You are on page 1of 17

Sa araw-araw, nalaman at nakita ko kung ano ba

talaga ang mga mangyayari kapag may lockdown.


At sa bawat araw ng lockdown, may mga salitang
unang beses ko pa lang narinig sa loob ng aming bahay.
Mahalaga palang sinasabi ang mga salitang ito.
May magagandang salita na nabuhay sa loob ng
aming bahay.

Kuwento ni:

GENARO R. GOJO CRUZ

Guhit ni:

JHUCEL A. DEL ROSARIO


Ang librong ito ay pag-aari ni:
___________________________________
___________________________________
_______________________________

At Nabuhay ang Magagandang Salita

Kuwento ni Genaro R. Gojo Cruz


Guhit ni Jhucel Atienza del Rosario
ISBN:
Kuwento ni: Guhit ni:
Karapatang-sipi © 2020 nina Genaro R. Gojo Cruz, Jhucel Atienza
del Rosario at Paolo Ortega GENARO R. GOJO CRUZ JHUCEL A. DEL ROSARIO
Reserbado ang lahat ng karapatan. Walang bahagi ng aklat na ito
ang maaaring gayahin o kopyahin, buo man o bahagi, sa
anumang anyo o paraan, nang walang nakasulat na pahintulot
buhat sa mga may-hawak ng karapatang-sipi.

Ang aklat-pambatang ito ay naisagawa sa pamamagitan ng


proyektong PAOWER BOOKS ni Hon. Francisco Paolo P. Ortega.
Layunin nitong ipamulat sa mga bata ang halaga ng pagbabasa
na maaaring simulan sa loob ng kanilang mga tahanan. Para sa
inyong mga mungkahi, maaari kayong magpadala ng mensahe
sa paoloo942@yahoo.com

Para sa aking pamilya—sa aking mahal na asawa, Mika at


dalawang anak, Pablo Miguel at Francisco Miguel na naging
inspirasyon ko upang maisip ang paggawa ng mga aklat-
pambata. Sa aking mga kasama sa Paower at Team Puso na lagi
kong katuwang sa mga proyektong tulad nito. Maraming salamat
sa inyong lahat!
—Paolo P. Ortega.
Unang beses kong narinig ang salitang lockdown kay Nanay at
kay Tatay.
“May lockdown ngayon Q at Sevy sa buong bayan,” balita ni
Tatay isang hapon nang bigla nila kaming sunduin sa paaralan ni
Nanay.
“Wala muna kayong pasok sa paaralan nang ilang linggo,”
dagdag ni Nanay.
Di ko maintindihan kung ano ang ibig sabihin ng salitang
lockdown. Si Kuya, alam kaya niya ang ibig sabihin ng lockdown?
Ilang linggo kaya kaming walang pasok sa paaralan?
May ilang linggo sa isang buwan? May ilang araw sa isang
linggo?
Matagal-tagal din kaming di papasok ni Kuya sa
paaralan.
Ito lang ang naintindihan ko sa salitang lockdown, titigil
muna kami sa pagpasok ni Kuya sa paaralan.
Ano kaya ang pagkakatulad ng lockdown sa pintong
ikinandado?
At sa araw-araw na nauunawaan ko kung ano ang ibig
sabihin ng lockdown, may mga salitang nabubuhay sa loob
ng aming bahay, na dati ay di ko naman naririnig.

“Q at Sevy, mag-aagahan na tayo, bangon na kayo,”


boses ni Tatay habang nasa kusina.

Bumangon kami ni Kuya. Naghilamos at nagsepilyo muna


kami.
Nakahanda sa mesa ang bagong pritong tinapang isda,
itlog, at amoy-bawang na sinangag. At apat na tasa ng
bagong timplang mainit na tsokolate.
“Masarap na agahan ang iniluto ng inyong Tatay,”
salubong ni Nanay sa amin ni Kuya.
Ito ang umagang di-nagmamadali si Nanay at si Tatay.
Kapag lockdown sarado pala ang opisina ni Nanay at ni Tatay.
“Sarap mabusog!” sabi ni Kuya matapos naming
mag-agahan.
Ngayon ko lang uli narinig ang salitang masarap sa loob ng
aming bahay. Sa araw-araw kasi, sa pagmamadali sa umaga,
di ko na rin nasasabi ang lasa ng aming agahan.
“Ang sarap magluto ni Tatay!” sunod kong sinabi.
“Sarado ang palengke mga anak, kailangang magtipid tayo
sa pagkain, kailangang walang masayang na pagkain,” bilin ni
Nanay habang inililigpit ang aming pinagkainan.
Ito ang umagang may hinahon sa pagsasalita si Nanay.
Kapag lockdown pala, sarado ang palengke.
“Kailangang magtipid kaya dapat walang matitirang kanin
sa plato,” dugtong ni Tatay.
Pareho naming tiningnan ang platong pinagkainan naming
ni Kuya.
Ngayon ko lang uli narinig ang salitang magtipid sa loob ng
aming bahay. Sa araw-araw kasi, sa pagmamadali sa umaga,
madalas ang daming pagkaing natitira sa aming mga plato.
Si Tatay lang ang puwedeng lumabas sa amin para
bumili ng aming mga kailangan sa bahay. May tiyak na
araw at oras kung kailan lang siya puwedeng lumabas.
Isang hapon, “Heto ang listahan ng bibilhin mo,
mag-iingat ka,” sabi ni Nanay habang iniaabot kay Tatay
ang kapiradong papel.
Ito ang hapon na si Tatay ang mamalengke. Kapag
lockdown pala, di puwedeng lumabas ng bahay kung
kailan mo lang gusto.
Ngayon ko lang narinig kay Nanay ang salitang
mag-iingat ka. Sa araw-araw kasi, sa kaabalahan ni Nanay
at ni Tatay, parang nakalilimutan na nilang mag-alala sa
isa’t isa.
Sarado lagi ang aming gate. Bawal kaming lumabas ni
Kuya para makipaglaro sa ibang bata.
Isang umaga, matapos ang agahan, tinuruan kami ni
Nanay ng tamang paghuhugas ng kamay.
“Lagi kayong maghuhugas ng mga kamay. Basta kapag
may nahawakan kayong di kayo siguro kung malinis,
maghugas kayo ng mga kamay,” bilin ni Nanay sa amin ni
Kuya.
“Sabi sa napanood ko kahapon, maliksi at madikit daw
ang Corona Virus,” sabi ko.
“Tama Sevy, mapapatay natin ang malupit na virus na
‘yan sa palagiang paghuhugas ng mga kamay, mahal ko kayo
mga anak kaya di dapat kayong magkasakit,” sabi ni Nanay.
Dahil sa Corono Virus kaya may lockdown. Mamatay ang virus
na ito kung walang taong makakapitan.
Ngayon ko lang narinig kay Nanay ang salitang mahal ko
kayo. Sa araw-araw kasi, sa hapon o gani na lang kami
nagkikita-kita, ang salitang mahal ay hindi namin nasasabi sa
isa’t isa.
Isang hapon, matapos magmeryenda ng palamig at
turon, nagpaturo ako kay Kuya ng pagguhit.
“Kuya, ano ba ang itsura ng Corona Virus? Gusto ko sanang
iguhit e,” sabi ko kay Kuya.
“Hmmmm, parang mahirap ‘yang iniisip mo kasi sa
sobrang kaliitan ng virus, di maaaring makita ng ating mga
mata,” sabi ni Kuya.
“Sa nakita ko balita, bilog ito na may patusok-tusok sa
labas,” sabi ko.
“Sige nga, subukin ko nga kung madodrowing ko,” sabi ni
Kuya. Kinuha niya ang lapis at papel ko.
Nagdrowing si Kuya ng maraming-maraming Corona Virus
halos mapuno niya ang papel.
“Salamat Kuya Q!” sabi ko kay Kuya.
“Walang anuman, pasensiya ka na guhit ko, Sevy,” sabi
ni Kuya.
Dahil sa Corona Virus, maraming tao ang nagkakalagnat,
nagkakaubo, sumasakit ang mga kalamnan at nahihirapang
huminga. Ito ang dahilan kung bakit may lockdown. Dapat di
na madagdagan ang mga taong magkakasakit.
Ngayon ko lang talaga nasabi ang salitang salamat kay
kuya. Ngayon ko lang talaga ito nasabi sa kaniya kahit marami
siyang ginagawang mabuti sa akin. Madalas siya ang
tumutulong sa paggawa ng mga assignment ko. At kung may
magawa akong mali kay Kuya, di ako nakapagsasabi sa kaniya
ng pasensiya na kuya.
Simula noong lockdown, lagi kaming pinupuntahan ni
Nanay o ni Tatay sa aming kuwarto ni Kuya bago matulog.
“Good night mga anak, magluluto ako ng arroz caldo
bukas,” bilin ni Nanay.
“Good night mga anak, gugupitan ko kayo ng buhok
bukas,” bilin ni Tatay.
“Good night Nanay. Good night Tatay,” sabi naman
namin Kuya.
Bilin ni Nanay at ni Tatay na magdasal kami ni Kuya
bago matulog.
Dahil sa lockdown, ngayon lang talaga kami
nagkasama-sama nang matagal, nang buong araw sa
araw-araw, mula umaga hanggang gabi.
Ngayon ko lang talaga narinig kay Nanay at kay Tatay
ang good night mga anak. At ngayon lang din namin ito
nasabi ni Kuya sa kanila.
Bigla kong naalala ang paaralan.
Ilang linggo na kaming walang pasok sa paaralan.
May apat na linggo sa isang buwan. May pitong
araw sa loob isang linggo.
Matagal na kaming di pumapasok ni Kuya sa
paaralan kaya mahaba na rin ang mga buhok
namin.
Kapag may lockdown, sarado pala kahit
barberya.
Simula noong lockdown, kuwentuhan ang
nagpapaantok sa amin ni Kuya. Di tulad noong dati na Di ko kalilimutang sabihin ang salitang “salamat” kay
pagkahiga namin sa kama, tulog na kami agad. Nanay at kay Tatay bukas.
Sabik na akong dumating ang bukas dahil sa arroz caldo “Good night Kuya Q,” sabi ko kay Kuya.
na iluluto ni Nanay. At magiging barbero namin ni Kuya si “Good night, tulog na tayo Sevy,” sabi naman ni Kuya.
Tatay bukas.
Ano kaya ang magiging gupit namin ni Kuya?
Sa araw-araw, nalaman at nakita ko kung ano ba May magagandang salita na nabuhay sa loob
talaga ang mga mangyayari kapag may lockdown ng aming bahay.
para labanan ng virus. Pangako, patuloy kong sasabihin ang mga
At sa bawat araw ng lockdown, may mga salitang ito sa loob ng aming bahay kahit matapos
salitang unang beses ko pa lang narinig sa loob ng na ang lockdown.
aming bahay. Mahalaga palang sinasabi ang mga
salitang ito.
Isulat ang iba pang magagandang salita na GENARO R. GOJO CRUZ
alam o ginagamit mo sa pakikipag-usap sa iyong Si Genaro R. Gojo Cruz ay lumaki sa Pastol,
kapuwa. Muzon, San Jose del Monte City,
Bulacan. Ang kuwentong ito ay naisulat
niya sa panahon ng Enhanced Community
Quarantine sanhi ng COVID-19
pandemic. Sa panahon ng ganitong krisis,
apektado maging ang mga bata. Nais
ibahagi ng kuwentong ito na ang
magagandang salita na naririnig ng bata
sa loob ng bahay ay nagbibigay sa kanila
ng magandang pakiramdam sa sarili at sa
kapuwa. Ito ang kaniyang ika-73
aklat-pambata na naisulat. Nagtuturo siya
ngayon sa De La Salle University. Maaari
siyang sulatan
sa makinangmakinang@gmail.com.

JHUCEL A. DEL ROSARIO


Si Jhucel A. del Rosario ay nagtapos ng
Bachelor of Elementary Education sa
Western Colleges, Naic Cavite.
Kasalukuyan siyang nagtuturo sa Paaralang
Elementarya ng Malainen Bago. Mula
noong bata pa ay mahilig na siyang
magdrowing sa likod ng kanyang notbuk at
madalas napapagalitan dahil pinupuno din
niya ng mga drawing ang pader ng
kanilang bahay. Ngayon naman ay
gumuguhit siya ng mga likhang sining na
may kinalaman sa kasalukuyang
pandemya. Maaari siyang sulatan sa
jhucel.delrosario@deped.gov.ph

Facebook page: www.facebook.com/


MasayahingGuro

You might also like