You are on page 1of 2

Isang pangyayaring nagdudulot ng napakalaking pagbabago sa mundo o bansa

Sa kasalukuyang panahon, ang pag-init ng temperatura ng mundo ang


pangunahing pangyayari na nagdudulot ng malaking pagbabago sa buong daigdig. Ang
kalupaan, karagatan at kapaligiran ay patuloy na umiinit dahil sa polusyon na dulot ng
mga tao. Ang patuloy na pagtaas ng mga greenhouse gases ang pangunahing dahilan
ng patuloy na pag-init ng temperatura ng mundo.

Isa ang greenhouse gases sa dahilan ng pag-init ng daigdig. Ang mga gases na
ito ay ang mga carbon dioxide at methane na karaniwang lumalabas sa mga pabrika at
transportasyon. Isa pa sa nagpapalala ng pagtaas ng temperatura ay ang patuloy na
pagkalbo sa mga kagubatan. Ang lahat ng mga aktibidad na ito ay kagagawan ng mga
tao. Dahil sa patuloy ng paglago ng teknolohiya ay tumataas ang porsyento ng
polusyon sa mundo na nagiging sanhi ng pag-init ng mundo.

Sa pag-init ng mundo, mabilis na natutunaw ang mga yelo sa arctic circle at


kontinente ng Antartika. Sa pagtunaw ng mga yelo ay unti-unting tumataas ang antas
ng tubig sa karagatan na nagdudulot ng paglubog ng mga maliliit na isla. Dahil sa
matinding pag-init sa daigdig ay mabilis na natutuyo at nalalanta ang mga pananim at
mga halaman na nagdudulot ng pahirap sa mga magsasaka na sa mga pananim ang
pangunahin nilang pinagkakakitaan. Kasabay ng pag-init ng mundo ay ang pag-init din
ng karagatan na nagiging sanhi ng pagkamatay ng mga isda at pamumuo ng malalakas
na bagyo na nagiging delubyo sa ating lipunan.

Ang patuloy na pag-init ng daigdig ay isang pagbabago sa mundo na may


negatibong epekto sa lipunan dahil ito ay sumisira ng kapaligiran at nagpapahirap sa
mga tao. Hindi lang tao ang naaapektuhan dito kundi mga hayop at halaman sa mga
kagubatan at karagatan. Dahil sa global warming ay hindi na nagiging normal ang
pagbabago ng klima sa bawat kontinente ng daigdig.

You might also like