You are on page 1of 16

Camarines Norte College Inc.

Labo, Camarines Norte


Junior High School Department
S.Y. 2021-2022
Learning Module para sa AP 7

ARALING PANLIPUNAN 7: Araling Asyano


I k a l a w a n g K w a r t e r

Mga Kaisipan
at
Paniniwalang
Humubog
sa
Pagkakakilanlang
Asyano

Modyul Blg. 2

Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga kaisipang Asyano, pilosopiya, at relihiyon na
nagbigay-daan sa paghubog ng sinaunang kabihasnan sa Asya at sa pagbuo ng pagkakakilanlang
Asyano.

Pamantayan sa Pagganap
Ang mag-aaral ay kritikal na nakapagsusuri sa mga kaisipang Asyano, pilosopiya, at relihiyon na
nagbigay-daan sa paghubog ng sinaunang kabihasnan sa Asya at sa pagbuo ng pagkakakilanlang
Asyano.

TALAAN NG NILALAMAN
1
ARALING PANLIPUNAN// PAGKAKAKILANLANG ASYANO// S.Y.2021-2022
MODYUL BLG. 2: Mga Kaisipan at Paniniwalang Humubog sa Pagkakakilanlang Asyano
Linggo Aralin/Nilalaman Gawain Pahina
Unang Linggo -Panimula at mga Pokus na Tanong Pagsasanay 1: 4 Pics – One Word
-Saklaw ng Modyul
-Grapikong Pantulong ng Aralin Mapa ng konsepto ng Pagbabago
-Inaasahang Kasanayan (Initial-Revised-Final)
-Panimulang Pagtataya 3-6
-Pagtuklas Gawain 1: Konseptulong
-Paglinang
• Kahulugan ng Kabihasnan at
ang mga Katangian Nito
Ikalawang Linggo -Paglinang Gawain 2: Nagkakaiba-Nagkakaisa
• Kabihasnang Sumerian
• Kabihasnang Indus Gawain 3: Ilaw-Kaalaman
• Kabihasnang Tsino
7-9
• Sinaunang Sibilisasyon India
• Sinaunang Sibilisasyong
China
• Kaisipang Divine
Ikatlong Linggo -Paglinang Gawain 4: Piramide ng Lipunan
• Lipunan ng Sinaunang
Kabihasnang Asyano Formative Assessment: Mukhang
May Natutuhan
10-12
Mapa ng konsepto ng Pagbabago
(Revised)

Gawain 5: Mind Mapping


Scaffold for Transfer 1:
Ikaapat na Linggo IKALAWANG ANTASANG PAGSUSULIT
Ikalimang Linggo -Pagpapalalim Gawain 6: Suriin ang Panahon

Formative Assessment: Exit Ticket


13-15
Mapa ng konsepto ng Pagbabago
(Final)
Ikaanim na -Pagpapalalim Gawain 6: Kaya ko to Scaffold for
16
Linggo Transfer 2:
Ikapitong Linggo -Paglipat Gawain 7: Performance Task:
17
• Performance Task Pagsulat ng Reflection Paper
Ikawalong Linggo IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT

2
ARALING PANLIPUNAN// PAGKAKAKILANLANG ASYANO// S.Y.2021-2022
UNANG LINGGO
MODULE No. 2:

MGA KAISIPAN AT PANINIWALANG HUMUBOG SA PAGKAKAKILANLANG ASYANO


Panimula at mga Pokus na Tanong

Ang nabuong kabihasnan ng mga Asyano ay bunga ng kanilang mga tradisyon, kaisipan, at
sinaunang pananaw. Ang mga kaisipang ito ang naging gabay ng mga Asyano sa paglinang ng kanilang
pamahalaan, kabuhayan, teknolohiya, lipunan, edukasyon, paniniwala, pagpapahalaga, sining, at kultura. Ito
ay nakatulong upang matamo ng mga Asyano ang mataas na moralidad at makasanayang mamuhay sa
lipunang nakabatay sa makatarungang paniniwala. Higit sa lahat ang mga kaisipan at pilosopiya ring ito ang
gumising sa isipan ng mga Asyano upang malinang ang mga kahanga-hangang pagbabago sa lahat ng
aspekto ng kanilang pamumuhay.
Sa tulong ng mga aralin at gawaing inilaan sa modyul na ito, inaasahang mapagninilayan mo ang
mahalagang kaisipan sa tanong na “Bakit mahalagang suriin ang mga relihiyon, pilosopiya, at kaisipang
Asyano ng mga sinaunang kabihasnan sa Asya?”

SAKLAW NG MODYUL
Sa modyul na ito, matututuhan mo ang sumusunod;
Aralin Magagawa mong…
• Kahulugan, Konsepto, at ✓ matalakay ang konsepto ng kabihasnan at ang mga katangian
Katangian ng Kabihasnan nito
• Kabihasnang Sumerian, India, ✓ mapaghambing ang mga sinaunang kabihasnan sa Asya
at Tsino ✓ mailarawan ang mga kaisipang pinagbatayan ng
• Mga Kaisipang Pinagbatayan pagkakakilanlan ng sinaunang kabihasnang Asyano
sa Pagkilala sa mga Sinaunang ✓ mataya ang impluwensiya ng mga kaisipang Asyano sa
Kabihasnan kalagayang panlipunan at kultura sa Asya
• Lipunan ng Sinaunang ✓ mapahalagahan ang mga kaisipang Asyano na nagbigay-daan
Kabihasnang Asyano sa paghubog ng sinaunang kabihasnan sa Asya at sa pagbuo ng
pagkakilanlang Asyano
✓ makagawa ng kritikal na pagsusuri sa mga kaisipang Asyano
na nagbigay-daan sa paghubog ng sinaunang kabihasnan sa
Asya at sa pagbuo ng pagkakilanlang Asyano

Grapikong Pantulong sa Aralin:

KAISIPAN

Lipunan at
PANINIWALA Pagkakakilanlang Asyano
Pamamahala

RELIHIYON

INAASAHANG KASANAYAN:
Bilang patunay ng pagtatagumpay mo sa modyul na ito, inaasahang matutupad mo ang sumusunod na
mga gawain;
1. nakapagtatalakay ng mga konsepto ng aralin
2. nakapaghahambing
3. nakapaglalarawan ng mga mahahalagang impormasyon mula sa binasa
4. nakapagtataya ng impluwensya ng kaisipang Asyano sa kalagayan ng lipunang Asyano sa kasalukuyan
5. Napahahalagahan ang mga kaisipang Asyano na naging ng paghubog ng mga sinaunang kabihasnan
at pagkakakilanlang Asyano
6. Nakagagawa ng kritikal na pagsusuri

3
ARALING PANLIPUNAN// PAGKAKAKILANLANG ASYANO// S.Y.2021-2022
PANIMULANG PAGTATAYA: PAGTAPATIN

Alamin natin ngayon kung may kaalaman ka sa araling tatalakayin sa pamamagitan ng pagsagot sa
panimulang pagtataya. Basahin at unawaing mabuti ang pahayag sa magkabilang kolum. Piliin sa
Hanay B sa tingin mong tamang sagot sa mga aytem na nasa Hanay A. Gawin at sagutin mo na
lamang ang bahaging ito sa hiwalay na papel. Hindi ito ipapasa. Pagkatapos mong sagutin ang
lahat ng tanong, ikumpara mo ang iyong mga napiling sagot sa susi sa pagwawasto na matatagpuan
sa dulo ng panimulang pagtatayang bahagi.

HANAY A HANAY B
1. nagpaplano at nangangasiwa sa nasasakupan a. karma
2. templong tore na animo’y piramide b. sistemang caste
3. sa panahong ito nagsimula ang Sistema ng pagsulat sa China c. pamahalaan
4. paniniwalang babalik sa iyo ang lahat ng iyong ginawa d. piyudalismo
5. paniniwalang ang mga emperador ay nagtataglay ng kapangyarihan ng e. Hinduism
Diyos
6. sistemang panlipunan kung saan ang pag-aari ng lupain ng hari ay f. Islam
pinamamahalaan ng mga noble o lord
7. napapangkat ang tao sa hindi magkakapantay na katayuan sa lipunan g. Buddhism
8. relihiyon na ang kinikilalang diyos ay si Brhama h. ziggurat
9. pinamunuan ni Gautama Buddha ang relihiyong ito i. Dinastiyang Shang
10. relihiyon ng mga muslim j. Divine Origin

Ngayon ay maaari mo nang simulan ang pag-aaral sa nilalaman ng modyul na ito. Subukin
mo ang iyong sarili sa panimulang gawain na inihanda para sa iyo.

Pagsasanay 1: 4 Pics – One Word


Panuto: Tukuyin mo kung anong bansa sa Asya ang ipinahihiwatig ng apat na larawan. Gamitin mo ring gabay
o clue ang mga letrang nakalitaw para mabuo mo ang salita. Sagutin mo pagkatapos ang mga pamprosesong
tanong. Hindi ito ipapasa ngunit makabubuting gawin mo bilang panimula.

MGA
PAMPROSESONG
TANONG:
1. Anong bahagi ng buhay
ng mga Asyano ang
ipinakikita sa mga
larawan?
2. Paano nagkakatulad at
nagkakaiba-iba ang mga
Asyano batay sa
ipinakikita sa mga
larawan?
3. Bakit mahalaga ang
relihiyon at mga
paniniwala sa buhay ng
mga Asyano?

Ngayon naman ibahagi mo ang iyong kaalaman sa paksa ng aralin sa modyul na ito. Gawin mo ang gawain sa
susunod na pahina.

Pagsasanay 2: Mapa ng Konsepto ng Pagbabago (Initial-Revised-Final)


Panuto: Ilahad mo ang iyong paunang pag-unawa sa mahalagang tanong sa ibaba. Hindi ito ipapasa ngunit
mahalagang maitago mo ang iyong sagot upang masubaybayan mo ang pag-unlad ng iyong pagkatuto.
4
ARALING PANLIPUNAN// PAGKAKAKILANLANG ASYANO// S.Y.2021-2022
KATAPUSANG BAHAGI NG PAGTUKLAS
Magaling dahil nagawa mong maibigay ang nalalaman mo kaugnay ng magiging aralin sa modyul na
ito.
Hinihikayat kita na basahin, unawain, at sagutin ang lahat ng gawaing inilaan sa modyul na ito para sa iyo.
Ang lahat ng gawain ay sadyang inilaan upang maihanda ka sa pagtupad mo sa mga kasanayang inaasahang malinang
mo. Gayundin naman, ikaw ay ihahanda ng modyul na ito na mapagtagumpayan ang huling gawain para sa unang
kwarter.
Ang pagtupad mo sa mga gawain sa modyul na ito ay maglilinang ng iyong kaalaman at kakayahan tungkol
sa pagkakakilanlang Asyano na naimpluwensyahan ng mga kaisipan at paniniwalang pinagbatayan ng pamamahala
at lipunan ng sinaunang kabihasnang Asyano hanggang kasalukuyan.

Sa bahaging ito ay tutulungan kitang malaman ang tungkol sa mga katangian ng kabihasnan upang
lubos mong maintindihan ang unti-unting pagkakahubog ng mga sinaunang kabihasnang Asyano
sa tulong ng mga kaisipan, paniniwala, pilosopiya, at relihiyon na pinagtibay ng mga naunang
namuno sa lipunang Asyano. Sa bahaging ito ay magagawa mong mailarawan ang mga kaisipang
ito na siyang pinagbatayan ng pagkakakilanlang Asyano hanggang sa kasalukuyan. Ang mga
kaalaman at mahahalagang konseptong makukuha mo rito ay makatutulong upang lalo mong maunawaan ang
mahalagang kasagutan sa tanong na “Bakit mahalagang suriin ang mga relihiyon, pilosopiya, at kaisipang
Asyano ng mga sinaunang kabihasnan sa Asya?”
Ihanda mo ang iyong sarili sa mga serye ng gawain sa bahaging ito.
Gawain 1: KONSEPTULONG
Basahin ang nilalaman ng pahina 143-144 ng iyong batayang-aklat. Kung walang magagamit na aklat ay i-search
ang “Kahulugan ng Kabihasnan at mga Katangian Nito”.
Panuto: Buuin mo ang konseptong mapa sa ibaba sa pamamagitan ng pagpuno sa natutuhang kahulugan at
katuturan ng kabihasnan. Sagutin din ang mga pamprosesong tanong. Gawin mo ito sa iyong intermediate paper.
Ipuno mo ang mga konsepto ng kabihasnan na nasa tsart sa diagram.
Mga Konsepto ng Kabihasnan
May sistemang Nalinang ang sistema Paglikha ng mga Pagiging likas na Dalubhasang Manggagawa
pagtatala ng pagsulat bagay-bagay malikhain ng tao Kailangan para sa masusing
pagpaplano
Nakabuo ng Maunlad na Matatag na Maunlad na Kailangan para sa masusing
kalendaryong Kasanayang Teknikal Pamahalaan Kaisipan pagpaplano
lunar

5
ARALING PANLIPUNAN// PAGKAKAKILANLANG ASYANO// S.Y.2021-2022
IKALAWANG LINGGO
Gawain 2: NAGKAKAIBA-NAGKAKAISA

Basahin mo sa iyong batayang-aklat ang sumusunod na nilalaman ng aralin;


• Pahina 145-147: Kabihasnang Sumerian
• Pahina 164-165: Kabihasnang Indus
• Pahina 167: Kabihasnang Tsino

Panuto: Kumpletohin mo ang mga pahayag upang mabuo ang pag-unawa mo tungkol sa mga sinaunang
kabihasnang Asyano. Kopyahin at sagutin mo ito sa iyong intermediate paper.

1. Nalaman kong ang mga Sumerian ay pangkat ng mga sinaunang taong matatagpuan sa _____________.
2. Ang pamahalaan ng mga Sumerian ay tinawag na Theocracy na ang ibig sabihin ay isang uri ng
pamahalaang ____________________________________________
3. Ang lipunang Sumerian ay binubuo ng _____________________________________________
4. Ang mga Sumerian ay nananampalataya sa maraming diyos. Ito ay tinatawag na ______________.
5. Ang ziggurat ang templong tore na animo’y piramide kung saan idinaraos ng mga Sumerian ang
____________.
6. Ang mga Sumerian ay maraming kamangha-manghang kontribusyon sa mundo. Ang mga ito ay ang ___.
7. Nalaman ko rin ang tungkol sa sinaunang kabihasnang Indian. Ito ay matatagpuan sa ______________.
8. Malaki ang naging kapakinabangan ng Indus River sa pamumuhay ng sinaunang kabihasnang Indian.
Dahil dito, naitatag nila ang kanilang mga lungsod-estado na
____________________________________________
9. Sa kanilang mga lungsod-estado, makikita ang mahusay na kaalaman ng mga sinaunang Indian sa larangan
ng arkitektura. Makikita sa mga lungsod-estado na ________________________________________.
10. Samantala, ang sinaunang kabihasnan ng mga Tsino ay nagsimula pa pala noong ___________________.
11. Natuklasan ko na ang mga sinaunang Tsino ay mayroon nang sariling paraan ng pagsulat mula pa noong
panahon ng _____________________________________
12. Ang paniniwalang panrelihiyon ng mga sinaunang Tsino ay tinatawag na animism na tumutukoy sa
paniniwalang ________________________________________________
13. Ang mga sinaunang mamamayang Tsino ay nahahati noon sa tatlo. Ang mga ito ay ang ______________.
14. Marami ring kamangha-manghang kontribusyon ang sinaunang kabihasnan ng mga Tsino sa iba’t ibang
larangan. Isa na nga rito ay sa larangan ng pagsulat. Ginamit nila ang oracle bone upang ____________.
15. Ang ilan pang kontribusyon ng sinaunang Tsina sa mundo ay ang ___________________________.

Gawain 3: ILAW-KAALAMAN
Panuto: Basahin mo ang sumusunod na ralin at pagkatapos ay gawin mo ang kasunod na gawain.
Pahina 190-198: Sinauang Sibilisasyong India
Pahina 201-219: Sinaunang Sibilisasyong China
Pahina 222-223: Kaisipang Divine (Divine Origin)

Kung walang aklat ay pwede mong panoorin sa YouTube ang isang learning video na may parehong pagtalakay.
https://www.youtube.com/watch?v=vCNcELmOQP0
Impluwensya ng mga Kaisipang Asyano
Lathala ni Sir Johnny’s Class

6
ARALING PANLIPUNAN// PAGKAKAKILANLANG ASYANO// S.Y.2021-2022
GAWAIN 3: ILAW KAALAMAN
Panuto: Tukuyin mo ang angkop na impormasyong bubuo sa dayagram sa ibaba. Piliin mo ang iyong sagot sa
mga impormasyong nasa kasunod na tsart. Titik na lamang ang isulat sa iyong intermediate paper para sa bilang
1-16. Pagkatapos ay sagutin din sa parehong papel ang mga pamprosesong tanong.

_____1. ASOKA _____3. RAJPUT _____4. HINDUISM _____5. AKBAR


_____2. PANAHONG
GUPTA

_____7. SHA JAHAN

_____6. DHARMA

_____8. BUDDHISM _____9. AURANGZEB

_____11. MANDATE OF
_____10. KAISIPANG HEAVEN
DIVINE

_____14. KAISIPANG _____15. IMPERYONG _____16. AWTOKRASYA


_____12. PIYUDALISMO _____13. CONFUCIUS
DEVARAJAH TANG

Paniniwala ng mga sinaunang kabihasnang India, China, Japan, at Korea na ang mga pinuno o mga
A
emperador ay nagtataglay ng kapangyarihan ng diyos
Pamumuno na ginagabayan ng mga aral ni Buddha.
B Binibigyang-halaga nito ang pagpapakasakit ng isang tao para sa kapakanan o kabutihan ng kanyang
kapuwa at sa kaligtasan ng kanyang kaluluwa.
C Nagbibigay-halaga sa prinsipyong walang karahasan at kapayapaan para sa lahat
D Dakilang Tagapagpalaganap ng Buddhism
E Ginintuang Panahon ng India
F Nagpalaganap ng literasiya sa India
G Pangunahing relihiyon sa India
H Matalino at makataong pamumuno
Ginintuang panahon ng arkitekturang Mughal (India)
I
Nagpapataw ng mabigat na buwis, nagugutom ang mga nasasakupan
Pabor lahat sa mga Muslim
J
Nagrebelde ang mga Rajput (Hindu) at mga Sikh (Sikhism: Pinaghalong Hinduism at Islam)
Ang maharlikang pamumuno ay nagmumula sa diyos ng kalangitan
K
Ang maayos na pamamahala ay nagbibigay ng mapayapang panahon sa dinastiya

7
ARALING PANLIPUNAN// PAGKAKAKILANLANG ASYANO// S.Y.2021-2022
Ang di maayos na pamamahala ay nagdudulot ng pagbagsak ng dinastiya, rebelyon ng mga tao, at mga
kalamidad
Tumutukoy sa sistemang panlipunan kung saan ang pag-aari ng lupain ng hari ay pinamamahalaan ng mga
L
noble o lord
M Uri ng pamamahala na walang limitasyon ang kapangyarihan ng namumuno
Paniniwala at pilosopiya ng mga Tsino na ang China ang pinakasentro ng daigdig o tinatawag na “Gitnang
N
Kaharian”
Naniniwalang mahalagang makagawian ng mga anak ang pagsunod sa filial piety o ang paggalang at
O
pagmamahal sa mga magulang at nakatatanda
Ginintuang panahon ng China
P Magaan ang pataw sa buwis
Kinumpiska ang sobrang lupain ng mayayaman at ipinamahagi sa mahihirap
Paniniwala ng mga Khmer (tawag sa mga taga-Cambodia) na ang kanilang hari ay buhay na diyos sa
Q
daigdig

IKATLONG LINGGO
GAWAIN 4: PIRAMIDE NG LIPUNAN
Basahin mo ang nilalaman ng aralin sa pahina 224-225 at pagkatapos ay gawin mo ang kasunod na
gawain. Kung walang aklat ay i-search sa internet ang “Lipunan ng Sinaunang Kabihasnang Asyano” at
“Sistemang Caste sa Sinaunang Kabihasnan”.

Panuto: Ipuno at iayos mo sa loob ng piramide ang katayuan ng mga tao sa isang lipunan ayon sa sistemang
caste. Ilagay mo sa tuktok ng piramide ang uri ng mga tao sa lipunan na nakatataas, sa gitnang piramide naman
ay ang mga taong ikalawa sa antas ng lipunan, sa ikatlo at ikaapat naman ang pinakamababang uri ng tao sa antas
ng lipunan. Sa katapat na hugis ay sagutin mo ang nakatalagang tanong. Gawin mo ito sa iyong intermediate
paper.

iskolar pulubi feudal lords utusan mangangalakal


manggagawa mangangalakal mandirigma basurero alipin
pari hari magsasaka artisano

Bakit sila ang nasa


pinakamataas na antas ng
lipunan?

Ano ang tungkulin ng


antas na ito sa
lipunan
Ano ang tungkulin ng
antas na ito sa
lipunan
Bakit
mababang
antas sila ng
lipunan?

Kumusta? Sana ay nakuha mo ang mahahalagang kaalaman tungkol sa paghubog ng sinaunang


kabihasnang Asyano. Ang mga ito ay mahalagang pagkatutong kakailanganin mo upang makita sa
kasalukuyang kalagayan ng lipunang Asyano ang mga kaisipan, paniniwala, at pilosopiya na humubog sa
ating pagiging Asyano. Nalaman mo na ang mga paniniwala at kaisipang ito ay patuloy na nakaiimpluwensya
sa sistema ng pamamahala sa isang lipunan. Ang mga susunod na gawain sa bahaging ito ay pag-alam sa
iyong mga natutuhan.

FORMATIVE ASSESSMENT: MUKHANG MAY NATUTUHAN


Panuto: Kopyahin mo ang talahanayan sa iyong intermediate paper. Pagkatapos ay punan mo ng tsek (/) ang
kolum na naglalarawan ng iyong pagkatuto sa aralin.
8
ARALING PANLIPUNAN// PAGKAKAKILANLANG ASYANO// S.Y.2021-2022
Mga Gawain

Madali kong Nagawa ko ang Nahirapan akong Hindi ko kayang


nagawa at gawain, kahit gawin ang mga gawin ang gawain.
naniniwala medyo mabagal gawain, kaya Kailangan ko pa
akong mahusay ay natapos ko nagpatulong ako, ng mas mahabang
kong natapos naman pero natapos ko panahon para
ang gawain pa rin maintindihan ang
aralin
Gawain 1: Konseptulong
(natatalakay ang konsepto ng
kabihasnan at ang mga
katangian nito)
Gawain 2: Nagkakaiba-
Nagkakaisa
(napaghahambing ang mga
sinaunang kabihasnan sa Asya)
Gawain 3: Ilaw-Kaalaman
(nailalarawan ang mga
kaisipang pinagbatayan ng
pagkakakilanlan ng sinaunang
kabihasnang Asyano)
Gawain 4: Piramide ng
Lipunan
(Nailalarawan ang mga
kaisipang pinagbatayan ng
pagkakakilanlan ng sinauang
kabihasnang Asyano)

Mapa ng Konsepto ng Pagbabago (Initial-Revised-Final)


Panuto: Ngayon ay tingnan natin kung napaunlad mo pa ang iyong kasagutan sa mahalagang tanong. Isulat mo
ang iyong sagot sa iyong intermediate paper.

Ito na ang katapusang bahagi ng PAGLINANG. Dito ay inaasahang maibuod mo ang iyong
natamong pag-unawa sa nilalaman ng aralin. Ang gawaing ito ay magsisilbi ring paghahanda
mo sa iyong pagtupad sa panghuling gawain para sa Ikalawang Kwarter.

Gawain 5: MIND MAPPING SCAFFOLD FOR TRANSFER 1: PAGGAWA NG MIND MAP

Panuto: Mula sa mga napag-aralan mo, buuin mo ang mind map sa ibaba upang maipakita mo ang impluwensya
ng mga kaisipan at paniniwala noong mga sinaunang kabihasnang Asyano sa paghubog ng isang
pagkakakilanlang Asyano. Gawin mo ito sa iyong intermediate paper o sa isang long bond
paper kung nais mong maging makulay din ang iyong mind map. Pwede mong lapatan ng
pagkamasining mo.

9
ARALING PANLIPUNAN// PAGKAKAKILANLANG ASYANO// S.Y.2021-2022
Gabay na Panuto:
1. Isulat mo sa mga bilog ang mga kaisipan o paniniwalang Asyano na napag-aralan mo.
2. Isulat mo naman sa mga parisukat ang mga katangian ng lipunan o uri ng pamumuhay na mayroon ang
mga sinaunang Kabihasnang Asyano.
3. May impormasyong nakalitaw sa bawat hugis bilang halimbawa upang gabayan ka sa gagawin mo.

Sitwasyon: Ang National Commission on Culture and Arts ay nanawagan sa mga manunuri, mananaliksik, at
mga iskolar ng bayan na magsagawa ng isang pagsusuri sa paghubog at pag-unlad ng mga
kabihasnang Asyano hanggang sa kasalukuyan upang maipakilala sa buong mundo ang makulay
na pagkakakilanlan ng pagiging Asyano. Malaki ang impluwensya ng mga kaisipan, pilosopiya,
paniniwala, at relihiyon na umusbong noon pang mga sinaunang kabihasnan upang magkaroon ng
pagkakakilanlan ang bawat bansang Asyano. Bilang paghahanda mo sa isasagawang pagsusuri,
mahalagang alam mo ang mga kaisipang naging batayan ng pagkakaroon ng
pagkakakilanlan ng Asya.

Mind Map ng Paghubog ng Pagkakakilanlang Asyano

Iba-iba ang
relihiyon ng Iba-iba ang paraan ng
mga Asyano pamumuno:
pamumuno na pabor
sa mga mayayaman,
at mayroon ding para
sa kapakanan ng mga
karaniwang
mamamayan

PAGKAKAKILANLANG ASYANO

Pamahalaang
Awtokrasiya,
Hinduism,
Pamahalaang Buddhism,
Makatao,
Islam
Sistemang Caste

IKALIMANG LINGGO

Binabati kita dahil nagawa mong maunawaan ang mahahalagang kaisipan at mga
paniniwala ng mga sinaunang Kabihasnang Asyano at ang impluwensya ng mga ito sa
paghubog ng lipunan at pamumuhay ng mga Asyano. Gaano nga kaya kalaki ang
naidulot ng mga kaisipan at paniniwalang ito sa pamumuhay ng mga Asyano hanggang
ngayong kasalukuyan?
Sa bahaging ito, lalo mong makikita at maiintindihan ang kahalagahan ng pag-aaral sa mga sinaunang
kabihasnang Asyano lalo na ang mga hinubog nilang mga kaisipan at paniniwala na hanggang ngayon
ay pinagbabatayan pa rin ng pamumuhay nating mga Asyano. Inaasahang lalo mo pang mapalalalim
ang iyong pag-unawa sa mahalagang tanong na “Bakit mahalagang suriin ang mga relihiyon,
pilosopiya, at kaisipang Asyano ng mga sinaunang kabihasnan sa Asya?”

10
ARALING PANLIPUNAN// PAGKAKAKILANLANG ASYANO// S.Y.2021-2022
GAWAIN 6: SURIIN ANG PANAHON
Panuto: Iugnay mo sa mga larawan sa ibaba ang pag-unawa na natamo mo sa PAGLINANG na bahagi.
Kumpletohin mo lamang ang pahayag upang mabuo mo ang pag-unawa sa bawat grupo ng mga larawan. Isulat
mo ang iyong pag-unawa sa intermediate paper.

PAGSAMBA NG MGA INDIAN

PAGSAMBA NG MGA MUSLIM

PAGSAMBA NG MGA BUDDHIST

PAGSAMBA NG MGA KRISTIYANO

Pag-unawa Ko sa Relihiyong Asyano


Naunawaan ko na kahit pala magkakaiba ang mga relihiyon sa Asya, pare-pareho lamang ang pinahahalagahan
nito, at iyon ay
_________________________________________________________________________________________
Magkakaiba man ng paraan ng pananampalataya ang mga Asyano, ang mahalaga ay
_________________________________________________________________________________________
Dapat lang na mapahalagahan ang mga relihiyon na nagsimula pa noong mga sinaunang kabihasnan dahil
_________________________________________________________________________________________
Bilang isang kabataang Asyano, pahahalagahan ko ang aking relihiyon sa pamamagitan ng
_________________________________________________________________________________________

Pag-unawa Ko sa Kaisipan at Pilosopiyang Asyano


Ang mga kaisipan at pilosopiya na nagmula sa iba’t ibang tanyag na tao o pinuno noong mga sinaunang
kabihasnang Asyano ay naging batayan din ng pamamahala at sistema sa isang lipunan. Dahil sa mga kaisipan at
pilosopiyang ito, nagkaroon ng gabay at kontrol ang pamumuhay ng mga Asyano.

11
ARALING PANLIPUNAN// PAGKAKAKILANLANG ASYANO// S.Y.2021-2022
Iba-iba rin ang paraan ng pamamahala ng mga namumuno sa mga kabihasnang Asyano. Ngunit, kahit pa ibaba
ang paraang ito, naunawaan ko na pare-pareho itong nagdudulot ng maganda sa lipunan at kulturang Asyano.
Naunawaan ko na kapag maayos at makatao ang isang pamumuno ay
_________________________________________________________________________________________
Naunawaan ko rin na may mabuti ring naidudulot ang isang istrikto at malupit na pamumuno, at ito ay
_________________________________________________________________________________________
Dapat lang na mapahalagahan ang mga kaisipan at pilosopiya ng mga sinaunang kabihasnang Asyano dahil
_________________________________________________________________________________________
Bilang isang kabataang Asyano, pahahalagahan ko ang mga kaisipan at pilosopiyang ito sa pamamagitan ng
_________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________
Magaling dahil naibahagi mo ang mahalagang pag-unawa na inaasahang mabuo mo sa tulong
ng mga gawain at aralin sa modyul na ito. Ngayong naunawaan mo na ang kalahagahan ng
pag-aaral sa mga relihiyon, kaisipan, at pilosopiyang Asyano, naniniwala akong mailalapat mo
na ang pag-unawang ito sa iyong buhay. Ito na ang panghuling bahagi ng PAGPAPALALIM.
Ihanda mo ang iyong sarili sa pagtupad sa panghuling gawain para sa ikalawang kwarter.

FORMATIVE ASSESSMENT: EXIT TICKET


Panuto: Kopyahin at sagutin mo ang panapos na tanong na nasa ibaba. Gawin mo ito sa iyong intermediate paper.
Tanong: Para sa iyo, ano ang pinakamahalagang bahagi o gawain na naranasan mo sa modyul na ito?
Ipaliwanag.
Sagot: ________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

Mapa ng Konsepto ng Pagbabago (Initial-Revised-Final)


Panuto: Ngayon ay ilahad mo na ang iyong final na pag-unawa sa mahalagang tanong. Isulat mo ang iyong sagot
sa iyong intermediate paper. Hindi ito ipapasa.

12
ARALING PANLIPUNAN// PAGKAKAKILANLANG ASYANO// S.Y.2021-2022
IKAANIM NA LINGGO
SCAFFOLD FOR TRANSFER 2: BALANGKAS NG REFLECTION PAPER
Sitwasyon: Ang National Commission on Culture and Arts ay nanawagan sa mga manunuri, mananaliksik, at
mga iskolar ng bayan na magsagawa ng isang pagsusuri sa paghubog at pag-unlad ng mga
kabihasnang Asyano hanggang sa kasalukuyan upang maipakilala sa buong mundo ang makulay
na pagkakakilanlan ng pagiging Asyano. Malaki ang impluwensya ng mga kaisipan, pilosopiya,
paniniwala, at relihiyon na umusbong noon pang mga sinaunang kabihasnan upang magkaroon ng
pagkakakilanlan ang bawat bansang Asyano. Bilang paghahanda mo sa isasagawang pagsusuri,
una mo nang inalam ang mga kaisipang naging batayan ng pagkakaroon ng pagkakakilanlan ng
Asya. Ngayon naman, pumili ka ng isang kaisipan o pilosopiyang Asyano at iugnay mo ito sa
lipunan at kulturang Asyano sa kasalukuyan.

Gawain 7: Kaya ko to!


Panuto: Balangkasin o planuhin mo ang reflection paper na iyong isusulat tungkol sa pagsasabuhay ng mga
Asyano sa mga Pilosopiya, relihiyon, at kaisipan ng mga sinaunang kabihasnang Asyano. Pumili
ka ng paksa sa ibaba.
1. Pagsasabuhay ng mga Asyano sa kanilang relihiyon
2. Pagsasabuhay ng mga Asyano sa mga kaisipan at paniniwalang Asyano tulad ng; (pumili ng
isa sa mga sumusunod)
a. Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin ng iba sa iyo (kaugnay ng golden
rule ni Confucius)
b. Ang lahat ng iyong ginagawa ay babalik sa iyo (kaugnay ng kaisipang Karma ng
mga Hindu)
c. Mataas na paggalang at pagkilala sa pinuno ng pamahalaan (kaugnay ng Divine
origin, Mandate of Heaven at Kaisipang Devarajah)
d. Sistemang caste
Gabay na Panuto:
1. Gamitin mo sa gawaing ito ang balangkas o outline na nasa ibaba. Kopyahin mo ang format at ibigay ang
hinihinging impormasyon.
2. Pumili ka ng paksa.
3. Kaugnay ng mapipili mong paksa, pwede kang magsaliksik ng mga karanasan ng mga Asyano o ng mga
Pilipino tungkol dito upang madagdagan pa ang kaalaman na mailalahad mo sa iyong reflection paper.
4. Isulat mo ang balangkas na gagawin mo sa isang intermediate paper.
5. HINDI MO NA KAILANGANG IPASA ANG BALANGKAS NA GAGAWIN MO. MAGSISILBI NA
ITONG GABAY MO SA PAGSULAT NG REFLECTION PAPER.
6. Kapag natapos mong balangkasin ang iyong gagawing refrlection paper ay makikita mo na agad ang
kabuuan ng iyong isusulat na reflection paper.

Balangkas ng Reflection Paper


Paksang Napili: ____________________________________________________________________________
Unang Talata:
Tungkol saan ang napili mong paksa?
________________________________________________________________________________
Ano ang kaugnayan ng paksang napili sa pamumuhay ng mga Asyano?
________________________________________________________________________________
Ikalawang Talata:
Paano isinasabuhay ng mga Asyano ang paksang napili?
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
Ano ang epekto sa pamumuhay at pagkakakilanlang Asyano ng pagsasabuhay sa paksang napili?
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
Ikatlong Talata:
Bakit mahalagang isabuhay ang napiling paksa?
________________________________________________________________________________
Bakit masasabing bahagi ng pagkakakilanlang Asyano ang napiling paksa?
________________________________________________________________________________
13
ARALING PANLIPUNAN// PAGKAKAKILANLANG ASYANO// S.Y.2021-2022
IKAPITONG LINGGO

Sa bahaging ito ay magagawa mo nang mailapat sa totoong buhay ang lahat ng kaalaman
at pag-unawa na nakuha mo sa tulong ng mga aralin at gawain. Inaasahang lalo mo
ngayong mapahahalagahan ang relihiyon, paniniwala, at mga kaisipang nagmula pa sa
mga sinaunang kabihasnang Asyano na isinasabuhay pa rin nating mga Pilipino bilang
isang Asyano. Patuloy mong paunlarin ang iyong kaalaman at kasanayan sa mga araling
ito tungo sa mas malaking gampanin mo.

GAWAIN 7: REFLECTION PAPER

PERFORMANCE TASK: PAGSULAT NG ISANG REFLECTION PAPER NA NAGLALAHAD NG


RESULTA NG PAGSUSURI SA MGA KAISIPAN AT PANINIWALANG ASYANO

Sa usaping pandaigdig, naranasan ng mga Asyano na maliitin at balewalain ng ibang mga malalaking
bansa. Ngunit iyon ay bahagi na lamang ng kasaysayan. Sa makabagong panahon ngayon ay kinikilala na rin ng
mga makapangyarihang bansa ang lakas at makulay na pamumuhay at kultura ng Asya. Upang patuloy na
maipagmalaki at maipakilala ang pagiging Asyano sa mga susunod pang henerasyon, ang National Commission
on Culture and Arts ng mga bansa sa Asya ay nagbukas ng isang Virtual Asian Cultural Center kung saan pwedeng
makita ang kasaysayan, kultura, tradisyon, sining, pilosopiya, at mga paniniwala ng Asya. Bilang isang bansang
Asyano, ang Pangulo ng National Commission on Cultural and Arts ng Pilipinas ay naatasan na magpadala sa
nasabing virtual center ng mga babasahin tulad ng critique paper, research paper, mga akdang pampanitikan, at
koleksyon ng mga reflection paper. Ang mga babasahin na ipadadala ay kailangang pumapaksa sa makulay na
pamumuhay at kulturang Asyano. Kaya naman, ang National Commission on Culture and Arts ay nanawagan
sa mga manunuri, mananaliksik, at mga iskolar ng bayan na magsagawa ng isang pagsusuri sa paghubog
at pag-unlad ng mga kabihasnang Asyano hanggang sa kasalukuyan upang maipakilala sa buong mundo
ang makulay na pagkakakilanlan ng pagiging Asyano.
Ikaw ay isang manunuri at napili mong sumulat ng isang reflection paper na magpapakita kung paano
isinasabuhay ng mga Asyano ang mga kaisipan at paniniwalang nagmula sa mga sinaunang kabihasnan
sa Asya. Ang iyong ipadadalang reflection paper ay dapat na may maayos na nilalaman, organisado,
sariling likha o may originality, at may dating o impact sa mga mambabasa.

Gabay na Panuto:
1. Isulat mo sa paraang patalata ang iyong nabuong balangkas sa Scaffold for Transfer 2.
2. Basahin at i-revise mo ang iyong isinulat kung kinakailangan.
3. Kung sa tingin mo ay maayos na ang iyong gawa, isulat mo na ito nang maayos sa isang malinis na papel
(long bond paper o intermediate paper, pwedeng sulat-kamay, pwedeng printed)

Binabati kita! dahil natapos mo ang modyul na ito. Napatunayan mo ngayon na ang mga
relihiyon, paniniwala, at kaisipan na nagsimula noong mga sinaunang kabihasnang Asyano
ay siya pa ring isinasabuhay ng mga Asyano sa kasalukuyan. Malaki ang impluwensya ng
mga kaisipang ito hindi lang sa pamumuhay kundi lalo’t mga tiwaling opisyal ng
pamahalaan natin ngayon ay hindi nagbibigay-halaga at pagsasabuhay sa mga
magagandang kaisipan at paniniwala ng sinaunang mga kabihasnan sa Asya?

14
ARALING PANLIPUNAN// PAGKAKAKILANLANG ASYANO// S.Y.2021-2022
Panimulang Pagtataya
Susi sa Pagwawasto
1. c
2. h
3. i
4. a
5. j
6. d
7. b
8. e
9. g
10. f

GAWAIN 1: KOSEPTULONG
Mga katangian ng kabihasnan.
• Maunlad na kasaysayang teknikal
• Matatag na pmahalaang may maunlad na batas at alituntunin.
• Dalubhasang mangagaawa
• Maunlad na kaisipan
• May Sistema ng pagtatala.
Gawain 2: NAGKAKAIBA-NAGKAKAISA
Panuto: Kumpletohin mo ang mga pahayag upang mabuo ang pag-unawa mo tungkol sa mga sinaunang
kabihasnang Asyano. Pagkatapos ay sagutin din ang mga pamprosesong tanong. Kopyahin at sagutin mo ito sa
iyong intermediate paper.

1. Nalaman kong ang mga Sumerian ay pangkat ng mga sinaunang taong matatagpuan sa; katimugang
bahagi ng Fertile Crescent.
2. Ang pamahalaan ng mga Sumerian ay tinawag na Theocracy na ang ibig sabihin ay isang uri ng
pamahalaang; nasa ilalim ng pamumuno ng puno ng simbahan.
3. Ang lipunang Sumerian ay binubuo ng; isang pamunuang patesi.
4. Ang mga Sumerian ay nananampalataya sa maraming diyos. Ito ay tinatawag na; Petasi
5. Ang ziggurat ang templong tore na animo’y piramide kung saan idinaraos ng mga Sumerian ang;
Pagaalay ng kambing at tupa bilang paraan ng kanilang pagsasakripisyo at pagpapakita ng paggalang
sa kanilang mga Dios.
6. Ang mga Sumerian ay maraming kamangha-manghang kontribusyon sa mundo. Ang mga ito ay ang mga
ito; cuneiform, gulong, cacao, algebra, kalendaryong lunar, dome, luwad, kalkyulator
7. Nalaman ko rin ang tungkol sa sinaunang kabihasnan. Ito ay matatagpuan sa; Fertile Crescent na
nakatalatag sa matabang lupain sa pagitan ng Tigris at Euphratis river.
8. Malaki ang naging kapakinabangan ng Indus River sa pamumuhay ng sinaunang kabihasnang Indian.
Dahil dito, naitatag nila ang kanilang mga lungsod-estado na; Mohenjo-daro at Harappa.
9. Sa kanilang mga lungsod-estado, makikita ang mahusay na kaalaman ng mga sinaunang Indian sa larangan
ng arkitektura. Makikita sa mga lungsod-estado na; Aryan, mesopotamia
10. Samantala, ang sinaunang kabihasnan ng mga Tsino ay nagsimula pa pala noong ;1532 BCE
11. Natuklasan ko na ang mga sinaunang Tsino ay mayroon nang sariling paraan ng pagsulat mula pa noong
panahon ng; Paleolithic
12. Ang paniniwalang panrelihiyon ng mga sinaunang Tsino ay tinatawag na animism na tumutukoy sa
paniniwalang; Ang lahat ng bagay sa kapaligiran ng tao, may buhay man o wala ay may kaluluwa.
13. Ang mga sinaunang mamamayang Tsino ay nahahati noon sa tatlo. Ang mga ito ay ang mga; Maharlika,
mga noble at mgabubukid.
14. Marami ring kamangha-manghang kontribusyon ang sinaunang kabihasnan ng mga Tsino sa iba’t ibang
larangan. Isa na nga rito ay sa larangan ng pagsulat. Ginamit nila ang oracle bone upang: maisulat ang
kanilang mga mensahe o tanong.
15.Ang ilan pang kontribusyon ng sinaunang Tsina sa mundo ay ang; paghabi ng tela, kaolin, ceramics,
paggawa ng mg sandata, alahas at iba pang sandatang Maharlika.

Gawain 3: ILAW-KAALAMAN
1.C 6. B 11.O
2. E 7.I 12.K
3. F 8.D 13. N
4.G 9.J 14. L
5.H 10.A 15. P
15
ARALING PANLIPUNAN// PAGKAKAKILANLANG ASYANO// S.Y.2021-2022
GAWAIN 4: PIRAMIDE NG LIPUNAN (Marami pang maaring sagot)

Bakit sila ang nasa Dahil sila ang


pinakamataas na antas ng nangunguna sa isang
lipunan? pamayanan o lipunan.
Hari
feudal lords.
Ano ang tungkulin ng Sila ang mga nagiging
Mandirigma, antas na ito sa katulong ng mga
Pari, iskolar, lipunan namumuno upang hingian
ng mga payo.
Artisano, manggagawa, Ano ang tungkulin ng Sila naman ang mga local
magsasaka, mangangalakal, antas na ito sa na manggagawa na
basurero. lipunan tumutulong sa pag-ulad ng
ekonomiya.
Bakit
Utusan, Pulubi, alipin Sila ay mga maralitang
mababang
sunudsunuran sa mga
antas sila ng
nakatataas.
lipunan?
Gawain 5: Mind Map ng Paghubog ng Pagkakakilanlang Asyano (Marami pang maaring sagot)

GAWAIN 6: SURIIN ANG PANAHON (Marami pang maaring sagot)

Pag-unawa Ko sa Relihiyong Asyano


Naunawaan ko na kahit pala magkakaiba ang mga relihiyon sa Asya, pare-pareho lamang ang pinahahalagahan
nito, at iyon ay;
Sagot: Mahalaga ito para sa kanila dahil isa ito sa pagpapakita nila ng pagrespeto o paggalang sa kung anong
paniniwala ang kanilang nakagisnan.

Magkakaiba man ng paraan ng pananampalataya ang mga Asyano, ang mahalaga ay;
Sagot: Sila ay naniniwalang may Diyos at dapat siyang katakutan.

Dapat lang na mapahalagahan ang mga relihiyon na nagsimula pa noong mga sinaunang kabihasnan dahil
Sagot: Ito ay tungkulin natin bilang isang indibidwal na matakot sa lumikha at pahalagahan ang ating
mga paniniwala.

Bilang isang kabataang Asyano, pahahalagahan ko ang aking relihiyon sa pamamagitan ng;
Sagot: Pagiging mabuting tao sa lahat ng pagkakataon, hindi rin ako mapapagod na gumawa ng mabuti sa
lahat at mananatili rin akong simpleng tao gaano man kataaps o kalayo ang antas na aking narating sa buhay.

16
ARALING PANLIPUNAN// PAGKAKAKILANLANG ASYANO// S.Y.2021-2022

You might also like