You are on page 1of 2

Azul, Jericho C.

III- A5

Gawain 1: Palawigin ang mga sumusunod. Magbigay ng mga halimbawa upang


maipakita ang nais mong ilahad/ ipaliwanag.

1. Ang pagsulat ay isang biyaya, pangangailangan at isang kaligayahan ng


nagsasagwa nito.
Ayon kay Keller:
 Ang pagsulat ay isang biyaya, isang pangangailangan at isang kaligayahan
ng nagsasagawa nito.
 Isang Biyaya- sapagkat ito ay isang kasanayang kaloob ng Maykapal at
eksklusib ito sa tao.
 Isang Pangangailangan sapagkat ang kasanayang pakikinig,pagbasa, at
pagsasalita ay may malaking impluwensya upang maging ganap ang pagbabago
ng ating pagkatao.
 Isang Kaligayahan sapagkat bilang isang sining, maaari itong maging hanguan
ng satispaksyon ng sinuman sa kanyang pagpapahayag ng nasa sa isip o
nadarama.

2. Isang mataas na uri ng komunikasyon ang pagsulat.


 Hitik umano sa pahiwatig at ligoy ang pakikipagusap ng mga Pilipino, dahil
nagmumula sila sa may mataas na uri ng pagbabahanginan ng kahulugan,
kompara sa mga taga kanluran na itinuturing na may mababang konteksto ng
kulturang mababa rin ang antas ng pagbabahanginan ng kahulugan.
Dahil ang Komunikasyon:
 Ang komunikasyon ang nagbibigay at tagapagpadaloy sa ugnayan ng mga tao
habang hinuhulma rin sila nito.
 At sa pagiral ng komunkasyon nililikha ang kulturang tumatagos sa lahat ng
aspeto ng isang lipunan, politika, ekonomiya, at iba pa.
 At kailangan ng tao ang wika bilang isang behikulo ng komunikasyon para sa
panlipunang pagkakaintindihan at pagkilos
 Ang wika rin ang syang daluyan tagagapagpahayag ng isang kultura na umiiral
at nagkakahugis ng proseso ng komunikasyon.
3. Pangatwiranan:” Ang pagsulat ay isang kasanayang pangwika na mahirap
matamo.”
 Sa asignaturang ito, higit pa sa akademikong mga impormasyon na nalaman
habang kinukuha ko ito tungkol sa pagsusulat- nais kong bigyang diin ang
natutunan ko na alam kong madadala ko at maalala ko sa mahabang
panahon at ito ay ang kahalagahan ng pagsulat at kung gaano kalakas ang
kakayanan nito bilang instrumento sa pagpapahayag ng ibat ibang opinyon,
suhestiyon, at imbensyon na maaaring makapagbabago ng takbo ng mundo
na ating ginagalawan sa kasalukuyan—sabi nga ni ginoong Geronimo, “ang
langit ay para lamang sa nakikinig” at para saakin, pagsusulat ang
magbubukas ng pinto nito. Simula sa pinakaunang pagtatalakay sa asignaturang
ito, masasabi ko na ako’y natuto ng lubos sa tamang pagsulat, pagsasaliksik, pag-iisip
gamit ang wikang Filipino. Napagtanto ko na hindi lang ang pisikal na pagsulat ang
nagbibihay buhay sa isang sulatin sapagkat ang tunay na bumubuo rito ay ang
nilalamang nararapat at makatutulong hindi lamang sa pansarili kundi sa
pangmaramihan. Tuna na hindi mahirap matamo ang pagsulat ng wika kung itoy
mamahalin at tatangkilin mo ng may pagpapahalaga.

You might also like