Professional Documents
Culture Documents
Ang Pamilyang Mahirap
Ang Pamilyang Mahirap
Kara: Nay, bukas na po exam namin ha? Dalawang buwan na po tayong di nakapag- babayad.
Inay: Osig--
Nakita naman ni Inay na lumabas ng kwarto si Itay na handa nang pumasok sa trabaho.
Inay: Oh. Ayan na pala ang itay nyo. Osige anak, paayos mo na ang sapatos mo nang makapasok ka na. Maaga pa
naman.
...
Di-naglaon.. Nakaalis na rin ang mga anak nila at nakapasok na sa eskwelahan.. Naiwan ang mag-asawa sa bahay.
At nagsimulang magsalita si Itay.
Itay: Naku, pano yan inay? Wala pa kong sahod, sa susunod na linggo pa ang sweldo ko? Bukas na pala ang exam ni
Kara.
Itay: Si Bunsoy pa, ang sapatos nya. Mahigit isang taon na iyon. At ngayo'y sira- sira na. Kawawa naman ang bata.
Inay: ...
Napansin naman ng Itay na kanina pa walang imik ang asawa nya. Kaya naman ito'y kinamusta nya.
Habang palapit ito kay Inay, napansin nitong namumutla ang asawa.Hinawakan nito ang leeg at noo..
Itay: May lagnat ka. Tsk, tsk. Wag ka muna pumasok sa trabaho. Magpahinga ka muna sa ngayon at baka lumala pa
yan. Eto, gamot para sa lagnat mo, inumin mo ya--
Inay: Hindi.
Itay: Ha? Anong hindi? Kailangan mo uminom ng gamot at magpahinga.
Itay: Pero..
Inay: Ayoko. Makikiusap ako sa amo ko. Ipapa-aga ko ang sweldo ko. Kailangan na natin ng pera.
Itay: Osya. Ikaw bahala. Basta magpahinga ka ha? Sumusobra na yata ang pagtatrabaho mo. Tapos uminom ka ng
gamot. Papasok na ko sa trabaho. Paalam. Tandaan mo, makararaos din tayo.
Si Inay ay isang inang mapag-aruga, mapag-alaga at mapag- pasensya. Sya ang laging kumikilos sa bahay nila.
Nagtatrabaho sya bilang isang labandera. Ang itay naman, isa syang pulis. Mayron silang tatlog anak, ang panganay
na si Ivan, na nasa kolehiyo na. Ang dalaga nilang si Kara na 4th year student na. At ang grade 5 nilang anak na
bunso. Mahirap ang buhay ngunit pinagtyatyagaan na lamang nila. Pinaka- pangunahing problema nila ay ang pera.
Mahigit tatlog buwan na silang di nakapag babayad sa tinitirahan nila. Kaya naman sunud- sunod ang bayarin.
Amo: Oh. Nandyan ka na pala. Buti naman at dumating ka na. Aalis kasi kami ng mga anak ko. Kung maaari sana'y
ikaw muna ang umasikaso dito. Wala sila Inday.. Dayoff nila. Kaya ikaw lang ang maiiwan dito. Pagpasensyahan mo
na ha. Hayaan mo dadagdagan ko sweldo mo.
Inay: Kasi po ma'am. Bukas na po ang exam ng anak ko, tapos sinisingil na rin po kami sa bayarin sa bahay. Eh kaso
ang asawa ko po, sa susunod na linggo pa ang sweldo. Eh hanggang ngayong week nalang po ang mga bayarin.
Amo: Ah..
Inay: Eh nahihiya man po akong magsabi sainyo, ngunit nagbabakasali lang po akong kung maaari ay ngayon ko po
makuha ang sweldo ko, kahit magkano lang po. Basta makapag- bayad lang ako sa amin.
Di lamang pinansin ng amo ang anak nya, at patuloy na naghintay sa sagot nya.
Amo: Haha. Sige na. Magkano ang kailangan mo. Mahigit apat na taon ka nang nagtatrabaho dito. At malaki ang
naitulong mo sa bahay pati sa pamilya ko. Kaya binabalik ko lang ang pabor. Magkano ba talaga?
Sabi nito na nakangiti. Mabait ang amo ni Inay. Mapagkumbaba at maraming kaibigan. Walang niisang taong
minaliit nya kahit katulong lamang ito sa bahay nila.
Inay: Naku, eh sa totoo lang po 36,000 po eh. Kasama na po ang lahat ng utang namin sa nirerentahan.
Amo: Ah ganun ba? Oh, etoh. 50,000. Ang matitira, sayo nalang. Sa susunod na buwan may sweldo ka pa.
Pagbibiro nito.
Amo: Naku.. Masaya lang akong makatulong sa ibang tao. Minsan rin kaming naging ganyan kaya tumutulong ako.
Amo: Walang anuman. Osige, mauna na ko. Atat nang gumala ng mga anak ko. Haha. Maiwan na kita ha? Uuwi din
kami dito mamayang hapon.
Nakangiting nagpaalam sila sa isa't isa. Sobrang pasasalamat ni Inay at nagkaroon sya ng Amo na handang
tumulong sa pamilya nya. Nang maiwan sya sa bahay nito, nilinis nya ang bawat sulok ng bahay. Naglaba, atbp.
Hanggang sa dumating ang pamilya ng amo nito.
Amo: Ahaha. Hindi na nila kailangan ng ibang tao para mag alaga sa kanila. Dahil nandyan ka naman.
Amo: Osige na. Baka hinihintay ka na ng asawa mo't mga anak. Gutom na yun siguro.
Amo: Pasalubong namin pra sa'yo. Hindi ba't kaklase ito ng anak mo?
Gerald: Opo. Eh nakwento nya po sakin na nakita nya na nahihirapan na kayo kanina bago sila pumasok. Tila
magkandarapa ka na raw po sa sobrang daming inaatupag. At narinig nya raw po ang napagusapan nyo ng asawa
mo. Kaya naman nung uwian na po namin, niyaya namin syang isabay pauwi. Sabi nya ayaw na raw po.
Gerald: Kailangan nya raw po magtrabaho para makatulong sa inyo. Part-time Job daw po.
Sa sinabi ni Gerald, halos mangiyak- ngiyak na si Inay. Hindi nya akalaing sa araw na ito, napakaraming nangyaring
hindi inaasahan.
Amo: Oh, ano pang hinihintay mo? Umuwi ka na. Alam kong pagod ka na.
Umuwi si Inay sa bahay at nadatnang nandon na ang dalaga nya't ang bunso pati ang Itay. Pumasok sya sa bahay at
napansing wala ang panganay nya.
Inay: Naku, eh pasalubong sakin ng amo ko. At alam nyo ba, makapag babayad na rin tayo ng mga bayarin natin!
Inay: Oo anak. Kaya dapat kayo wag kayong magiging madamot. Osige tara na't gutom na siguro kayo.
Itay: Halina.
...
Nang matapos kumain ang pamilya.. Kinagabihan wala parin ang panganay nila. Si Itay, si Kara at ang bunsong
kapatid at tulog na. Si Inay naman ay lumabas ng bahay. Nahihilo man at inaantok na ang Inay ay hinintay parin
nito si Ivan na pumasok sa gate nila.
Ivan: Inay, pasensya na po kung late na akong nakauwi. Eto po ang gamot oh.
Ivan: Inay, alam ko pong kahapon ba kayo may sakit. Hindi mo lang pinahahalata. Kaso kaninang umaga po, di na
kinaya ng katawan nyo.. Tapos, nag trabaho pa kayo. Malala na ang sakit nyo. Kaya eto po, inumin nyo nang
maagapan agad yan.
Wala nang ibang ginawa ang Inay kundi yakapin ang anak at pasalamatan ito. Kinaumagahan ay isa nanamang
panibagong araw. Maraming pagbabago, pero ito naman ay para sa ikinabuti ng pamilya nila.