Compilation of Spoken Word

You might also like

You are on page 1of 15

VOICEOVER

Zafira: 1

Sa pagsikat ng bagong umaga

Sarili ay hiling pang pumikit at humiga

Simulang araw natapos nang maayos

Kalahating taon isipan ay paubos

James: 2

Araw-araw ay inaabangan ang katapusan

Nagtatapos pa ring walang natandaan

Tayo ba ay nagaaral upang matuto?

O upang makapasa at makuha ang gustong grado?

Ian Claire: 3

Pumapasok nang walang ligo, hilamos ay sapat na

Konting suklay dito, wisik wisik na tiyak pa ring mahahalata

Hindi pwedeng tumayo, hindi pwedeng ipakita

Na hindi uniporme ang suot na pang ibaba.

Lorlane: 4

Sarili'y di maiwasang mapahikab

Kinukurot ang braso, pilit na hinahanap ang talab

Sa oras ng pagtuturo, ang sagot ay alam ko

Ngunit paglaon, ano nga po ulit ang tinuro nyo?

Angelica: 5

Maam, ser, patawad at ako'y ganito

Nakataas pa ang paa habang kumakain sa klase mo

Ngunit ano nga bang magagawa ko?

Nasa bahay ako't kalahati lang ang nakikita mo


Zafira: 6

Namulat tayo sa pagbabago

Pagbabago na umusbong na lang sa mundo

Halakhakan kasama ang ating mga kaibigan

nakakasama sa eskuwelahan, maging sa galaan

James: 7

Maraming estudyanteng nais ibigay ang kanilang makakaya

Ngunit tila ba'y kulang pa ito sa mata ng iba.

Hindi madali para sa lahat

Ngunit patuloy tayong nagsusumikap upang maabot ang pangarap

Lorlane: 8

Dating makulay na mundo, ngayo'y napalitan ng takot at pangamba

Magmula noong pandemya'y pumasok sa ating bansa

Maraming nawalan ng trabaho at kabuhayan

Maging ang pag-aaral ng mga estudyante'y naapektuhan

Ian: 9

Maging mga guro'y batid kong nahihirapan

Lalo pa't may mga obligasyon din sa tahanan

Isama na ang kakulangan sa gamit sa pagtuturo

Kaya't ito'y hindi kailangang isisi kahit kanino

Angelica: 10

Mahirap dahil kailangan mong matuto sa alam mong paraan

Sa sarili'y maging guro't estudyante upang may matutunan

Mahirap pagkat kailangan nilang magtiis sa kalagayan

Kailangang maging guro, kasabay ng pagiging magulang


Zafira: 11

Sa bawat araw na lumilipas

Laging hinahabol ang oras

Laging iniisip, paano malutas

Tayo kaya'y muli pang makaaalpas?

James: 12

Hindi ako makatulog.

Gising, dilat ang mga matang binabangungot,

Hindi makaidlip sa pagkataranta, at sa dulot nitong salanta

Hiniyang ang sarili, ngayo'y nasa kumunoy ng pagdurusa

Lorlane: 13

Ang pagiging mag aaral ay sadyang napakahirap

Iba’t ibang pagsubok iyong makakaharap

Lalo na ngayong panahon ng pandemya

Ang bawat mag aaral ay may kanya kanyang akademya.

Ian: 14

Sa kabila ng delubyong nakalatag

Mga mag-aaral ay di nagpapatinag

Nakatindig nang buong tatag

Sa mga hamon ay naglalayag

Angelica: 15

Halina't sa pasipiko'y maglakbay

Limutin ang pagod, takot, maging ang lumbay.

Ang paglangoy ay hindi maaaring tigilan

Hanggang makarating sa paraisong kabibilangan

LALABAN TAYO!!!
Zafira: 16 (Hindi voiceover dito, kasama ka, magvivid ka na naka uniform)

Tumigil ka. Tumigil ka na.

Hindi na ito kahilingan. Inuutusan kita.

Tutulungan ka namin. titigil na tayo

pagmamadali ng "mga obligasyon" na sisira sa iyo

ang paghinga natin nang sabay-sabay.

Obligasyon natin sa isa't isa,

Gaya ng dati, kahit na, nakalimutan mo na.

Tayo’y magkakasama paangat, hindi pababa.

Hindi ka nakikinig.

Mahirap makinig kapag abala ka sa lahat ng oras,

nagmamadaling itaguyod ang mga karangalang nais makamtan

Ngunit sandali, eto nga ba ang daan?

Sa una, akala’y kay dali

Sa paglipas ng gabi ako'y di mapakali

Mapapabuntong hininga, 'di mapigilan na masabi

"Eto nanaman kami, ayoko ng maulit muli."

James: 17

Edukasyon sa gitna ng pandemya

Madali sa iba, mahirap sa karamihan

Subalit bawal mawalan ng pag-asa

iangat muli, kinabukasang kayganda

Ian: 18

Nawa' y bumalik na sa normal, dating makulay na mundo

Muli nang muulinigan sa harapan ang tinig ng mga guro

Mga kabataa'y hindi na mangulila sa pagkatuto

Pag-aaral na hindi epektibo, maaring siya pa ang sumira sa iyo


Lorlane: 19

Ang iba'y umuunlad sa mga inspirasyon

Sarili ay naghahanap pa ng layon

Edukasyon para sa ating kinabukasan

Pag-aaral na patungo sa sariling katapusan.


ACTIONS LANG DITO GUYS, WALANG VOICEOVER NA GAGAWIN.
FOCUS SA ACTION, GABAY LANG YUNG NASA TAAS NG BAWAT
ACTIONS

ALL: BLACK
LOR: BLUE
ZAF: ORANGE
MIGUEL: VIOLET
JM: YELLOW
JAMES: HIGHLIGHT YELLOW
CHANDRICK: DARK GREEN
IAN: YELLOW GREEN
CARL: GREEN
ANGELICA: BROWN
Zaf

"Sa pagsikat ng bagong umaga"

Bubuksan yung pinto

"Sarili ay hiling pang pumikit at humiga"

Nakaupo habang nagkakape, may lilitaw na bubble sa gilid kung saan nandoon yung nakahiga pa

Miguel

"Simulang araw natapos nang maayos"

Nagliligpit ng gamit sa eskwela

"Kalahating taon isipan ay paubos"

Guguluhin ang buhok

Lorlane:

"Araw-araw ay inaabangan ang katapusan"

Titingin sa relo, sabay padyak na parang may hinihintay

"Nagtatapos pa ring walang natandaan"

Titingin sa kawalan

JM:

"Tayo ba ay nagaaral upang matuto?"

Nagrereview, next nang next sa page ng libro

"O upang makapasa at makuha ang gustong grado? "

Nakangiti na may hawak na medalya at unti unting bibitawan ito at babagsak

James:

“Pumapasok nang walang ligo, hilamos ay sapat na"

Vid na naghihilamos

“Konting suklay dito, wisik wisik na tiyak pa ring mahahalata"

Nagsusuklay, at itatap yung mukha na parang ginigising sa harap ng salamin

Chandrick:

“Hindi pwedeng tumayo, hindi pwedeng ipakita”


Papakita yung kalahati ng katawan sa screen ng zoom or gmeet

“Na hindi uniporme ang suot na pang ibaba.”

Tas magbaback then ipapakita yung real life mo tas lalayo camera hanggang sa makita yung pambaba na nakashorts
lang.

Ian:

“Sarili'y di maiwasang mapahikab”

Maghihikab

“Kinukurot ang braso, pilit na hinahanap ang talab”

Kukurutin ang braso, ginigising ang sarili sa pisngi

Carl:

“Sa oras ng pagtuturo, ang sagot ay alam ko”

papakita na nagraise hand tas sumasagot

“Ngunit paglaon, ano nga po ulit ang tinuro nyo?”

Ano nga ulit yon? na expression parang nagtataka

Angelica:

Maam, ser, patawad at ako'y ganito

Papakita tayong lahat na magkakatabi

Nakataas pa ang paa habang kumakain sa klase mo

Ayon iaact to na kumakain habang nakataas ang paa.

Zafira:

Ngunit ano nga bang magagawa ko?

Magkikibit balikat

Nasa bahay ako't kalahati lang ang nakikita mo

Tatayo at lalakad papatayo para lumabas ng kwarto or sala basta kita na yung pantaas lang uniform.

Miguel:

Namulat tayo sa pagbabago

Nakacloseup sa mata tas didilat


Pagbabago na umusbong na lang sa mundo

Speech na nagsasabi siguro si Duterte? Or gagayahin si Duterte at sasabihin, “TOTAL LOCKDOWN”

Lorlane:

Halakhakan kasama ang ating mga kaibigan

Lilingon sa likuran, makikita yung mga dating memories sa face to face

nakakasama sa eskuwelahan, maging sa galaan

Tawanan na magkakasama (naka black and white siguro)

JM:

Maraming estudyanteng nais ibigay ang kanilang makakaya

Ipapakita na type nang type sa computer or laptop

Ngunit tila ba'y kulang pa ito sa mata ng iba.

Nanay dito or tatay na umiiling at tatalikod OR teacher na magbibigay ng mababang score sa student

James:

Hindi madali para sa lahat

Act na parang umiiyak, punas nang luha dito na sunod sunod na parang bata

Ngunit patuloy tayong nagsusumikap upang maabot ang pangarap

Nakahinto tas magtytype ulit nang mabilis

Ian:

Dating makulay na mundo, ngayo'y napalitan ng takot at pangamba

Nakangiti at tumatawa (may color) tas unti unting mawawala yung ngiti at saya hanggang sa maging malungkot (black
and white)

Magmula noong pandemya'y pumasok sa ating bansa

Virus sa philippines, clips siguro

Chandrick:

Maraming nawalan ng trabaho at kabuhayan

Clips din or iaact na parang nalugi


Maging ang pag-aaral ng mga estudyante'y naapektuhan

Mga estudyante na stranded sa loob ng bahay tas may lilitaw na parang kulungan na bakal na haba haba na para tuloy
nakakulong ang mag aact dito

Angelica:

Maging mga guro'y batid kong nahihirapan

Guro na nagluluto na, naglalaptop pa

Lalo pa't may mga obligasyon din sa tahanan

Nag iiwi ng bata/nag aalaga ng may sakit

Carl:

Isama na ang kakulangan sa gamit sa pagtuturo

Guro ito at ipapakita na kukunin ang wallet tas walang laman na pera

Kaya't ito'y hindi kailangang isisi kahit kanino

Magtuturo nang magtuturo NA PARANG NANINISI hanggang sa unti unting hihinahon at hihinto

Miguel:

Mahirap dahil kailangan mong matuto sa alam mong paraan

Bubuntong hininga at babalik sa pag upo sa lamesa't kukunin ang libro

Sa sarili'y maging guro't estudyante upang may matutunan

Papakita na kalahating estudyante, kalahating guro. Edit nalang.

ALL:

Mahirap pagkat kailangan nilang magtiis sa kalagayan

Lahat ipapakita na nahihirapan

Lorlane:

Kailangang maging guro, kasabay ng pagiging magulang

Guro na nakatingin sa picture frame


JM:

Sa bawat araw na lumilipas

Pipikit

Laging hinahabol ang oras

Didilat ulit

Laging iniisip, paano malutas

Magsasalita mag isa nang kung ano ano

Tayo kaya'y muli pang makaaalpas?

Meron nanaman? na expression or magdadagdag sa checklist ng tasks mo

James: (magkakaconnected kasi kaya marami T__T)

Hindi ako makatulog.

Pabiling biling sa kama

Gising, dilat ang mga matang binabangungot,

Nasa kama habang nakadilat ang mata, tas sisigaw pero walang sound

Hindi makaidlip sa pagkataranta, at sa dulot nitong salanta

Bumibilis ang paghinga, parang hinihingal ka habang nakahiga

Hiniyang ang sarili, ngayo'y nasa kumunoy ng pagdurusa

Mapapahawak sa puso yung nakahiga

Ang pagiging mag aaral ay sadyang napakahirap

Papakita tayong mga estudyante

Chandrick:

Ibat-ibang pagsubok iyong makakaharap

Mag aact na parang walang mic, magsasalita sa camera pero walang boses tas sisign na wala yung kamay parang
nagpapahiwatig na walang mic

Lalo na ngayong panahon ng pandemya

Pakita ulit clips na abt covid

ALL:

Ang bawat mag aaral ay may kanya kanyang akademya.

Papakita tayong lahat sa bahay natin, labas ng bahay habang nakauniform


Ian:
55Sa kabila ng delubyong nakalatag
Nakakuyom ang kamao, oo, kamao lang papakita
Mga mag-aaral ay di nagpapatinag
Itataas ang kamay na nakakuyom
Nakatindig nang buong tatag
CONFIDENT NA NAKATAYO HABANG NAKA UNIFORM

ALL:

Sa mga hamon ay naglalayag

Sabay sabay na lalakad lahat papunta sa camera kaya magccloseup lahat ng vid sa uniform

EDIT:

Halina't sa pasipiko'y maglakbay

Papakita clips ng pacific ocean

Chandrick:

Limutin ang pagod, takot, maging ang lumbay.

Tatakbo sa may beach, nakagreenscreen natumatakbo kunwari sa dalampasigan HAHA

Ang paglangoy ay hindi maaaring tigilan

Lumalangoy kunwari nakagreen screen

Angelica:

Hanggang makarating sa paraisong kabibilangan

Nakamagarbong damit habang nakaharap sa isang palasyo


Angelica: (pero LAHAT GAGAWA, SYA NASA FRONT)

LALABAN TAYO!!!!!

VIDEO NA SINISIGAW YAN, PERO 1 LANG MAGVOICEOVER, PERO LAHAT TAYO SISIGAW NA KALA MO LALABAN SA
DIGMAAN

BOOM. Change scenario, may nakatayo na sa stage na parang nagmomonologue. ETO NA ILALABAS NA NG ESTUDYANTE
YUNG HINAING NYA!

ZAFIRA: (Nakauniform) eto yung voiceover mo na makikita ka

Tumigil ka. Tumigil ka na.

Hindi na ito kahilingan. Inuutusan kita.

Tutulungan ka namin. titigil na tayo

pagmamadali ng "mga obligasyon" na sisira sa iyo

ang paghinga natin nang sabay-sabay.

Obligasyon natin sa isa't isa,

Gaya ng dati, kahit na, nakalimutan mo na.

Tayo’y magkakasama paangat, hindi pababa.

Hindi ka nakikinig.

Mahirap makinig kapag abala ka sa lahat ng oras,

nagmamadaling itaguyod ang mga karangalang nais makamtan

Ngunit sandali, eto nga ba ang daan?

Sa una, akala’y kay dali

Sa paglipas ng gabi ako'y di mapakali

Mapapabuntong hininga, 'di mapigilan na masabi

"Eto nanaman kami, ayoko ng maulit muli."


Zafira din dito:

MAG IISTOP DITO NA PARANG MAGIGISING SIYA, MAG MAG AACT DITO NA PARANG MAGIGISING BIGLA SA ISANG
BANGUNGOT. YYNG EXPRESSION ANG KAILANGAN.

Carl:

Edukasyon sa gitna ng pandemya

Tatayo at susuotin ang uniform or ibobotones

Madali sa iba, mahirap sa karamihan

Napapakamot ulo

Miguel:

Subalit bawal mawalan ng pag-asa

Bubuntong hininga't itutuloy ang pagbabasa

iangat muli, kinabukasang kayganda

Tatalikod nang mabilis, pagharap civil engineer na/doctor or kahit ano

Ian:

Nawa' y bumalik na sa normal, dating makulay na mundo

Isang clip na irereverse para kunwari eh bumabalik ang oras, kahit naglalakad lang tas reverse

Muli nang muulinigan sa harapan ang tinig ng mga guro

Guro na nagtuturo na sa classroom, change bg nalang siguro di na sa zoom

Zafira:

KUNG SINO DITO, SIYA RIN YUNG SA FIRST SCENE AND SECOND SCENE

Ang iba'y umuunlad sa mga inspirasyon

Nakatulala at biglang ngingiti

Sarili ay naghahanap pa ng layon

Babalik sa first scene na may iniisip habang nagkakape, iniisip nya naman yung future na, future dr ba, engineer, or kahit
anong pangaras, hindi na yung nakahiga

Lorlane:

Edukasyon para sa ating kinabukasan

May iaabot sayong nakabilot na papel na akala mo diploma, yung kamay lang kita?
Pag-aaral na patungo sa sariling katapusan.

Tas ipapakita na yung hawak mo na pala eh kutsilyo, hindi na diploma

You might also like