You are on page 1of 2

Kabanata 2: Barayti ng

Wika
Gawain
#2

I. Sagutin ang mga sumusunod :

1. Ano ang dalawang magkaugnay na serye ng wika ayon kay Saussure? Ipaliwanag ang bawat isa.

- Ayon kay Saussure, ang wika ay binubuo ng dalawang parallel o magkaugnay na serye, ang
signifier(language) na isang kabuuang set ng mga gawaing pang-wika na nagbibigay ng daan sa
indibidwal na umintindi at maintindihan, at ang signified (Parole).

2. Mabigay ng apat na teorya ng wika mula sa pananaw ng mga sosyolinggwista at linggwistika.

- Ta-ta : Ayon naman sa teoryang ito, ang kumpas o galaw ngkamay ng tao na kanyang ginagawa sa
bawat partikularna okasyon ay ginaya ng dila at naging sanhi ngpagkatuto ng taong lumikha ng
tunog at kalauna’y nagsalita.

- Yum-yum : Katulad ng teoryang ta-ta, sinasabi rito na ang tao aytutugon sa pamamagitan ng
pagkumpas sa alinmangbagay na nangangailangan ng aksiyon.

- Sing-song : Iminungkahi ng linggwistang si Jesperson na ang wika aynagmula sa paglalaro,


pagtawa, pagbulong sa sarili,panliligaw at iba pang mga bulalas-emosyunal.

- Tore ng Babel : Batay sa istorya ng Bibliya, iisa lang ang wika noong
unang panahon kaya’t walang suliranin sa
pakikipagtalastasan ang tao.

3. Paano nagkakaiba ang dimensyong heograpiko sa dimensyong sosyal?

- And Dimensyong Sosyal, tinatawag din bilang sosyal na barayti ng wika, ay nakabatay sa antas ng
isang pangkat sa lipunan. Habang ang Dimensyong Heograpiko ay ang wikang ginagamit sa isang
partikular na rehiyon, lalawigan o pook, malaki man o maliit.

4. Ipaliwanag ang teoryang convergence, divergence at interference phenomenon.

- Ang Interference Phenomenon o Paghahalo ng koda ay ang impluwensiya ng unang wika sa


pagsasalitang Filipino o Ingles. Ang Convergence o Tanggap ay ang pag gaya o bumagay sa
pagsasalita ng kausap. Huli, ang Divergence o Pabida ay ang pilit na pag-iba ng pananalita para
ipakita ang pagiging iba.

5. Ano ang kabutihang naidudulot ng pagkakaroon ng mga barayti ng Filipino sa pagpapaunlad ng


wikang Filipino.

- Dahil lahat tayo’y may kanya-kanyang barayti ng wika, mas nakakapag-komunika tayo ng maayos
sa ating kapwa at mas napapalawak at napapaunlad ang wika ng ating bansa. Mas naipapakita o
nasasabi natin ang ating ideya o opinyon gamit ang ito at napagko-konekta ang bawat isa base sa
kanilang paghahalintulad.

II. Magbasa ng mga mensahe mula sa messenger.


III. Pumili ng limang na mensahe na kumakatawan sa ilang barayti ng wika.

- “Magandang hapon po, Ma’am. Itatanong ko po sana kung may Zoom meeting po tayo mamaya. Maraming
salamat po!” (Register)

- “Wow ah. Sige na nga.” (Pidgin)

-”Ay ambot sa imo.” (Dayalek)

-”Lmao anu ka b,, aq lng i2” (Sosyolek)

-”Krissy HAHAHA darla, let’s zumba na.” (Idyolek)

You might also like