You are on page 1of 14

ARALING PANLIPUNAN

Ikalawang Marhahan - Modyul 2


Ik wang Linggo

SDO TAGUIG CITY AND PATEROS


Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula
sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy
upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K
to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong
hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang


pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung


paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad
nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito,
inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang
isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din
nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang mga sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o
sulat ang anumang bahagi nito. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
2. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
3. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
4. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi
ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga
kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka
nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang


pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga
kompetensi. Kaya mo ito!
Alamin Natin

Sa modyul na ito nakapaloob ang:


 Natatalakay ang konsepto at salik na nakaaapekto sa demand sa pang
araw-araw na pamumuhay
Sa paggamit ng modyul na ito ikaw ay inaasahang:
1. Matukoy ang iba’t ibang paraan upang maipakita ang relasyon ng
presyo at demand
2. Makapagtala ng isang demand schedule at demand curve
3. Makapagbahagi ng sariling saloobin tungkol sa pinaka mahalagang
salik ng demand

Subukin Natin

PANUTO: Basahin at sagutan ang bawat tanong. Isulat ang sagot sa patlang
na nakalaan sa bawat tanong. Piliin ang sagot mula sa kahon na makikita sa
ibaba. Puwedeng maulit ang sagot mula sa pagpipilian.

DEMAND CURVE DEMAND SCHEDULE PRESYO


INCOME EFFECT DEMAND FUNCTION
SUBSTITUTION EFFECT SALARY

1.Ipinahahayag sa konseptong ito na kapag tumaas ang


presyo ng isang produkto, ang mga mamimili ay hahanap
ng pamalit na mas mura.

2.Sinasabi sa konseptong ito na kapag mababa ang presyo


ng bilihin, mas mataas ang kakayahan ng kita ng tao na
makabili ng mas maraming produkto.

3. Ano ang tawag sa talaan na nagpapakita ng dami na kaya


at gustong bilhin ng mga mamimili sa iba’t ibang presyo?

4.Ano ang tawag sa grapikong paglalarawan ng ugnayan ng


presyo at quantity demanded?

5.Ano ang tawag sa matematikong pagpapakita sa ugnayan


ng presyo at quantity demanded?

1
Balikan Natin

PANUTO: Bilugan ang mga salik na nakakaapekto sa demand sa loob ng


kahon. Sagutan ang mga tanong pagkatapos.

Presyo ng produktong
Presyo Substitutes
komplementaryo

Populasyon Kita Panahon

Inaasahan sa produkto Pautang Panlasa

Mga tanong:
Sa iyong natutunan, ano ang demand?

Alin sa mga salik na iyong binilugan ang pinaka mahalaga para sayo?

Tuklasin Natin

Gawain 1. Timbangin natin!


Panuto: Suriin ang larawang makikita sa ibaba at sagutan ang mga
pamprosesong tanong.

PAMASAHE SA
ERPOPLANO

PRESYO DEMAND

2
Pamprosesong tanong:
1. Alin sa dalawang grupo ang mas mataas ang timbang?

2. Makikita sa larawan na maraming demand ang hindi makasabay sa


presyo. Ano ang dapat mangyari para maka-akyat sila sa timbangan?

3. Kung dadagdagan pa ang presyo ng pamasahe sa eroplano, ano kaya


ang mangyayari sa demand nito?

Talakayin Natin

Ang larawang ipinakita sa gawain 1 ay isang representasyon ng “Batas


ng Demand”. Isinasaad ng Batas na ito na mayroong inverse o magkasalungat
na ugnayan ang presyo sa quantity demanded (bilang ng demand) ng isang
produkto. Kapag tumaas ang presyo, bumababa ang dami ng gusto at kayang
bilhin; at kapag bumaba ang presyo, tataas naman ang dami ng gusto at
kayang bilhin.
May dalawang konseptong nagpapaliwanag kung bakit may magkasalungat o
inverse na ugnayan sa pagitan ng presyo at quantity demanded.

Ipinahahayag sa substitution effect na kapag tumaas ang presyo ng isang


produkto, ang mga mamimili ay hahanap ng pamalit na mas mura. Sa gayon,
mababawasan ang dami ng mamimiling gustong bumili ng produktong may
mataas na presyo dahil maghahanap sila ng mas mura.
Halimbawa, kung mahal ang pamasahe sa eroplano maaring pamasahe
nalang sa barko ang kunin ng isang pasahero na mas mura.

3
Ang income effect naman ay nagpapahayag kapag mababa ang presyo ng
bilihin, mas mataas ang kakayahan ng kita ng tao na makabili ng mas
maraming produkto. Kapag tumaas naman ang presyo, lumiliit naman ang
kakayahan ng kaniyang kita na maipambili. Lumiliit ang kakayahan ng kita
na makabili ng mga produkto o serbisyo kaya mababawasan ang dami ng
mabibiling produkto.
Matatandaan sa unang aralin na isa sa mga salik ng demand ay ang presyo.
Ang presyo ng isang kalakal o serbisyo ang pangunahing salik na nakaka
apekto sa demand dahil ito ang unang tinitignan ng mga konsyumer.
Mayroong tatlong pamamaraan upang maipakita ang relasyon ng demand at
presyo. Mas madali rin na maintintidahan ang konsepto ng demand dahil sa
tatlong pamamaraan na ito.

1. Demand Schedule

Ang demand schedule ay isang talaan na nagpapakita ng dami na kaya


at gustong bilhin ng mga mamimili sa iba’t ibang presyo. Makikita sa
ibaba ang halimbawa ng demand schedule.
Demand Schedule para sa Kendi
Presyo bawat piraso Quantity Demanded

Php 5.00 10

Php 4.00 20

Php 3.00 30

Php 2.00 40

Php 1.00 50

Php 0 60

2. Demand Curve

Ang graph na nasa kanan ay batay sa


demand schedule ng kendi na nasa
itaas. Kung ilalapat sa graph ang iba’t
ibang kombinasyon ng mga presyo at
quantity demanded ay mabubuo ang
demand curve para kendi.

Ang demand curve ay isang grapikong


paglalarawan ng ugnayan ng presyo
at quantity demanded.

4
3. Demand Function

Ang demand function ay ang matematikong pagpapakita sa ugnayan


ng presyo at quantity demanded. Maaari itong ipakita sa equation sa
ibaba:
Qd = a – b(P)
Kung saan:
Qd = Quantity Demanded
P = Price
a = intercept (ang bilang o value ng Qd kung ang presyo ay 0)
b = slope ∆Qd
∆P

Upang mapatunayan na ang datos sa demand schedule at ang demand


function ay iisa, suriin at pag-aralan ang kompyutasyon sa ibaba.

Una nating hanapin ang value ng “b” o slope.


b= ∆Qd (pagbabago sa Qd divided by pagbabago sa presyo)
∆P

b= 10 b=10 Ang “b” o slope ay 10


1

ngayong alam na natin na a=60 at b=10. Atin nang ipalit ito sa


equation:
Qd = 60 – 10P
Subukan nating tignan ang mga sumusunod na value ng P:
Kapag ang P = 1 Qd = ? Kapag ang P = 5 Qd = ?
Qd = 60 – 10P Qd = 60 – 10P

Qd = 60 – 10 (1) Qd = 60 – 10(5)

Qd = 60 – 10 Qd = 60 – 50
Qd = 50 pirasong kendi Qd= 10 pirasong kendi

Balikan at tignan ang demand schedule at demand curve upang


makita na tama ang nakuha nating sagot!

5
Kung ang presyo naman ang hinahanap:
Kapag ang Qd = 50 P = ? Qd = 10 P = ?

50 = 60 – 10P 10 = 60 – 10P
10P + 50 = 60 10P + 50 = 10

10P = 60 – 50 10P = 60 – 10

10P = 10 10P = 50
10P = 10 10P = 50
10 10 10 10
P = 1 o P1.00 P = 5 o P5.00

O puwede din natin gamitin ang formula para sa presyo na:

P = a - Qd
b

Subukan natin:
Kapag ang Qd = 50 P = ? Qd = 10 P = ?

P = 60 - 50 P = 60 - 10
10 10

P = 10 P = 50
10 10

P = 1 o P1.00 P = 5 o P5.00

Balikan at tignan ang demand schedule at demand curve upang


makita na tama ang nakuha nating sagot!

Presyo bawat piraso Quantity Demanded

Php 5.00 10
Qd = 10 P = 5
Php 4.00 20

Php 3.00 30

Php 2.00 40

Php 1.00 50 Qd = 50 P = 1
Php 0 60

Qd = 10 P = 5

Qd = 50 P = 1

6
Pagyamanin Natin

Gawain 2. Su – Da – Ku! (Suri, Datos, Kurba)

PANUTO: Suriin ang sitawasyon sa ibaba at sagutan ang hinahanap dito

SITWASYON
Ipagpalagay na katatapos lamang ng inyong klase sa P.E.
Nagkataong may tinda sa kantina na buko juice. Ilang baso ng buko
juice ang handa at kaya mong bilhin sa presyong Php6, Php8,
Php10 hanggang Php14 kada baso? Itala ito sa kolum ng Qd. Ilagay
sa talahanayan ang dami ng quantity demanded sa bawat presyo
upang mabuo ang demand schedule.
Ipagpalagay na ang demand function mo ay Qd = 50 - 2P.
Pagkatapos nito ay ipakita ito sa pamamagitan ng paggawa ng
demand curve at sagutan ang mga pamprosesong tanong sa ibaba.

Presyo bawat Quantity


baso (PHP) Demanded

10

12

14

Pamprosesong Tanong:

1. Ilan ang quantity demanded sa presyong Php6.00?

2. Ano ang naging pagbabago sa quantity demanded nang tumaas


ang presyo mula Php8.00 papuntang Php14.00? Ipaliwanag ang
sagot.

3. Ipaliwanag sa sariling pangungusap ang isinasaad ng batas ng


demand batay sa nabuo mong demand schedule at demand
curve.

7
Gawain 3.

PANUTO: Mula sa datos na nasa ibaba, kompletuhin ang talahanayan upang


maipakita ang demand schedule.

A. Demand Function: Qd = 300 – 20P

B. Demand Function: Qd = 750 – 10P

Tandaan natin

Sa Batas ng Demand, ang presyo at quantity


demanded ay laging mayroong inverse o
magkasalungat na ugnayan. Kapag tumaas ang
presyo, bumababa ang dami ng gusto at kayang
bilhin ng tao!

8
Isabuhay natin

Gawain 4. Pakiramdam ko, ramdam ko ‘to

PANUTO: Isalaysay ang iyong karanasan sa batas ng demand sa isang


sulatin. Mamarkahan ang iyong gawain ayon sa rubriks na makikita sa ibaba.
RUBRIKS:

10pts 8pts 6pts 4pts


Madaling makita Madaling makita Madaling makita Hindi makita
ang karanasan ang karanasan ang karanasan ang karanasan
sa batas ng sa batas ng sa batas ng sa batas ng
demand sa demand sa demand sa demand sa
sulatin sulatin sulatin sulatin
At At Subalit
Relateable Maayos ang Hindi maayos
At pagpili ng mga ang pagpili ng
Maayos ang salita mga salita
pagpili ng mga
salita

_ _ _

_ _ _

_ _ _

_ _ _

_ _ _

_ _ _

_ _ _

_ _ _

_ _ _

_ _ _

_ _ _

9
Tayahin Natin

PANUTO: Basahin ang mga sumusunod. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Sa batas ng demand, anong klaseng ugnayan mayroon ang presyo at


quantity demanded?
a. Inverse c. Verse
b. Reverse d. Universe

2. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng equation para sa demand


function?
a. Qd = a – b/P c. Qd = a – b(P)
b. Qd = a – b – P d. Qd = a – b + P

3. Ano ang tawag sa grapikong paglalarawan ng ugnayan ng presyo at


quantity demanded?
a. Demand c. Demand Curve
b. Demand Schedule d. Demand Function

4. Sa demand function, ano ang katumbas ng P?


a. Demand c. Presyo
b. Supply d. Kita

5. Ano ang tawag sa talaan na nagpapakita ng dami na kaya at gustong


bilhin ng mga mamimili sa iba’t ibang presyo?
a. Demand c. Demand Curve
b. Demand Schedule d. Demand Function

Gawin natin

Gawain 5.
PANUTO: mula sa mga demand schedule na makikita sa gawain 3 ng module
na ito, gumawa sa isang sagutang papel ng demand curve. Gandahan at
linawan ang mga detalye ng demand curve na iyong gagawin.
Sir Gawain 3 po? Oo Gawain 3
Sir ilang demand curve ang gagawin? Dalawa…
Ser parehas po ang gagawin? Oo parehas ang gagawin.
Ser isang papel lang po? Oo isang papel lang. pagkasyahin!
Ser…

10
References
EKONOMIKS 10 Araling Panlipunan – Modyul para sa Mag-aaral Unang Edisyon
2015
Development Team of the Module
Writer: ROBERT M. VALERA
Editors:
Content Evaluator: ADELYNE T. PALAS
JENIFFER C. VERZOSA
Language Evaluator: ZALDY ROSE CARPIO
Reviewers:

Illustrator: RODRIGO DEL ROSARIO


Layout Artist: JENNIFER A. MANALO
ROBERT M. VALERA
Management Team: DR. MARGARITO B. MATERUM, SDS
DR. QUINN NORMAN O. ARREZA, OIC-ASDS
DR. GEORGE P. TIZON, SGOD Chief
DR. ELLERY G. QUINTIA, CID Chief
MR. FERDINAND PAGGAO, EPS - AP
DR DAISY L. MATAAC, EPS – LRMS/ALS

Sa mga katanungan, maaring tumawag o sumulat sa…

Schools Division of Taguig city and Pateros Upper Bicutan


Taguig City

Telefax: 8384251

Email Address: sdo.tapat@deped.gov.ph

You might also like