You are on page 1of 13

MODYUL

KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON
SA FILIPINO
KOMFIL

TAONG PANURUANG 2020-2021

Mga Awtor:

Gng. Norma Dangue


G. Ben Derequito
Bb. Mickaaela Patricia Ebreo
G. Mark Lester Magsino
Gng. Bella Gregoria Ople
G. Jherome Sarona
Bb. Ma. Ester Hadassa Silvestre
GABAY SA PAGGAMIT NG MODYUL

A. Para sa mga Guro


Sa sitwasyong pinagdaraanan natin ngayon na walang harapang pagtuturo at
pagkatuto, idinisenyo ang modyul na ito para sa Kontekstwalisadong Komunikasyon sa
Filipino.
Ito ang siyang magiging gabay sa paraan ng pagtuturo at upang matulungan ang
mga mag-aaral na maibsan ang hirap sa pag-aaral sa panahon ngayon. Inaasahan ang
inyong puspusang paggabay sa estudyante na makamtan ang ganap na pagkatuto.
Ang mga katanungan o paghingi nila ng pagbibigay-linaw sa anumang bahagi ng
modyul na ito ay dapat nating tugunan bilang ating responsibilidad upang matamo ang mga
itinakdang layunin.
Gayundin, pagsumikapan na matalakay ang lahat ng nilalaman ng modyul sa loob
ng panahong nakatakda. Malaya ang bawat guro sa kanyang estratehiyang gagamitin upang
ang mga ito ay ituro batay sa kakahayan at pangangailangan ng kanyang mag-aaral.
Maging bukas sana ang isip natin sa iba’t ibang sitwasyong kinalalagyan ng ating mag-
aaral at maging malawak ang pang-unawa sa kung anumang posibleng kakulangan sa mga
mag-aaral sa pagsasagawa ng mga gawain sa modyul na ito.
Ang pamamahagi ng sipi ng modyul na ito ay sa tulong ng kanilang google mail
accounts o anumang pinakapraktikal na midyum sa pamamahagi batay sa pangkat na
kanilang kinabibilangan.

B. Para sa mga Mag-aaral


Batid namin ang inyong hirap na pinagdaraanan sa panahong ito kung kaya nais
namin na kahit kayo ay nanatili sa inyong mga tahanan, huwag sana natin hayaan na matigil
ang ating pagkatuto. Mula rito, inihanda ang modyul na ito ng mga guro para sa inyo.
Inangkop ito sa inyong mga pangangailangan at interes sa asignaturang Filipino.
Ang kursong ito ay magkakaroon ng tatlong modyul na binubuo ng mga aralin at iba’t
ibang uri ng mga aktibidad na nakalinya sa mga inaasahan ninyong makakamit.
Kaugnay nito, ang pagbasa at pag-aaral sa mga aralin ay gawing sunod-sunod batay
pagkakaayos nito nang sa gano’n ay tuloy-tuloy at walang gatol ang pagkakaunawa sa mga
nakalimbag sa modyul na ito.
Hinihikayat na basahin nang buong husay ang nilalaman ng modyul upang lubos
ang pag-intindi sa kung ano ang mga dapat at hindi dapat na gawin. Hangad namin na
bigyang panahon at maging seryoso sa pagsagot at pagsasapraktika ng mga gawain.
Tandaan na lahat ng inyong mga gagawin para sa kursong ito ay markado.
Mahalaga rin na malaman ang mga itinakdang oras o panahon nang pagpapasa ng
mga gawain sa inyong guro. Iwasang maging huli sa mga ‘deadline’ upang maiwasan na
magkaroon ng alalahanin sa kursong ito. Hangad namin na inyong paghuhusayan sa
kursong ito at inyong mapagtatagumapayan. Padayon!
PAUNANG SALITA

Ang Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino (KOMFIL) ay isa sa limang


bagong dagdag na kurso sa Filipino sa mas mataas na edukasyon.

Ito ay isang interaktibong modyul na naka-angkla sa itinakda ng Commission


on Higher Education (CHED). Sa ganoong paraan ay wasto ang mga nilalaman, gawain, at
pamamaraan sa pagtuturo at pagkatuto para sa kursong ito. Ang mga aralin sa modyul na
ito ay nahahati sa yunit at sakop nitong nilalaman bawat paksa.

Gayundin, ang mga gawain ay pinag-isipang mabuti upang makamit ang mga
itinakdang layunin sa bawat aralin. Kung kaya inaasahan na pagbubutihan ng mga mag-
aaral ang pagbabasa sa mga nakalimbag sa modyul.

Mula rito, mapalalim nawa ng mga mag-aaral ang pagmamahal sa ating wikang
pambansa, ang simulain, ang patuloy na pakikipaglaban nito sa lipunan at kung bakit
patuloy itong pag-aaralan. Lilinangin din ng modyul na ito ang kakayahan ng mga mag-
aaral sa pananaliksik, paglalahad ng kanilang sariling opinyon at pagmamahal para sa
sariling kultura.

Sa pagtatapos ng modyul sa kursong na ito, inaaasahan ang mga mag-aaral na


mahahasa ang makrong kasanayan nila sa pagsasalita at pagsulat bilang pangunahing
pokus ng kursong ito.

Pagbutihan at ikaw ay magtatagumpay!


MODYUL PARA SA KOMFIL
Credits : 3 yunit na talakayan
Pre-Requisite : ---

Aralin:
Mga Napapanahong Isyung Lokal at Nasyunal

Layunin ng Aralin:
Sa pagtatapos ng modyul, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. maipaliliwanag ang sariling opinyon hinggil sa iba’t ibang isyung lokal at nasyunal; at
2. makapagmumungkahi ng panimulang solusyon sa iba’t ibang suliranin ng bansa.

Mga Lektura at Anotasyon:

 Korapsyon
Sa kontekstong Pilipino, ang korapsyon ay normal na nangyayari sa apat na sulok ng
pamahalaan, sa tatlong sangay ng gobyerno. Hindi na ito bago sa lipunan dahil mula pa noong
panahon ng mga Espanyol ay talamak na ang korapsyon sa hanay ng mga opisyales.

Noong 2018, lumabas sa resulta ng Transparency International na nasa ika-111 ang


Pilipinas mula sa 180 na bansa sa “Corruption Perception Index (CPI)” 2017 na mayroong CPI
na 34, mas mataas kumpara sa naunang taon, ibig sabihin, mas lumala ang korapsyon.

Ayon kay Patricia Moreira, Managing Director ng Transparency International, grabeng


pinsala ang idinudulot ng korapsyon sa isang demokrasya dahil nabubunga ito ng isang ‘vicious
cycle’ kung saan lalong humihina ang mga sangay ng gobyerno at mga institusyong dapat sana ay
nakabantay rito.

Batas Kontra Korapsyon


R.A. No. 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act) at R.A No. 6770

Sakop ng mga batas na ito ang lahat ng mga manggagawa sa pampublikong opisina
maging ang mga kumpanyang hawak ng gobyerno. Ang mga pampublikong opisyal o
manggagawa na inakusahang nagkasala ay uusigin ng Ombudsman, oras na mapatunayan
ng katiwalian ang mga sangkot ay pormal na sasampahan ng kaso at lilitisin sa
Sandiganbayan (Espesyal na korteng inilaan kontra korapsyon)
Mga Uri ng Korapsyon
a. Panunuhol (Bribery)
Ang panunuhol ay korapsyon (R.A. 6485 Anti-Red Tape Act of 2007) ding
maituturing, ginagawa ito upang mapabilis ang transaksyon mula sa normal nitong takbo.
Fixer ang tawag sa mga taong nagpapasuhol kapalit ang serbisyong ito. Isa sa mga polisiya
kapag nahuli ang mga motorista sa mga isinasagawang inspeksyon sa kalsada.
Nepotismo at Kronyismo
Kronyismo ang tawag sa itinatalaga sa posisyon ng Pangulo o sinumang mataas na
posisyon ay kaniyang malapit na kaibigan, at kapag anak naman ay Nepotismo,
kahit sila ay hindi kwalipikado sa posisyon.

b. Pandaraya
Kabilang sa anyo ng korapsyon ang manipulasyon, pandaray, o anumang uri
ng panlilinlang. Isa pinakamalaking eskandalo ng pandaraya ang isyu ng eleksyon sa
pagka-pangulo noong 2004. Nagkaroon umano ng manipulasyon sa bilang ng mga boto,a
ang itinuturing na dahilan umano sa likod ng manipulasyong ito ay sina dating Pangulong
Gloria Macapagal-Arroyo at dating Comelec Chairman Virgillo Garcillano.

c. Plunder
Ang ill-gotten wealth ay bunga ng korapsyon. Lahatng yaman, ari-arian, negosyo
na nakuha mula sa maling paraan ay anyo ng korapsyon o plunder. Isa sa pinakasikat na
kaso nito ang kay datong Pangulong Ferdinand Marcos. Dahil sa laki ng yamang nakuha
niya mula sa kaniyang panunungkulan.

d. Kickback
Ang kickback ay paggamit ng budget o share ng mga inihalal sa pamahalaan at
paggamit nito sa iba’t ibang proyekto na ang totoo’y mga peke o huwad naproyekto
lamang. Pinakakontrobersyal na isyu nito ang “Napoles Pork Barrel Scam” noong 2013 na
sangkot ang Priority Development Assistance Fund (PDAF) ng mga senador, kongresista,
at ng pangulo na pinaniniwalaang bilyones ang perang nakuha ng mga politico mula sa
mga pekeng NGOs ni Janet Napoles na pinaglaanan ng pondo galing PDAF.

Sa pangkalahatan, ang katiwalian ay isang uri ng panlilinlang o gawaing criminal


na isinasagawa ng isang tao o organisasyon na ipinagkatiwala sa isang posisyon ng
awtoridad, kadalasan upang makakuha ng ng ipinagbabawal na benepisyo. Ang katiwalian
ay maaaring magsama ng maraming aktibidad kabilang ang pagsuhol at pagkalusot,
bagaman maaari rin itong kasangkot ang mga gawi na legal sa maraming mga bansa.

Dagdag pa rito, ang mga korapsyon ay mula sa maliliit na pabor sa pagitan ng isang
maliliit na bilang ng mga tao, sa katiwalian na nakaaapekto sa gobyerno sa malaking sukat,
at katiwalian na napkaraming bahagi nito ay bahagi ng pang-araw-araw na istruktura ng
lipunan.

 Konsepto ng “Bayani”
Nagmarka na sa diwa ng Pilipino noon hanggang sa kasalukuyan ang maraming
personalidad na kinilala, ipinagmamalaki at naging prominente sa kasaysayan ng Pilipinas.
Binigyang taguri bilang mga bayani sa huling bahagi ng pambansang awit ay kanilang ligaya ang
mamatay para sa mga bayani.

Wari naming nagmula sa salitang ‘bayan’ ang ‘bayani.’ Ang kahulugan at halaga ng bayani
kung gayon ay mahigpit na nakaugnay sa bayan. Ito ay nagbabago batay sa pangangailangan ng
bayan sa isang tiyak na panahon.

Nangunguna sa promininenteng personalidad ay si Dr. Jose Rizal na kasalukuyang


kinikilala bilang pambansang bayani.

Nasasalamin sa buhay ni Rizal kung bakit siya kinilalang pambansang bayani. Ang
kanyang pagkamatay sa Bagumbayan (kasalukuyan ay Luneta). Nagsilbing ningas ang mga nobela
niya upang mag-apoy ang diwang makabayan ng mga naaaping Pilipino.

Sa kasaysayan ng pakikidigma ng mga Katipunero, si Melchora Aquino na mas kilala sa


tawag na Tandang Sora at binansagang Ina ng Katipunan ay isang babeng nagpamalas ng
kagitingan kasama ang mga kalalakihan. Lubos na napamahal sa bayan sa pamamagitan ng
pagkalinga, pag-aaruga at pagmamalasakit sa mga Katipunero.

Marami pang personalidad ang naglingkod sa bayan na itinuturing na bayani. Bagong


Bayani ang bansag sa mga taong patuloy na nagpapamalas ng katatagan at kabutihang asal upang
mas maitaas ang imahe ng mga Pilipino.

Bunsod rin ng mga bagong pangangailangan ng bayan, ang konsepto ng bayani ay


nagkaroon ng bagong kahulugan --- ito ay ang pagsasakripisyo. Tumutukoy ito sa pagsasakripisyo
para sa mga mahal sa buhay; gagawin ang lahat para sa ikabubuti at kapakanan ng pamilya.
Sinasalamin nito ang pagsasakripisyo na dinaranas at tinitiis ng mga Filipino.

Mula sa National Heroes Committee sa ilalim ng Executive Order No. 75, itinatakda sa
mandato nito ang mga batayang katangiang dapat taglayin ng isang bayani: (1) ang mga may
konsepto ng bansa at pagkatapos ay naghahangad at nakikibaka para sa kalayaan ng bansa; (2) ang
mga nagtatakda at nagbibigay ng kontribusyon sa isang Sistema o buhay para sa kalayaan at
kaayusan ng isang bansa; (3) iniisip ng bayani ang hinaharap, lalo na ang mga susunod na
henerasyon; at (4) nasasangkot hindi lamang sa pagsasalaysay ng isang kaganapan sa kasaysayan,
ngunit sa buong proseso na ginawa partikular na tao na isang bayani.
Sa kabilang banda, itatak sa isip na ang konsepto ng bayani ay nakabatay sa bawat tao.
Maaari itong Makita sa kultura ng mga tao, isa kang bayani kung nakagawa ka ng maganda at
inialay ito para sa ibang tao.

Sa ibang panig ng bansa narito ang bansag sa bayani na ang batayan sa ranggo ay ang dami
ng napapatay na kaaway, ito ang mga sumusunod:
 Maniklad – nakapatay ng isang kaaway at siya ay nakasuot ng pula at dilaw na
putong sa ulo.
 Hanagan – nakapatay ng limang kaaway at siya ay nakasuot ng pulang putong sa
ulo; dumadaaan din siya sa ritwal na pagkain ng atay at puso ng kaaway na napatay
nila. Ito ang ritwal ng Tagbusawan na para kay Tagbusaw ang Diyos ng
Pakikidigma.
 Kinbaon – nakapatay ng pito hanggang dalwampung kaaway. Nakasuot ng
chaleco.
 Luto – nakapatay ng 50 – 100 na kaaway. Isang napakagaling na mandirigma.
 Lunnguam – nakapatay ng kaaway sa teritoryo nito.

Sa diskusyong ito marapat na gisingin ang mga bayani sa iyong sarili. Kailangang
magtulungang magkakasama para sa ikauunlad.

 Kalagayan ng serbisyong pabahay, pangkalusugan, transportasyon, edukasyon atbp.


Ang pabahay ay programa ng ating bansa bilang tulong sa mga mahihirap nating kababayan
na walang matirahan at mga nasalanta ng mga kalamidad.

Ang pamahalaan ay nagbibigay ng prayoridad sa programang pabahay upang matugunan


ang pangangailangan ng mamamayan. Iba’t ibang ahensya ng pabahay ang nagsusulong ng
prouyekto kagaya ng National Home Mortgage Finance Corporation (NHMFC), Home
Development Mutual Fund, National Housing Authority at Home Guarantee Corporation sa
pangunguna ng Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC).

Sa NHMFC, ang Community Mortgage Program (CMP) ay naglalayong tulungan ang mga
kababayang nakatira sa lupa ng isang pribadong indibidwal o kompanya na mabili ang lupang
kinatitirikan ng kanilang bahay.

Ang National Housing Authority katulong ang PAGIBIG, sinimulan ang pabahay sa mga
nasalanta ng bagyo at naapektuhan ng giyera.

Ilan sa mga kinasangkutang isyu ng NHA ay ang katiwalian kung saan isinaad nila na lahat
ng kanilang pabahay sa mga nasalanta ng Bagyong Sendong (2011), Bagyong Pablo (2012),
Bagyong Yolanda (2013), at giyera sa Zamboanga ay 100% na tapos na iniulat sa Failon Ngayon
kung saan ipinakita roon na halos wala pa sa 50% ng pabahay ng NHA ang natatapos kaya naman
ang mga nasalanta ay nakikitira pa rin sa kanilan mga magulang at ang iba naman ay nagtayo ng
sariling pansamantalang tirahan.

Sa larang naman ng kalusugan, mahalaga na panatilihin at paka-ingatan an gating


kalusugan upang tayo ay hindi magkasakit. At kung ikaw ay isang padre de pamilya ay napakalaki
ng mawawala kung ikaw ay magkakasakit sapagkata sa’yo nakaasa ang buo mong pamilya.Ang
Kagawaran ng Kalusugan ang pangunaing ahensya ng gobyerno na nagpapanatili ng maayos na
kalusugan ng bawat mamamayang Pilipino.

Ilan sa mga sa mga pangunahing sakit na binibigyang atensyon ng DOH ay ang COVID-
19, dengue, HIV, at iba pa.

Sa realidad, ang transportasyon sa Pilipinas ay isang malaking suliranin; hindi gaanong


maunlad.

At sa huli, ang edukasyon ay napakahalaga ng papel na ginagampanan sa bawat indibidwal.


Ito ang pundasyon para sa magandang kinabukasan. Nakatutulong ang mga nakukuhang
impormasyon sa pag-aaral upang makapag-isip ng mga makabagong solusyon na makatutulong
upang mapabilis ang pagresolba ng suliranin.

Ipinahayag ni dating Senate President Juan Ponce Enrile na hindi magiging madaling itapat
ang antas ng edukasyon ng Pilipinas sa ibang bansa. Kaugnay nito, isinaad rin niya na kailangang
ayusin ang sistema at polisiya ng edukasyon ng bansa sa mahabang panahon, marapat na
maisulong ang mga ito upang mapaunlad ang estado ng edukasyon.

Marapat na isaisip at isabuhay ang kahalagahan ng edukasyon.

 Bagyo, baha, polusyon, mabilis na urbanisasyon, malawakang pagkawasak ng/sa


kalikasan, climate change atbp.

Ang natural na kalamidad ay hindi maaaring makontrol mula sa pag-iral nito gayundin
hindi kakayanin ng sinuman na ito ay pigilan ng tao sa kasalukuyang naaabot na kaalaman at
teknolohiya ng mundo. Ngunit sa mga pangyayaring ito na unti-unting dumarami ang bilang ng
mga taong nasasawi hindi na angkop na sisihan ang lahat ng ito sa kalikasan, marapat na bigyang-
pansin ang kagagawan ng panlipunang sistemang iniimplementa.
Sa pagpapatuloy ng mga kalamidad na mga ito, maaari na itong mapaghandaan at
malimitahan ang pinsalang naidudulot nito. Sa layon na ito, kinakailangan lamang na umayon ang
lipunang sa pangkalahatang interes ng mga mamamayan nito.

Kaugnay nito, ilan sa mga pangkaraniwang nararanasan ng bansang Pilipinas ay bagyo,


baha, lindol, sunog sa kagubatan at iba pang katulad. Ang mga nabanggit ang mga sakunang
lagging nararanasan at madalas na napapanood sa iba’t ibang midyum ng teknolohiya sa ngayon.
Ang pinakamasama sa mga ganitong tagpo, mahihirap ang karaniwang biktima ng mga sakunang
nabanggit.

Isa sa mga pangunahing dahilan kung bakit nagiging mapaminsala ang mga kalamidad na
ito ay ang unti-unting pagkakalbo ng kagubatan hindi lamang sa Pilipinas.

Ang mabilisang pagkasira ng ating mga kagubatan ay buhat ng nangyayaring


“industrialization” sa kalunsuran kung saan talamak ang negosyo ng kahoy. Nagsisulputan ang
mga tagapagtanggol daw ng kalikasan at reforestation noong nakikita na ang pinsalang naidudulot
ng malawakang pagkasira ng mga kagubatan.

Kaugnay nito, dapat ding mabigyang pansin ang isa sa umuusbong na pangunahing rason
sa pagkasira ng mga kagubatan at ito ang pagmimina ng malalaking kapitalista na walang pakialam
sa mga bagay na ito.

Ang kaunlaran at industriyalisasyon sa ilalim ng kapitalismo ay siyang pagkamatay ng


kalikasan.

Ang urbanisasyon ay ang pisikal na paglaki ng mga pook na urbano dahil sa mga
pagbabago sa isang lugar. Ayon din sa mga bansang nmagkakasia, tumutukoy din ang
urbanisasyon sa daloy ng tao mula sa mga pook na rural tungo sa mga pook urbano.

Buhat nito, maaaring makahanap ng magandang hanapbuhay, mabilis na transportasyon,


magandang uri ng tirahan, paaralan, maraming ospital at marami pang ibang benepisyo.

Sa kabilang banda, dulot din nito ang mataas na bilang ng populasyon, matinding trapiko
sa daan, karahasan, malubhang polusyon, mabilis na transmisyo ng sakit, kakulangan ng pisikal
na gawain buhat ng mga teknolohiya at iba pa.

Ang malaking rason kung bakit nais natin ng urbanisasyon ay dahil bilang isang
mamamayan, gusto nating umunlad, guminhawa o ‘di kaya’y gusto nating maging matiwasay ang
buhay.
 Kahirapan, malnutrisyon, (kawalan ng seguridad sa pagkain)

Kahirapan
Ang kahirapan ay isang kalagayan kung saan hindi nakakamtan ng isang nakararanas nito
ang mga pangunahing pangangailangan sa pang-araw-araw.

Sa isinagawang pagsisiyasat ng Social Weather Stations (SWS) noong 2018, mahigit


kumulang 48% o 11.1 milyon ang bilang ng mga pamilyang Pilipino na nagsasabi at itinuturing
ang kanilang sarili bilang mahirap.

Buhat nito, narito ang ilan sa mga sanhi ng kahirapan:


 Korapsyon – ang pagnanakaw ng pera sa kaban ng bayan ng mga tao sa gobyerno.
 Imperyalismo – ang pananakop ng ibang mga bansa noong mga nakaraang panahon
na nag-wan sa ating nbansa ng mali at masamang impluwensya sa ating kultura.
 Globalisasyon – masasabi rin na imperyalismo kung saan ang mga dayuhan at
mayayamang kapitalista na nagmamay-ari ng iba’t ibang kompanya ang siyang
nagkokontrol sa pamahalaan upang sikliin ang karapatan ng mga manggagawa.

Malnutrisyon
Ang sitwasyon ng malnutrisyon ay patuloy pa rin na gumigimbal sa milyon milyong tao sa
buong mundo partikular na sa mahihirap na bansa kabilang na ang Pilipinas at patuloy itong
lumalala kasabay ng tumataas na kaso ng kahirpan at lumolobong populasyon

Tumutukoy ito sa kakulangan ng nutrisyon bunga ng hindi sapat na pagkain, mababang


pagkatunaw, o labis na pagkawlaa ng sustansya. Nangyayari sa tuwing ang katawan ng tao ay hindi
nakakukuha ng sapat na sustansyang kinakailangan nito upang makaligtas sa mga sakit at mabuhay
nang malusog.

Ayon sa Food and Agriculture Organization (FAO), ang kaso ng malnutrisyon sa Pilipinas
ay konektado sa kakulangan ng sapat na msustansyang pagkain sa buong populasyon. Bukod pa
rito, hindi rind aw sapat ang kaalaman ng lahat hinggil sa kahalagahan ng nutrisyon.

Dagdag pa rito, sa isinagawang pag-aaral ika-siyam ang Pilipinas sa sampung bnasa na


may pinkamaraming bansot o stunted sa edad lima pababa. Gayundin sa ginawang riserts ng Food
and Nutrition Research Institute (FNRI) na stunted o bansot ang tatlo sa 10 bata sa bansa

Uri ng Malnutrisyon
 Protein-Energy Malnutrition (PEM) – kakulangan sa enerhiya dahil sa hindi sapat
ang macronutrients na kanyang natatanggap tulad ng protein, carbohydrates, fats,
at tubig.
 Micronutrient Malnutrition – kakulangan sa magagamit na kinakailangang
sustansya tulad ng bitamina at mineral na kailangan ng katwan sa kaunting dami.

Upang labanan ang kaso ng malnutrisyon sa Pilipinas, nagsasagawa ng ilang programa ang
pamahalaan upang maikalat ang impormasyon sa lahat. Ipinaaabot ang kaalaman sa kahalagahan
ng nutrisyon sa mga kabataan sa mga pampublikong paaralan, kasabay rin nito ay ang feeding
programs para sa lahat.

Binigyang-diin ng Department of Health na pinakamahalagang papel ng mga magulang,


dahil nasa kamay nila ang susi para mamuhay nang masigla ang mga bata.

 Seguridad sa Pagkain
Isandg kondisyon na may kaugnayan sa suplay ng pagkain, at ang pag-access ng mga
indibidwal dito.

Sa huling ulat ng 1996 World Food Summit, ito ay umiiral kapag ang lahat ng tao, sa lahat
ng oras, ay may pisikal at pang-ekonomiyang pag-access sa sapat, ligtas, at masustansyang pagkain
upang matugunan ang kanilang pangangailangan sa pagkain at mga kagustuhan sa pagkain para sa
isang aktibo at malusog na buhay.

Gayundin, dapat na malaman na ang seguridad sa pagkain ay umiiniog sa konseptong


“availability” nito sa lahat ng oras kung saan sapat at natutugunan.

Sa pinakamaliit nay unit ng lipunan, ang seguridad ng pagkain ay nariyan kung ang lahat
ng miyembro nito ay may access o hindi kaya ay natutugunan ang pangangailangan ukol ditto sa
layon na isang aktibo at malusog na pamumuhay.
Sa kabilang banda, ang mga walang kakayahan na matugunan ito o limitado lamang access
sa pagkain o hindi kaya ay walang katiyakan na makakuha ng mga katanggap-tanggap na pagkain.

Sinasabi rin na ang isyung ito ay sukatan ng katatagan sa hinaharap na pangangamba o


pagkagambala dahil sa kritikal na supply ng pagkain buhat ng iba’t ibang mga kadahilanang tulad
ng tagtuyot, pagpapaliban ng pagpapadala, at iba pang katulad.

Mga Gawain:
1. Pagsulat ng Repleksyon.
Sa bawat kategorya ng mga isyung lokal at nasyunal, isulat ang iyong personal na pananaw
sa mga ito.
2. Pag-uulat
3. Onlayn na Recitation
4. Onlayn na maikling pagsusulit
Pang-akademiko:
1. Paglikha ng poster.
Lumikha ng poster na kumakatawan sa panawagan sa tila paglipana ng samu’t-saring
suliraning lokal at nasyunal.
2. Pagsulat ng pormal na liham.
Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataon na sumulat ng isang liham na para sa pangulo ng
Pilipinas, laman nito ang iyong suhestyon kung paano niya marapat na bigyang-pansin ito.

Pagsasabuhay na Gawain:
1. Paglikha ng dokumentaryo. (Pangkatang Gawain)
Pumili ng limang pangunahing isyung lokal o nasyunal mula sa natalakay. Palawigin ang
mga ito sa dokumentaryo at ilahad ang mga pangunahing ‘factors’ sa paglala ng mga
siyung ito at kung ang mga ito ay nakaaapekto sa inyo.

Pagtataya:
1. Pangyunit na Pagsusulit

Sanggunian:
(lipon ng mga elektronikong sanggunian kung saan sinipi ang nilalaman ng yunit na ito)

 https://www.scribd.com/presentation/428967782/KOMPIL-Mga-Napapanahong-Isyung-
Lokal-at-Nasyonal
 https://mimirbook.com/tl/38ff79dcca
 https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/bansa/2019/03/28/1905138/korapsyon-
nagpapahina-sa-gobyerno
 https://prezi.com/p/lxwpddssu9zl/konsepto-ng-mga-bayani
 https://philippineculturaleducation.com.ph/bayani/
 https://pepesamakabagongpanahon.wordpress.com/tag/bayani/
 https://www.philstar.com/opinyon/2002/09/13/175852/programang-pabahay-ng-
pamahalaan
 https://www.academia.edu/19664248/Batas_Republika_Blg_7279_o_Batas_sa_Pagpapau
nlad_at_Pabahay_ng_1992_na_sinusugan
 https://www.scribd.com/document/423173979/Solid
 https://mediko.ph/malnutrisyon-problema-ng-kahirapan-sa-pilipinas
 http://www.scribd.com/presentation/397655640/kahirapan-malnutrisyon-at-seguridad-sa-
pagkain
 https://news.abs-cbn.com/news/06/12/17/doh-malnutrisyon-nananatiling-problema
 https://medium.com/@maryandreipascual/ang-mga-sanhi-ng-kahirapan-sa-pilipinas-
81bc76790219
 https://mimirbook.com/tl/80ccad33d5
Inihanda nina:

G. NORMA DANGUE G. BEN DEREQUITO BB. MICKA PATRICIA EBREO

G. MARK LESTER C. MAGSINO GNG. BELLA GREGORIA OPLE G. JHEROME SARONA

BB. MA. ESTER HADASSA SILVESTRE

Guro, Konstekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino

Iwinasto ni: Sinuri ni: Binigyang-pansin ni:

DR. LOTA Q. BALDEMORA G. CARLO VALLIES DR. JULIETA P. DONATO


Tagapamahala, BEEd&BSEd OIC, Tagapag-ugnay (Filipino) Dekana (DTEd)

Inirekomenda ni: Inaprubahan ni:

PROF. MINERVA ALMARIO PROF. ALVARO T. DIOQUINO JR.


CLAMDEV Focal Person, Direktor, CLAMDEV
(Languages)

You might also like