You are on page 1of 14

Isang mapagpalang araw sa inyo mga minamahal kong ika labing isang baitang.

nagagalak ako na makasama kayo sa ating pag aaral, ako ang inyong magiging guro , (Ginoong Jc)

Bago tayo mag umpisa tayo ay manalangin muna…..

Voice over (show praying hands)

Ama naming sa langit kami po ay lubos na nagpapasalamat sa lahat ng inyong pagpapala sa amin.

Patuloy nyo po kaming gabayan at ingatan sa aming pag aaral sa araw na ito.

Sa pangalan ni Hesus. Amen.

Bago tayo tumungo sa ating talakayan,matanong ko lng..

Kamusta kayo?

Handa na ba kayong matuto kasama ako?

At kung handa na kayo. Magpapatuloy tayo sa araling ating pagtutuunan sa araw na ito.

Upang mapuno ng kaalaman ang inyong kaisipan

Ngayon ating bigyang pansin ang paksang Barayti ng wikang Filipino

Matapos ang araling ito, kayo ay inaasahang maisasagawa ang mga sumusunod:

(one at a time)

-Natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong pangwika

-Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa mga napakinggang sitwasyong pangkomunikasyon sa


radyo, talumpati, at mga panayam

-Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa sariling kaalaman, pananaw, at mga karanasan

At bilang panimula ng ating pagtalakay.

WHAT IF CONVO LAHAT THE PEOPLE HERE IN ‘PINAS?

MAGNANAKAW: (insert picture of magnanakaw)


“Holdap, make bigay all your thingies! Don’t make galaw or I will make tusok you!”(with voice over and
word)

PULIS: (insert picture of pulis)

“Make suko, we made you napapaligiran!” (with voice over and word)

REYALISTA: (insert picture of nag-rarally)

“Let’s make baka, don’t be takot! Don’t be sossy, join the rally!” (with voice over and word)

NEWS CASTER: (insert picture of news caster)

“Oh my gosh, I have hot balita to everyone!” (with voice over and word)

PARI: (insert picture of PARI)

“You’re so bad, see ka ni God!” (with voice over and word)

KARPINTERO: (insert picture of carpenter)

“Can I hammer the pokpok?” (with voice over and word)

COSTUMER: (insert picture of a person buying water)

“Pa- buy ng water, yung naka shachet!” (with voice over and word)

PASAHERO 1: (insert picture of passenger in a jeep)

“Sir, payment!” (with voice over and word)

PASAHERO 2: (insert picture of passenger in a jeep)

“Manong, faster please! I’m nagmama-hurry!” (with voice over and word)

TSISMOSA 1: (insert picture of someone gossiping)

“I was like this, he was like all that, and I was like what’s your problem?” (with voice over and word)

TSISMOSA 2: (insert picture of someone gossiping)

“OMG that is like sooo bad!” (with voice over and word)

MAGTATAHO: (insert picture of magtataho)

“Taho! Make bili na while it;s init. I’ll make it with extra sago!” (with voice over and word)

BUMILI NG TAHO: (insert picture of buying taho)

“It is sarap? Pwede pa- have?” (with voice over and word)
PULUBI: (insert picture of beggar)

“Knock- knock, pa- beg!” (with voice over and word)

JANITOR: (insert picture of janitor)

“Ekkk! Kill the ipis, please don’t step on it ha, I don’t like to feel sound!” (with voice over and word)

(Barayti ng wika filipino?)

Ano nga ba ang mga ito?

Pag sinabi nating (barayti),ibig sabihin (iba’t iba klase,pagkakaiba,o pagbabago ng isang bagay). Ang
pagkakaroon ng barayti ng wika ay ipinapaliwanag ng teoryang (sosyolinggwistik) na pinagbatayan ng
ideya ng pagiging (heterogeneous ng wika.)

(Ano ang heterogeneous?)

Ito ay ang iba’t ibang salik na nagreresulta sa pagkakaroon ng iba’t ibang(barayti ng wika)

Maaaring ito ay

(one by one)

 Edad
 Hanapbuhay
 Trabaho
 Antas ng pinag-aralan
 Kasarian
 Kalagayang panlipunan
 Rehiyon o lugar
(Ano nga ba ang mga barayti ng wika?)

Isaisahin natin.

Una sa listahan ang (Dayalek) ito ay Ginagamit ng mga (partikular na pangkat ng mga tao
mula sa isang partikular na lugar,rehiyon, o bayan. Tinatawag din itong wikain.)

Ano ang ibig sabihin nito..?

(Insert this)
Bulacan

Rizal Laguna

Tagalog
Maynila Batangas

Cavite Mindoro

Makikita natin sa ating screen ang isang halimbawa ng wikain, ito ang TAGALOG, mula sa
wikang tagalog ay nagsanga sanga ito ng iba’t ibang dayalekto. (fade the picture)

Narito ang Halimbawa:

(insert picture)

May apat na klase ng dayalekto ang ginamit dito, taga-batangas, taga-bataan, taga-maynila,
at taga- rizal. Pansinin ang paraan nila ng pagsasalita

Sa batangas “ aba, ang ganda eh”

Sa bataan “ ka ganda ah”

Sa maynila “ aba ang ganda!

Sa rizal “ ka ganda hane”

Sila ay kapwa gumagamit ng wikang tagalog na maituturing na dayalekto ay ang paraan nila
ng pagbigkas ng tagalog o ang paggamit nila ng wikang tagalog .magkakapareho ang wikang
ginamit pero magkakaiba ang pormat at paraan ng pagsasalita at iyon ang tinatawag na
dayalekto. (fade the picture)

Tumungo naman tayo sa pangalawa ito ay ang (sosyolek), anong sosyolek?

Ito ay (nakabatay sa katayuan o antas panlipunan o dimensyong sosyal ng mga taong


gumagamit ng wika.) Ito ay naaayon sa paniniwala, edad at kasarian ng isang tao, ibig
sabihin lang nagkakaroon pagkakaiba iba sa pagsasalita ng isang tao depende sa kanyang
(paniniwala), depende sa kanyang (edad) at depende sa kanyang (kasarian.)

Narito ang mga uri ng sosyolek.

(Taglish)

(Insert this picture)

May ilang saliitang Ingles na inihahalo sa Filipino


kaya’t masasabing may code switching na nangyayari.

(remove picture)

Ano ang code switching? Ang code switching ay ang paghahalo ng ibang wika sa isang
tuwirang pagsasalita o pahayag.

Hal.

“Bilisan mo ate late na tayo” imbis na “bilisan mo ate mahuhuli na tayo”

Nagkaroon ng code switching ang salitang mahuhuli sa ingles na salitang late.

Conotic o Conyospeak(insert picture)


Mas malala ang paghahalo ng Tagalog at Ingles sa sosyolek na ito,
(remove picture)

Hal.
Kaibigan 1: Let’s make kain na.

Kaibigan 2: Wait lang. I’m calling Anna pa.

Kaibigan 1: Come on na. Well gonna make pila pa. It’s so haba na naman for sure.

Kaibigan 2: I know right. Sige, go a head na.

Tandaan na magkaiba ang conyo sa taglish maaaring sila ay gumagamit ng dalawang wika na
pinagsasabay sa isang pagpapahayag, pero ang conyo ay may timla ng pagiging sosyal o
masasabing, ang gumagamit daw nito ay nabibilang sa tinatawag nating RK o yung tinatawag
nating rich kid kasi talagang may timpla ng pagiging sosyal ang kanilang pagsasalita
samalntalang sa taglish ay ang pagsasalita ay banayag lamang kompara sa conyo kung saan
may timpla ng pagkasoyal.

Ang sumunod ay jejemon, (insert picture)

ano nmn ang jejemon? alam kong na iba sa inyo ay natatawa na pagkakataong ito dahil
nasabi ko ang salitang jejemon ano na nga ba ang jejemon.(remove picture)

Alam nyo nagging palasak yan lalo na at higit sa pararaan ng pagtetext noon at paraan
pagchachat.
Ang jejemon o jejespeak ay nakabatay din sa mga wikang Ingles at Filipino subalit isinusulat
nang may pinaghalong numero, mga simbolo, at may magkasamang malalaki at maliliit na
titik kaya’t mahirap basahin at intindihin lalo na hindi pamilyar sa tinatawag na “jejetyping.”

Hal.
 Muztah - kamusta
 iMiszqckyuh - I miss you
 aQckuHh iT2h - ako ito
 3ow phow musZtah na phow kaow? - hello po, kamusta

Wika ng mga “Beki” o “gaylingo” (insert picture)

Isang grupong nais mapanatili ang kanilang pagkakakilanlan kaya naman


binabago nila ang tunog o kahulugan ng salita. Lgbtq
(remove picture)

Halimbawa

 Indiana jones - nang-indyan


 Bigalou - malaki (big)
 Givenchy - pahingi (give)
 Julie Andrews - mahuli

Jargon (insert picture)


Mga natatanging bokabularyo ng partikular na pangkat ay
makapagpapakilala sa kanilang trabaho o gawain.
(Remove picture)
Hal.
ABOGADO GURO
- Exhibit - Lesson Plan - Curriculum Guide
- Appeal - SF 1
- Complainant - SF 2

Ang sumunod na barati ay ang Idyolek


Sa barayting ito, lumulutang ang katangian at kakayahang natatangi ng taong nagsasalita.
Madalas na nakikilala o napababantog ang isang tao nang dahil sa kanyang natatanging
paraan ng pagsasalita o idyolek.

Halimbawa

 Junnieboy ng team payaman

(with audio)

 Pabebe girls

(with audio)

 Jessica Soho

(with audio)






 Mike Enriquez
(with audio)

 Kris Aquino

(with audio)

Etnolek (insert picture)

Ang salitang ito ay nagmula sa etniko at dayalek na taglay nito ang mga salitang
nagiging bahagi na ng kanilang pagkakakilanlan ng isang pangkat- etniko.

Ito ang baryasyon ng wika kung saan natutunan sa loob ng bahay

Halimbawa: (one at a time)

 Ang vakkul na tumutukoy sa gamit ng mga Ivatan na pantakip sa ulo sa init man o sa
ulan.
 Ang bulanon na ang ibig sabihin ay fullmoon.
 Ang kalipay na ang ibig sabihin ay tuwa o ligaya
 Ang palangga na ang ibig sabihin ay mahal o minamahal.
 Ang paggamit ng mga Ibaloy ng “SH” sa simula, gitna, at dulo ng salita tulad ng
shuwa(dalawa), sadshak(kaligayahan), peshen(hawak).

Register(insert picture)
 Ito ang barayti ng wika kung saan naiiangkop ng isang nagsasalita ang uri ng wikang
ginamit niya sa sitwasyon at sa kausap.

 ▪ Nagagamit ng nagsasalita ang pormal na tono ng pananalita kung ang kausap niya
ay isang taong may mataas na katungkulan o kapangyarihan, nakakatanda, o hindi
niya masyadong kakilala.

 ▪ Pormal na wika ang ginagamit sa mga pormal na pagdiriwang o pangyayari tulad


ng pagsimba o pagsamba, sa mga seminar o pagpupulong, sa mga talumpati, sa
korte, sa paaralan atbp.

 ▪ Di- pormal na pagsalita naman ang ginagamit kapag ang kausap kaibigan, malalapit
na pamilya, mga kaklase, o mga kasing edad, at matagal ng kakilala.

Pidgin

Umusbong na bagong wika o tinatawag sa Ingles na “nobody’s native language” o


katutubong wikang di pag-aari ninuman.

Nangyari kapag may dalawang taong nakikipag- usap subalit pareho silang may
magkaibang unang wika kaya’t ‘di magkaintindihan dahil hindi nila alam ang wika ng isa’t-
isa.

Halimbawa

• Suki, ikaw bili, pag ikaw bili , ako bigay discopunt

• Isang chines tagalog ang wikang ginamit subalit ang paghahati ng mga
salita ay nasa porma ng pagiging chiness

• Pag ikaw utang, ikaw bait,pag ako singil ikaw sungit,tapos pag ikaw bayad
ikaw galit

Bagamat gumagamit sila ng wikang tagalog wikang Filipino mapapansin parin na iba ang
paggamit o pormat ng kanilang pagsasalita

Creole
Ang wikang nagmula sa isang pidgin at nang tumagal ay naging isang likas na wika

Naging likas itong wika sapagkat patuloy na ginagamit at nagkakaroon ng komunidad na


gumagamit nito bilang kanilang unang wika

Halimbawa

• Chavakano

• Ang chavakano ay hindi masasabing purong kastila dahil sa


impluwensya ng katutubong wika natin sa estruktura nito

At iyan ang mga barayti ng wika,

Isa isahin ulit natin(one at a time)

• Dayalekto

• Sosyolek

• Idyolek

• Etnolek

• Pidgin

• Creole

May mga katanungan ba??

Magaling mga mag aaral , alam kong marami kayong napulot sa paksang ating natalakay,

Ngayong tapos na ang ating aralin,

oras na para sukatin ang inyong kaalaman ukol sa paksang ating tinalakay.

• Ang Barayti ng wika.

Kunin nyo na ang inyong quiz notebook, punan nyo ang mga puwang na kinakailangan

Isulat ang inyong pangalan,seksyon at petsa ngayong araw at wag ding kalimutang ilagay
ang bilang ng aralin o para saan ang maikling pagsusulit na ito.

Handa na ba kayo?

Mayroon lamang akong limang katanungan para sayo.

Tukuyin kung sa anong barayti ng wika nabibilang ang bawat pahayag.


(one at a time)(every question may 10sec timer)

1. Ang lesson plan, dll at budget of work ay para sa mga guro samantalang ang exhibit,
appeal at complainant ay para naman sa mga abogado.
2. “Bheszzz phunt4h K4h b4h d2 s4 b4h4yhh n4mhinn.” text ni Marina.

3. . “Masaya na sana ako kaso bumalik ka pa, umalis kana bumalik ka sa inyo hindi na kita
gustong makita” ani ni Maria. “Ala eh baking ga gay-on? Ako namay humihingi na ng tawad
di ga, ay ka grabe naman ng taong are sa akin pagkalupet mo ga” ang wika ni Jose.

Sagutin ang mga sumusunod na katanungan: (one at a time) (every question may 10sec
timer)

4. Ito ang barayti ng wika kung saan naiaangkop ng isang nagsasalita ang uri ng wikang
ginagamit niya sa sitwasyon at sa kausap.

5. Anong tawag sa mga salik na sinasabing dahilan ng ng pagkakaroon ng barayti ng wika?

Dyan na nagtatapos ang ating munting pagsusulit, nasagutan nyo ba ang lahat ng
katanungan?

Kung may roon kayong mga katanungan paki sulat na lamang ito sa inyong mga module
upang mas maliwanagan kayo sa paksang ating tinalakay ngayong araw

Isang aralin na nmn ang matagumpay nating natapos . Umaasa ako na sana’y marami
kayong napulot na aralin sa ating tinalakay

At upang mas lalo ninyong maintindihan ang ationg aralin ay basahin ninyo ang mga
binigay na module o Gawain.

Hanggang sa muli ako si Ginoong Jc, at lagging tandaan

Mag-aral nang mabuti upang pangarap ay makamtan!

PAALAM

You might also like