You are on page 1of 3

Pangalan: Katrina Paula A.

Amaro
Seksyon: BSED-FILIPINO 2A

1.Ano ang pagkakaiba ng Gramatika at Retorika?


Ang gramatika ay mayroong tungkulin sa pag-aaral at pagpili ng kawastuhang mga
salita at sa kaibahan ng tama sa maling pangungusap upang maging wasto at malinaw ang
pagpapahayag. Samantalang ang retorika ay ay tumutukoy sa pagpapaganda ng mga pahayag
upang maging masining at kaakit-akit ang pagsasalita at pagsusulat para mas lalong maunawaan
at makahikayat ng mga mambabasa at tagapagpakinig.
 2. Magbigay ng tatlo hanggang limang halimbawa ng mga kasanayang tinatalakay sa
Gramatika at Retorika
Wastong gamit ng mga salita
1. MAY at MAYROON
Ginagamit ang may kung ito’y sinusundan ng mga sumusunod na bahagi ng pananalita:
Pangngalan
Pandiwa
Pang-uri
Panghalip na Paari
Pantukoy na Mga
Pang-ukol na Sa
May prutas siyang dala.
May kumakatok sa labas.
May matalino siyang anak.

Ginagamit ang mayroon kung ito’y:


            Sinusundan ng isang kataga o ingklitik
            Hal. Mayroon ba siyang pasalubong?
                   Mayroon nga bang bagong Pajero sila?
            Sinusundan ng panghalip palagyo
            Hal. Mayroon siyang kotse.
                   Mayroon kaming palaisdaan sa Bulacan.
                   Mayroon tayong pagsusulit sa Filipino bukas.
            Nangangahulugang “mayaman”
            Hal. Ang pamilya ni Carol ay mayroon sa kanilang lalawigan.
                    Siya lamang mayroon sa aming magkakapatid.

2. KUNG at KONG
            Ginagamit ang kung bilang pangatnig na panubali. Katumbas nito ang if sa Ingles;
ang kong ay panghalip panao sa kaukulang paari.
            Hal. Matutulog na ako kung papatayin mo na ang ilaw.
                   Nabasâ ang binili kong aklat.

3. PINTO at PINTUAN
            Ang pinto (door) ay ang bahagi ng daanan na isinasara at ibinubukas. Samantala,
ang pintuan (doorway) ay ang bahaging kinalalagyan ng pinto.
            Hal. May kumakatok. Buksan mo nga ang pinto.
                   Natanggal ang pinto sa pintuan.

4. NANG at NG
            Ginagamit ang ng bilang:
a.       Katumbas ng of ng Ingles
Hal. Si Mang Manding ang puno ng aming samahan.
      Makulay na ipinagdiriwang ng mga Pilipino ang Araw ng Kalayaan.
b.      Pang-ukol ng layon ng pandiwa
Hal. Umiinom siya ng gatas bago matulog.
                        Naglalaro ng chess ang magkapatid.
c.       Pang-ukol na tagaganap ng pandiwa sa tinig balintiyak
Hal. Hinuli ng pulis ang mga nanloob sa kanilang bahay.
      Ginawa ng mga estudyante ang kanilang proyekto.
            Ginagamit ang nang bilang:
a.       Katumbas ng when sa Ingles
Hal. Kumakain kami ng hapunan nang dumating si Tiyo Berting.
      Tapos na ang palabas nang pumasok ng tanghalan si Ben.
b.      Katumbas ng so that o in order to sa Ingles
Hal. Mag-aral kayo nang mabuti nang kayo’y makapasa.
      Magsumikap ka nang ang buhay mo’y guminhawa.
c.       Pinagsamang pang-abay na na at pang-angkop na ng
Hal. Kumain (na+ng) nang lugaw ang batang maysakit.
      Tinanggap (na+ng) nang nahihiyang bata ang kanyang regalo.
d.      Kapag napagigitnaan ng dalawang magkatulad na pandiwa
Hal. Siya ay tawa nang tawa.
      Kumain nang kumain ang nagugutom na bata.

5. DAW/DIN at RAW/RIN
            Ginagamit ang daw/din kapag ang salitang sinusundan ay nagtatapos sa katinig;
at raw/rin kapag nagtatapos sa patinig.
            Hal. May sayawan daw sa plasa.
                   Sasama raw siya sa atin.

3.Ipaliwanang ang mga kahalagahang naidudulot ng pag-aaral ng retorika sa lahat ng


larangan.
Ang retorika ay isang mahalagang kaalaman sa pagpapahayag na tumutukoy sa
kaakit-akit at magandang pagsasalita at pagsulat. At ito rin ay madalas na ginagamit sa
pakikipagtalastasan sa kahit kanino. Palagi tayong nagpapahayag ng ating nararamdaman
at iniisip, pasalita man o pasulat. Nagiging mabisa ito kung nauunawaan at malinaw ang
pagpapahayag ng mga salita. Kung kaya’t malaking tulong ito sa atin dahil ang taong may
kahusayan sa retorika ay kadalasang nagkakaroon ng isang magandang impresyon sa
kanyang mga tagapakinig. Isa na rito ang kahalagahan bilang pampanitikan napapalitaw
ng manunulat ang kagandahan ng isang akda na makatutulong sa isang karanasan ng
isang mambabasa.
 4. Ibigay ang iba't ibang batas na sinusunod sa pagsasaayos ng mga maretorikang
pahayag.
Kanon o Batas ng Retorika
Imbensyon: Ito ay tumutukoy sa malinaw na proseso ng paghahanap ng mga argumento na
magagamit para sa isang talumpati na maaring sa paraang induktibo o deduktibo.
Ang Induktibo ay ang pagbuo ng pankalahatang kongklusyon mula sa partikular na linya ng
pangangatwiran. Ang Deduktibo ay tumutukoy sa pangangatwiran o mga impormal na
anekdota.
Pagsasaayos: Ito ay ang proseso ng pag-oorganisa sa talumpati gayundin sa pagsasaayos o
pagbabalangkas sa mga sumusunod:
Introduksyon o Panimula.
II. Narasyon o paglalahad ng mahahalagang punto tungkol sa isang isyu.
III.Paghahain ng mga patunay sa kasong tinatalakay.
IV. Ang pagpapabulaan o tunggalian ng mga katuwiran.
V. Konklusyon na tumutukoy sa nabuong hinuha matapos mailahad ang isang
talumpati.
Istilo: Ito ay ang proseso ng masining na pagsasatitik ng mga nadiskubre o naihanay
na kaisipan o ebidensya. Nauukol ito sa masining na pagpili ng mga salita, pagbuo ng
istruktura ng mga pangungusap, paggamit ng tayutay na nakadaragdag sa kabisaan at
kagandahan ng pagpapahayag.
Memorya:Ito ay tumutukoy sa bahagi ng isinasaulo ang isang talumpati o mga
mahahalagang punto ng isang talumpati upang maging maayos ang pagbigkas nito sa
harap ng publiko.
Deliberasyon:Tumutukoy sa aktuwal na deliberasyon o pagbigkas kung saan
kinokontrol ang modyulasyon ng tinig gayundin ang paglalapat ng mga angkop na
kumpas sa isang talumpati upang higit itong maging mabisa.

You might also like