You are on page 1of 8

Pagkakaiba ng Balagtasan Noon at Ngayon

KABANATA I : Ang Suliranin at Kaligiran nito


A) Ang Panimula o Introduksyon

Malaki ang pinagkaiba ng balagtasan noon at ngayon. Sa paksa


mapapansin sa kanilang kabuuan, na ang paksang ginagamit ay
karaniwang tumatalakay sa pag-ibig o personal na bagay sa buhay.
Subalit ngayon, maituturing natin na "Malaya" tayong pumili ng
paksang ating nais pagtalunan. Pagdating naman sa taludturan ang
dating labindalawang pantig na ating ginagamit sa Balagtasan ay
ginagawang labing-anim na pantig na ngayon. Sa lenggwahe naman ay
purong tagalog noon ang ginagamit, subalit ngayon ay gumagamit na
ng iba't ibang lenggwahe tulad ng ingles at kastila (Bilingwal).

Pero ngayon, ang balagtasan ay sinasamahan na ng kantiyawan o


inisan ng magkabilang-panig upang higit na mapako ang atensyon ng
manonood o nakikinig.

Sa pagkatapos maidaragdag din natin dito na higit na mabilis ang


mga bigkasan ngayon ng mga nagtatalong makata kaysa kahapon.
B) Layunin ng Pag-aaral

Ang pangunahing layunin ng balagtasan ay makapagbahagi ng


kaisipan at makapagbigay-aliw sa mga tagapakinig /
manonood.Malimit na gumagamit ng ilang katawa-tawang salita o
pahayag ang mga mambibigkas ng balagtasan. Magkagayunman ay hindi
nawawala ang kasiningan at kahusayan nila sa pagbigkas kasabay ng
talas ng kanilang diwa at maagap na pagtugon sa paraang patula.

At layunin rin namin na mapreserba ang balagtasan hanggang sa


susunod na henerasyon at maipapasa ito sa pamamagitan ng
pagtuturo sa mga bata nang mapalawak ang wikang pilipino at
maipagmalaki ang kulturang pilipino, sa katunayan may mga
nagsasaliksik patungkol sa pagkakaiba ng balagtasan noon at
ngayon dahil may sumisikat na liga kung tawagin ay FlipTop at
hindi maiwasang maikumpara sa balagtasan dahil gumagamit rin ito
ng ritmo ngunit ang pagkakaiba nito mula sa balagtasan noon ay
gumagamit ito ng wordplays o paglalaro ng mga salita, metapora at
mga mabibigat na mga salita upang manalo sa duelo at hindi na
maiwasan ang laitan. Sa pamamagitan ng balagtasan lumalabas ang
pagiging malikhain ng mga pilipino.
C)Kahalagahan ng Pag-aaral

Kilala tayong mga pinoy sa pagiging makata kaya pinag-aaralan ang


balagtasan noon at ngayon. Sa pamamagitan ng FlipTop, mas
naipapakita sa mga kabataan ng bagong henerasyon ang mga
kakayahan ng isang pagiging makata maliban dito nagkaroon ng
inspirasyon ang ilan sa ating makabagong henerasyon na
ipinaglalaban ang kanilang mga opinyon. Kung iisipin mo, hindi
naman nagkakaiba ang tula at pag-babattle rap. Ang pag-babattle
rap lang talaga ay isang aggresibo na pag-tutula. At ang mga
kabataan ay nakakarinig ng bagong salita sa filipino.
Nakakatulong ang balagtasan na hikayatin na magkaroon ng
positibong reaksyon ang mga kabataan. Nakakatulong rin ito upang
maiabas ang iyong saloobin,
d) Saklaw at Limitasyon

Pagkakatulad at pagkakaiba ng balagtasan noon at ngayon


(Balagtasan at FlipTop)

Napupulot na aral ng mga kabataan sa pakikinig ng


balagtasan/modernong balagtasan (FlipTop)

Maipahayag, mapanatili at mapayabong ang Kultura at Pantikang


Pilipino

Lumalago at nagkakaroon ng makabagong panlasa sa masa ng pilipino


sa bagong henerasyon

Ang makabagong balagtasan ay nagiging ideyalistiko na akma sa


panlasa ng makabagong henerasyon.
E) Definisyon ng mga Terminolohiya

1. dumatal-dumating
2. masimod-matakaw
3. kumakandili-nagmamalasakit

4. naapuhap-nahanap
5. nagkukumahog- nagmamadali
6. sapantaha-hinala
7. nabuslot-nahulog sa butas
8. batalan-lababo
9. adhika-nais o gusto
10. balintuna-laban o kabaliktaran
KABANATA II: MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT
LITERATURA

You might also like