You are on page 1of 59

Modyul

PAGSULAT NG
AKADEMIKONG SULATIN
ISAISIP AT ISAPUSO

“ Anumang anyo ng sulatin


ay may taglay na anyo, layunin,
gamit at katangian na dapat
alamin at tandaan”
3K…
BILANG ANYO NG
AKADEMIKONG SULATIN
KAHULUGAN
KALIKASAN

KATANGIAN
MGA GABAY NA TANONG SA
PAG-AARAL
Para saan ang akademikong aralin?
Ano ang kahulugan, kalikasan at
katangian ng akademikong sulatin?
Paano magiging magkakaugnay ang
kahulugan, kalikasan at katangian
bilang batayang konsepto ng anyo
ng akademikong sulatin?
1. KAHULUGAN NG PAGSULAT

 May iba’t ibang dahilan ang


tao s pagsusulat. Para sa iba, ito
ay nagsisilbing libangan
sapagkat sa pamamagitan nito
ay naibabahagi nila ang
kanilang mga ideya at mga
kaisipan sa paraang kawili-wili
o kasiya-siya para sa kanila.
1. KAHULUGAN NG PAGSULAT

 Sa mga mag-aaral na
katulad mo, ang kalimitang
dahilan ng pagsusulat ay ang
matugunan ang
pangangailangan sa pag-
aaral bilang bahagi ng
pagtatamo ng kasanayan.
1. KAHULUGAN NG PAGSULAT

Anuman ang dahilan ng


pagsusulat, ito ay
nagdudulot ng malaking
tulong sa nagsusulat, sa
mga taong nakababasa
nito, at maging sa lipunan
sa pangkalahatan.
1. KAHULUGAN NG PAGSULAT

Ayon kay Mabilin (2012)


ang pagsusulat ay isang
pagpapahayag ng
kaalamang kailanman ay
hindi maglalaho sa isipan
nga mga bumabasa at
babasa
1. KAHULUGAN NG PAGSULAT

sapagkat ito ay maaaring


mag pasalin-salin sa bawat
panahon.
LAYUNIN AT KAHALAGAHAN NG
PAGSULAT

Ayon kay Royo (2001) na


nasulat sa aklat ni Dr.
Eriberto Astorga, Jr. Na
Pagbasa, Pagsulat at
Pananaliksik, malaki ang
naitutulong ng pagsulat sa
paghubog sa damdamin
LAYUNIN AT KAHALAGAHAN NG
PAGSULAT

 at isipan ng tao.
Ayon naman kay Mabilin
(2012) sa kanyang aklat na
Transpormatibong
komunikasyon sa
Akademikong Filipino ang
layunin sa pagsasagawa ng
pagsulat.
MGA GAMIT O PANGANGAILANGAN SA
PAGSULAT

1. wika – ang wika ang


magsisilbing behikulo upang
maisatitik ang mga
kaisipan,kaalaman,damdami
n, karanasan, impormasyon
at iba pang nais ilahad ng
isang taong nais sumulat.
MGA GAMIT O PANGANGAILANGAN SA
PAGSULAT

2. Paksa- Mahalagang


magkaroon ng isang tiyak na
paksa o tema ng isusulat.
3. Layunin- ang magsisilbing
giya sa paghabi ng mga
datos o nilalaman ng
isusulat.
MGA GAMIT O PANGANGAILANGAN SA
PAGSULAT

 4. Pamamaraan ng
Pagsulat- may limang
pangunahing pamamaraan
ng pagsulat:
 impormatibo, ekspresibo,
naratibo, deskriptibo at
argumentatibo.
MGA GAMIT O PANGANGAILANGAN SA
PAGSULAT

5. Kasanayang- pampag-


iisip- dapat taglayin ng
manunulat ang
kakayahang mag-analisa o
magsuri ng mga datos na
mahalaga o akdang
isusulat.
MGA GAMIT O PANGANGAILANGAN SA
PAGSULAT

6. kaalaman sa wastong


pamamaraan ng pagsulat-
sapat na kaalaman sa wika
at retorika partikular sa
wastong paggamit.
MGA GAMIT O PANGANGAILANGAN SA
PAGSULAT

7. kasanayan sa paghabi


ng buong sulatin-
tumutukoy ito sa
kakayahang mailatag ang
mga kaisipan at
impormasyon sa isang
maayos at organisado.
MGA URI NG PAGSULAT


KAHULUGAN, KATANGIAN AT LAYUNIN
NG AKADEMIKONG PAGSULAT

Akademiko ang isang


sulatin kung ito ay
nakabatay sa isang tiyak
na disiplina o larangan na
maaaring
INTERDISIPLINARI O
MULTIDISIPLINARI
KAHULUGAN, KATANGIAN AT LAYUNIN
NG AKADEMIKONG PAGSULAT


1. KAHULUGAN NG AKADEMIKONG SULATIN

Akademiko ang isang


sulatin kung ito ay
nakabatay sa isang tiyak
na disiplina o larangan na
maaaring
INTERDISIPLINARI O
MULTIDISIPLINARI
MODYUL
Ang
Proseso
ng
Pagsulat
ANG PROSESO NG PAGSULAT
 Bakitmaraming mag-aaral ang
natatakot sumulat ng komposisyon?
Sadya nga bang mas mahirap magsulat
kaysa magsalita?
 Malaki ang naitutulong ng pagsulat
sa paglinang ng damdamin at isipan
ng manunulat sapagkat
naipahahayag niya ang kanyang
damdamin at mitihiin tungo sa
maayos na pakikipag-ugnayan sa
kanyang mambabasa.
ANG PROSESO NG PAGSULAT
 Ang pagsulat ay umiinog sa mga
paksa, tema o mga tanong na
bibigyang-kasagutan ng mga-
aaral sa kanyang sulatin depende
sa kanyang kaligiran, interes, at
pananaw.
PROSESO NG PAGSULAT
 AKTIBITI:
 Magbigay ng limang dahilan kung bakit
mahalagang malaman ang proseso ng
pagsulat at kung ano ang maitutulong nito sa
iyong kurso.Pagkatapos, ibigay ang iyong
pansariling konsepto tungkol dito.

 Mahalagang malaman dahil……


 Maitutulong sa Kurso

 Ang aking konsepto sa Proseso ng Pagsulat


PROSESO SA PAGSULAT
1. BAGO SUMULAT ( Prewriting)
Sa bahaging ito, ang mga mag-aaral ay
dumaraan muna sa brainstorming.
Dito ay malaya silang mag-iasip at
magtala ng kanilang mga kaalaman at
karanasan na may kinalaman sa
paksa. Dito rin magpagpapasiyahan
kung ano ang susulatin ng mag-aaral,
ano ang layunin sa pagsulat, at ang
estilong kanyang gagamitin.
PROSESO SA PAGSULAT
2. HABANG SUMUSULAT ( Actual Writing)
Sa bahaging ito, naisusulat ang
unang borador na ihaharap ng bawat
mag-aaral sa isang maliit na grupo
upang magkaroon ng inter-aksyon
kung saan tatalakayin ang mga
mungkahing pagbabago o mga puna.
Karaniwang tuon ng bahaging ito ang
halaga ng paksa, kabuluhan ng pag-
aaral, at lohika sa loob ng sulatin.
PROSESO SA PAGSULAT
3. PAGKATAPOS SUMULAT ( Post-
writing)
Sa bahaging ito, ginagawa ang
pagbabago sa pamamagitan ng
pagdaragdag, pagkakaltas at paglilipat
ng mga salita, pangungusap, o talata.
Bilang pangwakas na hakbang,
pagtutuonan na ang mekaniks ng
sulatin tulad ng baybay, bantas at
gramatika.
MGA BAHAGI NG TEKSTO
1. PANIMULA
Dapat bigyang ng kaukulang pansin
ang panimula ng tekstong isusulat.
Ang bahaging ito ay nararapat na
maging kawili-wili upang sa simula
pa lamang ay mahikayat ang
mambabasa na tapusing basahin ang
teksto.
MGA BAHAGI NG TEKSTO
2. KATAWAN
Sa pagsulat ng bahaging ito,
matatagpuan ang wastong paglalahad
ng mga detalye at kaisipang nais
ipahayag sa akda. Mahalagang
magkaroon ng ugnayan at kaisipan ang
mga kaisipang ipinahahayag upang
hindi malito ang mambabasa dahil ito
ang pinakamalaking bahagi ng teksto.
TATLONG HAKBANG PARA MAISAGAWA ANG
PANGGITNANG NG BAHAGI NG SULATIN

 Pagpili ng organisasyon
 Pagbabalangkas ng nilalaman
 Paghahanda sa transisyon ng Talaan
3. WAKAS
Dapat isaalang-alangng manunulat ang
pagsulat ng bahaging ito upang makapag-
iwan ng isang kakintalan sa isip ng
mambabasa na maaaring magbigay buod
sa paksang tinalakay o mag-iiwan ng
isang makabuluhang pag-iisip at
repleksyon.
LIKHAIN MO NA
PAGSULAT
Pumili ng isang
pinakamasayang pangayayari sa
iyong buhay ngayong taon.
Sumulat ng maikling sanaysay
hinggil dito. Sundin ang tinalakay
na proseso ng pagsulat at mga
bahagi ng isang teksto.
PAGSUSULIT
Sagutin nang buong husay ang mga
tanong:
1. Ito ay isinasagawa sa isang
akademikong institusyon kung
saan kinakailangan ang mataas
na antas ng kasanayan.
2. Ito ay hindi ginagamitan ng mga
impormal na salita o balbal na
pananalita.
PAGSUSULIT
3. Ito ay nagbibigay ng malawak
na kabatiran
4-7. Ano-ano ang mga Batayang
Diskurso
8. Ito ay isang uri ng katangian
ng isang akademikong sulatin
na naglalaman tungkol sa
kapakinabangan ng
mamamayan.
PAGSUSULIT
9. Ito ay isang uri ng katangian ng
isang akademikong sulatin na ito
ang magtutulay sa kaunlaran ng
mga mamamayan.
10. Ito ay isang uri ng katangian ng
isang akademikong sulatin na
walang kinikilingan o kinatatakutan
dahil ang hangarin ay magpahayag
ng katotohanan lamang.
PAGSUSULIT
11. Sa bahaging ito, ang mga –
mag-aaral ay dumaraan muna
sa brainstorming.
12. Bilang pangwakas na kakbang
, dito karaniwang
pinagtutuunan ang mekaniks
ng sulatin tulad ng baybay,
bantas at gramatika.
PAGSUSULIT
13. Ito ay bahagi ng teksto, ang
bahaging ito ay nararapat na
maging kawili-wili upang
mahikayat ang mambabasa na
tapusing basahin ang teksto.
14. Sa bahaging ito matatagpuan
ang wastong paglalahad ng
mga detalye at kaisipang nais
ipahayag sa akda.
PAGSUSULIT
15-17. Ibigay ang tatlong Proseso
sa Pagsulat

18-20. Ibigay ang tatlong Bahagi


ng Teksto
PAGSUSULIT
MGA KASAGUTAN
1. Akademikong sulatin
2. Pormal
3. Bago
4-7. magsalaysay, maglarawan,
maglahad, mangatwiran
8. Makatao
9. Makabayan 10. Demokratiko
PAGSUSULIT
MGA KASAGUTAN
11. Bago Sumulat
12. Pagkatapos Sumulat
13. Panimula
14. Katawan
15-17. Bago Sumulat, Habang Sumusulat
at Pagkatapos Sumulat
18-20. Panimula, katawan at wakas
MODYUL

Pagsulat
ng
Abstrak
PAMBUNGAD NA GAWAIN:
Punan ang mga patlang kaugnay ng sinopsis at
abstrak.
A- ALAM NM- NAIS N- NATUTUHAN
MALAMAN

Ano-ano ang mga nalalaman mo


kaugnay ng sinopsis at abstrak? Ano pa
ang ibig mong malaman kaugnay nito?
Bakit mahalagang malaman ang mga
ito?
PAGSULAT NG ABSTRAK
 Ang abstrak ay mula sa salitang Latin na
abstractus na nangangahulugang drawn away o
extract from (Hopper 2016). Sa modernong panahon
at pag-aaral ginagamit ang abstrak bilang buod ng
mga akademikong sulatin na kadalasang makikita
sa panimula o introduksiyon ng pag-aaral. Ito ay
naglalaman ng kaligiran ng pag-aaral, saklaw,
pamamaraang ginamit, resulta at kongklusyon
(Koopman 1997)
 Mahalagang tandaan na sa pamamagitan ng
abstrak, malalaman na ng mambabasa ang
kabuuang nilalaman ng teksto. Kinakailangan
lamang ang maingat na pag-extract o pagkuha ng
mahahalagang impormasyon sa teksto upang
makabuo ng buod na syang magiging abstrak.
 Ang abstrak ay protektado sa ilalim ng batas
copyright katulad ng iba pang anyo ng pasulat na
talumpati. Ang abstrak ay maaaring magpahayag ng
pangunahing resulta at konklusyon ng siyentipikong
artikulo pero ang kabuuan ng artikulo ay dapat
tingnan para sa mga estudyante ng metodolohiya
kabuuang resulta ng eksperimento, at para sa
pagtatalakay ng interpretasyon at konklusyon. Ang
pagtingin lamang sa abstrak ay hindi sapat para sa
kaalaman.
 Apatna elemento ng akademikong
abstrak:

1. Ang tuon ng pananaliksik (paglalahad ng


suliranin)
2. Ang metodolohiya ng pananaliksik na
ginamit (palarawang pananaliksik, kasong
pag-aaralan, palatanungan, atbp.)
3. Ang resulta o kinalabasan ng pananaliksik
4. Ang pangunahing konklusyon at mga
rekomendasyon
URI NG ABSTRAK:
 Ang abstrak na nagbibigay impormasyon
(informative) ay kilala rin bilang ganap na abstrak
(complete). Ito ay may lagom ng nilalaman kasama
ang mga kaligiran, layunin, metodolohiya, resulta at
konklusyon. Ito ay madalas na may 100 hanggang 200
salita. Ang uring ito ng abstrak ay naglalagom sa
istruktura ng papel sa mga pangunahing paksa at
mahahalagang punto.
 Ang deskriptibong abstrak (descriptive) ay kilala
rin bilang limitadong abstrak o indikatib abstrak.
Nagbibigay ito ng deskripsyon sa saklaw nito pero
hindi nagtutuon sa nilalaman nito. Ang deskribtibong
abstrak ay maihahambing sa talaan ng nilalaman na
nasa anyong patalata.
MGA HAKBANG NA DAPAT SUNDIN SA
PAGSULAT NG ABSTRAK

1. Magtungo sa silid-aklatang panggradwado o dili


kaya’y manaliksik sa internet ng mga papel-
pananaliksik ayon sa kinawiwilihan mong mga
paksa.
2. Basahin nang may lubos na pag-unawa ang buong
papel. Bigyang tuon ang mahahalagang sinasabi ng
layunin, sakop at delimitasyon ng pag-aaral,
pamamaraan, resulta, konklusyon, at
rekomendasyon at iba pang mga bahagi.
MGA HAKBANG NA DAPAT SUNDIN SA
PAGSULAT NG ABSTRAK

3. Siyasatin kung ang lahat ng mga bahaging binaggit


ay nakaugnay sa tema ng paksa (pamagat) ng pag-
aaral. Kung nagkakaisa ang ayos ng mga pahayag at
ideya nito, ibig sabihin, mahusay na naisulat ang
pag-aaral.
4. Siyasatin din kung ang mga nakalagay na pangalan
sa bibliyograpiya ay nagamit sa pagpapatibay ng
mga pahayag.
5. Sa pagsulat ng abstrak ng papel pananaliksik,
mahalagang lagumin lamang ang pinapaksa nito
mula sa naging kahalagahan at naging implikasyon
ng pag-aaral.
MGA HAKBANG NA DAPAT SUNDIN SA
PAGSULAT NG ABSTRAK

6. Kailangan na ang abstrak na isusulat ay


binubuo lamang ng 200 hanggang 500 salita.

7. Isunod sa proseso ng pagsulat ang paggawa


ng abstrak upang mapadali ang gawain.
PAKATANDAAN:
AKADEMIKONG LITERATURA
PROTEKTADO NG BATAS COPYRIGHT

ABSTRAK SINTESIS
•Laging nasa unahan •Pagsasama-sama ng
•Maikling lagom mga ideya na may ibang
•Pinadadaling matukoy pinanggalingan
ang layunin •Hindi paglalagom, rebyu
•Ginagamit sa halip na o paghahambing
kabuuan ng pananaliksik •Resulta ng integrasyon
•May apat na elemento ng narinig o nabasa
•May partikular na haba •Magamit ang matutuhan
na nagbabago ayon sa para masuportahan ang
disiplina at kahingian ng tesis o argumento
palimbagan •Pagsasaayos ng mga
impormasyon kaugnay ng
isang tema o paksa
MODYUL
PAGSULAT
NG
SINTESIS
PAGSULAT NG SINTESIS
 Isang kapaki-pakinabang na gawain ang pagbabasa
at panunuod. Sa pamamagitan kasi ng mga ito,
nadaragdagan ang kaalaman ng tao at lumalawak
ang saklaw ng pagkatuto di lamang sa sariling
kultura, kapaligiran at pamumuhay kundi sa mga
lugar sa ibayong dagat at maging sa labas ng ating
daigdig.
 Ang sintesis (synthesis) ay nagmula sa salitang
Griyego na syntithenai na ang ibig sabihin sa Ingles
ay put together o combine (Harper 2016). Makikita
ang prosesong ito sa mga pagkakataong, halimbawa,
pag-uusap tungkol sa nabasang libro kung kailan
hindi posible ang pagbanggit sa bawat kabanata at
nilalaman ng mga ito upang makuha lamang ang
kahulugan, layunin, at konklusyon ng libro.
PAGSULAT NG SINTESIS

Sa madaling pagpapaliwanag, ang


sintesis ay ang pagsasama-sama ng
mga impormasyon, mahahalagang
punto, at ideya upang mabuod ang
napakahabang libro, mabuo ang
isang bagong kaalaman, at maipasa
ang kaalamang ito sa sandaling
panahon lamang.
MGA HAKBANG NA DAPAT SUNDIN SA
PAGSULAT NG SINTESIS

1. Basahing mabuti ang kabuuang anyo at nilalaman ng


teksto, kung hindi pa lubos na nauunawaan ay ulit-
ulitin itong basahin.
2. Mapadadali ang pag-unawa sa teksto kung isasangkot
ang lahat ng pandama dahil maisasapuso at
mailalagay nang wasto sa isipan ang mahahalagang
diwa ng teksto.
3. Isaalang-alang ang tatlong uri ng pagsusunod-sunod
ng mga detalye
 Sekwensyal- pagsusunod-sunod ng mga pangyayari
sa isang salaysay na ginagamitan ng mga panandang
naghuhudyat ng pagkakasunod-sunod tulad ng una,
pangalawa, pangatlo, susunod at iba pa.
 Kronolohikal- pagsusunod-sunod ng mga
impormasyon at mahahalagang detalye ayon sa
pangyayari.
 Prosidyural- pagsusunod-sunod ng mga hakbang o
proseso ng pagsasagawa

4. Maaari ding isaalang-alang ang mga bahagi ng


teksto: ang una, gitna at wakas.
5. Gamitin din ang proseso sa pagsulat para sa maayos
na anyo ng teksto at sistematikong pagsulat.
GABAY NA TANONG:
Sagutin ang mga sumusunod na katanungan
(Pangkatang Gawain)
1. Ano ang dalawang uri ng abstrak at paano ito
nagkakaiba?
2. Bakit kailangang basahing mabuti ang buong papel
pananaliksik bago isulat ang abstrak?
3. Bakit mahalagang maunawaan ang pagkakaugnay-
ugnay ng mga bahagi ng papel pananaliksik sa paksa
o tema nito? Ano ang nagagawa nito sa pagsulat ng
abstrak?
4. Bakit mahalagang isaalang-alang ang iyong
kawilihan sa paksa kung ikaw ay magsasagawa ng
pagsulat ng isang abstrak ng papel pananaliksik?
5. Bakit mahalagang matutuhan ang pagsulat ng
abstrak?
6. Ano ang buod o sintesis?
7. Bakit kailangang matutuhan ang paraan ng
pagbubuod?
8. Paano nagagamit ang tatlong uri ng
pagsusunod-sunod ng mga detalye sa
pagbubuod?
9. Ano ang naitutulong ng maayos na
pagsusunod-sunod ng mga detalye o pangyayari
sa mabisang pakikipagtalastasan, pasulat man
o pasalita?
10. Paano mo iuulat ang isang pangyayaring
iyong nasaksihan sa payak na paraan? Bakit?
MARAMING
SALAMAT SA
INYONG
PAKIKINIG

You might also like