You are on page 1of 3

Haligi ng Tahanan, Amang katangi-tangi

Itay, papa, daddy ang kadalasang tawag sa mga ama. Pakakikitaan ng matigas na
loob, nakakatakot at mahigpit ang ating mga ama. Ngunit sa kabila ng lahat ng ito ay
nariyan ang pagmamalasakit, pagmamahal at pagsasakripisyo nila. Kadalasan sa isang
tahanan ang ama ang siyang nagha-hanapbuhay kung kaya't siya ang palaging wala at
madalas hindi nakikita ng mga anak. Sa pagkakataong ito, napapalayo ang loob at
hinahanap ang kalinga ng mga anak mula sa ama. Idagdag pa ang pagkastrikto ng isang
ama lalo na sa babaeng anak kesyo raw ganyan ganito at kung ano-ano pang dahilan.
Nagagalit ang mga anak sa ama tuwing pinagbabawalan ito sa mga bagay-bagay ngunit
hindi nila alam na para sa kanila rin ang ginagawa ng ama. Hindi nawawala sa mga ama
ang pag-aalala ng husto. Kahit galit at kunot na ang noon niyan, sa loob-loob niya'y nariyan
ang pagmamalasakit. Kaya't sa isang taong tunay na nagmamalasakit, nagmamahal, at
hindi pababayaan ang mga anak, ang ating ama sila ay tunay na dakila.

Kapag ama na ang pinag-uusapan tila nawawalan na ng pakealam kasi puro ina na
lang ang nabibigyang pugay. Hindi naman masisi ang bawat isa pagkat mas madali nga
namang maging malapit ang loob sa isang ina. Pero hindi ibig sabihin nito na babalewalain
na ang presensiya ng ama. Isipin na lang natin paano kung wala tayong ama diba parang
kulang ang kalingang matatanggap? Dahil ang ama ay magulang pa rin natin. Hindi man
nila masabi ng direkta ang kanilang pagmamahal nariyan naman ang pagpapakita nila nito.
Yung tipong akala mo itinakwil ka na niya ngunit hindi pagkat nais niya lang ipaalam kung
anong mabuti para sa iyo. Tigasin man yan, malambot naman ang puso niyan. Yung tipong
kahit hinang-hina na yan, pipilitin niyang maging malakas para sa pamilya. Nakatatak na sa
mga ama na kung sino ang magiging matatag sa isang pamilya yun ay sila pagkat ang
haligi ng tahanan ang bumuo nito. Ang ama ang siyang pumipigil at nagbibigay prpteksiyon
sa bawat miyembro ng pamilya. Kaya nga tinawag na haligi ng pamilya siya din ang
nagiging pundasyon ng pamilya. Kaya't kung iisipin ng mabuti napakalaki ng gampanin ng
isang ama.

Kung may mga bayani at superhero tayong hinahangaan dapat ay may itinuturing rin
tayong katangi-tangi ang ating mga ama. Katangi-tangi hindi lamang dahil sa kanilang
pagsasakripisyo at pagbibigay ng magandang buhay sa atin kundi katangi-tangi dahil sa
likas nilang pagmamahal sa atin, ang kanilang anak. Hindi sapat ang pagsasabi ng salamat
pagkat mula pa lamang nang tayo ay isilang ay nariyan na sila. Iba pa rin ang kalinga,
pagmamalasakit, at pagmamahal ng isang ama. Huwag lang dapat nating sabihin ang mga
katagang "salamat pa, tay, daddy" bagkus ipakita at suklian natin ang mga ginawa nila para
sa atin. Masanay tayong bigyan silang halaga pagkat hindi lamang sila haligi ng tahanan
sila rin ay maituturing na katang-tanging ama na patuloy na gagabay at proprotekta sa ating
pamilya. Kahit minsan man lang ay masabi natin sa ating mga ama ang katagang "Aking
ama ikaw ay tunay na dakila at katangi-tanging ama.
Instrumento Tungo sa Kaunlaran
Kung may kasabihang "Ang kabataan ang pag-asa ng bayan" dapat mayroon
ring " Ang guro ang siyang daan tungo sa kaunlaran". Napakasayang isipin na oo nga't
binibigyang pugay at itinuturing nating bayani ang ating mga guro. Nariyan ang lubos na
respeto sa kanila. Kung tawagin ngay sila'y sir, ma'am titser, madam at iba pang
maaaring tawag sa kanila. Sila yung tila walang kapagurang magturo turo diyan turo
rito. Napakahaba ng pasensiya na kahit suwail na ang estudyante ay patuloy pa ring
iniintindi. Natututo ang mga estudyante dahil may isang gurong nagsisipag para lang
maintindihan ng isang mag-aaral ang leksiyong kaniyang tinuturo. Pagbasa, pagsulat,
at pagbilang dahil kay titser natutunan nating lahat yan.

Maraming bagay ang naibabahagi ng isang guro sa kanyang mag-aaral. Hindi


lamang tungo sa akademiko bagkus mga aral ding dapat na matutunan sa mga
karanasang haharapin sa kanya-kanyang buhay. Kapag naririnig na ang saliyang guro,
kaakibat na niyan ang pangalawang magulang. Tagapayo at palaging nagpapa-aalala
sa tunay na kahalagahan ng edukasyon. Kung hirap na ang mga mag-aaral mas doble
pa ang hirap ng isang guro. Pagkat hindi lang pagtuturo ang gampanin ng isang guro.
Nariyan din ang lag-intindi at patuloy na paghikayat upang mag-aral ng mabuti ang mga
ito.

Patuloy na naitatak na sa isipan ng lahat ang kahalagahan ng edukasyon kung


kayat mula rito ang mag-aaral o kabataan mismo ang siyang daan upang umunlad ang
bayan. Ngunit kailanma'y hindi sumagi sa bawat isipan natin na ang mga guro ang
siyang naging dahilan tungo sa kaunlaran. Ang mga guro ang humahasa sa bawat
isipan ng lahat. Sila ang nagpapalawak ng ating kaalaman. Ang mga guro ang dahilan
kung bakit may mga kabataang nagkakaroon ng magandang kinabukasan. Kung ang
mga superhero ay may superpowers para makapagligtas ang mga guro rin ay gaya nila
may instrumentong ginagamit upang iligtas ang lahat sa kamangmangan. Ang
instrumentong ito ay ang kaalaman nila na kanilang ibinabahagi sa bawat isa sa atin.
Kung may kabataang nagpapa-unlad, mayroong nagiging instrumento para magkaroon
ng pag-unlad.
Salo-salong Pagkain sa Hapag
Kainan Senyales ng Pagkakabuklod ng
Pamilya
Likas sa ating mga Pinoy ang pagkain ng sabay-sabay sa hapag kainan.
Kadalasan ito na lamang ang panahon kung saan ang bawat miyembro ng pamilya ay
magsasama-sama. Kumbaga ito na lamang ang "bonding time" ng pamilya. Nariyan pa
ang kadahilanang mas masaya kung salo-salo mas nabubusog at mas produktibo ang
pagkain kung mayroong kasamang kumakain. Sa panahon ngayon halos hindi na
magkita ang bawat miyembro ng pamilya sa mismong tahanan dahil na rin ang
parehong magulang ay abala sa trabaho ang mga anak ay abala rin sa pag-aaral halos
wala ng oras ang lahat para magsaya at magsama-sama. Ngunit bakit kaya sa kabila
ng lahat ng pangyayaring ito ay hindi pa rin na-aalis sa mga Pilipino ang pagkain ng
sabay-sabay sa hapag kainan?

Nakasanayan,tradisyon at kultura na ng mga Pinoy ang salo-salong pagkain sa


hapag kainan. Ang gawing ito ay ang paraan na rin ng mga Pinoy uoang sabay-sabay
na magpasalamat at tanggapin ang biyayang ipinagkaloob ng Diyos. Napakaganda at
napakasaya nga naman isipin na sa kabila ng lahat ng mga dinaranas ay mayroon pa
ring nakalaang oras upang maging masaya ang bawat miyembro ng pamilya. Ang
nakalaang oras na ito ang nagiging daan tungo sa komunikasyon ng pamilya. Ang
pagkain ng salo-salo ng pamilya ay isang senyales na ang bawat isa ay may
pagkakaisa at pagkalinga sa bawat isa. Isipin mo na lang mag-isa kang kumakain
napakalungkot diba wala ka man lang kasalo sa hapag tila nakakawalang gana kumain.
Ang pagkain ng salo-salo ay nagdudulot ng kagalakan sa bawat isa. Nabusog ka na sa
pagkain nasiyahan ka pa pagkat may mga taong sumasabay sayo.

Kung hindi nagsasalo-salo ang pamilya sa hapag ay tila malayo ang loob ng
bawat isa. Habang patag-tagal palaki nang palaki ang agwat sa bawat isa. Makikita sa
ating mga Pilipino ang pagkalinga sa ating pamilya at ang pagkain ng salo-salo ay isang
paraan kung bakit patuloy na nagiging matatag ang ating pamilya. Ang sarap isipin na
hindi ka nag-iisa sa pagkain may nga taong handang sumama sayo sa pagtanggap at
pagbibigay salamat sa biyayang natanggap. Ang pamilyang salo-salong kumakain ay
ang pamilyang patuloy na nagkakaisa at nagbubuklod. Sa ating mga Pilipino ang hapag
kainan ay lugar kung saan ang lahat ng kasiyahan, pasasalamat, at higit sa lahat ay
ang pagmamahalan. Dahil sa salo-salong pagkain hindi lang basta kabusugan ang
pinag uusapan kundi ang taling nagkokonekta sa bawat miyembro ng pamilya.

You might also like