You are on page 1of 2

Alamat ng Mangga

Noong unang panahon, may mag-anak na nakatira sa isang bayan


sa Zambales. Masisipag ang mag-asawa ngunit ang kanilang
tatlong anak na binata ay napakatamad. Pinababayaan nila ang
kanilang matatandang magulang na magsaka upang sila’y may
makain. Pinagsabihan ng mag-asawa ang magkakapatid na
tumulong naman sana ngunit hindi sila sumusunod. Minsan naman
ay pinag-aawayan pa nila kung sino ang dapat tumulong sa bukid.
“Ano kaya ang mangyayari sa ating mga anak kapag tayo ay
nawala na?” Nag-aalalang tanong ni Mang Pangga kay Aling
Manggita. “Kailangan matuto ang ating mga anak,” sagot naman ng
matandang babae. Isang araw ay kinausap ng mag-asawa ang
tatlong anak. “Mga anak, ang mayamang lupain natin ay may
taglay na ginto. Subalit makukuha nyo lang ang ginto kung inyong
paghihirapan,” sabi ni Mang Pangga. “Kailangan matuto kayong
magtrabaho, mga anak. Matatanda na kami at ayaw naming
magutom kayo kapag kami’y wala na,” dugtong ni Aling Manggita.
Ngunit hindi nagbago ang mga anak nila. Hindi nila napansin na
habang lumilipas ang panahon, ang magulang nila ay nanghihina
na. Isang araw ay nagulat ang tatlo nang magising silang walang
pagkain sa kusina. “Inay, Itay, bakit walang almusal?” sigaw nila
ngaunit walang sumagot sa kanila. Napansin nilang wala nang
malay ang kanilang mga magulang at lubos nila itong ikinalungkot.
Inilibing nila ito sa kanilang bakuran. Mga ilang araw na ang
lumipas ay gutom at pagod na sila kaya’t napilitan silang maghanap
ng makakain. Hindi sila sanay magtrabaho kaya’t labis na
nahirapan ang tatlo. Noon nila naalala ang sinabi ng magulang.
“Sabi ni Itay, may ginto sa ating bakuran, subalit saan kaya natin ito
mahahanap?” tanong ng panganay na si Biboy. Halos araw-araw
ay nilibot ng magkakapatid ang bakuran. Hinahanap nila ang
gintong sinasabi ng ama. Hanggang isang araw, may nakita silang
dalawang kakaibang halamang tumubo sa kanilang bakuran. Noon
lang sila nakakita ng ganoong uri ng halaman. Inalagaan ng
magkakapatid ang dalawang halaman. Nararamdaman nilang may
kinalaman ang mga halamang ito sa nawawala nilang magulang.
Naging masisipag na rin ang magkakapatid at natutong magtanim.
Kung hindi nga naman sila kikilos ay hindi sila kakain. Isang araw
ay napansin ng magkakapatid na namumunga na ang dalawang
punong kanilang inalagaan. Isang umaga’y napansin nilang ang
mga berdeng bunga ay nagkulay-ginto. Pumitas ng isa si Biboy at
tinikman ito. “Wow! Ito na yata ang pinakamasarap na prutas na
natikman ko,” halos pasigaw na sabi niya nang matikman ang
prutas. “Ito ang gintong sinasabi nina Itay at Inay! Makatutulong sa
atin ang mga punong ito ngunit kailangan munang mamunga at
paghirapan bago maani ang matatamis, mababango, kulay ginto, at
hugis-pusong bung.,” “Mahal na mahal talaga tayo nina Inay at Itay.
Kahit wala na sila ay nag-iwan sila ng alaala ng malilinis at
mabubuting puso nila. Kaya siguro matatamis ang mga prutas na
ito.” dugtong pa niya Nakilala ng lahat ang masarap na prutas na
tinawag nilang mangga mula sa pinagsamang pangalan nina Aling
Manggita at Mang Pangga, ang mabubuting mag-asawang
nagsakripisyo para sa mga anak at para sa lahat ng taong
hanggang ngayon ay patuloy na nakakain ng masarap na bunga ng
mangga.

You might also like