw (hilaw na ngumiti si Maring) marami naman kong pwedeng pagkakitaan diyan sa tabi. Pasenya na nak a

Gabriela: nay naman. Kaya naman natin to e, tayo pa ba?

Diego: may saging pa naman sa likod na puwedeng pagkakitaan.

Scene ni Jospeha.

Habang nag-huhugas ay iniisip nito ang ina

Josepha: ayoko na! Hindi naman ganito yung buhay ko e.

Josepha: hindi. Bawal sumuko. Pwedeng magpahinga pero hindi pwedeng sumuko.

Narinig nya ang boses ni Gabrielana naglalako ng bananacue kaya pinalis nya ang kanyang luha at inayos nya
ang sarili saka lumabas at nakita niya si Gabriela

Gabriela: Hala okay ka lang ba?

Jospeha: nagpositibo kasi sa covid si mama, mag-isa na lang ako dito! hindi ako sanay sa ganitong hamon ng
buhay.

Gabrielaaa: Ito ang katotohanan ng buhay, matuto ka dapatt dumiskarte para mabuhay…Ang hina mo naman!
Lika nga, tutulungan na kita!

Scene 4 ANG PADAYON

Papasok sina Gabriela sa bahay nila Jospeha at makikita ni Gabriela ang ukulele ni jospeha na nakasabit sa
pader

Gabriela: diba maunong kng tumugtog niya? Tugtugin mo nga yung—(tono ng bilog ang mund chorus)

Josepha: madadapa, susubukin ngunit pag-aalabain….

Maipapakita kung paano magsisikap sina josepha at Gabriela habang tumutugtog ang chorus.

Monologue ni Gabriela
Sa buhay na ito, ako ang maliit na bulaklak sa tabi ng malaking puno sa isang paraiso, malimit kung mapansin
ngunit pinapaganda ang paligid nito.

Matapos ang buong araw, naghiwalay ang magkaibigan upang umuwi sa kanilang tahanan. Si Gabriela ay
umuwi sa tahanan nilang sa wakas ay may ilaw na matapos ang ilang linggo. Habang si Josefa naman ay
nauwian ang kanyang ina na sa wakas aay nakauwi na.

Josepha: lumipas ang ilang taon, nagbalik ang lahat sa dati pero hinndi ko inaasahan na kasabay nito ay ang
isang tawag na magiging sanhi ng bitak sa pagkatao kong sabay naming binuo.

Kringgg: --dahil sa cardiac arrest

CUT.

Scene 5: ANG HULING PAALAM

Eulogy part

Jospeha: Sa mundong ating ginagalawan..


ang buhay ay walang katiyakan..
ngunit sa nag-aalab na silab upang mabuhay
hinihimok tayong lumaban sa kabila ng buhol ng buhay

Ito man ang huling sulyap bago ko ibaon


at dadaan man ang mga panahon, na ala-ala’y nakakahon
ngunit pamana ng iyong paalam ay aral ng pag-ahon sa mga hamon.

Ikaw ang naging tiwalang tauhan na nagbigay lakas at tatag sa aking katauhan…..
at sa epikong aking nasaksihan, ang bayaning si Gabriela ay nagtagumpay.

(sa malaparaisong lugar, titiingin si Gabriela at ngingiti)

Makalipas ang anim na taon, sa pasilyo ng eskwelahan, nagllalakad ang isang guro at nabunggo sya ng
isangestudanteng may bentang bananacue

Gabriel: sorry po, maam!

Josepha: Oh, Gabriel, Pasok na!

Tatayo ang Buong klase at babatiin ang guro

Students: Good Morning, Maam!

Maibibunyag na ang guro ay si Josepha

Josefa: Good Morning, Class!

Outro: “para sa mga buhay na naghimakas na nag-iwan ng bakas sa kaluluwa ng bawat laban at padayon”

--------------------------------------------------------------------The End---------------------------------------------------------------------

You might also like