Professional Documents
Culture Documents
Pamamaraan at Istratehiya Sa Pagtuturo
Pamamaraan at Istratehiya Sa Pagtuturo
Outline Method-
Layunin ng pagtuturo ng Filipino na malinang ang kakayahang komunikatibo,
replektibo/mapanuring pag-iisip at pagpapahalagang pampanitikan ng mga mag-aaral sa
pamamagitan ng mga babasahin at teknolohiya tungo sa pagkakaroon ng pambansang
kaalaman.
Reading Technique-
Nilalayon ng guro ang pagkakaunawa ng mga mag-aaral sa kuwento, ang pagpapahalaga
nila sa kwento at ang kanilang sariling paglalagay. Hindi dapat na maging palaging layunin sa
pagtuturo ng kuwento ang hanapin kung anong aral ang napapaloob rito. (Belves,2001).
Symposium-
Estratehiya upang bigyang impormasyon ang mga tagapakinig, bigyang tugon ang bawat
opinion at binigyang-oras at bigyang diin ang magiging desisyon sa isalng particular na paksain.
Ang guro dito ang may control sa daloy ng talakayan.
Memorization-
Sa estratehiya ito nadedebelop ang kakayahan ng mag-aaral sa pag-alala ng mga pinag-
aralan. Magiging aktibo rin ang tatlong lebel ng memorya na; Sensory Memory, Short Term
Memory at Long Term Memory ng mga mag-aaral.
Paggamit ng teksbuk-
Isang manwal sa pagtuturo para sa pag-aaral ng isang paksa. Sa pamamaraang ito ang
guro ay bumabase lamang sa teksbuk kong siya ay nagtuturo. Gayunpaman ginagamit ng guro
ang teksbuk upang isang balidong mapagkukunan ng mga particular na mga kaalaman para sa
kanyang pagtuturo.
Series Method-
Ay isang pamamaraan sa pagtuturo na kung saan ang target na wika ay itinuturo nang
tuwiran (walang pagsasalin) at isang serye ng mga magkakaugnay na pangungusap ay inilalahad
sa isang konsepto na madaling maunawaan ng mag-aaral.(Badayos 2008)
Suggestopedia-
Ang pamaraang ito ay mula sa paniniwala ni George Lozanov (1979), isang sikologong
Bulgarian, na ang utak ng tao ay may kakayahang magproseso ng malaking dami ng
impormasyon kung nasa tamang kalagayan sa pagkatuto. (Badayos, 2008)
Silent Way-
Ayon kay Gattegno, 1972 naghahawakan sa paniniwalang mabisa ang pagkatuto kung
ipinauubaya sa mga mag-aaral ang kanilang pagkatuto (Badayos, 2008).
Computer-Based-Training Method-
Gamit ang kompyuter bilang kagamitang pampagtuturo. Ang isang makabagong guro ay
gumagamit na kompyuter para maabot ang layunin sa ituturo.
Mind Map-
Ang estratehiyang ito ay nakakatulong sa komprehensyon, pag-oorganisa ng mga
konsepto. Recitation Technique- Sa estratehiyang ito sinasabing ito ay isang tugunang
pagtatanong at pagsasagot sa pagitan ng guro at estudyante. Ang guro ang magbibigay ng
katanungan na may kaugnay sa paksang-aralin at ang estudyante naman ang sasagot.
Interview Technique-
Sa estratehiyang ito ang guro ay gagamit ng paraang pagtataong nang katanungan may
kaugnayan ito sa totoong buhay upang matulungan ang estudyanteng madaling maintindihan at
magagamit niya ang natutunan hindi lamang sa loob ng silid-aralan gayundin sa kanyang
komunidad.
Student Directed-
Nakapokus sa mga pangangailangan, tunguhin at istilo sa pag-aaral; nagbibigay ng ilang
pagkontrol sa mga mag-aaral. (hal. Pangkalahatang gawain o pagsasanay) nakadaragdag sa
pagtitiwala sa sariling kakayahan at kagalingang pansarili;at kurikulum na may kunsultasyon at
isinasaalang-alang ang input ng mag-aaral at hindi itinatakda ang mga kayunin.
Brainstorming-
Layunin nito na matulungan ang mga mag-aaral na makagagawa ng orihinal na solusyon
sa mga suliranin.
Pagsasatao (Role-Playing)-
Ang pamamaraang ito ay inaakalang pinakakawili-wiling lunsaran ng aralin sapagkat ito ay
sitwasyong pinakamalapit sa kalagayan ng tunay na buhay. (Belves, 2001).
Debate-
Ang pamaraang debate ay isang isyung maaring pagtalunan at bigyang kaukulang
kasagutan ng mga napapaloob sa isang klase.
Fieldtrip Technique-
Ang pamaraang ito ay ang pagpunta sa isang lugar na labas sa paaralan. Ang layunin ito ay
makapagbigay oportunidad sa mga estudyante na makapunta at makaranas nang bago pa sa
kanila na makatutulong sa karagdagang kaalaman.
PAKSA NG PANITIKAN:
ANGKILUSANG PROPAGANDA:
Ang kilusang ito ay binubuo ng mga intelektwal sa gitnang uri na tulad nina Jose Rizal, Marcelo H.
del Pilar, Graciano Lopez-Jaena, Antonio Luna, Mariano Ponce, Jose Ma. Panganiban, Pedro
Paterno at iba pa. Paghingi ng reporma o pagbabago gaya ng mga sumusunod ang layunin ng
kilusang ito.