You are on page 1of 4

BANGHAY ARALIN SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 2

I. LAYUNIN:
 Nakapagpapakita ng paraan ng pagpapasalamat sa anumang karapatang tinatamasa tulad ng
Pag-aaral ng mabuti.
 Mapahalagahan at maisapuso ang mga karapatan ng isang bata.

II. PAKSANG ARALIN:


 Karapatan Mo, Karapatan Ko
a. mabigyan ng sapat na edukasyon
b. magkaroon ng tahanan at pamilyang mag aaruga
c. magkaroon ng sapat na pagkain malusog at aktibong pangangatawan
Paggalang sa karapatang pantao(RESPECT FOR HUMAN RIGHT
 Sanggunian : K-12 Curriculum Guide sa Edukasyon sa Pagpapakatao
Grade 2 p. 15 EsP2PPP-IIIa-b-6, EsP2PPP-IIIc-7
 kagamitan : Big Book,( Ang Batang Si Popoy”)
Video (Ang Bawat Bata)

III.PAMAMARAAN:

Gawain ng Guro Gawain ng Bata

A. Panimulang gawain
1. Awit: Bawat Bata
(pagpapakita ng Video (Ang Bawat
Bata) (Sasabayan ng mga bata ang Video )

Nagustuhan ba ninyo ang awit? Opo!

Ano-ano ang dapat matanggap at Magkaroon ng pangalan,Karapatan


maranasan ng isang batang katulad
Ninyo?

B. Balik -Aral:
Nasubukan na ba ninyong namasayal Opo!
Kasama ng inyong mga magulang?

Saan? Sa parke!
Ano ang ginawa ninyo sa parke? Naglaro!

C. Pagganyak:
Mayroon akong larawan dito

Ano ang nakikita ninyo?

Siya si Popoy!
Gusto ba ninyong malaman ang kuwento Isang bata!
ng buhay ni Popoy?
Opo!

D. Paglinang

1. Pagkilala sa mga bagong salita gamit


ang mga larawan.
Tinutukso malungkot
Inihatid Nilapitan
Paligsahan Kalahok

2. Pagbasa ng Kuwent0

“Ang Batang Si Popoy”

3. Pagsagot sa mga katanungan

Sino ang bata sa kuwento? Si Popoy!

Bakit lagi siyang tinutukso ng kanyang Hindi siya marunong magbasa.


Mga kamag-aral?

Ano ang dahlian bakit ayaw na niyang Lagi siyang tinutukso ng kanyang mga
Pumasok sa paaralan? Kamag-aral.

Ano ang ginawa ng kanyang guro sa Piangsabihan ni Ginang Santos ang kaniyang
Kanyang mga kamag-aral na nanunukso Mga kamag-aral.
Sa kanya?

Pinabayaan ba siya ng nanay niya na


Huwag pumasok? Hindi po.

Ano ang ginawa ng kanyang nanay?


Inihatid siya sa paaralan.
Ano ang ginawa ni Ginang Santos sa
Mga batang nanunukso ka Popoy? Pinagsabihan na huwag na siyang tuksuin.

Ano ang ginawa ni Popoy upang siya ay


Matutong magbasa? Nagpapaiwan tuwing hapon at tinuruan ni
Ginang Santos.

Nagpasalamat ba si Popoy sa kanyang


guro? Opo Teacher!
Opo!
Ano ang ginawa ng kanyang nanay?
Ipinasyal si Popoy ng kanyang nanay.

Anong karapatan ang natanggap ni


Popoy?
Karapatang makapag-aral, mahalin, maglibang/
Maglaro at kumain ng masustansyang pagkain
Sino ang nagbigay sa kanya upang
Makamit ang mga karapatang ito? Mga Magulang

4. Pagtalakay

Kung kayo si Popoy magsusumikap din


ba kayong matutong magbasa? Para magkaroon ng magandang kinabukasan
Bakit? Para magkaroon ng maraming kaibigan

E. ISAGAWA NATIN
Pangkatang gawain
1. (Pangkatin ang mga bata
ng 3-5 miyembro)

2. Ang bawat pangkat ay mamimili ng


Isang META CARD
 mabigyan ng sapat na
edukasyon
 magkaroon ng tahanan at
pamilyang mag aaruga
 magkaroon ng sapat na
pagkain malusog at aktibong
pangangatawan

3. Isadula ang napiling karapatan sa


Loob ng 2-3 minuto.

F. Paglalahat
Kanino dapat magmula ang inyong mga Sa aming mga magulang po.
Karapatan bilang isang bata?

Ating Tandaan
Dapat tayong magpasalamat para sa mga
karapatan ating tinatamasa . Maipapakita natin
Ang ating pasasalamat kung tayo ay sumusunod sa
kanilang mga payo .

III. PAGTATAYA:
Lagyan ng masayang mukha ang patlang kung nagpapakita ng pasasalamat sa karapatan at
malungkot na mukha kung hindi.
______ 1. Masayang tumutulong si Nanay sa paggawa ng takdang aralin
______ 2. Huwag kausapin si kuya dahil hindi siya tumutulong sa pagguhit.
______ 3. Purihin si Teacher dahil sa kaniyang pagtitiyaga sa pagtuturo.
______ 4. Makipagkaibigan sa kamag-aral na nagbibigay ng proteksyon laban sa mga
mapagsamantang kamag-aral.
______ 5. Salamat kay Nanay sa pagluluto ng masustansyang pagkain.

IV. TAKDANG ARALIN:


Pumili ng isa sa mga karapatan na nabanggit sa kuwentong “Ang Batang Si Popoy” Iguhit ito
Sa isang malinis na papel.

You might also like